TL.HARUNYAHYA.COMhttp://tl.harunyahya.comtl.harunyahya.com - Artikulo - Kamakailan NaidagdagtlCopyright (C) 1994 tl.harunyahya.com 1TL.HARUNYAHYA.COMhttp://tl.harunyahya.comhttp://harunyahya.com/assets/images/hy_muhur.png11666Diatom: Ang mikroskopikong mga nabubuhay na nilalang na bumubuo sa mga pinagkukuhanan ng langis o oil fields Ang mga diatoms ay ang pangunahing grupo ng algae at siyang pinakakaraniwang uri ng phytoplantktons. Ang mga algae na ito na may mikroskopikong sukat ay ang pangunahing nutrient na nakapagpapalusog sa maraming mga nabubuhay na nilalang. Sila ay may malaki at napakamahalagang papel na ginagampanan -  magmula sa produksyon ng oxygen hanggang sa pormasyon ng langis, na siyang mahalagang pinagkukunan natin ng enerhiya.

Ang diatoms ay mga algae na karaniwang nakatira sa tubig, klase ito ng organismo na kayang makagawa ng eherhiya gamit ang proseso ng photosynthesis. Tinatayang may humigit-kumulang 10,000 ng mga ganitong napakaliliit na mga organismo na ang pinakamalaki ay may diametro lamang  na 1 mm sa 1 cc ng tubig dagat. At kahit na 90 porsyento ng mga organismong ito ay nabubuhay sa karagatan, hindi lahat ng diatoms aynakatira sa tubig lamang. Ang ilan sa mga ito ay nabubuhay din sa lupa, sa mga lumot (moss), sa mga puno at kahit sa mga pader ladrilyo (brick walls) basta may sapat na kahalumigmigan (moisture). Ang mgadiatoms ay kayang mabuhay sa kahit na anong lugar na may tubig,carbon dioxide at mganutrients, sila ay masasabi nating tunay na napakamahalagang bahagi ng buhay sa mundo ito.

Ang ilan sa malalaking katangian ng maliliit na mga nilalang (micro beings) na ito ay ang mga sumusunod:

Bakit ang mga diatoms ay mahalaga sa ating buhay?

Gamit sa produksyon ng Oxygen: Ang mga diatoms ay may mahalagang papel para sa halos lahat ng nabubuhay na nilalang dahil sa sila ang nakakagawa ng oxygen na kinakailangan ng lahat ng may buhay, dito gamit nila ang proseso ng photosynthesis. Ang mga mala-milagrong nilalang na ito na nagtatrabaho na parang pabrika ng oxygen ay binubuo ng mekanismong napakadetalyado. Sila ay nagtataglay ng maraming mga butas sa kanilang katawan na kayang nilang paganahin sa proseso ng pagpapalitan ng gaas (gas exchange). Ang kabuuang nagagawa o output ng gas exchange ng trilyong-trilyong  mga diatoms ay ang nagsisiguro na may kasampatan ang produksyon nito at sobra pa sa kanilang sariling mga pangangailangan. Ang ganitong malaking pinagkukuhanan ng oxygen ay isang mahalagang kontribusyon sa oxygen rate sa ating atmospera.

Ang kontribusyon ng diatoms sa hanay ng mga nutrients: Ang mga diatoms ay may malaking bahagi sa hanay ng nutrients o pangangailang pagkain na nakapagpapalusog sa mga nabubuhay sa karagatan. Sila ay pangunahing pinagkukunan ng nutrients ng mga zooplanktons na siyang kinakain ng ilang uri ng hayop tulad ng herrings na siya namang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng mas malalaki pang mga hayop sa karagatan.

Gamit bilang Pansala (Filtering Function): Ang mga napakaliliit na nilalang na ito ay maaaring gamitin sa mga larangang pang-industriya bilang pansala (filter) at  daluyan ng elektrisidad (insulator) para sa iba't ibang mga materyales. Ang diatoms ay partikular na mahusay sa paggawa lalo na ng silica, nitrate atphosphate pawang may mahahalagang gamit para sa mga nabubuhay na nilalang. At sa ilalim ng ilang mga pangyayari, sila ay maaaring gamitin upang malinis ang kontaminadong tubig.

Ang pinagkukuhanan ng bitamina D ng mga tao: Ang mga diatoms ay ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain para sa maraming mga hayop-dagat tulad ng isda at balyena. Gaya ng ating nalalaman, ang langis mula sa mga isda (fish oil) ay isang mahalagang nutrient na nakapagpapalusog sa katawan ng tao. Ang mga diatoms ay ang siyang nagbibigay ng bitamina D sa nabanggit na uri ng langis. Sadyang nilikha ni Allah ang mga napakaliliit na nilalang na ito bilang pagkain para sa mga isda kaakibat naman ang gamit na benepisyo ng mga ito para sa kalusugan ng tao.

May mahalagang papel na ginagampanan ang mga diatoms sa produksyon ng langis: Ang mismong kinakain ng mga diatoms ay sadyang mahalaga. Ang mga nabubuhay na nilalang na ito ay nakapag-iimbak ng sarili nilang pagkain sa anyo ng maliliit na lumpon ng taba (fat particles), nagagawa nila ito sa pamamagitan ng proseso ng photosynthesis sa kanilang mga selyula (cells). Ang mga maliit na fat particles na ito ay nagtipun-tipon sa loob ng mahabang panahon at siyang nagbubuo ng mga salansan ng langis (oil beds) na dumadaan naman sa impluwensiya ng iba’t-ibang geological at biological na mga puwersa. Dapat na malaman na ang malaking bahagi ng langis na nagagamit natin hanggang sa kasalukuyan ay nagmula pa sa mga diatoms na nangamatay sa ilalim ng sikat  ng araw sa mga karagatan noong sinaunang panahon.

Ang Diatomite ay maraming gamit na pang-industriya: Ang mga diatoms ay mayroong  tamang istrakturang pansalang istraktura (filter structures)  sa pamamagitan ng kanyang magaan na timbang at mga butas (pores) kung kaya’t marami itong pinaggagamitan sa industriya ng pananaliksik sa kalawakan. Bukod dito, ang mga ito rin ay malawakan nang ginagamit sa maraming larangan magmula sa produksyon ng acaricides hanggang sa paggawa ng pintura.

Ang pagkakaroon ng ganitong napakaraming masasalimuot at kamangha-manghang mga detalye sa Kanyang mga nilikha ay nagpapakita lamang sa perpeksyon o kaganapan ng kasiningan ni Allah. Ang ganitong mga katangian sa bawa’t nilikhang may buhay ay nakatutulong upang mas lubos na maunawaan ng tao ang dakilang lakas at kapangyarihan ni Allah. Sa isang ayat, naririto ang ipinahahayag ng Allah:

“O kayong mga naniwala sa Allâh (I) at sumunod sa Kanyang Sugo! Katakutan ninyo ang Allâh (I), at magsumamo kayo sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya at pagsasagawa ng anumang kalugud-lugod sa Kanya…” (Surat al-Ma’ida, 35)

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/41020/diatom-ang-mikroskopikong-mga-nabubuhayhttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/41020/diatom-ang-mikroskopikong-mga-nabubuhayMon, 18 Apr 2011 11:51:34 +0300
Ang Allah ay lubhang mapagbigay sa mga tao [ 2 ] Kung ang isang tao ay susulyap at magmamasid sa kanyang paligid matutunghayan  niya ang hindi mabilang na pagpapatunay sa walang depekto o walang pagkakamaling kasiningan sa paglikha ni Allah at pati na ng Kanyang kapangyarihan sa paglikha. Halimbawa, sa tuwing ang isang tao ay titingin sa salamin, ang karaniwang makikita niya ay ang isang proporsyonado at may magandang hitsurang nilalang, nguni’t kaalinsabay nito mapupuna rin niya ang kanyang mga kahinaan at kakulangan.

Ang mga tao ay patuloy sa pagsisikap na maialis ang mga depekto at kahinaan sa kanyang pangangatawan at ang makamit ang isang mas malinis at mas malusog na kaanyuan. Sa katunayan, maraming mga pabrika ay naglalaan nga ng panahon para sa mahahabang proseso ng pananaliksik at produksyon upang makapagbigay ng mga produkto na magiging kasangkapan upang matugunan ang iba't ibang pangangailangan ng tao.

Isang mahalagang punto ang nararapat na mabanggit dito; alam nating si Allah ay ang Tagapaglikha at Naghahawak ng lahat ng mga bagay-bagay. Batid ng mga mananampalataya na tanging si Allah lamang ang lumilikha ng mga produktong ito at kasama pati na ang bawa’t bahagi ng kanilang produksyon.

Bilang bagay na kailangan sa Kanyang pagsusubok, sinadyang likhain ni Allah ang tao na may maraming mga kahinaan. Siya rin naman ang nagpapakita sa tao kung papaano ang mga kahinaang ito ay maaaring maiwaksi, sa anong kaparaanan, at ito ay sa pamamagitan ng Kanyang kagustuhan, kayang-kaya Niyang likhain ang anumang bagay ng walang bahid ng kamalian.

Ang isang mananampalataya na nag-iisip patungkol sa mga detalye, parehong sa pisikal na anyo at nilalaman na kemikal sa mga produktong ito, ay mas mahusay na mapag-aalaman ang kasiningan sa Paglikha ni Allah. Ang isang taong namang hindi marunong tumingin gamit ang mga mata ng pananampalataya ay hindi kailanman mapagtatanto ang mga detalyeng ito. Gayunman, sa pagkakaroon ng kamulatan na ang bawa't bagay ay naaayon sa Paningin ni Allah bilang mga “pagkakataon” ( moment ) at na ang bawa't bagay ay tanging si Allah lamang ang lumilikha, buo sa isipan at pagtitiwala ng isang mananampalataya na ang isang produkto sa katunayan ay nilikha bago pa man siya ay ipinanganak. Batid niya na ito ay may sinadya na ( preordained ) na merkado at pati na kung sa aling mga eskaparate ang mga produkto ito ay malalagay upang iaalok na maibenta. Sa pagiging mulat sa kung paano ang Allah ay nagmamalasakit sa mga tao, ang isang tunay na mananampalataya ay walang-patid na nagbibigay-pasasalamat kay Allah

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/41019/ang-allah-ay-lubhang-mapagbigayhttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/41019/ang-allah-ay-lubhang-mapagbigayMon, 18 Apr 2011 11:47:52 +0300
Ang pagsasaloob ng tunay na makapagbibigay ng mabuting kasiyahan kay Allah sa ating bawa't kilos at gawa Ang isang tao na nagnanais na maipakita ang kanyang pinakamatapat na kalooban sa bawa't pangyayari na kanyang kakaharapin at susuungin ay tunay na naghahangad na makamit ang mabuting kasiyahan ni Allah. Ang utos na ito ng Allah ay naipapaalala sa mga tao sa pamamagitan ng ayat na ito,Kung gayon, mag-unahan kayo sa pagsagawa ng anumang bagay na makabubuti sa inyo dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay, sa pamamagitan ng pagpapatupad sa anumang nasa Banal na Qur’ân. At walang pag-aalinlangan, kayo ay patungo sa Allâh (I)…” (Surat al-Maida, 48).Sa isa pang ayat narito ang pahayag ng ating Panginoon:

Pagkatapos ipinagkaloob Namin bilang pamana ang Banal na Qur’ân pagkatapos mawasak ng mga naunang sambayanan sa sinumang pinili Namin mula sa sambayanan ni Muhammad: mayroon sa kanila ang inapi ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsagawa ng ilang mga kasalanan, at mayroon naman sa kanila ang nasa kalagitnaang kalagayan ng pagsunod na gumagawa ng mga ipinag-uutos at iniiwasan ang mga ipinagbabawal, at mayroon naman sa kanila ang nangunguna sa pagsagawa ng kabutihan sa kapahintulutan ng Allâh (I), na ibig sabihin ay palaging nakikipag-unahan, nagmamadali at nagsusumigasig sa pagsagawa ng mga mabubuting gawa, obligado man o hindi. Na ang ganitong pagkakaloob ng Aklat at pagpili sa sambayanan na ito ay isang dakilang kagandahang-loob.(Surah Fatir, 32)
 

Gaya na nga ng naipahayag sa ayat na ito, may ilang tao na balintulot o may pagkalito bagaman sila ay may pananampalataya sa Allah pati na rin doon sa mga taong nagpapaligsahan sa paggawa ng mabuti. Ang taong may tapat na pananampalataya ay tunay na makahihigit sa kabutihan. Sa bawa’t sandali ng kanyang buhay siya ay gumagawa ng seryosong pagsusumikap na mailagay ang kanyang sarili sa paraang nakapagdudulot ng mabuting kasiyahan kay Allah. Gagawin niya ang lahat ng bagay para siya ay mapabilang sa mga tapat na lingkod.

Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga taong balintulot o may pagkalito sa pamumuhay ng naaayon sa moralidad ng relihiyon at ng mga taong nagpapaligsahan sa paggawa ng mabuti ay maaaring mailarawan sa ganito; ang isang tao ay mahaharap sa maraming mga pangyayari sa kabuuan ng kanyang buhay. Siya ay laging mahaharap sa maraming mga pagpipilian tungkol sa kung paano niya bibigyang-direksyon ang kurso ng kanyang buhay o kung ano ang uri ng saloobin at moralidad ang gagamitin sa harap ng mga insidenteng ito. Malalaman na ang pagpiling ito ay laging nakabase sa kanyang konsensiya. At kabilang sa mga maaaring pagpipiliang ito ay mga alternatibo na hindi naaayon sa mabuting kasiyahan ng Allah.  Ang pansin ng isang tao na may pananampalataya ay tunay na mulat sa mga opsyon na hindi katugma sa mabuting kasiyahan ni Allah. Kaya't siya walang alinlangang tatanggi sa mga alternatibong ito, at pipili ng isa na kung saan ay magkakatugma sa mabuting kasiyahan ni Allah. Subali’t ang mga pagpipilian ay hindi natatapos sa puntong ito lamang. May iba pa rin lingid sa kanya - na kung saan ay tumutugma rin sa moralidad ng Banal na Qur'an. Subali’t ang sitwasyong gaya nito ay hindi dapat makapanlinlang sa isang tao.  Sa puntong ito ang isang tao ay dapat muling gamitin ang kanyang konsensiya at maging maingat na gumawa ng isa pang pagpili na tanging hangad ang mabuting kasiyahan ni Allah.  Kung ang isang tao ay may layon na maging kabilang sa mga taong nagpapaligsahan sa isa’t-isa na makagawa ng mabuti, masasabing tunay na batid na niya ang tamang opsyon na pinakamahigit na makapagdudulot ng kasiyahan kay Allah.Kung kaya sa gitna ng lahat ng mga alternatibong nasa sa kanyang harapan, siya ay makapipili rin ng saloobin na sa kanyang pag-asa ay magkakamit ng pagtanggap ni Allah, at ng sa gayon ay makapagdulot sa kanya ng marami’t higit na mga gantimpala, mga gantimpalang kayang punuan ang pinakamahahabang distansya sa pagkakamit niya ng pagiging malapit sa Allah.May isang bagay na katangi-tangi sa opsyon na ito; na ang paghahangad ng mas mababang antas ng katauhan (  lower self )  ay hindi nakagugulo sa opsyong ito, at sadyang inilaan upang kumita lamang magandang kasiyahan ni Allah.Ang metikolosong kilos na ito sa paggamit ng sariling konsensiya sa ginagawang pagpili ay tunay na makapagdadala sa isang tao ng busilak na katapatan. Sa Banal na Qur'an, binanggit ni Allah ang tungkol sa mga tapat na lingkod na nagpapaligsahan sa paggawa ng kabutihan, pakinggan ang sumusunod:

Ang mga ‘Ahlul Kitâb’ ay hindi magkakaparehas, mayroon sa kanila ang grupo na nanatili sa kagustuhan (batas) ng Allâh (I), naniwala sa Kanyang Sugo na si Muhammad (r) at sila ay gumigising sa gabi sa kanilang pagsa-‘Salâh, binibigkas ang mga talata ng Banal na Qur’ân, humaharap at nakikipag-ugnayan sa Allâh (I) sa kanilang pagsa-‘Salâh.’  Naniniwala sila sa Allâh (I) at sa Kabilang-Buhay, nag-uutos sila ng lahat ng kabutihan at nagbabawal sila ng lahat ng kasamaan, at minamadali nila ang pagsasagawa ng mga kabutihan, at sila ay kabilang sa mga mabubuting alipin ng Allâh (I).(Surah Al Imran, 113-114)

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/41018/ang-pagsasaloob-ng-tunay-nahttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/41018/ang-pagsasaloob-ng-tunay-naMon, 18 Apr 2011 11:43:50 +0300
Walang lugar para sa mga kahinaan tulad ng takot, pakikipagmadalian, pighati’t kalungkutan, poot o galit man sa mataas na antas ng pananampalataya ng mga propeta Katiyakan, ang mga mananampalataya lamang ang tunay na naniwala sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugo at sumunod sa Kanyang batas, pagkatapos ay wala sila ni anumang pag-aalinlangan sa kanilang mga paniniwala, at ginasta nila ang mga mahahalaga nilang kayamanan at nagpunyagi ang kanilang mga sarili sa Daan ng Allâh (I), pagsunod sa Kanya at sa Kanyang pagmamahal. Ang mga ganito, sila ang mga yaong matatapat sa kanilang paniniwala.(Surat al-Hujurat, 15)

Gayanang ipinahayag ni Allah na napapaloob sa isang ayat, "Maniwala nang walang alinlangan," ito ang pangunahing prinsipyo ng tunay na pananampalataya. Kaya kung ang isang Muslim ay may matatag na paniniwala sa pagkakaroon ng iisang Allah, siya ay hindi kailanman magagapi ng alinlangan sa kanyang pananampalataya anuman ang situwasyon na dumating, siya ay patuloy na namumuhay batid sa sarili na ang lahat ay nakikita at naririnig ni Allah sa bawa’t sandali, at siya ay laging matapat na susunod sa anumang utos at mga rekomendasyon ni Allah sa kanyang buong buhay, ito ay habang likas at maluwag niyang napapatupad ang magandang moralidad na itinakda ni Allah. Sa kabilang dako, siya ay may matatag na kumpiyansa tungkol sa pagkakaroon ng Kabilang Buhay kung kaya siya ay namumuhay na di-nawawaglit sa puso’t isipan na maaari siyang mamatay sa anumang sandali kagya’t marapat na ihanda ang sarili sa pagtutuos para sa kanyang mga nagawa sa mundong ito. Ang paniniwalang ito ay ang tunay na gabay sa pananampalataya na siyang ipinag-uutos ni Allah sa Banal na Qur'an.

Tulad nga nang nakita natin sa ayat na ito, si Allah ay pumupuri sa matibay na pananampalataya ng mga taong naniniwala sa Kanya at sa Propeta (saas), at sa kanyang masigasig na pakikibaka sa antas na intelektuwal patungo sa Landas Niya laban sa kawalan ng pananalig, at mala-ateistang paniniwala ng walang pagdududa. Gayunpaman, hindi lahat ng tao na nagpapatotoo sa pagkaroon nila ng pananampalataya ay maaaring mayroon ng sapat na lalim sa kanilang pananampalataya gaya nang pinatutungkulan dito. Binabanggit din ni Allah yaong mga tao na may mahinang pananampalataya at sa maraming mga ayat ng Banal na Qur'an, nagbigay-babala Siya sa kanila sa dahilang hindi sila naniniwala ng naaayon sa marapat tupdin, ating tunghayan:

Mayroon sa mga tao na pumapasok sa Islâm na mahina at may pag-aalinlangan, na kung kaya, sinasamba niya ang Allâh (I) nang walang katiyakan, ang katulad niya ay isang tao na tumayo sa gilid ng bangin o sumandal sa pader na hindi matatag ang pagkakatayo nito, na iniugnay niya ang kanyang paniniwala sa kanyang makamundo: na kapag siya ay nabuhay na nasa kalusugan at kaginhawahan ay magpapatuloy siya sa kanyang pagsamba, at kapag nangyari naman sa kanya ang pagsubok sa mga bagay na di-kanais-nais at mga kahirapan ay isisisi niya ito sa katotohanang Relihiyon na kanyang sinunod, at siya ay tumalikod na tulad ng isang nagpakabuti at pagkatapos ay nagpakasama. Na kung kaya, dahil sa ganitong gawain ay naging talunan siya sa makamundong buhay, dahil hindi mababago ng kanyang di-paniniwala ang anumang nakatakda sa kanya na makamundong buhay; at magiging talunan naman siya sa Kabilang-Buhay dahil sa kanyang pagpasok sa Impiyernong-Apoy. Ito ang malinaw at katiyakang pagkatalo.(Surat al-Hajj, 11)
 

Walang duda na ang isang tao na tunay na naniniwala, ay nagsusumite ng kanyang buong sarili, katawan at kaluluwa, at hindi hahayaang maging paliko-liko ang pagsunod niya sa moralidad, bagay na siya namang kinagigiliwan at pinayayabong ni Allah sa bawa’t yugto ng kanyang buhay. Siya ay nagpapakita ng pinakabusilak, pinakamalalim, pinakamagandang moralidad kaakibat ang pag-asang ang mga ito ay magiging kalugod-lugod sa Allah, kahit na siya ay walang tulog, kahit na siya pa may masidhing pangangailangan o kahit na siya pa ay nakakaramdaman ng matinding pisikal na pagkahapo. Nanaisin pa rin niyang masambit ang pinakamahuhusay na mga pananalita, at magsikhay sa paraang pinakamatalino’t pinakamahusay, pinakamatatag, at maluwag ang pagtanggap sa anumang kinakailangang ipagtiis. Ang bawa’t Muslim na may malaking pag-ibig kay Allah, na sa kanya ay kasiyahan na ang mahalin Siya, si Allah,  na mayroong tamang takot sa Allah at na sa Kanya lamang tanging sumusumpong, ay maaaring maabot ang lalim sa pananampalataya kahalintulad nang nakamit ng lahat ng mga propeta na nabuhay sa buong kasaysayan.Ang mahalaga ay ang maipakita ang isang matibay na pangako (commitment) at ang pagsisikap sa layuning maging tunay na malapit sa Allah, at ang hindi kailanman lilimot na walang ibang kapangyarihan maliban sa Allah, at ang tanggapin sa buhay niya si Allah bilang kaibigan at ang ibuhos ang kanyang buong pagtitiwala sa Kanya lamang sa bawa’t sandali ng kanyang maiksing buhay sa mundo. Ang isang mananampalataya na makakatugon sa lahat ng mga kailangan upang maging ganap na mananampalataya, buo sa kanyang puso’t kaluluwa, ay namumuhay sa mundong ito na halos tulad ng isang taong nagmula pa sa langit. Hindi niya hahawakan ang mga pag-uugali na puno ng galit, poot, pakikipagmadalian, sindak, takot, lungkot, pawang mga bagay na malayo sa batayang moral na napapaloob sa Banal na Qur'an.Kaya maaabot niya ang isang matalino at matagumpay na antas ng pananampalataya na kung saan ito ay katulad sa lalim ng pananampalataya ng mga Propeta, at ng mga banal na mga taong nabuhay, ito ay habang kanyang buong tatag namang umaasa na maging isa sa mga alipin ni Allah na Kanyang mga kinalulugdan.

Upang maunawaan ang lalim ng tunay na pananampalataya na mag-uugat lamang sa isang malalim na pag-ibig at isang matatag na pagpapasiya o determinasyon, maaari nating obserbahan ang naging buhay ng mga Propeta na siyang mga ehemplong ibinigay ni Allah sa Banal na Qur'an. Bilang halimbawa, ang Propeta Hesus (sa) ay nagpakita ng mga kilos at saloobin tulad sa isang tao na may isang tunay na pananampalataya sa lahat ng yugto ng kanyang buhay. Isinumite niya ang sarili sa Allah sa harap ng mga paghihirap na nangyari, tanging kabutihan ang kanyang nakita sa lahat ng bagay, hindi kailanman sumuko, at palaging pinanatili ng kanyang makatwiran at matalinong saloobin. At sa harap ng mahinang pananampalataya ng ilan sa kanyang mga alagad, matalinong pagkilos ang kanyang ipinakita dahil alam niyang si Allah ang Siyang lumilikha sa mga ito na nagkaganoon, matiwasay niyang tinawag sila sa Tamang Landas, at lumapit siya sa Allah upang palakasin ang kanilang pananampalataya. 


At alalahanin mo pa rin noong sinabi ng mga ‘Hawâriyyûn:’ “O `Îsã (u) na anak ni Maryam, kaya ba ng iyong ‘Rabb,’ kapag hiniling mo sa Kanya, na magpababa sa amin ng ‘Al-Mâ`i-dah’ – lamesa na may mga nakalatag na mga pagkain mula sa kalangitan?” At ang naging tugon niya ay inutusan sila na maging matakot sa parusa ng Allâh (I) kung sila ay tunay na naniniwala.

Sinabi ng mga ‘Hawâriyyûn:’ “Nais namin na kumain mula sa ‘Al-Mâ`i-dah’ na ito at nang sa gayon ay mapanatag ang kalooban namin kapag ito ay nakita namin at mabatid namin bilang katiyakan na totoo ka sa iyong pagiging Propeta; at kami ay magiging testigo sa palatandaang ito ng Allâh (I), na Siyang nagpadala nito bilang Kanyang katibayan para sa amin sa Kanyang Kaisahan at Kanyang Kapangyarihan, at kakayahan sa anuman na Kanyang nais; at iyong katibayan sa pagiging totoo ng iyong pagka-Propeta.”

Tumugon si `Îsã (u) na anak ni Maryam sa mga ‘Hawâriyyûn’ at nanalangin siya sa kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha at nagsasabi: “O Allâh (I) na aming ‘Rabb,’ padalhan Mo kami ng ‘Mâ`i-dah’ na nakahandang pagkain mula sa kalangitan; na ipagdiriwang namin ang araw ng pagbaba nito at dadakilain namin, kami at ang mga susunod pa sa amin; at ang ‘Mâ`i-dah’ ay maging tanda at katibayan mula sa Iyo, O Allâh (I), sa Iyong Kaisahan at sa pagiging totoo ng Aking pagka-Propeta; at pagkalooban Mo kami ng masaganang kabuhayan mula sa Iyo, sapagka’t Ikaw ay ‘Khayrur Râziqeen’ – ang Ganap at Pinakamabuting Tagapagkaloob ng mga kabuhayan.”
(Surat al-Ma'ida, 112-114)

 

Siya ay tumugon sa Allah na may isang magandang kasagutan sa tuwing tatanungin siya ni Allah, patuloy siya sa pagpuri at pagluwalhati sa Kanya, siya ay nagpakita ng kanyang malalim na pag-ibig at debosyon kay Allah sa kanyang mga salita na puno ng paggalang at paninikluhod. Kapag ating pagninilayan ang mga sumusunod na ayat, ang katapatan ng mga salita ni Propeta Jesus (sa), agad nating mapapansin ang kanyang malalim na paggalang at dakilang pag-ibig kay Allah. Kung kaya ang katapatan at kadakilaan nito ay malinaw na indikasyon ng malalim na pag-ibig at malaking takot sa Allah, at ito ay isang tunay na mataas na antas ng pananampalataya:

Alalahanin mo na sasabihin ng Allâh (I) sa Araw ng Muling Pagkabuhay: “O `Îsã (u) na anak ni Maryam, ikaw ba, sinabi mo sa mga tao na: ‘Ituring ninyo ako at ang aking ina na dalawang sinasamba bukod sa Allâh (I)?’” Tumugon si `Îsã (u) bilang pagluwalhati sa Allâh (I): “Hindi maaaring sasabihin ko sa mga tao ang hindi totoo. Kung sinabi ko man ito, tiyak na ito ay batid Mo, dahil Ikaw ay walang maililihim sa Iyo na anuman, alam Mo kung ano ang kinikimkim ko, na kung ano ang nasa aking sarili at hindi ko alam kung ano ang nasa Iyo. Katiyakan, Ikaw ay ‘`Aleem’ – ang Ganap na Nakaaalam ng lahat ng bagay na nakalantad o lihim.”

Sinabi ni `Îsã (u): “O Allâh na aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Wala akong sinabi sa kanila kundi ang kung ano lamang ang ipinahayag Mo sa akin, at kung ano ang iniutos Mo sa akin na iparating sa kanila na paniniwala sa Kaisahan Mo at pagsamba sa Iyo, at ako ay testigo sa kanila habang ako ay kasama pa nila, tumitestigo sa kanilang mga ginagawa at kanilang mga sinasabi, subali’t noong kinuha Mo ako mula sa kalupaan at iniangat Mo ako patungo sa kalangitan na buhay, Ikaw lamang ang Nakamamasid ng anumang inililihim nila at Ikaw ay ‘Shaheed’ – Ganap na Saksi at Tagapagmatyag ng lahat ng bagay at walang anuman ang maililihim sa Iyo dito sa kalupaan at ganoon din sa kalangitan.

