ANG PAGBAGSAK NG ATEISMO

Napakaraming mahahalagang kabanata o yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan. At namumuhay tayo ngayon sa isa sa mga yugtong ito. Ang tawag ng marami dito ay ang globalisasyon, at para sa iba naman ito ay simula ng “information age” o panahon ng impormasyon. Totoong masasabi ang mga ito, subali’t may mas mahalagang konsepto higit sa mga ito. Lingid sa kaalaman ng karamihan sa atin, hindi na mabibilang ang mga malalaking pagbabago sa larangan ng siyensiya at pilosopiya sa loob ng nakalipas na 20 hanggang 25 taon. Ang ateismo o paniniwalang walang Diyos na Lumikha, na naging malaking impluwensya sa mundo ng siyensya at pilosopiya mula pa noong ika-19 na siglo, ay nagsisimula nang bumagsak gaya ng inaasahan.

Ang ateismo o pagtangggi sa paniniwalang may Diyos at siyang Lumikha ng buhay at lahat ng bagay ay narito na mula pa noong sinaunang panahon. Subali’t ang paglaganap nitong ideya na nabanggit ay nagsimula noong ika-18 siglo sa Europa dala ng mga pilosopong walang paniniwala sa Diyos, at sa paglaganap nito kasama na ang malaking epekto sa aspetong pampulitika. Ang mga tinaguriang materialista gaya nina Diderot at Baron d’Holbach ay nagmungkahi na ang sanlibutan ay binubuo ng “matter” na dati ng naririto o umiiral at walang iba pang bagay na nabubuo o umiiral kundi sa “matter.” Sa kabuan ng ika-19 na siglo higit pang pumalaot ang paniniwalang ateismo. Ang mga bantog na siyentipiko at pilosopo tulad nina Marx, Engels, Nietsche, Durkheim at Freud ay naging malawakan ang paggamit sa konsepto ng ateismo sa iba’t-ibang larangan sa siyensya man o sa pilosopiya.

Ang pinakamalaking suporta sa konsepto ng ateismo ay nagmula kay Charles Darwin na siya mismong tumanggi sa ideya ng paglikha, at nagsulong ng isang bagong ideya laban dito, ito ay ang teorya ng ebolusyon. Ang Darwinismo ay nagbigay umano ng mga siyentipikong kasagutan sa isang malaking katanungang matagal nang bumabagabag sa mga ateista sa napakaraming siglo na: “Papaano nabuo o nagkaroon ng tao at iba pang mga bagay na may buhay?” Ang teorya ng ateismo ay siyang nakakumbinse sa napakaraming tao na may sadyang isang mekanismo sa kalikasan na siyang nagbigay-buhay sa lahat ng bagay, at siya ring nagbigay ng kakanyahang magbigay-buhay sa milyong-milyong “species” o uri ng hayop at halaman mula sa mga ito.

Sa dulo ng ika-19 na siglo, ang mga ateista ay naglunsad ng isang pananaw na sa wari mo’y kaya nang magpaliwanag sa lahat ng bagay; lubos nilang itinanggi na ang sanlibutan ay nilikha dahil sa paniniwalang wala talagang simula na nagyari bagkus ang lahat ay narito na magpakailanman. Inari nilang ang sansinukod ay walang tunay na layunin, at ang lahat ng kaayusan at balanse na nasasaksihan natin ay resulta ng tsansa (“chance”) o pagkakataon lamang; ang tanggap nilang kasagutan kung bakit narito ang tao at iba pang may-buhay ay ang paliwanag na naggaling sa konsepto ng Darwinismo. Para sa kanila, ang kasaysayan at sosyolohiya ay naipaliwang na nina Marx at Durkheim, at ang sikolohiya ay siya namang naipaliwanag na ni Freud base sa mga kuro-kuro na maka-ateismo.

Subali’t lahat ng ito ay napabulaanan pagdating ng ika-20 siglo dahil na rin sa mga makabagong tuklas at pagbabgo sa larangan ng siyensya, pulitika at lipunan. Dahil na rin sa napakaraming bagong tuklas sa larangan ng astronomiya, aghambuhay, sikolohiya at mga agham panlipunan, maraming teorya o haka-haka ang mga napawalang-bisa.

Sa kanyang aklat na pinamagatang “God: The Evidence, The Reconciliation of Faith and Reason in a Postsecular World” (Ang Diyos: Ang Ebidensiya, Ang Pagkakasundo ng Paniniwala at Katuwiran Matapos ang Panahon ng Sekularismo) sinulat ng Amerikanong iskolar mula sa George Washington University na si Patrick Glynn:

Ang nakalipas na dalawang dekada ng pananaliksik ay ang siyang nagpabulaan sa halos lahat ng mga mahahalagang pagpapalagay o kuro-kuro at prediksyon ukol sa mga usapin sa pagkakaroon ng Diyos na nagmula sa mga naunang henerasyon ng makabagong sekular at ateistang mananaliksik. Ang mga makabagong pag-iisip ay nagpalagay na ang siyensya ang magpapatunay na ang sanlibutan ay random o tsansa lamang at mekanikal; subali’t siyensya mismo ang nakatuklas dito sa hindi inaasahang masalimuot na pagkakaayos na nagtuturo sa isang magarbong pagkakalikha. Ang mga makabagong sikologo ay nakapagsabi na ang relihiyon ay mabubunyag bilang “neurosis” (sakit sa isip) at makaluma; sa halip, ang mga tugon o paliwanag ng relihiyon ay ang siyang napatunayang mahalagang bahagi ng kalusugang pang-isipan…

Maaaring hindi lahat ay nakakaalam, subali’t isa lang ang siyang maliwanag na napatunayan sa ngayon: Sa mahigit isang siglo ng debate o pagtatalo sa pagitan ng siyensya at paniniwala, nabaligtad na ang sitwasyon. Sa naisulong ni Darwin, ng mga ateista at ng mga agnostiko gaya nila Huxley at Rusell, na mga teorya na animo’y nagpatunay na ang pagkakaroon ng buhay ay produkto lamang ng aksidente at ang sanlibutan ay nabuo dahil sa tsansa o pagkakataon lamang. Maraming pa ring mga siyentipiko at grupong intelekwal na patuloy sa ganito paniniwala. Subali’t sila ay laging naiipit sa pagdepensa sa mga nasabing paniniwala. Sa kasalukuyan, lahat nga konkreto at matitibay na ebidensya ay nasa direksyon ng teorya ng pagkakaroon ng Diyos na Lumikha.1

Ang siyensya na siyang tinutukoy na haligi umano ng ateismo at materyalistikong pilosopiya, bagkus ay naging kabaligtaran. Gaya ng inilahad ng isang manunulat, “Ang istriktong pilosopiya ng materialismo na nagwawaksi sa lahat ng layunin, pagpili at ispirituwalidad ng mundo ay hindi kayang magpabulaan sa mga datos na nakalap sa mga laboratoryo at mga obserbatoryo.” 2

Sa artikulong ito, maikli nating susuriin ang mga konklusyong nagmula sa iba’t ibang sangay ng siyensya sa tinatalakay nating usapin o isyu, at ang eksaminin kung ano ang maaaring maging bunga ng panahong “post-atheist” sa sangkatauhan.

Kosmolohiya : Ang Pagbagsak ng Konsepto ng Isang Walang Hangganang Sanlibutan at Ang Pagkakadiskubre sa Paglikha

Ang unang bugso ng ateismo mula sa siyensya sa loob ng ika-20 siglo ay sa larangan ng Kosmolohiya o ang pag-aaral sa Kosmos. Ang ideya na ang sanlibutan ay narito na ng walang hangganan ay pinabulaanan at napatunayang ito ay may simula o pinagmulan; na itong sanlibutan ay pinatunayan mismo ng siyensya na nagmula sa wala o may siyang lumikha.



 Immanuel Kant: Nagmungkahi ng ideyang ang sanlibutan ay walang simula o katapusan man. Siya lubos na nagkamali.
Ang ideya ng sanlibutang walang hangganan ay nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo kasabay nito ang materyalistikong pilosopiya. Ang pilosopiyang ito na nagmula sa Gresya, ay nagsasabing walang naririto maliban sa “matter” lamang at ang sanlibutan ay nanggaling sa walang hangganan at patungo pa rin sa walang hangganan. Sa tinaguriang panahon ng “Middle Ages,” nang ang simbahang Katoliko ay nadomina ng maka-Kanlurang pananaw, ang materyalismo ay nawaksi. Subali’t pagdating ng makabagong panahon, ang mga siyentipiko at pilosopo mula sa mga Kanluraning bansa ay napangibabawan ng kuryosidad ukol sa sinaunang Griyekong paniniwala ng pinagmulan ng lahat ng bagay, at kanilang binuhay ang interes sa materyalismo.

Ang kauna-unang tao sa makabagong panahon na nagmungkahi ng materyalistikong pag-unawa at pagpapaliwanag ukol sa sanlibutan ay ang bantog na Alemang pilosopo na si Immanuel Kant – kahit na ba hindi siya istriktong maituturing na tagasunod ng materyalismong paniniwala kung pagbabatayan ang pilosopiya. Iminungkahi ni Kant na ang sanlibutan ay walang hangganan at ang bawa’t posibilidad ay nangyayari o nagaganap lamang sa loob ng ganitong kalagayang walang hangganan. Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, naging malawak ang pagtanggap sa paniniwalang ang sanlibutan ay siya ngang walang simula o pinagmulan, at walang ni isang kaganapan ng paglikha. Hanggang sa dumating na nga ang nabanggit na ideya sa ika-20 siglo na siyang marubdob na isinulong ng mga materialistiko tulad nila Karl Marx at Friedrich Engels.
 
