AYON SA BANAL NA QUR’AN, ISANG SAGRADONG OBLIGASYON PARA SA LAHAT NG MGA MUSLIM ANG MAGKAISA

Sa Banal na Qur’an, iniutos ni Allah ang pagkakaisa ng mga mananampalataya, ang pagsama sa hanay ng paniniwala laban sa mga kalaban nito, ang ipagsaalang-alang at ibigin ang bawa’t isa bilang mga kapatid, ang pagiging mapagpatawad, at ang pangangalaga sa isa’t-isa upang maiwasan ang mga paghihiwalay, dibisyon at pagkakawatak-watak. Inihayag ni Allah ang ganito:

At hawakan ninyo nang mahigpit ang Aklat na mula sa inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha (Allâh I), at ang patnubay ng inyong Propeta, at huwag kayong gumawa ng anumang bagay na magiging dahilan ng inyong pagkakahiwa-hiwalay. At alalahanin ninyo ang mga dakilang biyaya ng Allâh (I) na ipinagkaloob sa inyo: noong kayo ay bago pa sa Islâm ay nagkakalaban-laban kayo at pagkatapos ay pinag-isa ng Allâh (I) ang inyong mga puso, sa pagmamahal sa Kanya at pagmamahal sa Kanyang Sugo. At itinanim Niya sa inyong mga puso ang pagmamahal sa isa’t-isa. (Surah Al ‘Imran, 103)

Katiyakan, ang mga manamampalataya ang tunay na magkakapatid sa ‘Deen,’ na kung kaya, ayusin ninyo ang pagitan ng inyong dalawang grupo kapag sila ay nag-away o nagpatayan, at katakutan ninyo ang Allâh (I) sa lahat ng pagkakataon, bilang paghahangad na kaawaan kayo. (Surat al-Hujurat, 10)

At ipagpatuloy ninyo ang pagsunod sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugo sa lahat ng pagkakataon, at huwag kayong magkasalungatan upang hindi kayo magkahiwa-hiwalay at magkaiba-iba ang inyong mga kalooban, dahil hihina kayo at mawawalan kayo ng lakas at tulong, at magtiis kayo sa inyong pagpapakatatag sa inyong pakikipagharap sa inyong mga kalaban, dahil walang pag-aalinlangan na ang Allâh (I) ay kasama ng mga matiisin sa pamamagitan ng Kanyang tulong at pagtataguyod, at hindi Niya sila bibiguin. (Surat al-Anfal, 46)

Ang mga yaong walang pananampalataya ay nagtutulungan sila sa isa’t isa, at kung hindi kayo magtutulungan sa isa’t isa, O kayong mga mananampalataya ay mangyayari ang malaking ‘Fitnah’ (kasiraan) sa mga mananampalataya para layuan ang ‘Deen’ ng Allâh (I) at malaking kapinsalaan dahil sa pagpigil sa Daan ng Allâh (I) at pagpapakatatag ng pundasyon ng walang pananampalataya. (Surat al-Anfal, 73)

At ang mga yaong kapag sila ay inapi at nananalo sila laban sa mga nang-api sa kanila ay hindi sila lumalampas sa kanilang karapatan, at kapag sila ay nagtiis, ang kapalit ng kanilang pagtitiiis ay higit na mabuti at masaganang gantimpala. (Surat ash-Shura, 39)

Katiyakan, ang Allâh (I) ay minamahal Niya ang mga nakikipaglaban sa Kanyang daan na mga nakahelera na para silang matitibay na mga estraktura (haligi o gusali) na hindi nalulusutan ng kalaban. Nasa talatang ito ang katangian ng ‘Jihâd’ – nagpunyagi sa Daan ng Allâh (I) at ng mga nakipaglaban; dahil sa pagmamahal ng Allâh (I) sa Kanyang mga alipin na mga mananampalataya kapag sila ay nakahelera na humaharap sa mga kumalaban sa Kanya (Allâh I), na sila ay nakipaglaban sa Kanyang Daan. (Surat as-Saff, 4)

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga taludtod na nagsasaad ng kahalagahan ng pagkakabuklod ng mga Muslim. Mula sa mga ito, at maging sa kabuuan ng Banal na Qur’an, makikita nating tunay na sagradong obligasyon na;