“Kung parurusahan Mo sila, O Allâh (I), sila ay mga alipin Mo, at Ikaw ang Nakaaalam ng mga katayuan nila, ginagawa Mo ang anuman na Iyong nais sa kanila, sa Iyong pagiging makatarungan; at kung magpapatawad Ka dahil sa Iyong awa sa sinuman humarap (dumulog) sa Iyo na dala-dala niya ang lahat ng kadahilanan upang siya ay mapatawad. Walang pag-aalinlangan, Ikaw ay ‘Al-`Azeez’ - ang Kataas-Taasan at Punung-Puno ng Karangalan na Ganap na Makapangyarihan na walang sinuman ang makagagapi sa Iyo, ang ‘Al-Hakeem’ – ang Ganap na Maalam sa Iyong panukala at sa Iyong pag-aatas.”

Ang ‘Âyah’ o talatang ito ay papuri sa Allâh (I) sa Kanyang pagiging Ganap na Maalam, sa Kanyang pagiging Ganap na Makatarungan, sa pagiging Kaganapan ng Kanyang Kaalaman.
(Surat al-Ma'ida, 116-118)

 

Ang isang Muslim na tumutulad sa mga Propeta na nagsisilbi bilang mga halimbawa para sa kanyang sarili ay laging nakalingon kay Allah, hanap sa Kanya ang paggabay sa harap ng lahat ng mga kaganapan na kanyang susuungin, matatag siyang umiiwas sa pagbibigay ng tugon na hindi magiging kagiliw-giliw kay Allah, hindi rin siya nagpapakaulaw o nagpapadala sa mga simpleng saloobin tulad ng galit, poot, pagkatakot, pagkamaramdamin o kalituhan man at lagi niyang pinananatiling nakakapit ang sarili kay Allah at sa Banal na Qur'an sa pamamagitan ng pagkilos ng marangal at matalino, bagay na karapat-dapat sa pagiging isang mananampalataya sa pinakadakilang paniniwala.

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/41017/walang-lugar-para-sa-mgahttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/41017/walang-lugar-para-sa-mgaMon, 18 Apr 2011 11:38:28 +0300
Ang Allah ay lubhang mapagbigay sa mga tao [1 ]

Nilikha ni Allah ang mga tao sa mundo na kung saan ito ay puno ng mga pagsubok. Nilikha niya ang kapaligirang ito na ang mga nasabing pagsubok ay may kanya-kanyang natatanging mga detalye. Ating makikita na si Allah ay patuloy na nagbibigay ng pagpapala sa mga tao mula sa mga pinakamaliliit na detalye sa mundong ito, ang ilan ay maaaring batid na natin at may iba pang natatago sa ating kamalayan.  Ang pagsusuri sa mga detalyeng ito ay makatutulong sa pagtuklas at pag-unawa natin sa walang hanggang karunungan ni Allah.

Nilikha ni Allah ang sampu-sampung libong mga lungsod sa ibabaw ng mundong ito at pati na ang milyon-milyong mga kabahayan sa bawa’t mga lungsod o bayang ito. Ang bawa’t bahay, sa kabilang dako, ay may kani-kanilang kaayusang taglay (aesthetical order). Ang pagkakaisa at pagtutugma ng mga kulay sa karpet, ang ayos at disenyo ng mga upuan, ang imahe sa telebisyon, at ang kagandahan ng mga damit sa mga kinalalagyan ng mga ito, lahat ay mga detalyeng ating nasasaksihan. Gayunpaman, ang mga detalye ito na ating nakikita ay hindi limitado hanggang dito lamang. Dapat na malaman na ang bawa’t bahay ay mayroon ding mga tinatawag na microbes at bacteria na hindi sadyang kayang makita ng ating mga mata lamang.

Si Allah ay ang nag-iisa at tanging nakakaalam sa lahat ng mga bagay at siyang nagtatakda at nagbibigay ng kaayusan sa lahat ng mga ito. Ang lahat ng mga pinagdaraanan ng isang tao magmula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kanyang kamatayan, ang kanyang mga pakiramdam at damdamin habang nakararanas sa mga pangyayaring ito at ang bawa't pangitain na nakikita niya ay pawang mga nagaganap dahilan sa paglikha ni Allah sa mga ito. Sa ganitong kadahilanang ang isang tao ay hindi dapat mabuhay sa pagwawalang-bahala. Marapat na pag-isipan at pag-aralan niya ang bawa’t detalye na tinataglay at napapaloob sa walang hanggang kaalaman ni Allah. Sa pag-unawa sa mga detalyeng ito niya mapagtatanto ang tunay na kabuluhan ng bawa’t isa dito. Sa taong malalim na ang pagkakaunawa, ang isang damit na lana ay hindi na isang piraso ng tela lamang. Batid niya ang papel ng mga DNA, na bumubuo sa lahat ng mga katangian ng hayop na pinagmulan ng lana, siya ay nagbibigay-pagdakila kay Allah para sa sining ng Kanyang Paglikha na makikita sa bawa’t detalye ng mga bagay-bagay.

Sa Banal na Qur'an, ating matutunghayan ang pagpapamalas ng dakilang kapangyarihan ni Allah, naririto ang mga nasasaad:

Ang anumang nasa mga kalangitan at kalupaan mula sa lahat ng nilikha ng Allâh (I) ay niluluwalhati ang Allâh (I) na Siya ay malayo sa lahat ng di-kaganapan, at Siya ay ‘Al-`Azeez’ – ang Kataas-Taasan at Punung-Puno ng Karangalan na Ganap na Makapangyarihan sa Kanyang mga nilikha, na ‘Al-Hakeem’ – Ganap na Maalam sa Kanyang Pangangasiwa sa kanila.

Pagmamay-ari Niya ang mga kalangitan at kalupaan at ang anumang mga nakapaloob dito, Siya ay Tagapagmay-ari na Tagapagpasiya sa Kanyang nilikha, Siya ang nagbibigay ng buhay at nagsasanhi ng kamatayan, at Siya ay ‘Qadeer’ – Pinakamakapangyarihan sa lahat ng bagay na kaya Niyang gawin ang anuman na Kanyang nais gawin at kung anuman ang nais Niyang mangyari ay mangyayari at kung anuman ang ayaw Niyang mangyari ay hindi mangyayari.

Siya ay ‘Al-Awwal’ – ang Una na walang anumang nauna kaysa Kanya, at ‘Al-Âkhir’ – ang Huli na walang katapusan, Siya ay ‘Adz-Dzâhir’ – ang Kataas-taasan na wala nang tataas pa kaysa sa Kanya, at Siya ay ‘Al-Bâtin’ – ang Pinakamalapit na wala nang mas malapit pa kaysa sa Kanya (sa pamamagitan ng Kanyang ganap na kaalaman sa lahat ng bagay) at walang anumang bagay ang naililihim sa Kanya sa kalupaan at ganoon din sa mga kalangitan, Siya ay ‘`Aleem’ – Ganap na Nakaaalam ng lahat ng bagay.

Siya ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, at ang anumang nasa pagitan ng dalawang ito sa loob ng anim na araw, pagkatapos ay pumaroon Siya sa Kanyang ‘Arsh (isinaling Trono) na nasa ibabaw ng lahat ng Kanyang nilikha sa kaparaanan na angkop sa Kanyang Kamaharlikaan, batid Niya kung anuman ang pumapasok sa kalupaan na katulad ng butil, tubig-ulan at iba pa, at ang anumang lumalabas mula rito na katulad ng mga halaman, pananim at mga bunga, at anuman ang bumababa mula sa kalangitan na katulad ng ulan at iba pa; at ang anumang pumapaitaas patungo sa kalangitan na katulad ng mga anghel at ang mga gawain, na Siya ay kasama ninyo kahit saan man kayo naroroon sa pamamagitan ng Kanyang ganap na kaalaman, at ang Allâh (I) ay ‘Baseer’ – Ganap na Tagapagmasid sa inyong mga gawain na inyong ginagawa at ayon dito kayo ay tutumbasan.
(Surat al-Hadid, 1-4)


 

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/41016/ang-allah-ay-lubhang-mapagbigayhttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/41016/ang-allah-ay-lubhang-mapagbigayMon, 18 Apr 2011 11:32:22 +0300
BIOLUMINESCENCE: ANG LIWANAG NA GAWA AT NAGMUMULA SA MGA KATAWAN NG MGA NILALANG NA MAY BUHAY  

Ang liwanag ay gumaganap ng isang malaking papel sa buong buhay ng mga nilalang na may kakanyahang huminga. Sa umaga’t hapon,  ang araw (o sikat nito) ay ang pinakamahalagang pinagkukunan ng ilaw o liwanag para sa lahat ng mga nilalang. At sa gabi naman, mga lampara o ilawan ang gamit ng tao upang makakuha ng liwanag. Subali’t may ilang mga kahanga-hangang nilalang sa ating kalikasan na kayang gumawa ng kanilang sariling mga ilaw sa loob mismo ng kanilang mga katawan,  ito ay mga pagpapala sa kanila na ipinagkaloob ni Allah, ang Pinakamakapangyarihan sa lahat. May mga panahon na matindi ang lakas ng liwanag na ito na nagmumula sa mga hayop, kung kaya madali itong mapapansin sa mga larawang kuha sa satellite.


Subali’t papaano na ang liwanag na ito ay nabubuo sa kanilang mga katawan? Likas sa ilang mga hayop na makabuo ng liwanag bilang resulta ng isang kemikal na reaksyon sa kanilang mga katawan. Ang mga nilalang na ito ay palatandaan lamang ng isang perpektong Paglikha ng ating Panginoon, kung kaya sila ay pinakanabibigyang-pansin sa mundo ng siyensiya. Ngunit, papaano talaga gumagana ang ang prosesong ito na tingurian ng mga siyentipiko na bioluminescence?

Paano nabuo ang Bioluminescence?

Ang liwanag ay gawa sa parehong mga pangunahing prinsipyo kahit saan man sa sansinukob. Ang mga electron ay may pangunahing bahagi sa pagbubuo ng liwanag. Kapag ang isang electron ay tumanggap ng enerhiya, gumagalaw ito pataas o nadaragdagan ng isang antas ang kanyang atomic orbit. At sa pagbalik nito sa dating antas, nag-iiwan ito ng energy package na tinatawag na photon. Ang mga electron ay apektado ng Araw o ng white-hot bulbwire (bombilya).  Bilang resulta, ang liwanag ay naglalabas din ng init. At dahil sa ang bioluminescence na kilala bilang "cold light" (malamig na liwanag), ang electron ay magsagawa ng isang reaksiyong kemikal na walang init na inilalabas. At dahil dito, salungat sa isang bombilya na nagpapalit o gumagawa ng 3% ng enerhiya na maging liwanag at 97% ng mga ito na maging init, ang enerhiya na nagagawa sa pamamagitan ng bioluminescence ay halos ganap nagagawang liwanag.

Ang bioluminescence ay isang reaksyong kemikal na nabubuo sa pamamagitan ng pagsasanib ng isang molecule na nakalilikha ng liwanag na tinaguriang luciferin at ng catalyser enzyme luciferase enzyme at pati na ang pagsanib ng molecule ng oxygen sa ugnayang ito.

Kaya, ang kumikinang na mga hayop na ito ay nagkagagawang makabuo ng liwanag sa pamamagitan ng paggamit ng mga kemikal sa kanilang katawan o magtatag ng isang partikular na ugnayan sa mga bacteria na may kakanyahang makagawa rin ng liwanag. Ang mga bacteria na ito ay nakatira sa maninipis na parte (light organs) ng katawan ng mga kumikinang na mga hayop at sila ay patuloy na magliliwanag. Kapag ang mga hayop ay nagnanais na isara o ikubli ang liwanag, ipapasok lang nila ang naturang organ; ang ilan naman ay may animo mga tulad sa takipmatang bahagi ng balat sa buo nilang katawan.

Ang ilan ay gumagamit ng fluorescent na kaparaanan upang makabuo ng liwanag. Subali’t ito ay hindi gumagana ng sa kagaya ng bioluminescence.

Sa bioluminescence, dalawa o higit pang mga sangkap ay nagtatagpo upang makabuo ng liwanag; samantalang sa fluorescence, ang isang  bagay ay sumasalo o sumisipsip ng liwanag na may iisang kulay lamang at ilalabas (reflect) naman niya mula dito ang iba't ibang mga kulay.

 

Ang mga kumikinang na nilalang ay kayang makagawa ng iba’t-ibang kulay.

Kapag ang luciferin molecule at ang luciferas enzyme ay nagtagpo sa panahon ng pagpoproseso ng bioluminescence, sila ay naglalabas ng iba-ibang kulay tulad ng pula, orange, dilaw, berde, asul at lila sa pamamagitan ng pagdaan sa iba't ibang reaksyong kemikal. Sa puntong ito, makikita natin ang isa pang patunay ng kahanga-hangang Paglikha ng Ating Pinakamakapangyarihang Allah. Ang mga kulay na ito ay nilikha upang umakma sa kapaligiran ng buhay na mga nilalang. 

Ang pinakakaraniwang kulay ng liwanag sa mga nilalang ng karagatan ay ang asul. Ang dahilan kung bakit asul ang kulay na may pinakatampok na pagpapalaganap sa karagatan ay sa mayroong itong short wave. Gayunpaman, may isang isda na namumuhay sa pinakailalim ng karagatan na kumikinang na pula, ito ang tinatawag na “Jawel Fish.” Ito ay sanhi ng katotohanang ang isda na ito ay nakatira sa mga lugar ng karagatan kung saan walang liwanag o hirap na maabot liwanag. Imposible na makita ang asul na kulay sa pinakamalalalim at pinakamadidilim na bahagi ng karagatan. Kaya sadyang nilikha ng ating Panginoon ang kumikinang na katangian ng isda sa pinakanaaangkopna paraan sa kanyang kapaligiran.

