KUNG PAPAANONG NAKAKAAPEKTO SA LIPUNAN ANG KAWALANG-LAYUNIN NG TAO

Sa pangkasalukuyang panahon natin, ang tao ay lubhang may kakulangan o kawalan mismo ng tunay na layunin sa kanyang buhay (“purpose in life”). Halos lahat ay bulag na tagasunod lamang sa isang pangkaraniwang pamamaraan ng pamumuhay o tinaguriang “standard way of living,” ito’y pamumuhay na naaayon sa kung ano ang nakagisnan kung kaya katanggap-tanggap sa nakararami. Ang matugunan ang pangangailangang pangkatawan gaya ng pagkain, ang magkaroon ng bahay o bubong na masisilungan, ang magkaroon ng pamilya, at ang magkaroon ng hanapbuhay ay mga mithiing higit na pinagtutuunan ng pansin at siyang nararapat makamtan ng tao sa dahilang ang mga ito lamang ang sinasabing pinakamahahalagang bagay sa buhay ng tao, gaya nga ng nakamulatan na. Sa ganitong kaparaanan, idinidikta na sa buhay na ito ang layunin ay natatapos na lang sa pagkakamit ng magandang estado sa buhay at ng pagpapamilya.

Upang higit nating maunawaan kung bakit lubha nang malalim ang epekto ng kawalang-layunin (“purposelessness”) o kawalang-kahulugan (“meaninglessness”) na siyang namamayani na sa ating mga buhay at sa ating lipunan, magiging kapaki-pakinabang na tingnan ang ibang mga lugar ng interes o aspeto bukod sa mga una ng nabanggit. Ang karamihan ng mga tao ay may mababaw o limitado ng pananaw. Kadalasan,  nasasabi nilang may silbi na ang buhay nila o may kahulugan na ito basta patuloy silang nakakapanood ng mga sinusubaybayang serye sa telebisyon o nakakapanood ng mga bagong pelikula sa mga sinehan. Para sa tulad ng mga taong ito, ang mas mahusay na layunin sa buhay, kung mayroon man, ay maaaring ang sumapi na lang sa isang samahang sosyal o “social club.” 


Isa pang grupo naman ng mga tao ay yaong ang isipan at panahon ay abalang-abalang nakatuon sa paghahanapbuhay o negosyo. Ang buong buhay nila ay umiinog na lamang sa pagitan ng opisina at bahay na tila wala ng katapusang pagtatrabaho para mabuhay lamang. Madalas, iyong mga nagsimulang magtrabaho ng mula sa batang edad na 20 pataas ay makikita pa rin nating nasa pareho pa rin hanapbuhay pag-abot nila sa edad 40 mahigit. Ang mga taong ito ay walang hinintay kundi ang pagdating ng Biyernes (kaya nga bantog sa mga empleyado ang kawikaang  “Thank God it’s Friday!”). Ang kanilang mga pangunahing ambisyon ay ang matapos ang buwan ng walang problema sa pananalapi, ang may pambayad sa buwanang upa sa renta ng bahay at ang may malabing pera na maiipon para sa kinabukasan ng mga anak.  Tila bagang ang anumang kaganapang pambansa o pandaigdigan man ay hindi alintana. Lubhang ang pinakikialamanan lang nila ay yaong mga bagay na makakaapekto sa kanilang hanapbuhay. Walang kabuluhan sa kanila ang mga kaganapang pangkalahatan dahil basta nasa ayos ang lagay (“status quo”) ng sarili at ng pamilya, wala silang nakikitang problema dito. At kung anuman ang nagyayari sa labas basta walang masamang epekto sa kanilang kabuhayan ay tanggap lang nila ito. Makakaramdam lang sila ng pagkabagabag kapag may mga isyung patungkol sa kalagayan ng pinagkukuhanan ng kanilang ikabubuhay. Para iparating ang kanilang tinig tungkol sa mga usaping ito,  makikilahok lang sila sa mga programang pangtelebisyong may diskusyon o ang makipag-usapan hanggang abutin ng madaling araw, subali’t natatapos ang lahat ng walang matibay na solusyon o konklusyon. 
Kinabukasan, siya ay magsisimula ulit ng isang panibagong araw gaya ng nakagawian, at tila balewala na lang lahat ang naganap ng nakalipas na araw.