•    Magkaisa ang mga Muslim,
•    Magkabuklod bilang mga magkakapatid ng may pagmamahal at pagmamalasakit sa bawa’t isa,
•    Umiwas sa anumang alitan o sigalot,
•    Maging tunay na kaibigan at tagapangalaga ng isa’t-isa,
•    Mangalaga at maging tagpagbantay ng bawa’t isa sa lahat ng pagkakataon,
•    Magbigay-payo sa isa’t-isa,
•    Magsulong ng pakikibakang intelekwal laban sa mga kalaban ng pananampalataya, at maging buklurang halintulad ng mga tisa na siyang bumubuo sa isang gusaling matibay.

Kaya, ang paggawa ng taliwas sa mga naunang nabanggit ay magbubunga lamang ng:

•    Pagkakawatak-watak sa halip na pagkakaisa,
•    Pagtrato sa kapwa Muslim ng walang pagmamahal at pagmamalasakit,
•    Paglimot sa pagpapatawad, sa pangangalaga at sa pagtingin sa ibang Muslim bilang mga kapatid, at
•    Hindi pagtalima sa pakikibakang intelekwal laban sa mga walang pananampalataya, na isang tunay na kasalanan.

Kung tunay na busilak ang pagnanais ng mga tagasunod ng Islam sa lahat panig ng mundo upang maitatag ang isang makapangyarihan, matatag at matagumpay na sibilisasyong magbibigay-gabay at liwanag sa ating daigdig sa lahat ng aspeto nito, kinakailangang kumilos tayo ng may pagkakaisa. Ang kakulangan ng ganitong pagkakaisa bilang isang matibay na unyon ay siyang sanhi na rin ng mga kaguluhan at pagkakahiwa-hiwalay sa mundo ng Islam, ng kawalan ng iisang tinig, at ng kawalan ng kakanyahang ipagtanggol ng mga inosenteng Muslim ang kanilang mga sarili sa iba’t ibang uri ng pang-aapi at pagpapahirap. Ang hindi na mabilang na mga kababaihan na lugmok na sa kahirapan, kabilang na ang maraming mga bata at matatanda, ay lubhang nangangailangan na agarang aksyon upang mailigtas mula sa kaapihan sa mga lugar at bansang gaya ng Palestina, Kashmir, sa Silangang bahagi ng Turkestan (kung saan naninirahan ang mga Muslim na Uighur at nasa ilalim ng pamamahala ng mga Tsino), sa Katimugang bahagi ng Pilipinas (tahanan ng mga Morong Muslim) at sa iba pang mga rehiyon. Ang responsibilidad para sa mga taong ito, higit kaninuman, ay dapat sana’y nasa kamay at pangangalaga ng mga kapwa Muslim. Dapat alalahanin nating mga Muslim ang mga iniwang salita ng Propeta Muhammad ( nawa’y mapasakanya ang pagpapala ni Allah at ang kapayapaan), ito ay ang:

“Ang isang Muslim ay kapatid sa kapwa Muslim. Hindi siya maghahangad dito ng masama o ni iwanan siya sa oras ng pangangailangan.”

Ang mapait na katotohanang magpahanggang ngayon na hindi pa maitatag ang ang isang makapangyarihan at aktibong “Islamic Union” ay siyang pangunahing kontribyutor sa maraming sakit sa ating mga lipunan. Kapag nalikha na ang isang matibay na “Turkish Islamic Union,” tuluyan ng mawawala ang mga ganitong suliranin, mabilis na malulunasan  o agad na mareresolba ng higit pa sa inaasahan.  