Ang pinakamataas at pinakadakilang kaalaman ni Allah ukol sa pagkakalikha ng lahat ng bagay ay ipinahahayag sa sumusunod na ayat sa Banal na Qur’an: 

Ang Allâh (I) ay Siyang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, na walang pinagkunan ng anumang katulad. At kapag Siya ay nagtakda o nagpasiya ng isang bagay, sinasabi Niya lamang dito, ‘kun’ (maging gayon o maganap) ‘fa yakun’ (at ito ay kaagad na magaganap).(Surat Al-Baqara, 117)

Ang Bioluminescence ay nagbibigay inspirasyon sa Teknolohiya.

Ang ilang nilalang ay may angking kakanyahang makagawa ng ilaw sa iba't ibang paraan. At sa kapahintulutan ni Allah, ang mga siyentipiko ay nagsusumikap na magamit ang tampok na katangiang ito sa teknolohiya, sila ay naglaan na ng mahabang panahon sa pananaliksik sa mga buhay na nilalang na ito. Ang ilan sa mga lugar na pananaliksik na kung saan ang bioluminescence ay itinatampok ay sa mga sumusunod:

Sa pagtatanim ng mga puno na kumikinang o nagliliwanag sa gabi sa mga tabing daan, ito ay upang makatipid sa bayarin sa elektrisidad.

Sa mga pananim at iba pang halamang-bahay na kumikinang o nagliliwanag kapag kailangan na silang madiligan o matubigan.

Sa mga pamamaraan para malaman kung may bakterya sa pagkain.

Nagkaroon na ng mga pag-aaral ukol sa kanser at sakit na Alzheimer gamit ang mga tampok na katangian ng bioluminescence doon sa mga nilalang na walang kahalintulad na ganitong kakanyahan. Depende sa mga magiging resulta sa pananaliksik na ito, ang bioluminescence ay maaaring magamit na rin sa pagtuklas ng medisina.

Sa John Hopkins University, may pananaliksik sa mga bacteria na may kakanyahang sa bioluminescence. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang bumuo ng isang teknolohiya na tutuklas sa lokasyon ng mga minahan. Ang mga bacteria ay gagamitin upang mahanap ang mga minahang naglalabas ng isang  kemikal na tinatawag na NO2 gas.

Ang isang bacterium na tinatawag na "Photobacterium Phosphoreum" ay ginagamit upang masukat ang antas ng polusyon sa tubig sa pamamagitan microtox toxicity tests. Sa mga pagtetesting na ito, ang liwanag ng mga organismong ito ay bumababa kapag nalalantad sa lason (toxin).

Gayundin ang bioluminescence ay madalas na ginagamit sa mga burloloy at aksesorya. Ang mga light sticks na ginagamit upang ipakita ang daan ng eroplano sa mga paliparan ay nakakagawa ng liwanag sa katulad na paraan ng bioluminescence.

Ang ating Panginoon ay ang siyang Tagapaglikha ng lahat ng bagay sa Pinakanatatanging Kaparaanan.

Lahat ng mga nilalang na may buhay ay may kahanga-hangang mga detalye sa kanilang pagkakalikha, naiiba sa bawa't isa. Kapag iyong susuriing maigi at ng masinsin ang mga nilalang na ito, makikita mo sa kabuuan ang marami pang mga himala ng Paglikha hanggang sa pinakapino nilang mga detalye. Ang bioluminescence ay isa lamang sa mga libo-libong mga himala ng Paglikha ng ating Panginoon.

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/40340/bioluminescence--ang-liwanag-nahttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/40340/bioluminescence--ang-liwanag-naFri, 01 Apr 2011 11:51:15 +0300
ANG PAGKAKAROON NG INTELEKTUWAL NA KAKANYAHAN AT ANG MAKAGAMIT NITO AY ISANG PRIBILEHIYO  

Ang ilang tao ay mamamalas nating nagtataglay ng mga katangiang superyor o nakahihigit kumpara sa karamihan. Lubos na respeto at paghanga ang ibinibigay natin sa mga taong ito. Subali’t kadalasan, hindi nila alintana kung ano ang pinagmumulan ng paghanga nating ito sa kanila. Sa mga nakakamasid, agaran nilang nasasabi na sadyang ang mga taong ito ay lamang sa karamihan sa panloob na mga katangian. Sa paniniwala nila, ito ay likas o natural na sa mga taong ito o sa personalidad ng mga taong nabanggit, kung kaya anumang paghanga sa kanila ay nakakamit na nila ng walang kahirap-hirap. Dapat nating suriin na ang isa sa mga mahahalagang katangian ng mga taong paksa ng paghanga natin ay ang “abilidad nilang magamit ang kanilang pag-iisip.” Anuman ang mataas nilang katangian ay nagreresulta lamang sa pamamagitan ng paggamit nila ng kanilang intelektuwal na kakanyahan.   
 

Ang ilang mga tao na nakakakita sa mga oportunidad na ito bilang bagay na makapagdulot ng kagandahan sa kanilang moralidad ay tatanggap sa mga ito ng buong kasiyahan. Subali’t iiwas naman silang gamitin ang kanilang mga sariling isipan upang higit pang mapayabong ang mga kagandahang tinatamasa nila. Para sa kanila, ito ay masyadong matrabaho upang pag-ukulan pa ng panahon, kaya mas pipiliin na lang nila na “gayahin o sumunod na lang doon sa mga gumagamit ng sariling pag-iisip.” Inihayag ng Allah ang situwasyon ng mga taong ito sa sumusunod na ayat: at karamihan sa mga walang pananampalataya ay hindi nila nakikilala ang katotohanan mula sa kasinungalingan.(Surat Al-Maida:103)  
 

Subali’t kung panggagaya lamang ang gagawin at hindi gagamitin ang sariling pag-iisip, hindi naman ito magdudulot ng resulta na tunay na hinahangad, o maging magdala ng paghanga mula sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ang ganitong pagkuha ng kaalaman sa pamamagitan ng panggagaya o pakikisakay ay kadalasang makakaapekto lamang sa iba sa negatibong paraan. Ang mga pananalita ng isang tao na hindi gumagamit ng sariling pag-iisip na bagkus ay nagsisilbi lamang na daanan ng impormasyon, ay hindi magdudulot ng mga kaiga-igayang epekto sa mga taong kanyang nasasakupan. Higit pa rito, dahil sa parang paulit-ulit lamang na pananalita katulad ng sa napapasailalim sa hipnotismo, ang mga utak o isipan ng mga tao ay maaaring mawalang sigla sa pakikinig maging ukol sa mga bagay na mahahalaga dapat.  Sadyang anumang bagay na imitasyon ay magdadala lamang ng pagkabahala at kagulumihanan sa mga tao. Kapuna-puna ang napakalaking pagkakaiba sa pag-uugali at gawi ng isang taong gumagamit ng kanyang sariling pag-iisip doon sa taong hindi gumagamit ng kaisipan kung saan walang magiging sapat na implementasyon ng pagkilos, malayo sa pinakatamang kaparaanan, walang pagpapahalaga sa nararapat at walang katumpakang kilos sa tamang lugar, wala rin ang pagkakarkula sa mga magiging epekto nito sa kanyang ginagalawan.


Isa pang mahalagang punto na dapat ikonsidera ng mga ganitong klase ng tao na tamad gumamit ng sariling pag-iisip ay ang katotohanang ang pagkakaroon ng intelektuwal na kakanyahan at ang magamit ito ay isang napakalaking biyaya, pribilehiyo at kaginhawahan para sa isang tao. Isang kaluwagan na may pag-iisip ang tao. Sa simula na gamitin niya ito, hudyat na ito upang makamit niya ang isang napakagandang pamumuhay sa lahat ng aspeto nito. Maabot na niya ang isang antas ng pang-unawa na makapagdadala sa kanya sa pinakarurok ng kasiyahan na dala ng lahat ng mga biyaya ng mundo. Kanyang kaya nang lutasin ang alinmang bagay sa maikling panahon. Makakaya na niyang mailagay ang kanyang moralidad at pagkatao sa posibleng pinakaperpektong kalalagayan. Bawa’t katangian niya ay maglilikha ng ganap na paghanga at papuri para sa kanya. Kada salita na magmumula sa kanya ay magiging higit sa pangkaraniwan, ito ay orihinal at magbabasag sa anumang negatibong epekto ng mga nakasanayang bagay. Ang kanyang mga pakikipagtalastasan ay magiging epektibo, matalino at magdadala ng malalaking benepisyo para sa lahat ng mga tao. Walang hindi nakakagiliw sa kanyang mga pamamaraan. Bawa’t salita na mamumutawi sa kanyang bibig ay pinag-isipan, laging may pagsasaalang-alang sa kung ano ang magiging epekto nito sa mga tagapakinig at anumang maselang paksa ay binalanse ang gagawing paglalahad. Kanyang matatamo ang pagmamahal, ang respeto, ang may lalim na pakikitungo ng kapwa, ang pakikipagkaibigan at ang pagtitiwala sa kanya. Kanya ring matatamo ang sapat na lalim ng pang-unawa upang maisabuhay ang pagmamahal, paggalang at pagkakaibigan sa pinakaperpektong kaparaanan.        

Batid rin naman natin na ang kakanyahang makagamit ng isipan ay hindi possible sa lahat ng nilalang. Ang kakanyahang makapag-isip ay kaakibat ang pananalig o pananampalataya. Kayang ibigay ni Allah sa isang tao ang pag-iisip, sinseridad at pagkakaroon ng bukas at malayang kaisipan hanggang sa punto na makakamit niya ang pag-ibig at takot kay Allah; ito ay hanggang sa puntong wala siyang higit na pakahahalagahan na anumang bagay sa mundo kundi ang mga utos ni Allah at ang sundin ang mga ito.

Sa ganitong kadahilanan, ang mga taong nakababatid sa katotohanang ito sa pananamplataya ay lalo pa dapat na magsikhay na magamit ang biyaya ng pag-iisip at higit na maging seryoso na gawin ito.  Lubos sa kanyang pang-unawa ang kahalagahan na ito ay ang isa sa pinakamalaking biyaya na possible sa mundong ito. Napakalayo ng katayuan sa buhay ng mga taong gumagamit ng sariling pag-iisip doon sa mga mga taong hindi ginagamit ang biyayang ito, yaong mga kontento na na makagaya at magbabase sa mga kuwento na lang. Ang isang tao na bigo na buksan ang kanyang isipan ay nasusuong lamang sa malaking pagkatalo o pagkabigo na kanyang kakaharapin sa mga situwasyong kanyang kasasadlakan.  Ito ay mga situwasyong hindi nalilingid doon sa mga taong gamit ang biyaya ng pag-iisip.

  
Kaya malinaw na rason upang suriin muli’t-muli ng bawa’t tao ang posibilidad na hindi niya nagagamit ang kanyang kakanyahang makapag-isip sa buo nitong kasapatan, at kung magkagayunman ay marapat na magsumikap siyang magamit ito ng mas lubos at tama haggang sa abot-kaya nito.  Para sa isang tao na kumikilos ng buong katapatan at may sinseridad kay Allah, si Allah na mismo ang maglalagay sa kanya sa mga kalalagayang puspos ng inspirasyon upang makakilos siya ng tumpak sa bawa’t situwasyon, sa bawa’t pagkakataon; ibibigay ni Allah sa kanya ang inspirasyon upang mabigkas ang mga salita na hitik sa katalinuhan, at maging kabusilakan sa kanyang pagkilos. Doon sa mga tunay na tapat kay Allah, karunungan ang igagawad Niya sa mga ito. Ang katotohanang ito ay inilahad ni Allah sa mga tao sa Banal na Qur’an, pakinggan:

O kayong mga naniwala sa Allâh (I) at sumunod sa Kanyang Sugo, kung kayo ay natatakot sa Allâh (I) sa pamamagitan ng pagsagawa ng Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang ipinagbabawal ay gagawa ang Allâh (I) ng kaparaanan para sa inyo na kayo ay makalabas sa anumang pagsubok at kahirapan dito sa daigdig, at patatawarin sa inyo ang anumang nagawa ninyong kasalanan at pagtatakpan ito para sa inyo, na hindi na kayo parurusahan pa. Ang Allâh (I) ay Siyang ‘Dhul Fadhlil Adzeem’ – Nagmamay-ari ng Dakilang Kagandahang-Loob.(Surat Al-Anfal:29)
 

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/40339/ang-pagkakaroon-ng-intelektuwal-nahttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/40339/ang-pagkakaroon-ng-intelektuwal-naFri, 01 Apr 2011 11:40:23 +0300
ANG MGA HAYOP AY MAYROONG ISANG PANLOOB NA ORASAN (INTERNAL CLOCK)  

“…Walang anumang bagay na gumagapang sa ibabaw ng kalupaan kundi bukod-tangi na Pagmamay-ari lamang ng Allâh (I), at ito ay nasa ilalim ng Kanyang Kapangyarihan at Pangangasiwa. Katiyakan, ang aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha ay Siyang nasa Matuwid na Landas...”  (Surat Hud, 56)

Pinaghahandaan ng mga hayop ang mga dumarating na pagbabago sa panahon; ito ay nagaganap ng independiyente mula sa mga di-inaasahang pagbabago sa panahon gaya ng niyeba sa buwan ng Nobyembre at ng biglang pagsikat ng araw o tag-init sa buwan ng Marso. Papaano na ang mga may-buhay na nilalang na ito na walang kamulatan (conciousnessness) ay nakagagawa ng ganitong perpektong kaayusan?

Ang mekanismong ito ay sadyang napakaselan kung kaya kahit na may mga kaso ng pabigla-biglang pagbabago sa panahon, hindi ito dapat makapagbigay ng ibang reaksyon bukod sa itinakdang inaasahan. Bukod dito, ang mekanismo na ito ay sinadya upang paganahin ang katawan ng mga hayop ng akma sa mga pagbabago sa kapaligirang gagalawan at gayundin naman para maihanda sila sa mga pagbabago sa loob at labas ng kanilang mga katawan (biological),hindi ito simpleng kaso ng adaptasyon (o pag-ayon ng sistema ng katawan) lamang sa oras na isilang na sila sa mundo. Halimbawa, bago dumating ang taglamig sila may kakanyahang makagawa ng makapal na balat o balahibo na babalot kani-kanilang mga katawan bilang paghahanda sa parating na taglamig o niyebe.