Ang ideya ay sadyang akma sa ateismo. Ito ay sa dahilang sa pagtanggap na ang sanlibutan ay may simula at pinagmulan, na ito ay mangangahulugang may Diyos na Lumikha nito at, ang tanging paraan upang pabulaan ito ay ang ideya nga na  ang sanlibutan ay walang hangganan, kahit na wala itong maituturing na basehan sa siyensya. Isang masigasig na tagasunod ng mungkahing ito noong unang bahagi ng ika-20 siglo ay si Georges Politzer, kilalang tagasuporta ng materyalismo at Marxismo, napapaloob ito sa kanyang aklat na “Principes Fondamentaux de Philosophie” (Mga Pangunahing Prinsipyo sa Pilosopiya). Sabihin nating totoo nga ang modelong ang sanlibutan ay walang hangganan, iminungkahi ni Politzer ay isang ideyang taliwas sa konsepto ng paglikha:

Ang sanlibutan ay isang bagay na hindi nilikha, kung nilikha man ito, ginawa dapat ito ng Diyos ng isang iglap at nagmula mula sa kawalan. Kung tatanggapin ang konsepto ng paglikha, bago ang lahat, dapat nating tanggaping ang isang sandali ng ang sanlibutan ay wala pa sa wari, at may isang agmula galing sa kawalan. Ito ay isang bagay na hindi kayang tanggapin ng siyensya. 3

Sa pagsuporta ni Politzer sa ideyang ang sanlibutan ay walang hangganan laban sa konsepto ng paglikha, inakala niya nasa panig niya ang siyensya. Subali’t, sa maikling panahon lamang, nasabi rin ni Politzer na “kung gayun nga, dapat nating tanggapin na mayroon ngang Tagapaglikha,” ibig sabihin, na ang sanlibutan ay may pinagmulan ang siyang napatunayan na nga.
 
Ang pruweba ay resulta ng teorya na tinawag na “Big Bang,” ang masasabing pinakamahalagang konsepto sa astronomiya sa ika-20 siglo.

Ang teorya ng Big Bang ay nabuo pagkatapos na napakaraming serye ng mga natuklasan.  Noong 1929, ang Amerikanong astromono na si Edwin Hubble ay nakapansin na ang mga “galaxy” sa kalawakan ay patuloy na gumagalawa papalayo sa isa’t-isa, at ang sanlibutan ay lalo pang lumalawak o lumalaki.  Kaya’t kung sa ibabalik ang agos ng panahon sa isang lumalaking sanlibutan ay babaligtarin o ibabalik, masasabing ang sanlibutan ay nagmula lamang sa isang bagay o punto. Ang mga astronomo na nagsuri sa tibay o kawastuan ng natuklasan ni Hubble, ay naharap sa katotohanang ang sinasabing isang sandali o punto ay isang estadong “metapisika” na kung saan nagkaroon ng walang katapusang “gravitation attraction” na wala namang masa (“mass”). Sa sandali o punto ring ito pagkatapos ng isang malakas at malaking pagsabog nagkaroon ng bagay (“matter”) at oras (“time”). Samakatuwid, ang sanlibutan ay nilikha mula sa wala.
 


John Maddox: Ang kanyang propesiya ukol sa “Big Bang” ay lubos na nabigo.
Sa kabilang banda, ang mga astronomo na determinadong patunayan ang kanilang materyalismong pilosopiya na ang sanlibutan ay walang hangganan, ay patuloy na nanindigan laban sa teorya ng Big Bang at, nanatili sa kanila ng naunang pinaniwalaang konsepto ukol ng sanlibutan. Ang ganitong pagkilos ay mapapatunayan sa salita ni Arthur Eddington, isang bantog na pisisista at tagasunod ng materyalismo, “Sa pananaw na pilosopiko, ang ideya ng isang biglaang simula hanggang maabot ang kasalukuyang balanse sa Kalikasan ay karima-rimarim sa akin.” 4 Maaari mang hindi naging katanggap-tanggap sa mga tagasunod ng materyalismo ang teorya ng Big Bang, ito ay patuloy na pinatutunayan ng mga matibay na nadidiskubre ng siyensya. Sa kanilang obserbasyon ginawa noong dekada sisenta, ang dalawang siyentipikong sina Arno Penzias at Robert Wilson, ay nakadetek sa radyaktibong labi ng pagsabog (“cosmic background radiation). At noong dekada nubenta, ang mga obserbasyong ito ay nabiripika ng COBE (Cosmic Background Explorer) satellite.
 
At sa gitna ng lahat ng ganitong mga katotohanan, ang mga ateista ay lubhang talunan na. Si Anthony Flew, isang ateistang propesor ng pilosopiya sa University of Reading at may-akda ng “Atheistic Humanism”  ay may isang interesanteng pag-amin:

Tunay na ang pagkukumpisal ay nakakabuti sa kaluluwa, kung kaya ako’y magsisimula sa pamamagitan ng isang pag-amin na ang mga ateistang Stratonika ay mapapahiya sa mga kasalukuyang konsenso o napagkasunduan sa larangan ng kosmolohiya. Kung saan ang mga kosmolohiko ay nakapagbigay patunay sa pamamagitan ng siyensya sa mga bagay na ayon kay Santo Tomas ay hindi kayang patunayan ng pilosopiya na ang sanlibutan ay walang simula o pinagmulan. Hangga’t ang sanlibutan na komportable nating maituturing na parehong walang simula at walang katapusan, patuloy pa rin na madaling sabihing sapat ng patunay ang kung anumang pangunahing katangiang nakikita’t namamalas na natin. Sa aking sariling pananaw ay ito pa rin ang katotohanan. Subali’t hindi na ito kasing dali o komportableng gawing konklusyon sa gitna ng teorya ng Big Bang. 5

Isang ehemplo ng pagtauli ng mga ateista sa teorya ng Big Bang ay makikita sa isang artikulo na isinulat ni John Maddox noong taong 1989 sa Nature (Kalikasan), isang dyornal o pahayagan na kung saan siya mismo ang editor.
 
Sa artikulong ito na pinamagatang “Down With the Big Bang” (Ibagsak ang Teorya ng Big Bang), sinabi ni Maddox na ang Big Bang ay hindi ”katanggap-tanggap kung pag-uusapan ang pilosopiya” dahil “ang mga tagasunod sa paniniwala ng paglikha at maging yaong may mga kahintulad na pananaw….ay may sapat na patunay sa doktrina ng Big Bang.”  Ang kanyang prediksyon, ang Big Bang “ay hindi kayang magtagal pa sa mga darating na dekada.” 6 Subali’t taliwas sa kanyang inaasahan, ang Big Bang ay higit pang nakalikha ng matibay na pagtitiwala sa katotohanan nito bukod sa maraming tuklas na nagpatunay lalo sa konsepto ng paglikha ng sanlibutan.
 
Sa mga tagasulong ng materyalismo ay may lohikal na katuwiran o paliwanag sa bagay na ito. Isang halimbawa si H.P. Lipson, isang pisisista at tagasunod ng materyalismo, labag man sa kanyang paniniwala, ay tinanggap ang mga katibayang magpapatunay sa konsepto ng paglikha.

Sa aking palagay….dapat na nating….tanggapin na isa lamang ang eksplanasyon o paliwanag, at ito ay ang konsepto ng paglikha. Alam kong ito ay parang isang sumpa sa mga pisisista, gayundin sa akin, subali’t kung ang mga ebidensya ng mga eksperimento ay patuloy na sumusuporta dito, hindi na natin dapat pang itanggi ito. 7

Kung kaya sa modernong astronomiya, ang konklusyon ay ito: ang oras (time) at ang mga bagay (matter) ay nabuo o binuo ng isang Lumikha na may kapangyarihang walang hanggan, at lahat ay nasasakupan at napapailalim sa Lumikha. At ang walang hanggang kapangyarihang ito na lumikha ng sanlibutan na ating tahanan ay walang iba kundi ang Diyos na siyang nagmamay-ari ng walang katapusang kapangyarihan, kaalaman at karunungan.
 
Pisika at Astronomiya: Ang Pagbagsak ng Ideyang “Random Universe” at ang Pagtuklas sa Prinsipyo ng Antropiko
 
Ang ideya ng “random universe” (sanlibutang nabuo dahil sa pagkakataon) ay ang pangalawang dogma o katuruang ateista na napawalang-bisa dahil sa mga bagong tuklas sa astronomiya sa ika-20 siglo. Ang pananaw na ang mga bagay sa sanlibutan, ang planeta at iba pang “heavenly bodies” (planeta, butuin, at iba pang bagay sa kalawakan) at mga batas na nagtatakda umano ng mga relasyon sa pagitan ng mga ito, na sadyang walang dahilan o layunin at resulta lamang ng tsansa, ay dramatikong napabulaanan na.
 
Sa unang pagkakataon mula ng dekada setenta, kinilala ng mga siyentipiko ang katotohanang ang buong pisikal na pagkakabalanse ng sanlibutan ay maingat na iniakma para sa kapakanan ng sangkatauhan. At ng dahil sa higit pang pananaliksik, nadiskubre na ang batas ng kalikasan at sanlibutan gaya ng pisikal, kemikal at biyolohikal, mga pangunahing lakas o puwersa gaya ng “gravity” at “electro-magnetism,” mga istruktura ng atomo at mga elemento, lahat ay pawang inayos sa tamang balanse para kabutihan at gamit ng sangkatauhan. “Anthropic Principle” ang taguri dito ng mga Kanluraning siyentipiko. Ito ay ang pagpapatunay na ang lahat ng aspeto sa sanlibutang idinisenyo na may maingat at mahalagang pagsasalang-alang para sa buhay ng tao.
 
Narito ang mga pangunahing buod ukol konsepto ng “anthropic principle”:

Ang bilis (“speed”) ng unang paglaki o paglawak ng sanlibutan (puwersa ng pagsabog ng Big Bang) ay nasa eksaktong belosidad (“velocity”) na nararapat. Ayon sa kalkulasyon o pantantiya ng mga siyentipiko, kung ang aktuwal na bilis ng paglawak (“expansion rate”) ay naiba sa aktuwal na bilang ng higit isang parte sa isang bilyong bilyon, ang sanlibutan ay maaring muling sumabog o gumuho bago pa nito naabot ang kasalukuyan nitong laki o maaari sumabog ito sa iba’t-ibang dako’t direksyon upang maging imposible itong magkasama-sama pa muli. Sa maikling salita, sa unang punto pa lang ng pagkakalikha ng sanlibutan, mayroon ng binusisi o maayos na kalkulasyon na tumpak na tumpak sa bilyong bilyon.
 