Ang mga kabataan rin ay nagdurusa dahil sa kawalang-layunin at sa kakulangan sa mga mahahalagang bagay na nagbibigay-kahulugan sa buhay. Malaking bilang ng mga tinedyer sa ngayon ay hindi man nakikilala ang mga lider ng kanilang bansa, kasama na ang mga pulitikal na desisyong ginagawa ng mga ito, ang epekto ng mga desisyong ito sa pagtatanggol sa bansa, ang ekonomiya, o mga sistemang pang-edukasyon at panghukuman. Dahil lubusang hindi alintana ang mga pangunahing pangyayari at pagbabago sa mundo, sila ay patuloy na nagugulo lamang sa mga malilit na bagay na pawang walang halaga o saysay. Bagay na nagiging sanhi upang magkaroon ng kakulangan sa kakanyahang umunawa sa kahalagahan ng maraming mga kaganapang umuukit sa kasaysayan ng mundo. Ang kanilang mga pag-uusap ay madalas na limitado sa mga computer games, internet chat, pakikipag-“date”, mga walang kabuluhang pangyayari sa paaralan, pandaraya sa pagsusulit, mga planong gawin para sa katapusan ng linggo, mga usong damit o mga laro gaya ng football. Sa survey na ginawa para sa isang magasin, humiling ito sa mga tinedyer na biglang ranggo (“ranking”) ang mga "pinakadakilang layunin sa buhay na nararapat na ipagpursigi", at dito makikitang nangunguna ang resulta na maging isang sikat na modelo o artista at ang paglalaro ng gitara kagaya ng “guitarist’ sa isang sikat na banda lamang.

Ang kawala ng layunin sa buhay at ang pagkilos na halos walang pakialam sa iba pang mga realidad or kaganapan sa buhay ay isang napakalaking banta sa sangkatauhan. Gayun din, higit pa sa mga nabanggit, may mga klase ng taong may lubhang makasariling hangad o kagustuhan at karamihan sa kanila ay nagtataglay ng pananaw na salat sa tunay na pagpapahalaga (“values”) sadyang mapaminsala sa kalagayan ng sangkatauhan. Sila ang masasabing higit na mga banta. Ang mga lider o tagasulong ng ganitong mapanganib na adbokasiya ay madaling nakakapasok sa mga ordinaryong mamamayan o sa masa kung saan ang karamihan ay walang sapat na kakanyahang makabatid ng tunay na panganib sa likod ng mga bagong ideya, kung kaya madadaling matangay o bukas agad na tumatanggap sa anumang bagong pananaw ng walang independiyenteng pagsusuri sa katotohanan ng mga nito.

Sa isang bersikulo ng Banal na Qur’an, tinukoy ni Allah ang kawalang-layunin ng tao:
“Pabayaan mo, O Muhammad (), ang mga lumabag na walang pananampalataya na kumain at magpakasaya sa kanilang buhay, at hayaan silang maging abala sa maling pag-aakala at malinlang ng kanilang walang kakuntentuhan na pagnanasa, na mapalayo mula sa pagsunod sa Allâh (), dahil walang pag-aalinlangang di-maglalaon ay mababatid nila ang bunga ng kanilang ginawa na pagkatalo rito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay. (Surat al-Hijr: 3)

May tiyak na kaparaanan upang ang sangkatauhan ay makaiwas sa mga ganitong sitwasyon: ito ay ang huwag maging makasarili o maging interesado lamang sa pansariling buhay at klase ng pamumuhay na ang tanging layuning ay ang matugunan lang mga pangangailangang personal. Sa ganito, ang mga taong tinuran ay dapat higit pang hikayating maging mga indibidwal na nahahandang tumugon na makapagsilbi sa iba pang mga tao, at ang paghahanap-solusyon sa mga suliranin hindi lamang para sa pansarilimg kapakanan o para sa kani-kanilang mga bansang pinanggalingan, bagkus maging ang para sa kabuuan ng mundo. Ang relihiyong Islam na pinili ni Allah para sa mga tao at inihayag sa Banal na Qur'an ay maliwanag na nagpapakita ng ganap na layunin ng buhay ng tao:
“Na kung kaya, ituon mo, O Muhammad, ang iyong mukha, ikaw at ang sinumang susunod sa iyo at manatili ka sa ‘Deen’ na siyang ipinag-utos na batas ng Allâh () sa iyo, na ito ay ang Islâm. Na ito ang ‘Fitrah’ o likas na pagkakalikha ng Allâh () sa sangkatauhan, na kung kaya, ang pananatili ninyo at paghawak ninyo rito ay siyang tunay na pananatili sa likas na nilikha ng Allâh () na paniniwala na bukod-tanging pagsamba lamang sa Kanya.” (Surat ar-Rum: 30)