Ang tanging elemento na palaging nananatiling tiyak na dumarating sa oras sa loob ng bawa’t isang buong  taon sa buhay ng mga nilalang ay ang liwanag o pagsikat ng araw (daylight). Gamit ng mga hayop ang haba ng araw at gabi upang maunawaan kung anong panahon ng taon na sila naroroon. Isang panloob na orasan ang nagkakarkula ng oras ng liwanag at dilim. Ito ay isang perpektong orasan na bumibilang sa mga minuto at maging sa mga segundo, panloob na orasang mahalaga para sa pagyabong at kaligtasan ng buhay ng mga hayop. Tunay na imposible para sa mga buhay na nilalang na ito na makagawa sa sarili lamang nilang kaparaanan sa ganitong kritikal na kaayusan sa kanilang katawan. Tanging si Allah lamang ang kayang mamigay ng lahat ng mga natatanging bagay na ito sa kanila.

Ang susi na nagsisiguro sa tamang timpla o tono ng pagbabago sa panahon ayon sa pag-ikot ng liwanag at ng dilim ay ang hormone secretion. Ang natatanging chemical signal na nagtatransmit ng mga pag-uugali batay sa nakatakdang panahon (seasonal behaviours)  at pagbabago sa utak (physiological change) ayang thyroid stimulating hormone (TSH).

Ang mekanismo, na nag-uugnay sa pang-araw-araw na 'circadian clock' sa taunang orasan ng panahon (seasonal clock), ay ang siyang nagtatakda sa produksyon ng TSH - mataas na antas sa panahon ng tagsibol at pagbaba nito sa panahon naman ng tag-lagas. Gayundin ang melatonin, isa pang hormone, ay bumubuo ng isang sistema na sumusukat sa haba ng gabi. Ang mahabang duration signal melatonin ay nagdadala ng isang pisyolohiyang pang-taglamig habang ang maikling duration signal melatonin naman ay dala ang isang pisyolohiyang pang-tag-init. Ang mga epekto ng photoperiod / melatonin sa magkakaibang aspeto ng panahunang pisyolohiya (seasonal physiology) ay pinaniniwalaang bunsod ng mga melatonin receptor na nagpaparating naman sa hanay ng iba't ibang neural, pituary at maaring maging sa mga peripheral target cells. Ang pana-panahong pagbabago batay sa haba ng pagsikat ng araw ay ginagamit ng mga hayop upang i-akma ang mga pangunahing kaganapan sa buong kasaysayan ng buhay nila kabilang na ang paglilipat (migration), luno (molting), at pagpapalahi (reproduction).

Tunay na ang lahat ng mga istruktura at mga takdang gamit ng lahat ng bagay ay sanhi at likha ng walang iba kundi ng ating Panginoong si Allah sa mundong ito. Patuloy si Allah sa paglikha ng mga puro at walang bahid na kamaliang mga bagay at kaganapan at kaluwalhatian, kaalinsabay ito sa mga pagsubok sa mundong ito. Walang alinlangan na ang Allah ay maaaring lumikha rin kahit na walang kadahilanan. Ang bawa't bahagi kabilang ang mga sanhi nito ay isang pagpapahayag ng kaluwalhatian ng paglikha ng Allah. Ito ay ang mga walang kamalian at mga natatanging-likha ng Allah. 

Narito ang nahahayag sa Banal na Qur’an:
 

Hindi ba nakita ng mga tao kung paano Namin nilikha sa pamamagitan ng Aming mga Kamay para sa kanila ang mga hayop upang maging madali ang pakinabang nila rito, at ito ay kanilang nakukuntrol?”(Surat al-Yasin 71)

“At katiyakan, para sa inyo, O kayong mga tao, ang aral na napakikinabangan ninyo mula sa paglikha ng kamelyo, baka at kambing…”(Surat Al-Muminun 21)

“At Siya ang Lumikha ng lahat ng bagay, at Kanyang ginawang angkop ang pagkalikha ayon sa magiging bunga ng Kanyang karunungan na walang kakulangan at walang kalabisan…”(Surat Al-Furqan 2)

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/40338/ang-mga-hayop-ay-mayroonghttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/40338/ang-mga-hayop-ay-mayroongFri, 01 Apr 2011 11:36:38 +0300
NAPAKALAKING KAMALIAN NA IHALINTULAD NG ATING MGA KAPATID NA KRISTIYANO ANG PAGKAPANATIKO ( O SARADONG PAG-IISIP) SA TUNAY NA ISLAM Ang pagkakalarawan sa mga Muslim bilang tagapasimuno ng pakikidigma sa ngalan ng Islam at nagtataguyod pa sa pagpatay at sa pagdanak ng dugo ay nagbunga lamang ng isang napakalubhang pagkakamali ng opinyon ukol sa Islam. Sa saradong panananaw ng mga PANATIKO ay ito na nga ang tunay na Islam. Ang hindi nila nababatid ay ang takaw sa dugo na sistemang namamayani sa mundo ay walang anumang kinalaman sa tunay na Islam, bagkus ito ay paraan ng pamumuhay na labag at lihis sa itinuturo sa relihiyong Islam.

Maraming tao ang nag-aakala na sa mga napagkita na nila na iba’t ibang tipo ng mga animo’y mga Muslim subali’t nagsasakatuparan naman ng mga aksyong walang lugar sa Islam at mga patuloy pang namumuhay sa paraang lumalabag sa espiritu ng Banal na Qur’an, ay siyang mga tunay na representante ng Islam. Kaya ito ay nagresulta lamang sa maling opinyon, ilan nga sa ating mga kapatid partikular na ang mga Kristiyano ay may galit sa mga Muslim at sa relihiyong Islam, nagtuturing dito na mga malalaking panganib at sila ay mga laging nahahanda upang magtugis sa mga ito.  Ang pagiging takaw sa dugo, ang matinding galit, ang kalupitan, ang kawalan ng pag-ibig, ang kawalan ng awa, ang kawalan ng konsensiya at ang kawalan ng pagmamalasakit na nakita nila sa mga taong yaon ay kanilang pilit na inihahalintulad sa Banal na Qur’an. Subali’t ang totoo, yaong mga nagpapalaganap ng sistemang takaw sa pagdanak ng dugo ay walang kaugnayan na anupaman sa Islam. Gawain lamang ito ng mga tao nabanggit bunsod ng maling pananaw sa pananampalataya at mga haka-hakang dulot ng pagiging ignorante. Maliwanag na walang ganitong makikita sa Banal na Qur’an. Narito ang paglalarawan ng ating Panginoon sa mga panatikong ito, na walang hangad kundi ang paghaluin ang katuruan ng relihiyon at mga bagay na gawa-gawa o imbento lamang, ang pagmukhain ang mga ito na totoo at katanggap-tanggap sa pamumuhay, at ang makapanlinlang gamit ang ngalan ni Allah, sabi sa Banal na Qur’an:

At katiyakan, mayroon sa mga Hudyo ang grupo na binabago nila ang salita sa pamamagitan ng paglalayo nito sa tamang kahulugan, at pinapalitan nila ang salita ng Allâh (I) upang malinlang nila ang iba, na (sinasabi nilang) ito ay salita na ipinahayag bilang ‘Tawrah’ gayong hindi naman ito talaga nagmula sa ‘Tawrah;’ at sinasabi nila na ito ay nagmula sa Allâh (I) na ipinahayag Niya sa Kanyang Propeta na si Mousã (u), subali’t sa katotohanan, ito ay hindi talagang nagmula sa Allâh (I). Ang dahilan ay ang paghahangad nila ng makamundong bagay; na kung kaya, sila ay nagsasalita ng mga kasinungalingan laban sa Allâh (I), gayong alam nila na sila ay nagsisinungaling.(Surah Al ‘Imran, 78)

Ang tunay na Islam ay ang ipinahayag mismo ni Allah sa ating Propeta na si Muhammad (saas). Sa madaling salita, ang mga Muslim ay may katungkulan o responsibilidad na mamuhay ng naaayon sa Banal na Qur’an, sa mga Sunnah ng ating Propeta (saas), at hindi ng naaayon sa mga walang saysay at mapag-imbentong interpretasyon mula sa mga panatiko. Ang batayan ay ang Banal na Qur’an, hindi ang mga bagay na walang silbi. Ang tunay na Islam ay ang Islam sa Panahon ng Felicidad, na kung saan ang mga tao ay tunay na nagsisunod sa Banal na Qur’an at tumulad sa buhay ng ating Propeta (saas). Ang buhay ng ating Propeta (saas) na puno ng pagmamalasakit at pagmamahal, mapangalinga at kahusayan, na naglagay ng mataas na pagpapahalaga sa sining, kagandahan o kaayusan, kalinisan at kabaitan ay siyang pinakaperpektong modelo na dapat tularan ng mga Muslim. Sa ganitong paglalahad, maliwanag na hindi katanggap-tanggap sa mga tunay na Muslim ang mga ehemplo na hindi hango sa buhay ng ating Propeta (saas), kung kaya ang mga hindi Muslim ay hindi marapat na tumanaw sa Islam base lamang sa madilim na klase ng pamumuhay na mayroon ang mga panatiko ito.

Sa paksang ito, ang mga kapatid nating Kristiyano ay marapat na isaisip ang mga sumusunod na pananalita:

Ang mga panatiko ay hindi lamang sa mga Muslim may galit kundi maging sa mga Kristiyano at Hudyo.

Ang mga taong ipinipilit ang taglay nilang mapanira at baluktot na pag-iisip napapaloob daw sa Islam ay mga totoong PANATIKO, at hindi ang tunay na Islam. Ang kanilang panabi ay sa ngalan daw ni Allah ang ginagawa nilang pagkilos. Subali’t sila ay walang pagmamahal sa kanilang mga puso, may maiitim na kaluluwa, mga panatikong sadyang sarado na ang pag-iisip, at walang matuwid na pang-unawa. Sila ay mga kaaway ng kagandahan o kaayusan, ng sining at siyensiya. Maging sa buhay ay may matinding galit sila; maging sa saya at ligaya.

Sa mga panatiko, anumang kagandahan ay balewala, namumuhi sila dito. Sila ay lalo ng muhing-muhi maging sa mga bulaklak, sa mga bata, mga pusa, mga aso at mga kuneho. Ang kanyang espiritu at kaluluwa ay walang laman. Gaya ng nahayag sa isang ayat ng Banal na Qur’an, “ang katulad nila ay parang mga kahoy na nakasandal sa pader na walang halaga” (Surat al-Munafiqun, ayat 4). Wala kang makikitang anumang wangis ng pag-ibig sa kanyang kaluluwa. Wala silang pagpapahalaga sa buhay ng tao o ni walang halaga sa kanila ang anumang bagay na may buhay sa mundo. Walang lugar ang konsiderasyon, ni pagmamahal o ang pakikiramay at pagmamalasakit sa kanilang mga puso.

Kaya dulot din nito, ang mga panatiko ay may poot sa mga kababaihan. Isa sa mga pangunahing pagkakakilanlan sa mga panatiko ay ang malalim na galit nila sa mga kababaihan. Tampok na katangian ng mga panatiko ay ang pagtingin nila sa mga kababaihan bilang mga mabababang uri o third-class citizen.  Magpasahanggang ngayon, ang mga Komunista, mga Darwinista at yaong masama ang pagtingin sa Islam ay patuloy naman sa mga mapanira nilang birada laban sa Islam, kaya nilang baligtarin na ang Islam pa nga raw ang siyang may galit sa mga kababaihan. Ang matinding galit na ito laban sa mga kababaihan na kunwa ay kanilang itinatanggi, ay katangian ng mga panatiko at yaong mga paurong ang pananaw sa buhay, hindi ito ang tunay na Islam dahil ang tunay na Islam ay naglalagay sa mga kababaihan sa pinakamataas na pagpapahalaga, pumupuri at siyang nangangalaga sa mga ito. (Makikita ang iba pang impormasyon patungkol sa mataas na pagpapahalaga sa mga kababaihan sa Banal na Qur’an, mag-click dito.)

Gayang hindi pagmamahal ng mga panatiko sa kaninuman, wala ring nagmamahal sa kanila. Lahat ay walang pagkagusto sa kanilang presensiya, lohika, paraan ng pamumuhay at pananaw. Kahit nga sila ay galit sa kapwa nila panatiko. Ito ang dahilan kung bakit madalas ang dibisyon at awayan sa pagitan nila. Kahit na kailanman ay hindi nila makakayang makapamuhay ng payapa at maligaya ng sama-sama. Kagaya ng kanilang mga kaluluwa, ang kanilang mga buhay ay napapaloob sa matinding kadiliman.

Ang mga panatiko ay matatagpuan sa lahat ng relihiyon at sektor ng lipunan. May mga panatiko maging sa loob ng mga komunidad na Kristiyano at Hudyo, hindi lamang sa mga Muslim, sila ang mga taong naglalayong ilihis ang relihiyon palayo sa tunay esensiya nito, at layunin ang mag-iwan ng madilim na estado ng pag-iisip na hangad ang makapagpadanak ng dugo, imbes na ligaya at pag-ibig na dala ng paniniwala kay Allah. Ang pinag-uusapan natin dito ay ang mga taong naglalayong mapasok at maibilang ang kanilang mga sarili sa hanay ng mga tunay na Muslim. Subali’t ang katotohanan ay maliwanag, saan man siya nabibilang na pananampalataya o sektor ng lipunan, ang mga panatiko ay kumakatawan lamang sa isang bulok at palsong ideya.

Kaya resulta ng nakapanghihilakbot na kaisipan, ang mga panatiko ay naghahangad ng pagdanak na dugo. Nais nila ay ang pag-agos ng dugo sa lahat ng lupalop ng daigdig. Ang kapanatagan niya ay nakukuha nila kung dumadanak na ang dugo at nakikitang lubos na naghihirap o nagigipit ang tao. Namumutawi sa kanilang bibig ay matinding galit at kanilang isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagkitil sa maraming buhay. Ang mga taong ito na nagpapalaganap ng mga pagpatay sa ngalan ng Islam, at ng galit sa mundo, ng galit partikular na sa mga Kristiyano, sa mga Hudyo at maging sa mga Muslim, na mga nagtatampisaw sa matinding poot na nag-uumapaw sa kanilang mga dibdib, ay maliwanag na masasabi nating HINDI MGA MUSLIM, bagkus, ang mga ito ay panatiko sa ilalim ng impluwensiya ng antichrist (dajjal).

Sa mga ganitong kadahilanan, ang mga kapatid nating mga Kristiyano ay marapat na alamin kung ano ang pagkakaiba ng mga Muslim at mga panatiko, ng kaibhan sa pagitan ng tunay na Islam at ng panatisismo. Dito nila malalaman na ang paraan ng pamumuhay na kanilang hindi kinalulugdan ay yaong sa mga panatiko, hindi ang sa Islam.