Ang apat na puwersang pisikal (“physical forces”) sa sanlibutan (“gravitational force, weak nuclear force, strong nuclear force, electromagnetic force”) ay lahat nasa sa tama at kinakailangang antas upang ang isang maayos at balanseng sanlibutan ay mabuo at upang magkaroon ng buhay dito. Maging ang pinakamaliliit nitong pagkakaiba-iba (halimbawa, isa sa 1,039 o isa sa 1,028; ito’y isang pagtantiya lamang, isa sa bilyong bilyong bilyon), ang sanlibutan ay maaaring napuno lamang ng mga radyasyon (“radiation”) o ng wala ng iba pang elemento maliban sa “hydrogen.”
 
 Napakarami pa na ibang pino pagkakaayos kung kaya’t ang mundo ay naging tamang-tama o “ideal” para mabuhay ang tao dito: ang sukat ng araw (“sun”), ang layo  (“distance”) nito mula sa mundo, ang pagkakaroon nito ng kakaibang katangiang pisikal at kemikal sa tubig, ang haba ng daluyong ng mga sinag ng araw (“wavelength of the sun’s rays”), ang kung papano nahawakan ng atmospera ng mundo ang iba’t-iba gas na kinakailangan sa paghinga ng tao, o maging ang “magnetic field” ng mundo na sadyang tama sa pagkakaroon at pagpapatuloy ng buhay. (Para sa higit pang impormasyon sa nasabing paksa, tingnan ang Harun Yahya, “The Creation of the Universe” (Ang Paglikha ng Sanlibutan), Al-Attique Publishers, 2001)


Itong pino at maingat na pagkakabalanse ay isa sa pinakakagila-gilalas na tuklas ng modernong astropisika. Ang bantog na astronomo na si Paul Davies ay nagsaad sa pinakahuling talata sa kanyang aklat na may pamagat na “The Cosmic Blueprint” (Ang Planong Kosmiko), “Ang impresyon ng Disenyo ay nakakamanghang lubhang napakalawak.” 8
 
Sa isang artikulo sa “Nature” (Kalikasan), isang dyornal, sinulat ng astropisisistang si W. Press ang ganito, may isang napakalaking disenyo sa Sanlibutan na sadyang umaayon sa pagkakaroon o pagsibol ng buhay na may karunungan.” 9
 
Ang maganda at napakainteresante patungkol dito ay ang karamihan sa mga siyentipiko na nakagawa ng mga tuklas na ito ay mga umaayon sa pananaw na materyalismo, at sila mismo ay nabigla sa konklusyong hindi nila maitatanggi. Ginawa nila ang mga siyentipikong imbestigasyon hindi upang maghanap ng pruweba na may Diyos nga. Subali’t karamihan sa kanila, hindi man lahat, ay dumating sa iisang konklusyon lamang para sa ganitong ekstraordinaryong disenyo ng ating sanlibutan.
 
Ang Amerikanong astronomo na si George Greenstein, sa kanyang aklat na may pamagat na “The Symbiotic Universe” (Ang Simbiyotikong Sanlibutan), ay kumilala sa naturang konklusyon:

Papaano naging posibleng nangyari ito [na ang mga batas ng pisika ay umaayon sa pagbuo ng buhay]?....Habang sinisiyasat natin ang mga ebidensiya, hindi maiwasang igiit ng ating isipan na may isang higit sa karaniwang nilalang (“supernatural agency”) – o Nilalang (“Agency”) – na maaaring may kinalaman sa lahat ng ito. Na posibleng sa isang iglap na hindi sinasadya, natisod natin ang siyentipikong patunay ng pagkakaroon ng isang Dakilang Nilalang (“Supreme Being”)? Ito kaya ang Diyos, ang Siyang kinalaman sa lahat ng ito sa sanlibutan, na Siyang maingat na lumikha ng buong kosmos para sa dakilang benepisyo ng mga tao? 10

Sa pasimulang salita ni Greenstein na “Posible kaya,” bilang isang ateista, pinilit niyang iwaksi ang simpleng katotohanang kinaharap niya. Subali’t maraming sa mga siyentipiko na naharap sa kahalintulad na tanong ay walang bahid ng predyudisyong nalalaman, na ang sanlibutan ay nilikha bukod-tangi para sa tao. Ang Materyalismo ngayon ay natuturing na maling pananaw at liko sa batayang siyensya. Kinilala ni Robert Griffiths, isang Amerikanong genetiko, ang katotohanang ito nang sabihin niyang, “Kung kailangan natin ng ateista para sa isang debate, doon ako sa sasanib sa grupo para sa pilosopiya. Ang lugar ng pisiko ay matatalo lamang.” 11
 
Sa kanyang aklat na “Nature’s Destiny: How the Laws of Biology Reveal Purpose in the Universe” (Ang Destinasyon o Patutunguhan ng Kalikasan: Kung Papaanong Naipamalas ng mga Batas sa Biyolohiya ang Kadahilanan sa Pagbuo ng Sanlibutan”), na siyang nagsiyasat kung papaanong ang mga batas pisiko, kemika at biyolohiya ay kamangha-manghang nakalkula ng tamang-tama o “ideal” ang kinakailangan upang magkaroon at makabuo ng buhay, sinulat ng bantog na “molecular biologist” na si Michael Denton ang:

Ang mga bagong kaganapan sa astronomiya sa ika-20 siglo ay nagbibigay ng isang dramatikong paghamon sa haka-hakang matagal ng pumapalaot sa mundo ng siyensya sa nakalipas na apat na siglo: na ang buhay ay incidental o nagkataon lamang at sadyang nasalalay lamang sa kaganapang kosmiko. 12

Sa maikling salita, ang ideya ng “random universe”, maituturing na pangunahing haligi ng ateismo, ay napatunayang kamalian lamang. Hayagan nang sinsabi ng mga siyentipiko ang pagbagsak ng konsepto ng materyalismo. 13 Isang maling paniniwalang inilahad ni Allah sa Banal na Qur’an, “At hindi Namin nilikha ang kalangitan at kalupaan at ang anuman na nasa pagitan nito nang walang kadahilanan at hindi bilang paglalaro lamang, ito ang paniniwala ng mga walang pananampalataya, na kung kaya, kapighatian sa kanila sa parusa sa Impiyerno sa Araw ng Muling Pagkabuhay; dahil sa kanilang maling paniniwala at di nila paniniwala sa Allâh (I).” (Qur’an, 38: 27) at ang siyensya mismo ang nagpatunay sa malaking kamaliang ito noong dekada setenta.
 
“Quantum Physics” at ang Pagkakatuklas ng Banal na Karunungan (“Divine Wisdom”)



Nang subukan ng mga siyentipikong higit pang pakasuriin ang atomo, sa kanilang pangkamangha ay natuklasang nila itong “empty” o walang laman.
Isa sa mga sangay ng agham na tumatapos sa materyalistikong haka-haka at nagbibigay nga positibong ebidensya sa “theism” (paniniwalang mayroong Diyos) ay ang “quantum physics.”
 
Ang quantum physics ay ang pag-aaral sa mga pinakamalilit na bahagi ng “matter” o tinatawag na “sub-atomic realm.”  Sa paaralan, natutunan nating ang matter ay binubuo ng mga atomo. Ang atomo ay siya namang binubuo ng “nucleus” at ilang “electrons” na umiikot sa paligid nito. Isang kakaibang katotohanan ay ang mga maliliit na bahaging ito ay 0.0001 porsiyento lamang ng mga atomo. Sa madaling salita, ang atomo ay 99.9999 prosiyenteng walang laman o “empty.”
 
Ang higit pang interesanteng katotohanan ay nang pinakasuri pang lalo ang nuclei at electrons, ang mga ito ay binubuo pa na mas higit pang maliliit na bahagi na tinatawag na “quarks” at ang mga quarks na ito ay hindi pa tunay na maituturing sa dahilang ang mga ito ay enerhiya talaga. Ang tuklas na ito ang siyang nagbasag sa klasikong pagkakaiba sa pagitan ng matter at enerhiya. Makikita natin ngayon sa material na sanlibutan, tanging enerhiya lamang ang mayroon. Ang tinatawag nating matter ay isa lamang nabuong enerhiya o “frozen energy.”  
 
Mayroon pa ring mas higit na nakakaintrigang katotohanan: Ang mga “quarks” o iyong mga supot ng enerhiya, ay gumagalaw o kumikilos na sadya o “conscious.” Sa pagtanggap ng Templeton Prize ng pisisistang si Freeman Dyson, sinabi niyang:

Ang mga atomo ay kakaibang mga bagay, mga kumikilos bilang mga aktibong ahente imbes na basta tahimik o nananatili lang na substansya. Gumagawa sila ng hindi natin mahuhulaang pagpili sa pagitan ng mga alternatibong posibilidad ayon sa batas ng “quantum mechanics.” Lumalabas na tulad ng utak ng tao, animo’y may isip ang mga atomo dahil na rin sa ipakikita nilang pagpili sa kanilang pilingt galaw.14

Nangangahulugan lamang ito na may impormasyon sa likod ng “matter.” Mga impormasyon ito na sumusunod sa materyal na realidad. Si Gerald Schoroeder, isang siyentistang hinasa sa MIT na nagsaliksik sa parehong pisika at biyolohiya at may-akda ng sikat na aklat na “The Science of God” (Ang Siyensya ng Diyos), ay nagbanggit ng ilang mahahalagang komento ukol sa naturang paksa. Sa kanyang pinakabagong aklat, “The Hidden Face of God: Science Reveals Ultimate Truth” (Ang Natatagong Mukha ng Diyos: Ang Pagbubunyag ng Siyensya sa Pinakamataas na Katotohanan, 2001), ipinaliwanag ni Schroeder na ang quantum physics – kasama na ang ilang sangay ng siyensya – ay kasangkapan sa pagtuklas sa isang pangkalahatang karunugan na nasa sa likod ng materyal na mundo. Ganito niya ito sinabi:

Kailangan pang umabot ng libo-libong taon bago nadiskubre ng isang Einstein, kakatwa man, na ang basehan ng “matter” ay ang enerhiya, na ang matter ay sadyang “condensed energy” o binubuo ng enerhiya. At kinailangan pa rin natin ng ilang pahon pa bago natin natuklasan at natanggap na may isa pang higit pa sa isang bagay, mas mahalaga pa kaysa sa enerhiya na siyang bumuo ng basehan ng enerhiya mismo. 15

Si John Archibald, propesor sa pisika sa Princeton University at nakatanggap ng Einstein Award, ay nagpaliwanag ng parehong katotohanan ng sinabi niya ang “bit” (binary digit) ng impormasyon ay nagbibigay halaga sa sustansya o kabuuan ng matter. 16 Ayon naman kay Schroeder, ito ay may mas malalim na pakahulugan:

Ang relasyon sa pagitan ng matter at enerhiya, ang “quantum wave functions,” ay may napakalalim na kahulugan. Ang siyensya ay maaaring papalapit na sa realisasyong ang kabuuan ng sanlibutan ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng impormasyon, karunungan at ideya, gaya ng mga atomo na maliwanag ng ekspresyon ng isang kakaiba at mas malaking pinagmulan halos halintulad ng sa enerhiya. 17

Ang karunungang ito ay sakop ang lahat-lahat ng bagay, saklaw nito ang kabuuan ng sanlibutan:

Isang kamalayan. isang pangkalahatang katotohanan, ang siyang namamayani sa ating sanlibutan. Ang mga natuklasan ng siyensya, yaong mga nanaliksik sa kalikasang kyantum ng sub-atomo sa “matter”, ay siya mismong nagtulak sa atin sa dulo ng isang kagilagilalas na katotohanan: na lahat ng nakikita at naririto sa ating paligid ay ekspresyon o pagpapahayag ng ganitong karunungan. Sa mga laboratoryo, nararanasan natin ito bilang impormasyon na una ay ating sasabihing pisikal na enerhiya, at siyang nabuo bilang matter. Bawa’t bahagi (“particle”), bawa’t bagay (“being”), mula atomo hanggang tao, ay kumakatawan ng isang antas ng impormasyon, ng karunungan. 18

Nangangahulugan lamang na ang materyal na sanlibutan ay hindi maituturing na walang tunay na layunin o isang magulo lamang ng salansan ng mga atomo tulad ng paniniwala sa dogma ng ateista at materyalistiko, bagkus, ito ay pagpapakita ng isang karunungang narito na bago pa man nagkaroon ng sanlibutan, at siyang may walang hanggang kapangyarihan sa lahat ng bagay na naririto. Sa salita ni Schroeder, ito ay “parang ang isang substansyang metapisikal ay natatak o naukit sa pisikal.” 19
 
Ang tuklas na ito ay ang siyang sumira sa lahat ng materyalistikong haka-haka at, siyang nagpatunay na ang materyal na sanlibutan nasasaksihan natin ay anino lamang nga isang mataas at Pinakalubos na Nilalang. Kaya, tulad ng pagpapaliwanag ni Schroeder, ang quantum physics ang siyang lugar na kung saan ang landas ng siyensya at teyolohiya ay nagtatagpo:

Ang matandang teyolohikal na pananaw sa sanlibutan ay ang lahat ng naririto ay manipestasyon o pagpapahayag ng isang mataas na karunungan, kung saan ang pangkalahatang kamalayan ang siya niya manipestasyon. Kung ipapalit natin ang salitang “impormasyon” sa karunungan, ang teyolohiya ay magsisimulang magtunog “quantum physics.”  Maaaring nasasaksihan na natin ang pag-iisang daloy ng pisikal at ispirituwal. 20

Ang quantum, sa totoo lang, ang punto kung saan ang siyensya at teyolohiya ay nagkikita, nag-uugnay at nagkakasundo. Ang katotohanang ang sansinukob ay napangingibabawan ng karunungan ay isang lihim na nabunyag sa Banal na Qur’an labing-apat na siglo na ang nakakaraan. Isang taludtod ang nagsasaad ng ganito:

Katiyakan, ang inyong ‘Ilâh’ (Diyos na karapat-dapat sambahin), O kayong mga tao, ay walang iba kundi ang Allâh (I), ‘La ilâha illa Huwa’ – na walang sinuman ang may karapatan at karapat-dapat na sambahin bukod sa Kanya, na saklaw ng Kanyang Ganap na Kaalaman ang lahat ng bagay. (Qur’an 20:98)
 
Mga Likas na Siyensya (The Natural Sciences): Ang Pagbagsak ng Darwinismo at ang Tagumpay ng Mataas na Disenyo (“Intelligent Design”)
 


Darwin: Ang kanyang teorya ay lubos nang pinabubulaanan ng maraming ebidensiyang natuklasan sa siyensya.
Gaya ng nasabi natin sa simula, isa sa mga nagbigay suporta para sa paglaganap ng ateismo sa kanyang tugatog noong ika-19 na siglo ay ang teorya ng ebolusyon ni Darwin.

Kung kaya, ang teorya ito ni Darwin ay siyang isinulong ng mga maigting na ateista noong pahong iyon, at ang mga tagasunod ng ateismo gaya nila Marx at Engels ay gumamit ng teoryang ito sa kanilang pagpapaliwanag o pilosopiya. Mula ng panahong iyon, ang relasyon ng Darwinismo at ateismo ay nagpatuloy.
 
Nagkagayunman, mismong ang mga malalakas na suporta para sa dogma ng ateismo ang siyang nakatanggap ng malalakas na dagok o pagpapabulaan mula sa mga bagong natuklasan sa ika-20 siglo.  Ang mga tuklas ng iba’t ibang sangay ng siyensya gaya ng palyontolohiya, biyo-kemika, anatomiya at genetika ay tuluyang nang nagwasak sa teorya ng ebolusyon sa iba’t iba nitong aspeto. (Hanapin sa Harun Yahya, Evolution Deceit (Ang Kasinungalingan ng Ebolusyon, 2000). Nasiyasat na namin ang katotohanang ito ng may higit na detalye sa maraming aklat at publikasyon, narito ang mga buod sa paksa:
Palyantolohiya: Ang teorya ni Darwin ay nasandig sa pagpapalagay na ang lahat ng nilalang (“species”) ay nagmula sa iisang ninuno (“ancestor”) at unti-unting napaiba o nabago ang itsura at kabuuan sa bawa’t isa sa paglipas ng maraming panahon. Ang sinasabing pruweba nito ay ang mga “fossil remains” o mga labi ng iba’t ibang nilalang na natagpuan. Subali’t ang mga labi na natagpuan naman sa panahon ng ika-20 siglo ay nagpakita ng naiibang larawan at konklusyon. Walang ni isang labi ng “intermediate species” (nagdudugsong na nilalang sa susunod na species) ang natagpuan na siya sanang mga dapat magpapatotoo sa “gradual evolution of species” (marahang ebolusyon ng mga species). Higit pa rito, bawa’t “taxon” o kategorya ng species na ipinakita sa “fossil records” ay walang ni isang natagpuan na labi ng pinagmulan nitong ninuno o ancestor. Ang isang kakaibang kaganapang tinaguriang “Cambrian Explosion” ay lubhang napakainteresante.  Dito sa naunang panahon ng heolohiya, halos lahat ng “phyla” (mga pangunahing grupo na may natatanging plano ng pangangatawan) ng kaharian ng mga hayop ay biglang umusbong o nagpakita. Ito biglang paglitaw ng magkakaibang kategorya ng hayop na may buhay (“living things”) na may makakaiba ring isturktura ng katawan at higit na masalimuot na organo at sistema, kabilang na ang mga mollusks, arthropods, echinoderms at  vertebrates (pinakahuling nadiskubre), ay malaking dagok sa Darwinismo. Dahil sa ang mga tagasunod ng teorya ng ebolusyon ang nagsabi na rin na ang biglang pagsulpot ng mga “taxon” ay nagpapatunay na may isang hindi karaniwang disenyo (“supernatural design”) at ang kahulugan nito, sadyang may naganap na paglikha (“creation”).

Mga Pagsisiyasat st Obserbasyon ng Biyolohiya: Sa pagpapaliwanag ni Darwin ng kanyang teorya, siya ay gumamit ng halimbawa ng kung paanong ang mga nagpapalaki ng hayop (“animal breeders”), na kung saan nagawa ang magkaroon ng ibang klase ng aso at kabayo.  Kanyang inihambing ang ilang pagbabago, limitado man, na kanyang naobserbahan sa kabuuan ng likas na mundo at, nagmungkahi na ang bawa’t nilalang ay maaaring nagmula nga sa iisang ninuno. Subali’t ang ganitong pahayag ay nagawa ni Darwin noong ika-19 na siglo na kung saan mababa pa ang antas ng siyentipikong imbestigasyon. Kung sa ika-20 siglo niya ito nagawa, ibang-iba ang magiging resulta nito. Sa dekada-dekadang panahon ng pagsisiyasat at pag-eksperimento sa maraming klase ng species ng mga hayop, makikitang ang mga pagbabago sa isang nilalang ay kahit kailanma’y hindi lumagpas sa “genetic boundary” o hangganan ng kani-kanilang genetika. Ang mga pahayag ni Darwin, gaya ng “Wala akong nakikitang mahirap para sa lahi ng mga oso na malagay, sa pamamagitan ng “natural selection”, na maging “aquatic” o pantubig ang kanilang mga gawi, ang magkaroon ng palaki at palaking bibig, hanggang ang mga ito ay maging kasinlaki ng mga balyena.” 21 ay sa katunayan nagpakita lamang ng kanyang pagiging ignorante. Sa kabilang banda, ang mga pagsisiyasat at pag-eekperimento ay nagresulta ng mutasyon (“mutation”) na tinagurian ng mga makabagong Darwinista bilang mekanismo ng ebolusyon na walang impormasyon genetika sa mga nabubuhay na nilalang.

