ANG MGA KALUNGKUTAN SA GITNA NG ISANG LIPUNANG WALANG PANINIWALA

Enlarge video
 
Maliwanag na nasasaad sa Banal na Qur’an ang pagdedeklara ni Allah na tunay na nilikha Niya ang sangkatauhan para sa isang napakamahalagang kadahilanan: “Na kung kaya, ituon mo, O Muhammad, ang iyong mukha, ikaw at ang sinumang susunod sa iyo at manatili ka sa ‘Deen’ na siyang ipinag-utos na batas ng Allâh (I) sa iyo, na ito ay ang Islâm. Na ito ang ‘Fitrah’ o likas na pagkakalikha ng Allâh (I) sa sangkatauhan, na kung kaya, ang pananatili ninyo at paghawak ninyo rito ay siyang tunay na pananatili sa likas na nilikha ng Allâh (I) na paniniwala na bukod-tanging pagsamba lamang sa Kanya. Walang pagbabago sa nilikha ng Allâh (I) at sa Kanyang ‘Deen’ (Relihiyon), na ito ay Matuwid na Landas na magdadala sa sinuman tungo sa pagmamahal ng Allâh (I) na ‘Rabb’ na Tagapaglikha ng lahat ng mga nilalang at sa Kanyang ‘Al-Jannah’ (Hardin), subali’t ang karamihan sa mga tao ay hindi nila batid na ang ipinag-utos na ito sa iyo, O Muhammad, ang siyang ‘Deen’ ng Katotohanan na wala nang iba pa bukod dito. “ (Surat al-Rum, 30). Ang disposisyon o katatayuan ng sangkatauhan ay nakasalalay sa kanyang pagiging isang tunay na lingkod ni Allah at sa pagkakaroon niya ng pananampalataya sa Kanya. Na sa dahilang hindi makakaya ng tao na matugunan sa sariling pamamaraan lamang ang kanyang walang limitasyong pangangailangan at mga kagustuhan, nararapat lamang na manikluhod siyang lumapit at humingi ng tulong kay Allah.

Kung ang isang indibidwal ay mamumuhay ng ayon sa ganitong disposisyon, makakamit niya ang tunay na kumpyansa o kapanatagan ng kalooban, kapayapaan, kaligayahan at kaligtasan. Kung pagtaliwas naman dito ang kanyang tatahakin, ang landas na palayo sa kagustuhan ni Allah, mamumuhay siyang puno ng pangamba, takot, pagkabalisa at kapighatian o kalungkutan.
 
Kung katotohanan ang mga pangungusap na ito para sa buhay ng isang tao, katotohanan din ito para sa ating lipunan. Kung ang isang lipunan na binubuo ng mga tao ay naniniwala kay Allah, ito ay magiging isang lipunang makatarungan, mapayapa, masaya at matalino. At walang duda na ang kabaligtaran ng nabanggit na mga pangungusap ay isang malungkot na katotohan din. Kung ang isang lipunan ay hindi nakakakilala kay Allah, ang komunidad na ito ay sadyang marupok, walang katarungan at mababa ang uri ng pamantayan.

Kung ating pakasusuriin ang mga lipunang tumalikod sa landas ni Allah, ang mga mapapait na katotohanang ito ay siya nating makikita agad-agad. Isa sa mga pinakamasamang resulta ng pagtanggi sa katotohanang bunga ng relihiyon ay ang pagtatatuwa o pagbabasura sa konsepto ng moralidad at ang pag-usbong ng mga lipunang puno ng kasamaan at maling panuntunan. Ang patuloy na paglabag sa mga hangganan itinaktakda ng relihiyon at ng moralidad, at ang pagkilos na ang bukod na layunin lamang ay ang makamit ang mga makasariling kagustuhan at makamundong pagnanasa, ito na ang pagkakaroon ng isang kultura na kung saan makikita ang sukdulang paniniil sa tao na sa akala mismo ng tao ay nagsisilbi para sa kanya bagkus ay malayo sa katotohanan. Sa ganitong sistema, ang lahat ng mga masasama at pinakamabababang gawa (“degeneracies”) mula sa seksuwal na kabuktutan hanggang sa “drug addiction” ay hinihikayat pa. Sa kalaunan, ang mga lipunan na walang tunay na pagpapahalaga sa kahulugan ng pagmamahal, mga makasarili, walang matlinong pag-unawa, may mabababaw na pananaw at mga walang saysay na panuntunan ay patuloy nang lumalago, namamayani at tinutularan sa pag-aakalang ito ang tama at tinatanggap ng marami.