Sadyang natural lamang na magkaroon ng mga pagkakaiba sa kultura, tradisyon at pag-unawa sa mga bagay-bagay sa mundo ng Islam. Subali’t ang mas higit na mahalaga ay ang magkaroon ng pagkakaisa sa ilalim ng iisang tunay na pananampalataya at batay sa pagtanggap at pag-unawa sa isa’t isa at kasama na ang pagkakaisa. Ang hindi pagkakapareho sa pag-iisip, kagawian, o pananaw ay normal at karaniwan na sa lahat ng mga lipunan. Ang moralidad sa Islam ay nagtuturo at nagbubunsod sa lahat ng mga Muslim na ituring ang kapwa Muslim bilang mga tunay na kapatid, anuman ang kanilang mga pagkakaiba.  Kung kaya anumang lahi, wika, bansa o sangay ng Islam ka nagmumula o mayroon, lahat ng Muslim ay magkakapatid. Samakatuwid, ang mga nasabing pagkakaiba ay dapat tinggan bilang mga aspetong maaring pagmulan ng yamang higit pang makapagpapayabong sa atin, at hindi ng potensyal na sigalot at pagkakawatak. Ang ganitong maling pananaw ay maglalayo lamang sa atin sa mga tunay na usapin o isyu at magpapaantala sa mga kinakailangan at importanteng pagkilos.

Sa kanilang relasyon sa isa't isa, ang pananampalataya at ang mabuting pagkatao o karakter ay mas higit na mahalaga, hindi ang lahi, o pinagmulang etniko, wika, pinansiyal na kakanyahan, estado o kalagayan, o maging ang katungkulan. Ang pag-ibig sa pagitan ng mga tunay na mananampalataya ay sumisibol ng dahil sa takot at dahil na rin sa kamalayan sa tunay na pag-ibig ni Allah, kasama na ang mabuting gawa at mabuting pagkatao.  Kung ang mga tao ay ialay ang kanilang mga sarili sa landas ng Allah, ang sundin ito sa lahat ng kanilang mga kilos at pag-uugali, at gagawa ng mabuti na may buong pag-asa ng mabuting kasiyahan ni Allah at ng Kanyang Habag, ang ibang mga mananampalataya ay magpapakita rin ng pag-ibig at paggalang sa kanila. Bilang resulta, anuman ang kulay ng kanilang balat, lahi, o pinansiyal na kakatayuan ay walang kaugnayan o halaga para sa mga taong nagmamahal sa kanila ng tunay. Ang kaparehong pamantayan ito ay dapat na mamayani para sa mga relasyon sa pagitan ng mga bansang Muslim, at kung saan ito ay nababatay sa Banal na Qur’an.

Kung may mga sitwasyon o pangyayaring pumipigil sa pagsasakatuparan ng pagkakaisa, narito ang mga katanungan kailangan nating isaalang-alang:

 “Ang mga usaping ito ba ay mas higit na mas mahalaga kaysa sa pagkakaisa sa Islam?”
 “Ito ba ay wala na talagang makikitang lunas pa?”
 “Magiging katanggap-tanggap ba na makipag-alitan sa ibang komunidad na Muslim sa halip na magtulong-tulong labanan ang mga ideyolohiyang walang pagtanggap sa relihiyon?"

Ang lahat ng tao na tutugon ng ayon sa kanilang kaibuturan at dikta ng konsiyensya ay magsasabing higit na dapat bigyan pagpapahalaga ang pagtapos sa mga gulo’t sigalot at ang pagsisimula ng itatag ang isang unyon na ayon sa Banal na Qur’an.

Ang mundo ng Islam ay nararapat at napapanahon nang ipasantabi ang mga di-pagkakaunawaan, at pakaalalahanin na tayong mga Muslim ay mga magkakapatid, ang magturingan bilang mga “brothers” at “sisters”  sa pananampalatayang Islam, ito ay upang magkaroon tayo ng mga  “role model” o mga dapat tularan na siyang magsasalamin ng totoong karakter ng Islam at ng mga layunin nito. Ang pagkakaisa ng mga mananampalataya ay isang regalo at biyaya na mula sa Allah na Tunay na Pinakamakapangyarihan sa lahat. Ang mga matapat na Muslim ay nararapat na magbigay ng taos-pusong pasasalamat sa Panginoon para sa lahat ng benepisyo, at ang laging tumalima sa utos na “huwag hihiwalay” – ito ang pagkakaisa.


2010-05-01 01:18:09
About this site | Make your homepage | Add to favorites | RSS Feed
All materials can be copied, printed and distributed by referring to this site.
(c) All publication rights of the personal photos of Mr. Adnan Oktar that are present in our website and in all other Harun Yahya works belong to Global Publication Ltd. Co. They cannot be used or published without prior consent even if used partially.
© 1994 Harun Yahya. www.harunyahya.com - info@harunyahya.com
page_top