Ang Pinagmulan ng Buhay (The Origin of Life) Sinasabi ni Darwin na may “common ancestor” subali’t hindi niya sinabi kung saan naman nagmula at paano nagkaroon ng “first common ancestor.” Ang tanging paliwanag lang niya ay maaring ang “first cell” ay nabuo dahil resulta ito ng isang pagkakataong nagkasama-sama ang mga kemikal o “random chemical reactions”  sa “isang mainit-init at maliit na lawa.” 22 Subali’t bigo ang mga biyo-kimiko na patunayan ang haka-hakang ito ni Darwin. Lahat pagsisiyasat at eksperimento ay nagpakita na imposible para sa iisang “living cell” (buhay na selula) sa loob ng isang walang buhay na sisidlan ay makagawa ng bagong buhay sa pamamagitan ng “random chemical reactions.” Kahit na ang Alemang ateista at nakatanggap ng Nobel Prize na si Fred Hoyle ay nagwika na ang ganoong pangyayari ay “maikukumpara sa tsansa na ang isang tornado na naghahampas ng malalakas at mabibilis na hangin ay nakapasok sa isang tambakan ng basura at ang makabuo ito ng isang Boeing 747 mula sa materyales sa tambakan.” 23

Ang Mataas o Matalinong Disenyo (Intelligent Design) : Ang mga siyentipiko na nag-aaral ng mga selula o “cells,” ng mga “molecules” na bumubuo sa mga selula, ang kanilang kamangha-manghang organisasyon o pagkakaayos sa loob ng katawan, ang maingat na pagkakabuo at plano sa mga organo sa katawan ng tao ay nahaharap sa isang malaking pruweba ng katotohan na nanaising itanggi ng mga ebolusyonista: Ang mundo ng mga “living things” (mga bagay na may buhay) ay napapasailalim at napapalibutan ng mga disenyong sadyang napagarbo at may lawak na hindi maihahalintulad sa mga kasangkapan pangteknolohiya. Ang mga masalimuot na mga halibawa ng disenyo, kabilang na ang ating mga mata ay mas superyor kumpara sa anumang kamera, ang mga pakpak ng ibon na pumukaw sa isipan upang magawa ang “flight technology” (teknolohiyang panghimpapawid), ang pasikot-sikot na sistema ng integrasyon ng selula sa mga living things, at ang kagila-gilalas ng impormasyon napapaloob sa DNA, lahat ito na nakapagwalang-bisa sa teorya ng ebolusyon, ang teorya na nagturing sa mga living things bilang produkto lamang ng tsansa o pagkakataon.  

At sa katapusang ng ika-20 siglo, ang lahat ng nabanggit na katotohanan ay nagtulak sa Darwinismo sa isang sulok na lamang. Sa kasalukuyan, ang teorya ng matalinong disenyo (“intelligent design”) ang mabilis ng lumalaganap at katanggap-tanggap sa marami ng bilang ng mga siyentipiko. Iyong mga nagtatanggol sa teorya ng intelligent design ay pawang nagsasabi na ang Darwinismo ay isang napakalaking kamalian sa kasaysayan ng siyensya, at ito’y nangyari lamang bilang resulta ng pilosopiyang materyalismo na naggiit sa ganitong klase ng batayan sa siyensya. Ang mga tuklas sa siyensya ang siyang nakapagpapatunay na may disenyo sa mga living things kagya’t totoo ang paglikha. Sa maikling salita, siyensya na mismo ang nagpapatunay na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng buhay sa mundo.
 
Ang Sikolohiya: Ang Pagbagsak ng Freudianismo at ang Pagtanggap sa Pananampalataya

Para sa ika-19 na siglo, ang kumakatawan sa dogma ng ateismo para sa sikolohiya ay si Sigmeund Freud, isang espesyalista sa pag-iisip (“psychiatrist”) mula bansang Austria. Si Freud ay nagmungkahi ng isang teoryang sikolohikal na nagtatakwil sa pagkakaroon ng kaluluwa at sinubukan din niyang ipaliwanag ang ispirituwal na mundo ng mga tao sa pamamagitan ng sekswal at mga kahalintulad na motibasyong hedonista. Subali’t ang pinakamabigat na pagtuligsa niya ay laban sa relihiyon.


  Sa mga sumunod na pananaliksik at pag-aaral, napatunayang may pagkakamali sa mga ideya ni Freud, lalo na yaong patungkol sa relihiyon.
Sa kanyang aklat na nalimbag noong 1927, “The Future of an Illusion” (Ang Kinabukasan ng Isang Ilusyon), iminungkahi niya na ang pananampalatayang pangrelihiyon ay isang uri ng sakit sa pag-iisip (“neurosis”) at kung ang tao ay papaunlarin, ang nasabing pananampalataya ay lubusang maglalaho. Dahil na rin sa primitibo o makalumang kalagayang pansiyentipiko ng kanilang panahon, ang teorya ay nagawang naimungkahi ng walang anumang kinakailangang pananaliksik at pagsisiyasat, ni wala anumang pag-aaral at literatura mula sa ibang iskolar na maaring paghambingan, kung kaya ang ganitong klase ng pagsusulong ng ideya ay lubhang may kakulanga’t kamalian. Sa katunayan, kung posible nga lang mabuhay SI Freud at magkaroong nga pagkakataong suriin niya sa kasalukuyang panahon ang kanyang mga proposisyon, siya mismo ay magugulantang sa kakulangan nito sa lohika at siya na mismo ang mauunang bumatikos sa ganitong mga walang saysay na pagpapalagay o haka-haka.
 
At dahil na rin kay Freud, ang sikolohiya ay nagkaroon ng pundasyong makaateista. Hindi lamang si Freud, ang iba pang mga tagasimula ng ilang sangay ng sikolohiya sa ika-20 siglo ay mga marubdob na tagasunod ng ateismo. Dalawa dito ay sina B.F. Skinner, nagtatag ng “behaviorist school” at si Albert Ellis, siya naming nagtatag ng “rational emotive therapy.” Ang mundo ng sikolohiya ay naging “forum” na lamang para sa mga ateista. Sa isang botohan noong 1972 sa mga miyembro ng American Psychology Association, natuklasang tanging 1.1 porsiyente lamang ng mga sikolohiko sa Amerika ang mayroon o nagkaroon ng pananampalatayang pangrelihiyon. 24

Subali’t karamihan sa mga sikolohiko na nabihag sa ganitong kalaking kasinungalingan ay nagising sa katotohanan sa pamamagitan na rin mismo ng sari-sarili nilang imbestigasyong sikolohikal.  At nabunyag na nga na ang mga saligan o batayan ng Freudianismo ay halos walang suporta mula sa siyensya, at higit pa doon, ang pananampalatayang pangrelihiyon ay hindi isang uri ng sakit sa pag-iisip tulad na nga ng idineklara nila Freud at iba pang nagsulong ng ganitong teoryang pangsikolohikal, bagkus elemento pa nga ito ng kalusugang mental. Narito ang buod na ibinigay ni Patrick Glynn ukol sa mga mahahalagang tuklas at pagbabago sa larangan ng sikolohiya:

Ang huling yugto ng ika-20 siglo ay hindi naging maganda para sa larangan ng psychoanalysis.”  Ang pinakaprominente dito ay ang pagkakabunyag na ang paniniwalang isinulong ni Freud ukol sa relihiyon ay lubos na kamalian. Sa kabaligtaran, ang mga pananaliksik sa agham sa loob ng nakalipas na dalawampu’t limang taon ay nagpakita na, imbis na sakit na neurosis o dahilan ng sakit na nabanggit ang relihiyon tulad na nga ng iminungkahi ni Frued at kanyang mga disipulo, ang pananampalatayang pangrelihiyon pa ang isa sa mga “consistent correlate” sa lahat ng kalusugang mental at kaligayahan. Sa mga sunud-sunod na pag-aaral, naipakita ang makapangyarihang relasyon sa pagitan ng paniniwalang pangrelihiyon at pagsasabuhay nito, sa kabilang banda naman ang ukol sa mga isyu sa ugaling pangkalusugan gaya ng problema sa papapatiwakal, pag-abuso sa alak at droga, diborsyo, depresyon, maging ang mga antas ng kasiyahang sekswal sa loob ng pagsasama ng mag-asawa. Sa maikling salita, ang mga “empirical data” ay kumokontra sa mga umano’y “siyentipikong”  pagkakasundo mula sa “psychotherapeutic profession.” 25

At ang panghuli, gaya ng mga sinabi ni Glynn, “ang makabagong sikolohiya sa pagtatapos ng ika-20 siglo ay mukhang binubuksan muli ang pinto nito sa mga paliwanag galing sa relihiyon” 26 at pati na ang “ang purong sekular na pananaw sa kalagayang pag-iisip ng tao ay sadyang hindi lamang pumasa o nagtagumpay sa teorya kundi maging sa antas na praktikal.” 27   

Sa maikling salita, ang landas ng ateismo ay nalagpasan na ng larangan ng sikolohiya.
 
Ang Medisina: Isang Pagtutuklas – “Papaanong Natagpuan ng Puso ang Kapayapaan” (“How Hearts Find Peace”)

Isang sangay ng siyensya na lubos na napektuhan sa pagbagsak ng mga kamalian ng ateismo ay ang medisina.
 