Ang mga panatiko ay kabilang sa armada ng mga antichrist (dajjal); hindi nila kailan man susundin ang Banal na Qur’an, o maging hayaan ang sinuman na sundin ito.

Ang pagiging huli sa panahon, ang panatisismo at ang pagkakaroon ng baluktot at saradong kaisipan ay ANG PINAKAMALAKING ARMADA NG TINAGURIANG ANTICHRIST NA KUMAKALABAN SA ISLAM. Ang ating Propeta Muhammad (saas) ay naghayag nito sa isang hadith:

”Pitumpung libong iskolar mula sa aking komunidad, lahat ay nakasuot ng turban, ay magiging sunud-sunuran sa dajjal [antichrist].” (Imam Ahmad Ibn Hanbal, Musnad, p. 796)

Sa pagtukoy sa mga taong magiging tagasunod ng dajjal ayon sa hadith, ang ating Propeta (saas) ay nagwika ng partikular na ANG MGA ITO AY MAGMUMULA SA LOOB NG UMMAH (KOMUNIDAD) NG ISLAM AT SILA YAONG NAGTUTURING SA MGA SARILI BILANG MGA ISKOLAR. Sa pamamagitan ng hadith na ito, ang ating Propeta (saas) ay tumutukoy sa mga panatikong ito bilang siyang pangunahing grupo, mga magiging alipin ng dajjal, na kikilos laban sa mga kaibigan ng Allah at sila’y makagagawa ng pinakamalaking kasiraan sa relihiyon.

Sa isa pang hadith narito ang winika ng ating Propeta (saas):

“Marami pang mga tao ang sisibul sa Pagtatapos ng Panahon: subali’t ang kanilang mga utak ay hindi na gumagana pa. Maaaring mamutawi sa kanilang mga bibig ang lahat ng magagandang pananalita. Maaaring sila ay makababasa ng Banal na Qur’an, subali’t ang kanilang pananampalataya ay hindi na lalayo pa sa lalamunan nila…” (Bukhari, 3611, 5057, 6930, Muslim, 1066, Abu Dawud  4767, Ahmed ibn Hanbal, Musnad 1, 81, 113, 131, 289; Al-Tayalisi, al-Musnad, no. 1984.)

Gayanga ng nalalahad sa hadith na ito, ang mga taong ito ay tunay na magiging mahusay sa kanilang pananalita at makababasa ng Banal na Qur’an; “subali’t ang kanilang pananampalataya ay hindi na lalayo pa sa lalamunan nila…"  Sa maikling salita, hindi nila tunay na iaayon ang kanilang mga sarili sa Banal na Qur’an. Sila nga’y magbabanggit ng mga ayat mula sa Banal na Qur’an subali’t hindi naman sila magiging tapat dito, bagkus tatapatan at hahaluan pa nila ang mga ito ng mga walang saysay na pagtuturo. Ituturing pa nga nila na ang mga probisyon sa Banal na Qur’an ay may kakulangan kaya sila ay magpapasimuno ng ibang paniniwala na batay sa mga sariling pag-iimbento at palalabasing sa ngalan ng Islam. Dito, ang isang malaking bahagi ng armada ng dajjal ang isisilang, magmumula sa bawa’t relihiyon, at  sila ang bubuo ng grupo ng mga panatiko na sisira sa kani-kanilang pananampalataya at maging sa mundo.  

Ang layunin ng mga panatiko ay ang mapigilan ang mga tao na maisabuhay ang Banal na Qur’an. Dito  sa Banal na Qur’an, sila ay maghahalo at magdaragdag ng kung anu-anong imbentong bagay, kasama na ang tahasang hindi pagtanggap at pag-aalis sa ilang mga bahagi nito na sadyang hindi naaayon sa kanilang mga sariling bugtot na pananaw. Para sa kanila, ang mga katuruan sa Banal na Qur’an patungkol sa pag-ibig, kapayapaan, pagmamalasakit, kapatiran at pagkakaisa, at maging ang paghihikayat nito sa kagandaha’t kaayusan, sining at siyensiya ay mga bagay na hindi katanggap-tanggap at dahilan para sa malaking pagkapoot. Ang kalidad at lalim ng kaluluwa na nagreresulta sa pamumuhay ng naaayon sa batayang moral ng Banal na Qur’an, ang ehemplo ng Muslim na matuwid, maayos, makabago at puno ng pagmamahalan, ay sadyang taliwas sa kanilang walang saysay na mga relihiyon. Kung kaya ang dajjal ay gumagamit ng saradong kaisipan at panatisismo upang sirain ang Islam at ng tuluyan na itong mawala.

Ang puntong ito ay dapat na linawing maigi; maaaring may mga tapat na tao na tunay na nagmamahal sa Allah subali’t mayroon silang mga nakagawian at mga ilang ideyang walang lugar sa Islam, maaaring dulot ito ng kakulangan ng kaalaman o nagmula sa maling edukasyon. Kailangan nating malaman ang kaibhan ng mga taong ito doon sa mga panatiko na tahasang naglalagay ng kanilang mga imbentong pag-iisip sa relihiyon. Ang nauna ay mga taong makatatanggap sa katotohanan matapos na sila ay masinagan ng ningning ng liwanag mula sa Banal na Qur’an. Ang ating Pinakamakapangyarihang si Allah ay laging magtuturo ng tamang daan doon sa mga tunay niyang mga alipin.
 

Ang Banal na Qur’an ay nagdeklara ng digmaan laban sa mga panatiko.

ANG BANAL NA QUR’AN AY NAGDEKLARA NG PAKIKIDIGMA SA LAHAT NG KAPAITANG RESULTA NG BUGTOT AT SARADONG KAISIPAN, NG KALUNGKUTAN, NG MGA PANGGIGIPIT, NG KAWALAN NG PAGMAMAHALAN, NG PANATISISMO, NG PAGKAMUHI AT NG PAGPAPADANAK NG DUGO SA MUNDO. Ang Islam na hango sa Banal na Qur’an ay ANG EKSAKTONG KABALIGTARAN NG PANATISISMO.  Ang Islam ay nagtuturo ng kapayapaan, pagmamahalan at pagkakaibigan. Ito ay naghihikayat sa pagkakaisa, sa pagsamba ng sabay-sabay sa ngalan ni Allah, sa kapatiran at sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad. Ang mga taong hindi tumatalima sa napapaloob sa mga ayat ng Banal na Qur’an at maging iyong iba na pilit na sumisira sa mga ayat na ito dahilan lamang sa kanilang mga mapanlinlang na kaisipan na nagdidikta ng paggamit sa mga ayat bilang ebidensiya upang maipahayag na ang Islam sa katunayan ay nagtuturo ng pakikidigma, sila ay nakagagawa ng isang napakaseryosong pagkakamali. Gaya ng inihayag ng ating Panginoon sa ayat 25 ng Surat Yunus, "At ang Allâh (I) ay hinihikayat kayo tungo sa Kanyang mga Hardin (‘Al-Jannât’) na Kanyang inihanda sa Kanyang ‘awliyâ`’ – taong malalapit sa Kanya, at ginabayan Niya ang sinuman na Kanyang nais mula sa Kanyang mga nilikha tungo sa Matuwid na Daan na ito ay ang Islâm.”Batay sa Banal na Qur’an, ang aktibong pakikidigma ay pinahihintulutan lamang para sa mga kadahilanang pang-depensa.  Ang kondisyon ay malinaw na nasasabi, ang isang Muslim ay maaari lamang na magdeklara ng pakikidigma kung may nagpasimulan na nito, at ang upang maipagtanggol ang sariling buhay.  Ang ating Propeta (saas) ay nanguna sa pagpapatupad nito sa pinakamalinaw na kaparaanan.  Lahat sa tatlong pakikidigma sa panahon ng ating Propeta (saas) ay itinaguyod bilang depensiba lamang, at ang pagpapatawad ay laging ipinayo niya. Halimbawa naman, sa panahon ng Digmaan ng Trench, ang ating Propeta ay nagpatayo pa nga ng mataas na pader upang maprotektahan ang mga Muslim mula sa pag-aatake ng kabilang panig.

Sa Banal na Qur’an, ang Pinakamakapangyarihang Allah ay nagsabi ng tumpak ang pakikidigma para sa mga Muslim sa mga partikular na sitwasyong ito lamang:

At makipaglaban kayo, O kayong mga naniniwala sa Allâh (I), upang maitaguyod ang ‘Deen’ ng Allâh (I), sa mga taong nakikipaglaban sa inyo at huwag kayo ang magpapasimuno ng gulo. Katiyakan, hindi naiibigan ng Allâh (I) ang mga lumalabag sa Kanyang itinakdang hangganan at nagpapasimuno ng gulo, at pinahihintulutan nila ang ipinagbabawal ng Allâh (I) at ng Kanyang Sugo.(Surat al-Baqara, 190)

Kapag itinigil nila ang paglabag at pakikipaglaban sa ‘Masjid Al-Harâm’ at pumasok sila sa Islâm, ang Allâh (I) ay ‘Ghafour’ – Ganap na Mapagpatawad sa Kanyang mga alipin, na ‘Raheem’ – Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal.(Surat al-Baqara, 192)

Upang ang mga Muslim ay mapalaot ng isang pakikidigma, ito ay dapat na magmula sa opensiba ng kabilang partido. Hindi marapat na gamitin ang pakikidigma para lamang protektahan ang isang mapaniil na lipunan, na sadyang agresibo o mapangahas at hindi na nakikinig pa sa rason. Kaya sa ganitong mga pagkakataon, ang mga Muslim ay may katungkulan na gawin ang dapat gawin, maging ang pinakasukdulang bagay; subal’it bilang depensiba lamang. Higit pa rito, batay na rin sa Islam, walang anumang panganib o masamang bagay ang dapat maranasan ng mga kababaihan, ng mga bata at ng mga matatanda. Tulad ng nasusulat sa ayat 192 ng Surat al-Baqara, ang mga Muslim ay pinapayuhan na huminto na sa pakikipaglaban kapag ang kabila ay huminto na.

Muli, ang Banal na Qur’an ay nagpapahayag na ang pagpatay ay isang kasalanan:

”…na ang sinumang makapatay ng tao nang walang sapat na kadahilanan na katulad ng ‘Qisas’ o hindi kaya’y magkakalat ng kasamaan sa kalupaan sa pamamagitan ng paghihimagsik laban sa batas ng Allâh (I); ang katumbas nito ay para siyang pumatay ng lahat ng sangkatauhan dahil sa idudulot nitong malaki at masidhing kaparusahan mula sa Allâh (I). At katiyakan ang sinumang nagligtas ng isang buhay ay para siyang nagligtas ng buong sangkatauhan, dahil ang pangangalaga sa karapatan at sa karangalan ng isang tao ay katumbas ng pangangalaga sa mga karapatan at karangalan ng lahat ng sangkatauhan.” (Surat al-Ma’ida, 32)

At yaong bukod-tangi lamang ang Allâh (I) ang kanilang sinasamba, at hindi sila nananalangin at sumasamba ng sinumang ‘ilâh’ bukod sa Kanya, at hindi sila pumapatay ng sinumang may buhay (tao) na ipinagbabawal ng Allâh (I) maliban sa sinumang karapat-dapat o makatarungang gawaran ng kaparusahan na kamatayan…(Surat al-Furqan, 68)

Maliwanag sa mga ayat na ito, ang pagpatay ay isang malaking kasalanan para sa isang Muslim. Sa Surat al-Ma’ida inihayag ng Allah na kahit na maraming sugo na ang Kanyang ipinadala na nagbigay babala sa mga tao, marami pa rin sa kanila ang sumuway at pilit na lumagpas sa kanilang hangganan. Sa madaling salita, kahit na ito ay nasusulat na sa Banal na Qur’an, marami pa ring mga tao ang nagpapalagay na ang Banal na Qur’an ay kulang pa rin kung kaya sila ay may layang lumagpas sa tamang limitasyon at patuloy na isinasama ang mga sarili sa panggigipit at pagpapadanak ng dugo. Ang mga taong ito ay mga panatiko na at may saradong pag-iisip na, mga nagpapahayag pa nga na ang kanilang mga gawain ay sa ngalan daw ni Allah, subali’t ang katotohanan silang lahat ay nasa sa ilalim ng impluensiya ng dajjal.


Ang pagdedeklara ng pakikidigman laban sa Islam ay hindi paraan ng pagsugpo sa panatisismo.

Ang mga taong nag-uugnay ng pagkapanatiko sa Islam sa paraang may kakulangan sa impormasyon at naglalayong puksain ang sistemang panatiko, kadalasan ay nahuhulog sa pagkakamali na magkaroon ng isang masamang saloobin o poot laban sa Islam.Sinadya ang mga pagsisikap na ito upang maikalat ang maling perspektibo patungkol sa klase ng Islam na ito, lalo na ng mga ateista at mga maka-Darwinistang mamamahayag, mga intelektuwal na organisasyon at maiimpluwensiyang sirkulo o grupo. Ang mga grupong ito ay sadyang layuning sirain ang pangalan ng Islam, at gamit ang mga taktikang pangongondisyon sa utak ng mga nakikinig, paggamit ng mga pangungusap gaya ng "Ganyan talaga ang mga Muslim, hindi ka nila hahayaang mabuhay, kaya mas mabuting ikaw ay mauna ng lumipol sa mga ito bago sila lumipol sa inyo." Sila ay mga naatasan sa paggawa ng mga bagay na ito ng iba't ibang masasamang puwersa. Sa ilalim ng impluwensiya ng pangongondisyong ito, ang ilang mga Kristiyano ay mga nakapagwiwika na ang Banal na Qur'an at Islam ay dapat na mawala na ng lubusan kung nais na mawala na ang mapang-api at hindi makatarungang sistema na nilikha ng panatisismo(Tunay na Islam at ang Qur'an ay higit pa riyan). Subali’t sa patakarang ito, paglabag sa tamang rason at mabuting konsensiya, ay lalo lamang nagpapalakas sa panatisismo at paurong na pananaw, hindi ang sa inaasahan. Ang mga ginagawang pag-atake sa Banal na Qur'an at tunay na relihiyong Islam ay lalo lamang nagdaragdag sa lakas sa sistemang panatiko na nagpapalaganap sa pagpapadanak ng dugo at karahasan at paghahangad na mawala ang pagmamahalan sa mundo. Ito ay nangangahulugan ng poot sa mga panatiko subali’t kasabay ang magpahayag pakikidigma sa Allah (Tunay na ang Allah ay higit pa riyan) at ito ay isang tunay malaking kahangalan. Bagkus, ang tamang paraan upang mawala na ang mga panatiko at ang mabura ang isinusulong nilang sistema na uhaw sa dugo, ay ang higit na pagbibigay-diin sa Banal na Qur'an at sa  tunay na relihiyong Islam, at ang muling magdala sa atin sa kagayang Panahon ng Felicidad. Ang mga Muslim ay namumuhay na puno ng saya, hindi mga makasariling pamumuhay,  na base sa pagmamahalan, pagmamalasakit sa isa’t-isa, pagkakaibigan at kapatiran at pagbabahagi ng isang pananaw na nagtataguyod sa demokrasya at kalayaan, makabago at progresibo,na siyang susunog sa mga panatiko hanggang sila ay maging abo. Samakatuwid, ang ating mga kapatid na Kristiyano ay marapat na sumuporta sa tunay na mga Muslim,  labanan ang mga panatikong pananaw na siyang salungat sa mga Muslim at sa mga kapwa Kristiyano at Judio; dapat ay hikayatin pa nila ang mga tao na mamuhay hango sa mga tunay na batayang-moral ng Islam.  