Sa isang lipunan na kung saan ang mga tao ay namumuhay para lamang sa pagtupad ng kanilang hinahangad o pansarililing kasiyahan, isa lamang ang tiyak na maidudulot - hindi maaaring mamayani at mapanatili sa ganitong lipunan ang kapayapaan, pagmamahalan at pagkakasunduan. Sa ganitong lipunan, ang tibay o tatag ng relasyon ng tao ay nakasalalay lamang sa mga interes ng bawa’t isa (“mutual interests”). Ang laging namamayani sa tao ay ang isang matinding damdamin ng kawalan ng tiwala kaninuman. Kapag walang dahilan para sa isa na magpakita ng sinseridad o taos-pusong  damdamin, ng pagiging tapat, ng pagiging maaasahan o ng pagiging mabuti at matuwid sa pagkilos, walang kumakatawan upang pumigil sa pagyabong ng mga paraan ng pagpapanggap, ng kasinungalingan, o pagtatatuwa’t pagtalikod sa kapwa.

Ang mga kasapi ng mga lipunang ito ay lubusang “tinalikuran ninyo ang ipinag-utos ng inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha at itinaboy ninyo sa inyong mga likuran, ayaw ninyong sumunod sa Kanya at ayaw ninyong iwasan ang Kanyang ipinagbawal.(Surah Hud, 92) at sa gayon ay hindi na rin nila kinikilala na dapat may takot kay Allah. At dahil sa hindi nila kayang "gumawa ng sapat na pagtatantya sa kapangyarihan ni Allah," walang silbi o dahilan para sa kanila upang bigyan-halaga ang Araw ng Paghuhukom o ang magiging pagtutuos sa bawa’t nagawa ng tao. Para sa kanila, ang Impiyerno ay isa lamang ideya na makikita at mababasa lamang sa mga librong pangrelihiyon.  Wala ni isa sa kanila ang nakakaisip o nakakaunawa na pagdating ng sarili nilang kamatayan, sila ay haharap kay Allah, at sila ay lilitisin ng ayon sa kanilang mga nagawa ng nabubuhay pa sila sa mundo, o maging sa nakatakdang kaparusahan sa kanila sa Kabilang Buhay, ang walang hanggang Apoy ng Impiyerno.

Sabihin natin naisip na rin nila ito, ang konklusyon nila ay makakapasok pa rin sila sa Paraiso matapos nilang “magbayad ng kasalanan,” subali’t mali ang pang-unawa nila sa nasasaad sa isang taludtod ng Banal na Qur’an:

 “At ang pagtanggi nilang ito sa katotohanan, ay dahil sa maling paniniwala ng ‘Ahlul Kitâb,’ na sila raw ay hindi parurusahan ng Allâh (I) kundi sa mabibilang na mga araw lamang; at ang paniniwala nilang ito ang nagtulak sa kanila sa kanilang pagiging matapang sa paglabag sa Allâh (I) at panlalait sa Kanyang ‘Deen,’ at pananatili nila sa kanilang ‘deen’ o relihiyon  na mali, na sa pamamagitan nito ay dinaya nila ang kanilang mga sarili.”(Surat Al-e-Imran, 24)
 
Kaya’t sila ay humantong na lamang sa paggugol ng kanilang buhay sa paggawa ng makakaya upang masunod ang pawang makasariling kagustuhan at mga personal na pangangailangan.
 