Ayon sa mga resulta na binuo ni David B. Larson at ng kanyang grupo sa National Institute for Healthcare Research, isang pahahambing ang kanilang ginawa ukol sa mga Amerikano at sa kanilang pagsisimba ay nagpakita ng napakainteresanteng resulta.  Ang “risk” o panganib na magkaroon ng “arteriosclerotic heart disease” ay 60 porsiyente lamang sa mga lalaking madalas magsimba kumpara doon sa mga lalaking hindi nagsisimba. At sa mga kababaihan, ang pagpapatiwakal ay dalawang beses na mataas doon sa mga hindi nagsisimba kumpara sa madalas magsimba; sa mga naninigarilyo na nagranggo sa relihiyon bilang napakaimportante sa kanilang buhay ay pitong beses na mababa na magkaroon ng “normal diastolic pressure readings” kumapara doon sa mga hindi naninigarilyo. 28
 
Paliwanag ng mga secular na sikolohista, ang ganitong kalagayan o pangyayari sa pangkalahatan ay bunsod ng isang kadahilanang sikolohikal.  Sa ganitong pagtingin, itinataas ng pananampalataya ang moral ng isang tao patungo sa kanyang magandang kalagayan. May katotohanan nga sa kapaliwanagang ito, subali’t may mas higit pang dramatiko dito.  Ang paniniwala sa Diyos ay higit pang mas makapangyarihan kaysa ibang nanakaimpluwensiya sa moral ng isang tao. Sa isang komprehensibang pananaliksik sa relasyon sa pagitan ng paniniwalang pangrelihiyon at kalusugang pisikal, may nakuhang imahalagang resulta si Dr. Herbert Benson ng Harvard Medical School. Kahit na walang pananampalatayang pangrelihiyon si Dr. Benson, ang resulta ng kanyang pananaliksik ay ang pananampalatayang pangrelihiyon sa Diyos at pagsamba ay may malalaki at positibong epekto sa kalusugan ng tao kumpara sa ibang bagay na obserbahan na niya. Ang konklusyon ni Dr. Benson ay “nakita ko na ang pananampalataya (“faith”) ay nakapagbibigay kapayapaan sa isipan ng tao, bagay na hindi kayang ibigay ng ibang uri ng paniniwala.” 29
 
Bakit kaya may espesyal na relasyon sa pagitan ng pananampalataya at ispiritu’t katawan ng tao? Ang resultang natukoy ni Benson, na isang secular na mananaliksik, ayon na rin sa kanyang pagkakasabi, na ang isipa’t katawan ng tao ay “wired by God” (may kawad na nakadugsong sa Diyos).30
 
Ang katotohanang ito na ngayon ay nakikita na ng mundo ng medisina, ay isang sikreto na inihayag na ng Banal na Qur’an sa isang taludtod, “At ginagabayan Niya ang mga yaong panatag ang kanilang kalooban sa kanilang bukod-tanging pagsamba sa Allâh (I) at pagpuri sa Kanya.” (Qur’an 13:28) Ang kadahilanan kung bakit ang mga naniniwala sa Diyos, nagdarasal at nagtitiwala sa Kanya ay malulusog sa aspeto pisikal at isipan kumpara sa iba ay ang mga ito ay nabubuhay ng may pagkakasundo o “harmony” sa kanyang kalikasan. Ang mga sistemang pilosopikal na lumalabag sa kalikasan ng tao ay lagi lamang makapagdadala ng sakit, kalungkutan, pagkabalisa at depresyon sa mga tao.
 
Ang mahalagang sandigan ng kapayapaan na nararanasan ng isang taong relihiyoso ay ang kanyang pagkilos na ang tanging layunin ay makuha ang pagtanggap ng Diyos sa kanya. Sa madaling salita, ang kapayapaang ito ay isang natural o likas na resulta sa isang taong tunay na nakikinig sa tawag ng kanyang konsiyensya. Ang tao ay hindi lamang sumusunod sa moralidad ng kanyang relihiyon “upang maging mas payapa” o “upang maging mas malusog.” Alam ng Diyos kung ano ang tunay na laman ng puso’t isipan ng tao, o kung anuman ang naising ibunyag o itago ng isang tao. Ang tao ay nakakaranas ng tunay na kapayapaan sa pamamagitan ng pagiging sinsero o tapat, at kumikilos upang makuha ang pagtanggap ng Diyos sa kanyang kabuuan. Iniuutos ni Allah ay ang ito:

Na kung kaya, ituon mo, O Muhammad, ang iyong mukha, ikaw at ang sinumang susunod sa iyo at manatili ka sa ‘Deen’ na siyang ipinag-utos na batas ng Allâh (I) sa iyo, na ito ay ang Islâm. Na ito ang ‘Fitrah’ o likas na pagkakalikha ng Allâh (I) sa sangkatauhan, na kung kaya, ang pananatili ninyo at paghawak ninyo rito ay siyang tunay na pananatili sa likas na nilikha ng Allâh (I) na paniniwala na bukod-tanging pagsamba lamang sa Kanya. Walang pagbabago sa nilikha ng Allâh (I) at sa Kanyang ‘Deen’ (Relihiyon), na ito ay Matuwid na Landas na magdadala sa sinuman tungo sa pagmamahal ng Allâh (I) na ‘Rabb’ na Tagapaglikha ng lahat ng mga nilalang at sa Kanyang ‘Al-Jannah’ (Hardin), subali’t ang karamihan sa mga tao ay hindi nila batid na ang ipinag-utos na ito sa iyo, O Muhammad, ang siyang ‘Deen’ ng Katotohanan na wala nang iba pa bukod dito.(Qur’an, 30:30)

Sa liwanag ng mga tuklas na ating naisa-isa, ang makabagong medisina ay nagsisimula ng maging bukas sa pagtanggap sa katotohan. Tulad ng nawika ni Patrick Glynn, “ang kasalukuyang makabagong medisina ay maliwanag na patungo na sa direksyon ng pagtanggap sa dimensyon ng paggagamot, pagpapagaling at paghahanap ng lunas ng higit pa sa aspetong pisikal lamang.” 31
 
Ang Lipunan: Ang Pagbagsak ng Komunismo, Pasismo at ng Pangarap ng mga “Hippie”
 
Ang pagbagsak o pagguho ng ateismo sa ika-20 siglo ay hindi lamang naganap sa larangan ng astropisika, biolohiya, sikolohiya at medisina; ito’y naramdaman din sa larangan ng pulitika at maging sa panlipunang moralidad.
 
Ang komunismo ay ang maaaring pinakamahalagang resultang pampulitikal ng ateismo sa ika-19 na siglo. Ang mga nagtatag ng ganitong ideolohiya na sina Marx, Engels, Lenin, Trotsky at Mao, lahat sila ay kinuha ang paniniwalang ng ateismo bilang kanilang sandigang prinsipyo. Ang pangunahing layunin ng lahat ng rehimeng komunista ay ang makuhang pasunurin ang lipunan sa ateismo, at ang sirain ang anumang paniniwalang pangrelihiyon. Ang Rusya ni Stalin, ang “Red China,” Kambodya, Albanya at ilang pang bansa sa tinatawag na “Eastern block” ay gumamit ng masidhing pagigipit sa mga taong relihiyoso na umabot maging sa punto ng malawakang pagkitil ng buhay (“mass murder”).
 
Subali’t, kamangha-mangha, sa katapusan ng dekada otsenta, ang madugong sistema ng ateismo ay tuluyan ng gumuho. At kung ating pakasusuriin ang mga kadahilanan ng dramatikong pagbasak na ito, makikita nating ang konsepto na mismo ng ateismo ang siyang bumagsak. Ito ang isinulat ni Patrick Glynn:

Ang sigurado, maaring masulat ng mga sekular na mananalaysay na ang pinakamalaking kamalian ng Komunismo ay ang kanilang mga pagtatangkang iwaksi ang mga batas pang-ekonomiya. Subali’t marami pang ibang batas ang pumasok sa laro ng istorya….Higit pa riyan, habang pinapasok ng mga tagasulat ng kasaysayan ang mga kalagayan sa pagguho ng Komunismo, maliwanag na ang mga eletista Soviet mismo ay nasa sa bingit na ng isang ateistang “krisis sa pananampalataya.”   Dahilan na rin sa matagal na pamumuhay sa ilalim ng ideolohiyang ateismo – isang ideolohiyang puno ng kasinungalingan at batay sa “Big Lie” (Malaking Kasinungalingan) – ang sistemang Soviet ay nakaranas ng radikal o biglaang demoralisasyon noon lang nito naranasan, at ito’y lubhang napakalalim na demoralisasyon sa lahat ng hanay ng mga mamamayan. Ang mga tao, kabilang na ang mga namumunong elitista, ay nawalan na ng lahat ng basehan para sa moralidad o ni katiting na pakiramdam para sa pag-asa. 32

Ang isang pinakakapansin-pansing indikasyon ng “krisis sa pananampalataya” ng sistemang Soviet ay ang maraming pagtatangka ni dating Pesidente Mihail Gorbachev. Mula ng umupo sa kapangyarihan si Gorbachev, pinagbalingan agad niya ng atensyon ang mga repormang pangmoralidad kaalinsabay ng repormang pangkabuhayan. Halimbawa, isa sa mga una niya ginawa ay ang palaganapin ang kampanya laban sa alkoholismo. Upang iangat ang moral ng kanyang lipunan, sa matagal na panahon ay ginamit pa rin niya ang terminolohiyang Marxista-Leninista subali’t batid niyang wala na itong saysay.