Paglaban at pagsugpo sa panatisismo ay isang itinuturing na katungkulang pangrelihiyon para sa mga Muslim. Sa dahilang ang pagtutol sa pagpapaimbabaw ay isa sa mga utos ng Banal na Qur'an. 'Panatiko' ay isa pang paraan ng paglalarawan sa mga ‘ipokrito’ sa Banal na Qur'an. Ang Allah na Pinakamakapangyarihan sa lahat ay tumukoy sa mga ipokrito, at mga hindi nananampalataya at doon sa mga may ‘sakit’ sa kanilang mga puso, at silang lahat ay nagturing ng ibang bagay na katumbas sa Kanya. Sila ay mga kaaway ng Panahon ng Felicidad, SILA AY MGA NAGPAHAYAG NG PAKIKIDIGMA SA QUR’AN SA NGALAN NG QUR’AN. Ang likong paraan ng pag-iisip na walang pag-ibig, walang-wala ng pakikiramay, kawalang ng kultura at pinag-aralan, na galit sa sining at agham, na hindi nagdidili-dilihin at naglalayong gawing bagay na komplikado ang relihiyon, na isang gawa ito para makapagpakitang-tao, at na naggagawa-gawaan ng isang relihiyong patuloy na nagtutulak sa mga ipinagbabawal at imbensyon ay 'paurong na pananaw,' sa ibang salita “polytheism” o pagsamba sa maraming diyos-diyusan.ANG PANATIKONG SISTEMA NA BINUO NG MAY BUONG OPOSISYON O PAGKONTRA SA BANAL NA QUR’AN, NA NAGTUTURING SA BANAL NA QUR’AN BILANG KULANG AT BUONG KABALIGTARAN NG MGA INIUUTOS SA BANAL NA QUR’AN AY ISANG SISTEMANG BUGTOT NA KAILANGANG DURUGIN NG MGA MUSLIM. Sa ganitong kadahilanan, ang pinaka-epektibong intelektuwal na kampanya laban sa mga ito ay magmumula sa mga Muslim ng Banal na Qur'an, sa maikling sabi, mula sa atin.

Ang solusyon sa panatisismo ay magmumula sa pagpapalaganap sa Islam gaya ng sa Panahon ng Felicidad at kaakibat ang pagsunod sa tunay na batayang moral ​​ng Banal na Qur'an.Isakatutuparan ito ng Hazrat Mahdi (as) sa ating panahon.Dahilan dito, napakahalaga na ang daan ng Mahdi ay masuportahan.Ang daan ng Mahdi (as)ay naglalaman pag-ibig, kapanatagan, kapatiran, seguridad, kapayapaan at pagkakaibiganan. Ito ay naglalaman ng labis na kagalakan, kaligayahan, sining at kagandaha’t kaayusan. Ito ay nangangahulugan ng kaluwagan, kalayaan at demokrasya. Ito ay makabago at progresibo.Lubhang mapanganib na suportahan ang isang panatikong sistema na kumakatawan lamang sa matinding pagpaparusa sa buong mundo sa pamamagitan ng pag-atake sa tunay na Islam. Ang mga panatikong sistema na bumubuo ng isang banta laban sa tatlong dakilang pananampalataya ay aabot lamang sa katapusan nito kapag ang Banal na Qur'an ay ganap nang naisakatuparan at ang daan ng Mahdi (as) ay napagtibay at suportado ng lubusan. Ang Islam ng Banal na Qur'an ay walang iiwan ni isang shamanista, ateista o walang dinidiyos, satanista, o maging yaong mga maka-Darwinismo. Ito ang nag-iisa at namumukod-tanging depinitibong solusyon.


Ang mga Kristiyano at mga Hudyo ay makapamumuhay rin sa gitna ng kapayapaan sa pagtalima sa tunay na moralidad batay sa Islam.

Mahalaga na ang mga kapatid nating Kristiyano at Hudyo ay mas malalim na maunawaan ang ating mga inilalarawang konsepto ukol sa pagmamahalan, kapayapaan, demokrasya, kalayaan, kaligayahan at pagsusulong sa kaunlaran ng “may dalang pagsusuri na batay sa magandang intensyon.” Dahil sa ang mga ito ay hindi natin mga personal na opinyon. ANG LAHAT NG MGA ITO AY MATATAGPUAN SA BANAL NA QUR’AN. Lahat ay kaisa sa espiritu ng Banal na Qur’an, ito rin ay mga halimbawang ipinamalas ng ating Propeta Muhammad (saas) at may pagsang-ayon ng Allah, Al-Rahman (Pinakamapagpala) at Al-Rahim (Pinakamaawain). Ganito isinakatuparan ang mga nakasaad sa Banal na Qur’an sa panahon ng ating Propeta (saas). Kaya nga ang pagpapadanak ng dugo ay gawa-gawa lamang ng walang saysay na pag-iisip ng mga panatiko. Ang mga panatikong ito na nasa ilalim ng pangongontrol ng dajjal ay ang pilit na naglalarawan sa Islam bilang relihiyong mapangahas, nanlilinlang sila sa maraming mga tao, at hangad na ipakalat pa sa mundo ang kanilang mga kasinugalingan.

Kaya napakahalaga na makita ng ating mga kapatid na Kristiyano ang tunay na Banal na Qur'an at ang dakilang mensahe nito.Ang Banal na Qur'an ay isang sinag ng liwanag para sa sinumang sumisilay dito na may mabuting budhi.Lahat ng bagay na makapagpapasaya sa mga tao at magbibigay-liwanag sa mundo ay sa Banal na Qur'an matatagpuan. Ang pamumuhay ng naaayon sa Banal na Qur’an kagaya ng ginawa ng mga taong nabuhay sa Panahon ng Felicidad ay ang magdadala ng ganap na kagalingang at kagandahan sa ating mundo. Para sa mga Muslim ang ganitong kaparaanan ng paggamit sa Banal na Qur'an ay siyang magiging mapagkukunan ng kapayapaan, kaligayahan at pagkakasama-sama pati na rin sa mga Kristiyano at Hudyo. Ang mga kabataang sisibol resulta ng mga ito ay makapamumuhay na puspos ng kaligayahan. Ang kagalakan na bahagi ng kalikasan ng tao nguni’t nawala sa ilalim ng impluwensiya ng sistema ng dajjal ay makababalik sa lipunan. Ang sining ay uunlad, at ang mga tunay na mga alagad ng sining ay muling lilitaw. Ang arkitektura na nawala sa ilalim ng impluwensiya ng mga sistema ng dajjal ay muling mabubuhay.Dahil sa seguridad, kapayapaan, kaligayahan, pagkakaibigan, pagkakapatiran at, ang pinakamahalaga sa lahat, ang pagmamahal ng Allah ay lubos lalaganap. At kapag pag-ibig na ang dumating, ang sining ay darating din sa lahat ng bagay, kaalinsabay pa nito ang kagandahan, kagalakan, kaligayahan at paglago ng agham.Ang pananaw ng Islam sa Banal na Qur'an ay hango sa pag-ibigl, pagmamalasakit, pagmamahalan, rason, parehas o pagkakapantay-pantay, pagkilos ayon sa isang balanseng paraan, lohikal na pag-iisip, ang pagtingin sa mga pangyayari sa isang positibong paraan, ang paggawa ng mga sakripisyo at ang kitain ng mga pinakamahusay sa lahat ng bagay. Ang isang mundo kung saan ang ganitong mga kaparaanan ng Islam ay maisasabuhay ay maging isa ng pambihirang kagandahan para sa mga kapwa Kristiyano at Muslim.

Ang dapat na tuligsain at pasimunuan ng mga Kristiyano para isang intelektuwal na kampanya ng paglaban ay ang panatisismo, ang Darwinismo at ang materyalismo, pawang mga kaaway ng lahat ng tatlong pananampalataya. Ang dapat nilang bibigyang suporta at tulungan ay mga taong namumuhay ng naaayon sa Islam gaya ng nasasaad sa Banal na Qur'an at sa daan ng Mahdi (as) na nalalapit na ang pagdating.Kapag ang Islam ang kanilang sinuportahan, ang pamamayani ng saradong pag-iisip, ang panatisismo, ang paurong na pananaw, ang Darwinismo at ang materyalismo ay mawawala na ng tuluyan, isang maliwalas na hanging puno ng ligaya’t kagalakan ay yayakap sa buong mundo, at lahat ng mga bagay at lahat ng mga dako ay magliliwanag.

Kapag ang Islam ang kanilang bibigyang suporta, ang katiwalian ng pagkapanatiko ay walang kahit anupamang tagumpay na matitikman.Ang mga simbahan at mga sinagoga ay mapapasailalim sa proteksyon ng Allah, ang Pinakamakapangyarihan sa lahat, gaya ng nasiwalat sa mga talata ng Banal na Qur'an.Ang ating mga kapatid na Kristiyano at Hudyo ay malayang  makasasamba ng ayon sa kanilang mga kagustuhan at makararanas ng ginhawa at kaayusang nanaisin nila. Ang Muslim ay makapamumuhay sa isang kalagayang puno ng pagmamahalan at may pagkakapatiran sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim, wala na ang mga digmaan at ang ating daigdig ay magiging isang lugar ng puspos sa kagalingan, kapayapaan at seguridad.

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/39844/napakalaking-kamalian-na-ihalintulad-nghttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/39844/napakalaking-kamalian-na-ihalintulad-ngWed, 16 Mar 2011 13:03:55 +0200
ANG MAPAGKALINGA, MAPANGALAGA AT MAPAGMAHAL NA PAGTANGGAP NG ATING PROPETA (SAAS) SA MGA AHLUL KITAB (MAMAMAYAN NG AKLAT)  

ANG PAGBIBIBIGAY PERMISO NG ATING PROPETA (SAAS) SA MGA KRISTIYANO NG NAJRAN NA MAKASAMBA SA MASJID-I NABAWI

“Isang delegasyon ng mga Kristiyano ng Najran ang dumating sa Medina habang kasalukuyang ginaganap ang panghapong salat, dire-diretso sila sa pagpasok sa Masjid-i Nabawi. Dumating sila habang ang ating Propeta (saas) at kanyang mga kasama ay nasa kalagitnaan ng pagdarasal ng panghapong salat, at ang mga Kristiyano ay kagya’t na nagsiharap naman pa-Silangan at naghandang sumamba. ANG ILANG MGA KASAMA AY KUMILOS PARA MAPIGILAN SILA SUBALI’T IPINAG-UTOS NG PROPETA (SAAS) NA HAYAAN ANG MGA ITO NA MAKAPANALANGIN AYON  SA KANILANG NAKASANAYAN.” (Tabarî, Ibn Kathir, Razî, Qurtubî; Surah Al‘Imran, 3/1-61; Ilang bahagi ng komentaryong ito ay hango sa pasimula ng Surah, ang ilang bahagi naman ay kuha sa ayat 61, kilala bilang ayat mubahala).(Hamidullah, The Prophet of Islâm, trans.: Salih Tug, Ankara 2003, I, 920; Saricam, The Prophet Muhammad and His Universal Message, 278.)

ANG PAGLALATAG NG ATING PROPETA (SAAS) NG KANYANG SARILING KAPA UPANG MAUPUAN NG MGA BUMIBISITANG KRISTIYANONG NAJRAN

Isa pagdaragdag, batay na rin sa ilang pagsasaksi, ang Propeta (nawa’y pagpalain siya ni Allah at igawad sa kanya ang kapayapaan) ay dumalo sa kanilang mga pagdiriwang ng kasalan, bumisita sa mga maysakit sa kanila, at naging maluwag sa pagtulong sa mga ito. ANG PROPETA MUHAMMAD (SAAS) AY NAGLATAG MAGING NG SARILING KAPA PARA MAUPUAN NG MGA BUMIBISITANG KRISTIYANONG NAJRAN.