Ang sitwasyong ito ay sadyang nagdulot lamang ng pagbaba ng antas sa etika (“ethical degeneration”) at tuluyang pagbagsak ng moralidad na siyang namamamalas na natin sa maraming lipunan sa ngayon. Sa kanilang baluktot na pangangatuwiran, "Tayong mga tao ay dumating minsan lamang sa mundo, at tayo ay maaring mabubuhay lamang sa loob ng  50 hanggang 60 na taon,  pagkatapos ay mamatay na lang, kaya marapat lamang na makuha at matamasa na natin ang lahat ng pinakamagagandang bagay dito sa mundong ito."

Ang pagkakaroon ganitong sistema ng pananaw (“thought system”) na halaw sa isang maling pangangatwiran ay maaaring magdulot lamang  ng lahat ng uri ng kawalan ng katarungan, prostitusyon, pagnanakaw, krimen at kalaswaan o kawalang moralidad. Ang sinumang sumunod sa ganitong klase ng pananaw ay maaaring masangkot sa iba’t ibang uri ng krimen, pagpatay, o pandaraya. Kapag ang bawa’t tao ay wala ng inisip kundi ang sarili lamang niyang kapakanan, lahat - kabilang na ang kanyang kapamilya at mga kaibigan - ay pawang pumapangalawa na lamang. Una ang sarili bago ang iba at walang sinuman ang mas higit ang kahalagahan kundi ang sarili niya lamang.
   

Sa isang sosyal na istraktura na nakabatay ang relasyon sa interes o pangangailangan at sa nakapakalaking antas ng mga ito, ang kawalan ng tiwala sa isa't isa ng mga tao ang siyang magiging sagabal sa pagkakaroon ng tunay na kapayapaan ( sa parehong lebel o antas na personal o panlipunan man ), ito ay nagiging sanhi upang ang tao ay mamuhay sa isang permanente at pangmatagalang estado ng pag-aalinlangan (“state of doubt”), may agam-agam at walang katatagan dahil sa urong-sulong na pagdedesisyon.  Sa isang lipunan na may pamumuhay na hindi mo alam kung sino, kailan at kung papaano magaganap ang mga kapalaluan, ang mga tao ay masasadlak sa ispirituwal na kalagayang napupuno ng malaking takot at pangamba. Ang laganap na kawalan ng tiwala sa ibang tao at lantarang pagdududa ay daan lamang patungo sa isang buhay na puno ng kalungkutan.  Sa isang lipunang na kung saan binabalewala ang lahat ng “moral values” o batayang moral, ang kung papaano tinitingnan ng tao ang mahahalagang konsepto ng pamilya, katapatan at kalinisang-puri ay tunay na nakakabahala, ito ay sa dahilang walang saysay sa kanila ang “takot kay Allah.”

Sa mga ganitong uri ng lipunan, ang buhay ng mga tao na hindi nakabase sa pagmamahal sa kapwa o ni maging sa paggalang o respeto. Ang mga miyembro o kasapi nito ay walang nakikitang kadahilanan upang magpakita ng paggalang sa isa’t isa.  At kung wala rin lang namang magandang dahilan upang magpakita ng malasakit sa kapwa, walang dapat na gawin ang isang tao kundi tingnan na lang ang sariling kabutihan at kalagayan lamang. Maaring tama nga sila sa kanilang baluktot na pananaw kaya’t gayon na lang ang kanilang pagkilos sa buhay. Alam naman nating na mula sa kanilang pagkamulat hanggang sa kabuuan ng kanilang buhay, sila ay naturaang ang tao ay galing lamang sa mga hayop o uri ng unggoy at ang kanilang kaluluwa ay mawawala na lang kapag sila’y umabot na sa kamatayan. Kung kaya, walang halaga na bigyan-respeto ang katawang-taong ito na nagmula lang pala sa unggoy, mabubulok sa kamatayan at hindi na muli pang makikita. Ang kanilang bulok na lohika, “Ang lahat ng tao ay mamamatay, ibabaon sa lupa, ang katawan ay mabubulok, at ang kaluluwa ay maglalaho na lang sa kanyang paglisan. Kung kaya bakit pa sila mag-abala na gumawa ng mabuti sa ibang tao, at maging mapagbigay o magsakripisyo? "  Sa katunayan, ang mga saloobin ito ang sukdulang nang bumalot sa kaisipan o “subconscious mind”  ng lahat ng mga taong walang paniniwala sa Diyos, at samakatuwid, maging sa konsepto ng Kabilang-Buhay. At sa isang lipunan na walang paniniwala sa Diyos, walang masasabing tunay na batayan para makamit ang kapayapaan, kaligayahan, o maging kapanatagan ng kalooban.