“At hindi ko nilikha ang ‘Jinn’ at ang tao, at sa pagkapadala ng lahat ng mga Sugo kundi sa napakataas na uri ng layunin, na ito ay sambahin lamang Ako nang bukod-tangi at wala nang iba pa."(Surat adh-Dhariyat: 56)

Ang bawa’t tao ay makaranas ng kamatayan sa takdang panahon. At ang kamatayan ito mismo ay ang siyang magsisilbing hudyat ng simula ng kanyang tunay na buhay.... “ang buhay walang hanggan.” Ang tunay na layunin ng buhay na ito ay ang magsumikap ang tao na mamuhay ng naaayon sa ginusto ng Allah at ng sa gayun ay maging karapat-dapat na makatanggap ng Pangako ng Paraiso. Ang mga naging pag-uugali, mga panuntunan sa buhay at mga paniniwala ng bawa’t tao ang siyang makapagsasabi kung saan niya gugugulin ang kanyang buhay na walang hanggan, sa Apoy ba ng Impiyerno o sa Hardin ng Paraiso? Sa kadahilanang ito, ang mga taong walang habas na nag-aaksaya ng kanilang oras sa mga walang silbi o walang katuturang gawain, yaong mga nagbubuhos ng lahat ng kanilang panahon sa mga naturang bugtot na gawain at yaong sadyang kumikilos na akala mo’y walang dahilan o “purpose” ang buhay sa mundo, ay nararapat na mabigyan kaagad ng babala at gisingin mula sa kanilang pagwawalang-bahala sa kahalagahan ng buhay na ito.
 
Batid na natin na ang tunay na layunin ng buhay ay ang mapalapit kay Allah, ang makatanggap ng Kanyang Pabor at ang magtamasa ng biyaya ng Hardin sa Paraiso, hindi angkop na manatili tayong walang interes, walang pakiramdam o walang pakialaman sa anumang kaganapan sa ating paligid. Alam dapat natin na ang bawa’t pangyayari ay isa talagang magandang pagkakataon o oportunida upang makuha ang kaganapan ng pagtanggap sa atin ni Allah, kung kaya’t ang bawa’t kilos natin ay marapat namang umayon sa layuning ito. Kung ganito ang ating kalagayan, agarang tayong nadarama ng pagtutol ng konsiyensiya kapag nasasaksihan natin ang kawalan ng katarungan o ang mga pang-aapi’t pagmamalabis na nagaganap sa ating paligid na tinitirhan at lalo’t higit ng sa mundo. Isang halimbawa, dama natin ang responsibilidad para sa bawa’t batang palaboy o walang tirahan, mga mamumuhay sa kahirapan, at walang magawa kundi ang magtiis sa nasadlakang kalagayan sa lansangan lalo na sa panahon ng taglamig. At bilang pagtalima sa mga utos ng Allah tulad ng nasasaad sa bersikulo sa banal na Qur’an:

“Na kung kaya, huwag mong pakikitunghan nang masama ang ulila, at huwag mong ipagtabuyan ang sinumang nagmamalimos, bagkus ay pakanin mo, at ibigay mo ang kanilang pangangailangan, at ang ipahayag mo ang anumang ipinagkaloob sa iyo na Biyaya (pagka-Propeta at iba pang mga Biyaya), ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha.” (Surat ad-Duha: 9-11), kami ay magiging mabuti sa kanila. Pagsusumikapan naming makahanap ng lunas para sa hindi magandang kalalagayan nila sa kasalukuyan. At sa gitna nito, nalalaman naming anumang pagsusumikap ng tao ay hindi lubos na magtatagumpay ng walang kapahintulutan ni Allah at ng hindi naaayon sa banal na Qur’an. Sa ganitong kadahilanan, higit kaming magsusumikap na maiparating at maibahagi sa lahat ng tao sa daigdig ang mga Salita ni Allah na nasusulat sa Banal na Qur’an at kabilang na ang mga panuntunang nasasaad sa mga Sunnah.

2010-03-10 22:37:33
About this site | Make your homepage | Add to favorites | RSS Feed
All materials can be copied, printed and distributed by referring to this site.
(c) All publication rights of the personal photos of Mr. Adnan Oktar that are present in our website and in all other Harun Yahya works belong to Global Publication Ltd. Co. They cannot be used or published without prior consent even if used partially.
© 1994 Harun Yahya. www.harunyahya.com - info@harunyahya.com
page_top