Upang higit nating maunawaan kung bakit lubha nang malalim ang epekto ng kawalang-layunin (“purposelessness”) o kawalang-kahulugan (“meaninglessness”) na siyang namamayani na sa ating mga buhay at sa ating lipunan, magiging kapaki-pakinabang na tingnan ang ibang mga lugar ng interes o aspeto bukod sa mga una ng nabanggit. Ang karamihan ng mga tao ay may mababaw o limitado ng pananaw. Kadalasan, nasasabi nilang may silbi na ang buhay nila o may kahulugan na ito basta patuloy silang nakakapanood ng mga sinusubaybayang serye sa telebisyon o nakakapanood ng mga bagong pelikula sa mga sinehan. Para sa tulad ng mga taong ito, ang mas mahusay na layunin sa buhay, kung mayroon man, ay maaaring ang sumapi na lang sa isang samahang sosyal o “social club.”
Ang mga kabataan rin ay nagdurusa dahil sa kawalang-layunin at sa kakulangan sa mga mahahalagang bagay na nagbibigay-kahulugan sa buhay. Malaking bilang ng mga tinedyer sa ngayon ay hindi man nakikilala ang mga lider ng kanilang bansa, kasama na ang mga pulitikal na desisyong ginagawa ng mga ito, ang epekto ng mga desisyong ito sa pagtatanggol sa bansa, ang ekonomiya, o mga sistemang pang-edukasyon at panghukuman. Dahil lubusang hindi alintana ang mga pangunahing pangyayari at pagbabago sa mundo, sila ay patuloy na nagugulo lamang sa mga malilit na bagay na pawang walang halaga o saysay. Bagay na nagiging sanhi upang magkaroon ng kakulangan sa kakanyahang umunawa sa kahalagahan ng maraming mga kaganapang umuukit sa kasaysayan ng mundo. Ang kanilang mga pag-uusap ay madalas na limitado sa mga computer games, internet chat, pakikipag-“date”, mga walang kabuluhang pangyayari sa paaralan, pandaraya sa pagsusulit, mga planong gawin para sa katapusan ng linggo, mga usong damit o mga laro gaya ng football. Sa survey na ginawa para sa isang magasin, humiling ito sa mga tinedyer na biglang ranggo (“ranking”) ang mga "pinakadakilang layunin sa buhay na nararapat na ipagpursigi", at dito makikitang nangunguna ang resulta na maging isang sikat na modelo o artista at ang paglalaro ng gitara kagaya ng “guitarist’ sa isang sikat na banda lamang.“Pabayaan mo, O Muhammad (), ang mga lumabag na walang pananampalataya na kumain at magpakasaya sa kanilang buhay, at hayaan silang maging abala sa maling pag-aakala at malinlang ng kanilang walang kakuntentuhan na pagnanasa, na mapalayo mula sa pagsunod sa Allâh (), dahil walang pag-aalinlangang di-maglalaon ay mababatid nila ang bunga ng kanilang ginawa na pagkatalo rito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay. (Surat al-Hijr: 3)May tiyak na kaparaanan upang ang sangkatauhan ay makaiwas sa mga ganitong sitwasyon: ito ay ang huwag maging makasarili o maging interesado lamang sa pansariling buhay at klase ng pamumuhay na ang tanging layuning ay ang matugunan lang mga pangangailangang personal. Sa ganito, ang mga taong tinuran ay dapat higit pang hikayating maging mga indibidwal na nahahandang tumugon na makapagsilbi sa iba pang mga tao, at ang paghahanap-solusyon sa mga suliranin hindi lamang para sa pansarilimg kapakanan o para sa kani-kanilang mga bansang pinanggalingan, bagkus maging ang para sa kabuuan ng mundo. Ang relihiyong Islam na pinili ni Allah para sa mga tao at inihayag sa Banal na Qur'an ay maliwanag na nagpapakita ng ganap na layunin ng buhay ng tao:
“Na kung kaya, ituon mo, O Muhammad, ang iyong mukha, ikaw at ang sinumang susunod sa iyo at manatili ka sa ‘Deen’ na siyang ipinag-utos na batas ng Allâh () sa iyo, na ito ay ang Islâm. Na ito ang ‘Fitrah’ o likas na pagkakalikha ng Allâh () sa sangkatauhan, na kung kaya, ang pananatili ninyo at paghawak ninyo rito ay siyang tunay na pananatili sa likas na nilikha ng Allâh () na paniniwala na bukod-tanging pagsamba lamang sa Kanya.” (Surat ar-Rum: 30)
“At hindi ko nilikha ang ‘Jinn’ at ang tao, at sa pagkapadala ng lahat ng mga Sugo kundi sa napakataas na uri ng layunin, na ito ay sambahin lamang Ako nang bukod-tangi at wala nang iba pa."(Surat adh-Dhariyat: 56)