Ang layunin ng lahat ng aming sinabi ay hindi upang imungkahi na ang “Degeneration o pagkasira ng lagay ng lipunan ay nagaganap sa mga lipunang walang kinikilalang Diyos, kung kaya dapat na magkaroon ng paniniwala sa Diyos ang mga ito. Na ang Diyos ay dapat paniwalaan dahil ang Diyos ay buhay at naririto, at kung sinuman ang hindi tumangkilik sa Diyos ay nakakagawa ng isang malaking kasalanan.” Ang aming tunay na layunin ay ang ipamulat sa tao na ang mga lipunan na kung saan ay walang umiiral na paniniwala sa Diyos ay napapasama o nagiging “corrupt” patunay lamang na ang mga batayang pundamental na sinusunod ng mga  lipunang ito ay may lubhang may pagkakamali. Ang mga maling pananaw na ito ay nagdudulot lamang ng masamang kahihinatnan. Ang isang lipunan na gumawa ng pinakamalaking kasalanan - ang pagtangging sumampalataya sa Diyos - ay tiyak na magdurusa ng napakabigat. Marapat lamang na maipaalam sa lahat dahil sa bigat ng kaparusahang naghihintay sa ganitong uri ng mga lipunan.

Ang karaniwang katangian ng mga ganitong lipunan ay ang kanilang ganap na pagkakabulag mula sa katotohanan. Tulad ng nakasasaad sa taludtod ng Banal na Qur’an,  “At kung sakali man na sinunod mo, O Muhammad, ang karamihan na mga tao sa daigdig, ay tiyak na ililigaw ka nila mula sa ‘Deen’ ng Allâh (I); at wala silang sinusunod kundi haka-haka bilang panggagaya sa kanilang mga ninuno at wala silang ginagawa kundi pag-iisip lamang ng mga haka-haka at pagsisinungaling.” (Surat al-Anaam, 116), na ang karamihan sa mga lipunan ay may isang karaniwang karakter (“common character”) na kung saan nagagawa o nabubuo ang “mass psychology” na nagpapatibay sa nauna ng paniniwala o hindi paniniwala. Inilarawan mismo ni Allah sa Banal na Qur’an bilang mga “ignorante” ang mga ganitong uri ng lipunang tumalikod sa Kanya at mga hindi naniniwala sa Kabilang-Buhay. Kahit na ang mga kasapi ng lipunan na ito ay maaaring nakapag-aral ng pisika, kasaysayan, biology o iba pang katulad na siyensiya, sadyang walang silang kakanyahang maunawaan o konsensiya man upang kilalanin ang kapangyarihan at lakas ng Diyos. Sila ay bangag na sa katinuan.

Dahil sa ang mga kasapi ng isang ignoranteng lipunan ay walang pagsampalataya at pananalig kay Allah, sila ay naliligaw ng landas sa iba't-ibang kaparaanan. Sila ay nagiging bulag din na tagasunod sa mga walang tunay na kakanyahang lingkod daw ng Diyos, kasama na dito ang pagsunod sa maga maling halimbawa ng mga nabanggit na mga lingkod at pagtanggap sa mga ideyang ito bilang mga pawang banal na katotohanan (“absolute truths”). Sa bandang huli, ang mga ignoranteng lipunan ay lalo lamang nasasadlak sa mas higit pang pagkakabulag sa katotohanan hanggang umabot sa tuluyang pagkasira, palayo ng palayo sa tunay na katuwiran at tawag ng budhi o konsensiya. Tulad ng nauna na naming nabanggit, ang nakakaalarmang aspeto ng sistemang ito ay ang mga kasapi ng ganitong uri ng lipunan ay nagpapalaganap ng “anti-religious indoctrination” o pagkilos labag sa doktrina ng relihiyon.  