Gorbachev: Ang kanyang mga walang saysay na pagtatangka ay hindi nakahilom sa “krisis sa pananampalataya” sa lipunang Soviet.
At kapuna-puna na sa mga huling taon ng termino ng kanyang rehimen, nagsimula na siyang gamitin o sambitin ang pangalan ng Diyos sa ilan niya mga talumpati, ito’y kahit na siya ay isang ateista. Natural lamang na ang mga hindi tapat na pananalitang ito ay naging walang halaga na rin, at ang krisis sa pananampalataya sa lipunang Soviet ay nagpatuloy pa rin at lalong lumubha. Ang resulta nito ay ang siyang pagguho ng napakalaking emperyo ng Soviet. Nasulat sa kasaysayan ng ika-20 siglo hindi lamang ang pagbagsak ng komunismo, kundi maging ang isa pa rin sa mga bunga ng pilosopiyang laban sa relihiyon ng ika-19 na siglo – ang pasismo. Ang pasismo ay naging bunga ng isang pilosopiyang maaring matawag na pinagsama-samang ateismo at paganismo, at ito ang siyang pilosopiyang labis na nagtatuwa at bumatikos sa “theistic religions” o mga relihiyong sumasamba sa Diyos. Si Friedrich Nietzsche, ang itinuturing na ama ng pasismo, ay siya mismong nagsulong ng pagiging moral ng mga barbarong lipunan na sumasamba sa maraming diyos-diyosan, inatake niya ang Kristiyanismo at iba pang ibang relihiyong naniniwala sa iisang Diyos (“monotheistic”), at bukod dito, tinawag pa niya ang sarili na kalaban ni Kristo o “Anti-Christ.” Ang disipulo ni Nietzsche, si Martin Heidegger ay isang masugid na tagasuporta ng mga Nazi, at ang mga ideya mismo ng dalawang ateistang ito ang siyang nagbigay-daan para sa simula ng kahindik-hindik na kahayupang gawa ng tinaguriang Nazi Germany. (Ang “Holocaust” o Malawakang Pagpuksa ay isa sa mga pinakamasamang gawa ng tao laban sa kanyang kapwa sa buong kasaysayan ng mundo, at ito ay resulta ng “Nazi anti-Semitism,” isang ideolohiya ng pagkamuhi sa sinumang Hudyo at may paniniwalang may iisang lamang Diyos na siyang pundasyon ng Hudaismo – at maging ng Islam.)  Ang ikalawang Digmaang Pandaigdig, na kung saan nasaksihan ng mundo ang kamatayan ng 55 milyong tao, ay isang ehemplo ng kalamidad na dulot sa mundo ng maka-ateistang ideolohiya gaya ng pasismo at komunismo.
 
Sa puntong ito, dapat nating alalahanin ang isa pang maka-ateista ideolohiya —Social Darwinism (Darwinismong Panlipunan)— ito mismo ang isa sa mga kadahilanan ng pagsiklab ng Una at Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kanyang aklat na pinamagatang “Europe Since 1870” (Ang Europa Mula Noong 1870), Si James Joll, isang propesor ng kasaysayan mula sa Harvard ay nagsabi na sa likod ng dalawang malalaking giyerang nasaksihan at naranasan ng buong mundo, ay ang paniniwala sa pilosopiyang “Social Darwinist.” Ang mga lider ng mga bansang Europa ay naniwala sa kuro-kuro na kinakailangan ng digmaan upang mapanatili ang buhay o pangangailangang biyolohikal at maging sa pag-unlad ng isang bansa.33


Kabaligtaran ng maka-Diyos at mapayapang Rebolusyong Amerikano, ang Rebolusyong Franco ay ateista, makabagong pagano at lubhang madugo.

Ang isa pang bunga ng ateismo sa ika-20 siglo ay makikita natin sa klase ng demokrasya mula sa mga bansang Kanluranin. Sa kasalukuyang panahon natin, may tendensiya na tawagin ang mga Kanluraning bansa bilang “Christian world” o mundo ng Kristiyano. At gayunman, mula pa noong ika-19 na siglo, isang mabilis na lumalaganap na kulturang maka-ateista ang nakapasok na sa kultura ng mga Kristiyano, at sa ngayon ay may sigalot sa pagitan nito sa tinatawag nating “Western civilization.” At ang elemento ito ng ateismo ay ang siyang tunay na dahilan ng kanluraning imperyalismo, ng pagbaba ng moralidad, ng depotismo at iba pang negatibong manipestasyon.
 
Sa kanyang aklat na “God: The Evidence” (Ang Diyos: Ang Ebidensya), ang Amerikanong manunulat na si Patrick Glynn ay pumukaw ng ating pansin sa ganitong paksa, upang maikumpara ang mga may takot sa Diyos at yaong mga elementong maka-ateista sa Kanluran, kinuha niya ang mga ehemplo ng rebolusyong Amerikano at Pranses.  Ang “American Revolution” ay isinagawa raw ng mga mananampalataya; ang “American Declaration of Independence” (Ang Deklarasyon ng Kalayaan sa Amerika) ay nagsasaad ng ang lahat ng tao “ay binigyan o biniyayaan ng Maykapal ng mga karapatang likas, tanging kanya lamang at hindi maaring makuha ng iba.” At dahil sa ang “French Revolution” ay isinulong ng mga atesita, ang “French Declaration of Human Rights” (Ang Deklarasyon ng Karapatang Pantao ng mga Pranses) ay ibang-iba, walang patungkol ni isang salita sa Diyos, bagkus punong-puno ito ng mga paniniwalang maka-ateista at makabagong paganismo.
 
Ang mga aktuwal na resulta ng dalawang rebolusyon ay tunay na magkaiba: sa modelong Amerikano, isang mapayapa at mapagparayang kapaligiran ay pinilit na maisakatuparan upang mabigyang paggalang ang mga relihiyon at mga paniniwalang pangrelihiyon; ang sa Pransya, ang mabalasik na poot sa relihiyon ang siyang lumunod sa bansang Pranses sa dugo ng kanyang mga mamamayan, at nagpasimula ng isang uri ng kahayupang kahit kailanma’y di pa nasaksihan ng mundo. Sabi nga ni Glynn, “may interesanteng pagkakaugnay sa kasaysayang sa pagitan ng ateismo at sa kabilang banda, sa moral at pulitikal na kalamidad, sa kabilang dulo.” 34
 

John Lennon: Ang mundong kanyang pinangarap – isang mundong walang relihiyon – ay hindi nagdulot ng magandang wakas maging sa kanya man o maging sa kanyang mga tagasunod.
Pinuna rin ni Glynn ang mga pagtatangkang gawing maka-ateista ang buong Amerika, ay nagdulot lamang ng kasamaan sa lipunan nito. Ang katotohanan na ang rebolusyong sekswal ay lumaganap noong dekada sisenta at sitenta ay angdulot ng labis na pinsala sa lipunan na kahit na ang mga mananalaysay ay hindi makatatanggi. 35

Ang kilusang “hippie” ay isang pagpapakita ng gulong panlipunan. Ang mga tinaguriang mga hippie ay naniwalang matatagpuan nila ang paglayang ispirituwal sa pamamagitan ng “secular humanist philosophy” at maging sa walang humpay o limitasyong paggamit ng droga at pakikipagtalik. Ang mga kabataang ito ay lumabas sa mga lansangan at umawit ng mga romantikong kanta – gaya ng “Imagine”  (Pangarapin) ni John Lennon na kung saan may isinaad sa liriko ang isang mundong “walang mga bansa, at walang mga relihiyon din” – na ang tunay na layunin ay ang makapanlinlang ng maraming mga tao (“mass deception’).
 
Ang higit na katotohanan ay ito, ang mundong walang relihiyon na ginusto nila ay sadyang nagdala sa kanila sa malungkot na katapusan. Ang mga namuno o pangunahing mga tauhan sa kilusang “hippie” noong dekada sisenta ay namatay sa sarili nilang mga kamay o namatay dahil sa “coma” bunga ng pag-abuso sa droga. Noong simula ng dekada setenta, maraming iba pang hippie na kahalintulad ang kinahinatnan.
 
Ang mga kabataang nabilang sa nasabing henerasyon na nahulog sa paggawa ng karahasan ay siya ring naging biktima ng karahasan. Ang henerasyon ng 1968 na tumalikod sa Diyos at pananampalataya, ay mga nangarap na makatagpo ng kaligtasan sa mga konsepto tulad ng rebolusyon at makasariling “Epicureanism,” bagkus nasira nila kapwa ang kanilang mga sarili at kanilang mga lipunan.
 
Ang Pagsilang Bagong Mundo Matapos ang Ateismo
 
Ang lahat ng katotohanan na ating nabigyan ng maikling buod ay maliwanag ng nagpakita na ang ateismo ay patungo na sa isang landas na hindi na maiiwasan pa, ang pagbagsak ng ateismo. Sa ibang salita, ang sangkatauhan ay tunay na patungo naman sa landas ng Diyos. Ang pagpapatunay sa ganitong katotohanan ay hindi limitado sa lugar ng siyensya lamang o lugar pampulitika lamang na nasulat natin dito. Mula sa mga prominente lider pambansa hanggang sa mga sikat na artista sa pelikula at mga sikat na mang-aawit, yaong mga nakakaimpluwensya at may malaking sa opinyon sa Kanluran ay naging mas relihiyoso na kumpara sa dati nilang kalagayan. Sadyang marami ng tao ang nakakita na sa tunay na katotohanan at nagsimula ng sumampalataya matapos ang maraming taon nilang pamumuhay na walang paniniwala o maka-ateismo (Si Patrick Glynn na kung saan natin hinango ang mga nasabi pangungusap ay isa sa mga ateistang ito).
 
Ang katotohan na ang mga pagbabagong ito na nagbunga ng nasabing resulta ay nagsimula sa parehong panahon, sa ikalawang bahagi ng dekada setenta, ay napakahalaga. Ang “anthropic principle” ay unang lumitaw noong dekada setenta rin. Ang mga siyentipikong kritisismo laban sa Darwinismo ay malakas na nadinig din sa nabanggit na panahon. Ang punto ng pagbabago laban sa dogmang ateismo ni Freud ay namalas sa aklat na may “The Road Less Traveled” (Ang Daang Minsan Lamang Madaanan), inilimbag noong 1978 ni Scott Peck. Sa ganitong paliwanag, sinulat ni Glynn sa edisyon ng aklat niya noong 1997 ang ganito, “na sa nakalipas na dalawampung taon, isang mahalagang katawan ng katibayan ang lumitaw upang siyang magwasak sa pundasyon ng matagal ng namamayagpag na modernong sekular na pananaw ng mundo.” 36
 
At dahilan sa ang maka-ateismo pananaw ay nayanig na, sigurado naming isang bagong pananaw ang dapat mamayani sa mundo, at ito ay ang paniniwala sa Diyos. Sa simula ng katapusan ng dekada setenta (o simula ng ika-14 na siglo ayon naman sa kalendaryong Muslim) ang mundo ay nakasaksi na sa pag-angat ng kahalagahang panrelihiyon. Tulad ng ilang prosesong panlipunan, hindi ito naganap sa loob ng isang araw lamang, at ang malaking bahagi ng populasyon ay hindi ito mapupuna ng agaran sa dahilang ang pagbabago ay nagaganap unti-unti sa loob ng mahabang panahon. Gayunman, ang mga taong maingat na nagtatasa sa mga pagbabagong nagaganap ay nakikitang ang mundo ay nasa punto ng malaking kaganapan o pagbabago sa mundo ng mga ideya.
 