Sa Banal na Qur’an, inilalarawan ni Allah sa pamamagitan ng isang kagila-gilalas na parabula ang paghahalintulad ng isang buhay na nakasalalay sa isang sira at walang kabuluhang batayan, ay natatakdang mawasak:

“Hindi maaaring magkatulad ang sinumang nagtayo ng kanyang tahanan batay sa pagkatakot sa Allâh (I), pagsunod sa Kanya at paghahangad ng Kanyang pagmamahal, sa sinumang nagtayo ng kanyang tahanan sa dulo ng bangin na maaaring bumagsak anumang sandali, kaya itinayo niya ang Masjid ng kapahamakan at paglabag sa Allâh (I) at para sa pagpapahiwa-hiwalay sa mga Muslim, na kung kaya, ito ang nagdala sa kanya sa pagkabulid sa Impiyernong-Apoy. At ang Allâh (I) ay hindi Niya ginabayan ang mga taong masasama na lumalabag sa Kanyang hangganang itinakda.” (Surat at-Tawba, 109)

May isa pang nakahalagang punto na na dapat bigyang-pansin: ang bawa’t lipunan at ang bawa’t tao ay may pagkakataon na makaiwas mula sa pagtuturo ng doktrina, paraan ng pamumuhay at pilosopiya na pawang patungo lamang sa kamangmangan. Si Allah ay patuloy na nagpadala ng mga Mensahero o Sugo upang magbigay-babala sa kanila, ang ipaalam sa kanila na may Diyos na Buhay, sila’y mga Sugo na nagpabatid sa kanila ng tunay na kahulugan ng buhay. Ipinarating ni Allah sa tao ang mga Banal na Aklat na siyang matuwid na sasagot sa lahat ng kanilang mga katanungan, at hango mula sa kaibuturan ng budhi ng tao mismo. Ito ay ang mga kautusan ni Allah na umiiral na mula pa sa simula ng panahon.

Sa aming mga araw, ang gabay ng lahat ng tao ay ang Banal na Qur'an, na kung saan ay ipinapakita ang tamang at tuwid na daan, ang daang magdadala sa tao mula  sa kadiliman patungo sa liwanag. Ang Sugo ni Allah na siya mismong nagpaabot ng Banal na Aklat ay tumatawag sa sangkatauhan:

Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga tao: “Katiyakan, dumating sa inyo ang Sugo ng Allâh (r) na dala-dala ang Banal na Qur’ân na nagsasaad ng inyong gabay mula sa Allâh (I) na inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na kung kaya, sinuman ang susunod sa gabay ng Allâh (I) ay walang pag-aalinlangan na ang bunga nito ay siya (rin) ang makikinabang; at sinuman ang lilihis sa katotohanan at manatili sa pagkaligaw ay walang pag-aalinlangan na ang kanyang pagkaligaw ay sarili lamang niya ang kanyang pinipinsala; at hindi ako ipinadala upang obligahin kayo na maniwala, kundi ako ay Sugo na ipinararating sa inyo ang mensahe na ipinagkatiwala sa akin.” (Surah Yunus, 108)
 


2010-03-28 14:36:34

About this site | Make your homepage | Add to favorites | RSS Feed
All materials can be copied, printed and distributed by referring to this site.
(c) All publication rights of the personal photos of Mr. Adnan Oktar that are present in our website and in all other Harun Yahya works belong to Global Publication Ltd. Co. They cannot be used or published without prior consent even if used partially.
© 1994 Harun Yahya. www.harunyahya.com - info@harunyahya.com
page_top