Ang mga sekular na tagasulat ng kasaysayan ay sumubok na ipaliwanag ang prosesong ito ayon sa kanilang mga prinsipyo, subali’t sa dahil sa nakulong sila sa maling paniniwala patungkol sa pagkakaroon ng Diyos, sila rin ay higit pang nagkamali sa tunay na takbo ng kasaysayan. Ang katotohanan, sa mga sumusunod na taludtod nabubunyag na ang kasaysayan ay nagaganap ng ayon sa kagustuhan ng Diyos: “…Kailanman ay hindi ka makatatagpo sa kaparaanan ng Allâh (I) ng pagbabago at paglilihis, na kung kaya, walang sinuman na may kakayahan na palitan ito at ilalayo ang parusa mula sa kanyang sarili o mula sa iba man.” (Qur’an, 35: 43) Patunay lamang na ang kasaysayan ay may layunin, at ito ay nabubunyag o nagaganap kung ano ang ginusto ng Diyos. At ang utos ng Diyos ay perpeksyon o kalubus-lubusan ng liwanag:

Hinahangad ng mga walang pananampalataya sa kanilang pagtanggi upang patayin ang Liwanag ng Allâh (I) na ‘Deen Al-Islâm’ at pawalan ng saysay ang Kanyang mga katibayan at mga palatandaan sa Kanyang Kaisahan na dala-dala ni Muhammad (r), subali’t hindi ito pahihintulutan ng Allâh (I) hanggang sa mabuo ang Kanyang ‘Deen,’ – na ang ibig sabihin ay hanggang sa hindi pa naipahayag ang buong Rebelasyon ng Banal na Qur’ân – at lilitaw at mangingibabaw ang Kanyang Salita kahit ito ay kamuhian ng mga walang pananampalataya. (Qur’an, 9: 32)

Ang kahulugan ng taludtod na ito ay ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan ang Kanyang Liwanag sa pamamagitan ng relihiyon na Kanyang ibinunyag, Ang mga hindi sumasampalataya ay naglayon na patayin ang liwanag na ito sa pamamagitan ng kanilang “mga bibig” – mga pananakot at pagbabanta, mga propaganda at iba-ibang pilosopiya, subali’t hangad ng Diyos na pakalubusin ang Kanyang Liwanag at ang ibigay ang pamamayani at kapangyarihan sa kaganapan na bunga ng relihiyon sa buong kalupaan.
 
Ito na maaari ang “punto ng pagbabago sa kasaysayan” na nabanggit sa simula pa lang ng artikulo ito gaya nga ng mga naituro nga mga ebidensyang naipakita natin dito, kasama na ang mga implikasyon ng maraming hadith at pananalita ng mga iskolar. Ang kasiguraduhang tiyak, nalalaman ni Allah ang lahat-lahat.
 
Konklusyon
 
Nabubuhay tayo sa isang napakahalagang panahon. Ang ateismo na pinilit ipakita ng maraming tao sa loob ng ilang daang taon bilang “tunay na landas ng katuwiran at siyensya,” ay napapasabulaanan na dahilang ito’y napatunayang na puno ng irasyonalidad (kawalang katuwiran) at siksik ng kamalian. Ang materyalistikong pilosopiya na gumamit mismo ng siyensya upang patunayan ang kanilang katumpakan bagkus siyensya rin pala ang magpapabagsak sa kanila. Ang mundo na maglalayong iligtas ang sarili mula sa kuko ng ateismo ay masusumpungang lumapit muli sa Diyos at relihiyon. At ang prosesong ito ay matagal nang nagsisimula.
 
Maliwanag na ang mga tunay na mananampalataya ay may mahalagang tungkulin o gawain sa panahon ito. Nararapat na bukas ang kanilang isipan sa malaking pagbabago sa kung paano ang pananaw ng mundo sa ngayon, ang masuri at maipaliwanag ito, ang gamitin sa maganda ang mga oportunidad na ibinabahagi ng globalisasyon, at ang epektibong ipamalas ang katotohanang ito habang isinasakatuparan ang kanyang mga tungkulin. Dapat nating malaman na ang pangunahing sigalot o di-pagkakasundo ng mga ideya ay sa pagitan ng ateismo at pananampalataya. Hindi ito paglalabanan sa pagitan ng Silangan at Kanluran; dapat malamang sa parehong Silangan at Kanluran ay mayroong mga mananampalataya sa Diyos at yaong mga kalaban na walang pananampalataya. Sa kadahilanang ito, ang mga relihiyoso gaya ng mga Kristiyano, at gaya ng mga Hudyo ay kaalyansa nating mga Muslim. Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng mga Muslim at “Mga Tao ng Aklat” (Kristiyano at Hudyo) sa isang banda, at mga ateista at pagano sa kabila naman. Oo nga’t kailangang pakitaan natin ng paglaban ang mga klase ng taong ito, subali’t tingnan din sila bilang mga tao na kinakailangang iligtas mula sa malaking kamalian.
 
Ang oras ay lubhang napakabilis ang paglipas sa mga taong namumuhay na ignorante at walang kaalaman ukol sa kanilang Tagapaglikha, subali’t ngayon sila ay makakasumpong bumalik sa paniniwala dahil sa paparating na bagong mundo matapos ang panahon ng ateismo.
__________________________________________

(1) Patrick Glynn, God: The Evidence, The Reconciliation of Faith and Reason in a Postsecular World , Prima Publishing, California, 1997, pp.19-20, 53
(2) Bryce Christensen, in a review of Gerald Shroeder's book The Hidden Face of God, Booklist March 15, 2001
(3) George Politzer, Principes Fondamentaux de Philosophie, Editions Sociales, Paris, 1954, p. 84
(4) S. Jaki, Cosmos and Creator, Regnery Gateway, Chicago, 1980, p.54
(5) Henry Margenau, Roy Abraham Vargesse, Cosmos, Bios, Theos, La Salle IL: Open Court Publishing, 1992, p.241
(6) John Maddox, "Down with the Big Bang", Nature, vol. 340, 1989, p. 378
(7) H. P. Lipson, "A Physicist Looks at Evolution", Physics Bulletin, vol. 138, 1980, p. 138
(8) Paul Davies, The Cosmic Blueprint, London: Penguin Books, 1987, p. 203
(9) W. Press, "A Place for Teleology?", Nature, vol. 320, 1986, s. 315
(10) George Greenstein, The Symbiotic Universe, p. 27
(11) Hugh Ross, The Creator and the Cosmos, p. 123
(12) Denton, Michael Denton, Nature's Destiny: How the Laws of Biology Reveal Purpose in the Universe, The New York: The Free Press,1998, p. 14
(13) Paul Davies and John Gribbin, The Matter Myth, Simon & Schuster, New York, 1992, p. 10
(14) As quoted in Gerald Schroeder, The Hidden Face of God, Touchstone, New York, 2001, p. 7
(15) Gerald Schroeder, The Hidden Face of God, Touchstone, New York, 2001, p. 8
(16) Ibid. p. 8
(17) Ibid. p. 28
(18) Ibid. p. xi
(19) Ibid. p. 48
(20) Ibid. xii
(21) Charles Darwin, The Origin of Species: A Facsimile of the First Edition, Harvard University Press, 1964, p. 184
(22) Charles Darwin, Life and Letter of Charles Darwin, vol. II, From Charles Darwin to J. Do Hooker, March 29, 1863
(23) "Hoyle on Evolution", Nature, vol. 294, November 12, 1981, p. 105
(24) Edwin R. Wallace IV, “Psychiatry and Religion: A Dialogue”, in Joseph H. Smith and Susan A. Handelman, eds., Psychoanalysis andReligion, John Hopkins University Press, Baltimore, 1990, p. 1005
(25) Patrick Glynn, God: The Evidence, The Reconciliation of Faith and Reason in a Postsecular World , Prima Publishing, California, 1997, pp.60-61
(26) Patrick Glynn, God: The Evidence, The Reconciliation of Faith and Reason in a Postsecular World , Prima Publishing, California, 1997, p.69
(27) Patrick Glynn, God: The Evidence, The Reconciliation of Faith and Reason in a Postsecular World , Prima Publishing, California, 1997, p.78
(28) Patrick Glynn, God: The Evidence, The Reconciliation of Faith and Reason in a Postsecular World , Prima Publishing, California, 1997, pp.80-81
(29) Herbert Benson, Mark Stark, Timeless Healing, Simon & Schuste, New York, 1996, p. 203
(30) Herbert Benson, Mark Stark, Timeless Healing, Simon & Schuste, New York, 1996, p. 193
(31) Patrick Glynn, God: The Evidence, The Reconciliation of Faith and Reason in a Postsecular World , Prima Publishing, California, 1997, p.94
(32) Patrick Glynn, God: The Evidence, The Reconciliation of Faith and Reason in a Postsecular World , Prima Publishing, California, 1997,pp.161-162
(33) James Joll, Europe Since 1870: An International History, Penguin Books, Middlesex, 1990, pp. 102-103
(34) Patrick Glynn, God: The Evidence, The Reconciliation of Faith and Reason in a Postsecular World , Prima Publishing, California, 1997, p.161
(35) Patrick Glynn, God: The Evidence, The Reconciliation of Faith and Reason in a Postsecular World , Prima Publishing, California, 1997, p.163
(36) Patrick Glynn, God: The Evidence, The Reconciliation of Faith and Reason in a Postsecular World, Prima Publishing, California, 1997, p. 2    



2010-04-19 10:17:40

About this site | Make your homepage | Add to favorites | RSS Feed
All materials can be copied, printed and distributed by referring to this site.
(c) All publication rights of the personal photos of Mr. Adnan Oktar that are present in our website and in all other Harun Yahya works belong to Global Publication Ltd. Co. They cannot be used or published without prior consent even if used partially.
© 1994 Harun Yahya. www.harunyahya.com - info@harunyahya.com
page_top