ANG PAGPAPAHAYAG NG ATING PROPETA NA ANG MGA AHLUL KITAB AY INIHABILIN SA ATING MGA MUSLIM

Sa isang kasunduan na kung saan ang ating Mahal na Propeta (saas) ay nagpatibay ng ilang artikulo kay Ibn Harris ibn Ka’b, na isang Kristiyano, at kasama na ang iba pang mga Kristiyano: “ANG RELIHIYON, MGA SIMBAHAN, BUHAY, KALINISAN AT MGA PAGMAMAY-ARI NG KABUUANG KRISTIYANONG NAMUMUHAY SA SILANGAN AT KANLURAN AY NASA PROTEKSIYON NI ALLAH, NG KANYANG PROPETA (SAAS) AT NG LAHAT NG MANANAMPALATAYA.” Walang sinuman na tagasunod sa paniniwalang Kristiyano ang sapilitang patatanggapin ng pananampalatayang Islam. “Kapag ang isang Kristiyano ay naging biktima ng pagpatay o kawalan ng hustisya, ang mga Muslim ay obligadong tumulong sa kanya,” gaya ng nasasaad sa isang ayat: At huwag kayong makipagtalo, O kayong mga naniwala, sa mga Hudyo at mga Kristiyano maliban na lamang sa pinakamagandang kaparaanan at mabuting pananalita…” (Surat al-Anqabut, 29/46). (Ibn Hisham, Abu Muhammad Abdu’l-Malik, (v.218/834), as-Seerat an-Nabaweeyat, Daru't-Turasi'l-Arabiyye, Beirut, 1396/1971, IV/241-242; Hamidullah, Al-Wasaiq, s.154-155, No.96-97; Doğu Batı kaynaklarında birlikte yaşama, “Living together in Eastern and Western sources, p. 95)

ANG PAG-AALAY NG ATING PROPETA SA MGA TAHANAN NG MGA KASAMA UPANG MATIGILAN NG MGA BUMIBISITANG MGA AHLUL KITAB

Sa panahon ng ating Propeta dagsa ang mga grupo ng mga taong kinatawan at delegasyong bumibisita sa Madinah. May mga pagkakataon na ang mga grupong ito – kabilang na ang mga Ahlul Kitab – ay nagtatagal ng mahigit pa sa sampung araw, kung kaya ang mga tahanan ng ilang kasama gaya ng kina Abdurrahman bin Awf, Mugire binSube, Abû Ayyub al-Ansarî at Ansar ay laging nahahanda upang tumanggap at magpatuloy sa kanila. Dagdag pa rito, may mga tolda na itinatayo pa na malapit sa Masjid, kung saan ang mga Mamamayan ng Suffa (ang mga ito ay nag-aaral sa palagid ng Masjid al-Nabawi) ay maaring makatuloy pansamantala.  Ang ating Propeta (saas) ay nag-aakda ng mga kasulatan ng pribilehiyo (mga nasusulat na mga kautusan at gabay sa pagbibigay ng karapatan at pribilehiyo para sa ilang mga grupo at indibiduwal bilang pakikipagkasundo sa pagitan ng mga dayuhan) at ng ilan pang opisyal na sulat na nagtatakda ng ilang lupain na inilalaan para sa mga ito. Siya rin ay naghirang ng mga gobernador mula sa hanay ng mga ito upang pamunuan ang ilang rehiyon. May ilan din naman itinalagang mga opisyal ang ating Mahal na Mensahero na hindi mga Muslim, sila ay mga Kristiyanong gumanap bilang opisyales sa pangongolekta ng indibiduwal na buwis (capitation tax). Ang mga opisyal na delegasyong ito na nagsidating ay patunay lamang na ang kabuuan ng peninsulang Arabo ay ganap na tumanggap sa pagiging Propeta ng Propeta Muhammad (saas) at maging sa malawak na kapangyarihang nakaatang sa kanya. (Saricam, The Prophet Muhammad and His Universal Message, 356.)

SA MGA BAGAY NA HINDI NAHAYAG, ANG ATING PROPETA (SAAS) AY UMAAYON SA PAG-UUGALI NG MGA AHLUL KITAB, HINDI NG SA MGA PAGANO NG MAKKAH

Sa Makkah, ang Rasulullah (saas) ay hindi sumang-ayon doon sa mga paksa na walang naging rebelasyon, DITO SIYA AY KUMILOS NG BATAY SA PAG-UUGALI NG MGA AHLUL KITAB. (Bukhârî, al-Libâs 70; Muslim, al-Fadâ’il 90)

ANG PAGPAPADALA NG ATING PROPETA (SAAS) SA MGA KASAMANG MUSLIM PATUNGO SA KRISTIYANO NG NAJASHI SA PARA SA HEJIRA

Ang unang Kristiyanong bansa na nakakuha ng atensiyon at interes ng ating Propeta (saas) para sa Hejira ay ang Abyssinia, ninais niyang pansamantalang lumikas ang mga Muslim dito. Sa gitna ng walang awang pagpapahirap at panggigipit ng mga pagano ng Makkah, ang ating Rasulullah (saas) ay naghangad na ang mga Muslim ng Makkah ay makalikas patungong Abyssinia at ang pagnanasang ito ay kanyang inilarawan sa mga katagang sumusunod: “Kung nanaisin ninyo, kung mayroon kayong sapat na kakanyahan, magsilikas muna kayo pansamantala doon sa Abyssinia.  SA DAHILANG WALANG SINUMAN ANG NAAAPI SA ILALIM NG PAMUMUNO NG HARI SA LUPAING IYON. ANG LUGAR NA IYON AY TUNAY AT LIGTAS. MANAHAN MUNA KAYO DOON HANGGANG PAGAANIN NA NI ALLAH ANG ATING KALALAGAYAN…." (Muhammad Hamîdullah, al-Wasaik al-Siyasiyya, (trans.Vecdi Akyuz), Kitabevi, Istanbul 1997,p.115; Hamîdullah, The Prophet of Islam, I,297.)

ANG PAGBANGON NG ATING PROPETA (SAAS) SA PAGDAAN NG PRUSISYONG LIBING PARA SA ISANG HUDYO

Batay sa paglalahad ni Jabir bin 'Abdullah: Isang prusisyong libing ang dumaan sa aming harapan at ang Propeta ay tumayo at kami ay sumunod rin sa pagtayo. Aming winika, “O Apostolo ni Allah! Iyan ay prusisyong libing para sa isang Hudyo.” Kanyang sinambit, “Tuwing makakakita kayo ng prusisiyong libing, kayo ay tumayo bilang pakikiramay.” (Sahih Bukhari, Volume 2, Book 23, Number 398)

Batay sa paglalahad ni 'Abdur Rahman bin Abi Laila: Sina Sahl bin Hunaif at Qais bin Sad ay nakaupo doon sa siyudad ng Al-Qadisiya. Isang prusisyong libing ang dumaan sa kanilang harapan at sila ay dagling tumayo. Napag-alaman nila na ang prusisyong libing ay para sa isa sa mga mamamayan ng nabanggit na lugar, nangangahulugan na hindi nabibilang sa mga mananampalataya na nasa ilalim ng proteksiyon ng mga Muslim. Ang kanilang isinagot ay, “Isang prusisyong libing ang dumaan sa harapan ng Propeta at siya ay tumayo. Nang sabihin sa kanya na ang ataul ay sa isang Hudyo, ang kanyang anas ay, “Hindi ba ito ay sa isang nabubuhay (isang kaluluwa)?”(Sahih Bukhari, Volume 2, Book 23, Number 399)

ANG PAG-UUTOS NG ATING PROPETA (SAAS) NA HUWAG PAGMALUPITAN ANG MGA DHIMMIS [ O NON-MUSLIMS]

Sinabi ng ating Propeta (saas): “Sinuman ang mang-api sa isang dhimmi o magdagdag ng pasang-hirap sa kanya na higit sa kaya nito, ay ituturing niyang kaaway.”

ANG ATING PROPETA (SAAS) AY UNANG NAKIPAG-UGNAYAN SA MGA KRISTIYANO NANG NAHAYAG NA SA KANYA ANG PAGIGING PROPETA

... ang Propeta ni Allah ay nagbalik na puno ng Inspirasyon at pusong pumipintig, nag-uumapaw sa kaligayahan.  Kagya’t siyang nagtungo kay Khadija bint Khuwailid ... at siya ay sinamahan naman ni Khadija sa kanyang pinsang si Waraqa bin Naufal bin Asad bin 'Abdul 'Uzza, na naging Kristiyano sa panahong bago pa isinilang ang Islam, at natuto ring sumulat sa Ebreo. Siya ay nagsulat ng Ebanghelyo sa wikang Ebreo sa patuloy na kapahintulutan ni Allah…. (Sahih Bukhari, Volume 1, Book 1, Number 3)

ANG HINDI PAGPAPAHINTULOT NG ATING PROPETA (SAAS) SA PAKIKIALAM SA RELIHIYON NG IBA

Ipinatupad ng ating Propeta (saas) ang ayat na nagsasabi ng La ikraha fee alddeeni…."Dahil sa kaganapan ng ‘Deen’ at sa mga malinaw na kapahayagan ay hindi na kinakailangan pang pilitin ang iba upang ito ay kanyang tanggapin.”(Surat al-Baqara, 256) na patungkol sa kalayaang pumili ng sariling pananampalataya, at sa taong 630  kanyang pinalabas ang kautusan sa mga kinatawan ng pinuno ng Himyar upang ipaalam sa mga ito na sila ay pawang mga Muslim:

"Ang isang Hudyo o isang Kristiyano ay legal na magkapantay ang katayuan kung sila ay kapwa mga Muslim. SINUMAN ANG MAGNAIS NA MANATILING ISANG HUDYO O ISANG KRISTIYANO, WALANG MANGHIHIMASOK SA KANILANG GAGAWING  PAGPILI. "(Ibn Hishâm, as-Sîra, II, 586)

ANG ATING PROPETA (SAAS) AY PERSONAL NA NAKIPAG-UGNAYAN SA MGA HUDYO SA LARANGAN NG KABUHAYAN

Isa sa mga kagandahang asal na kung saan naging batayan sa pakikipagrelasyon ng ating Rasulullah (saas) ay ang katapatan. Kung nakikita niya na ang kagandahang asal na ito ay nasa sa isang tao, hindi hadlang ang kaibahan ng kanyang pananampalataya sa kanyang pakikipag-ugnayang pangkabuhayan sa mga ito.  Siya pa nga ay personal na namili ng mga pagkain mula sa mga ito at tumanggap ng pautang mula sa isang Hudyo sa Medina.

Nang yumao ang ating Rasulullah (saas), ang pambayad sa pautang na tinanggap niya mula Hudyong ito ay nakalagakpa  sa isang selyadong lalagyan.

ANG PAGKALINGA NA IPINAKITA NG ATING PROPETA SA MGA HUDYO SA PANAHONG NAKUBKOB ANG HAYBAR

Kabilang mula sa mga yamang nasamsam sa pagkakasakop sa Haybar ay ilang kopya ng Torah sa mga papel na nakabilot (scrolls).Iniutos ng ating Propeta (saas) na tanggalin ang mga kasulatang ito mula sa mga nasamsam, at ipinag-utos niyang ibalik ang mga ito sa mga Hudyo.

Gayundin sa pagbagsak ng Haybar, ang mga tropang Muslim ay nagsimulang mamitas at kumain sa mga taniman ng trigo at mga hardin ng date na pag-aari ng mga Hudyo. Ang mga Hudyo ay dumulog sa ating Propeta (saas). Kaya’t ipinag-utos ng ating Propeta (saas) na walang sinumang dapat makialam sa mga pagmamay-ari, taniman ng trigo o anumang hardin na pag-aari ng mga tao sa rehiyon.

SA KONSTITUSYON NG MADINAH, ANG ATING PROPETA (SAAS) AY NAGHAYAG NA WALANG DAPAT MANGHIMASOK SA RELIHIYON NG MGA HUDYO

Pinaghintulutan ng Propeta Muhammad (saas) ang mga Hudyo na makasali sa pagbabalangkas ng Konstitusyon ng Madinah na pinirmahan kasama ang parehong lipi ng Aws at Khazraj, dito sila ay hinayaan na magpatuloy mamuhay na hiwalay at may sariling komunidad na pangrelihiyon. Ang naging panuntunan ng pagmamalasakit ng mga Muslim at pag-unawa nila sa pananampalataya at tradisyon ng mga Hudyo ay ang artikulong ito: “ANG MGA HUDYO NG BANU AWF [MGA MINORIDAD NA HINDI MUSLIM] AY ISANG KOMUNIDAD NA KAHANAY DIN NG MGA MANANAMPALATAYA. SA MGA HUDYO ANG KANILANG RELIHIYON, AT SA MGA MUSLIM NAMAN ANG KANILANG RELIHIYON.”

Ang Kasunduan ng Madinah, na nilagdaan sa pagitan ng mga migranteng Muslim sa Makkah, ng mga katutubong Muslim ng Madinah at ng mga Hudyo sa Madinah ay isa na namang mahalagang halimbawa ng hustisya. Narito ang napapaloob sa isang artikulo ng konstitusyong ito:

"Ang mga Hudyo ng Banu 'Awf ay isang nasyon sa piling ng mga Muslim; ANG MGA HUDYO AY MAY SARILING RELIHIYON AT GAYUNDIN NAMANG MAY SARILI ANG MGA MUSLIM…”

Narito ang sinasabi sa Artikulo 16 ng nasabing tratado: “Ang mga Hudyo na sumusunod at nakikiisa sa atin ay tunay na tatanggap sa ating pagsuporta at magkakaroon ng kapantay na karapatan gaya ng sa lahat. Siya ay hindi maapi at ang kanyang kaaway ay hindi makakatanggap ng anumang tulong mula sa atin.

Ang mga kasama ng ating Propeta (saas) ay naging tapat sa artikulong ito na napaloob sa tratado, maging noong yumao na siya, ito ay patuloy na panuntunang sinunod sa pakikipag-ugnayan sa mga Berber, Budista, Brahman at iba pang tao nagmula sa ibang paniniwala.  

ANG MGA PAKIKIPAGKASUNDO NG ATING PROPETA (SAAS) SA MGA KRISTIYANO NG NAJRAN NA NAGSASAAD NG  PROTEKSYON NILA SA ILALIM NG MGA MUSLIM

Ang mga pribilehiyo na iginawad ng Propeta (saas) sa mga Ahlul Kitab sa mga settlement ng Adruh, Maqna, Khaybar, Najran, at Aqaba ay patunay lang na ang mga Muslim ay naggarantiya ng respeto at pangangalaga sa pamumuhay ng mga hindi Muslim at sa kanilang mga pagmamay-ari, ito rin ay pagkilala sa kalayaan nila sa paniniwala at pagsamba. Marapat lamang na ating mabanggit ang mga sumusunod na artikulo sa kasunduang naganap sa pagitan ng ating Propeta (nawa’y pagpalain siya ni Allah at igawad sa kanya ang kapayapaan) at ng mga Kristiyano ng Najran:

SA MGA KRISTIYANO NG NAJRAN AT SA MGA NASASAKUPANG TERITORYO, SUMASAINYO ANG PANGANGALAGA NI ALLAH, AT PANGAKO NG PROTEKSIYON NG KANYANG PROPETA, PARA SA INYONG MGA BUHAY, RELIHIYON AT PAGMAMAY-ARI – SA LAHAT NG MGA NARIRITO SA NGAYON KASAMA NA LAHAT NG LIBAN AT NASASAKUPAN NITO;

Walang obispo ang tatanggalin sa kanyang lugar na pinaglilingkuran, maging ang sinumang monghe sa kanyang monasteryo, o maging ng sinumang pari mula sa kanyang pagkapari, sila ay patuloy na mananamasa ng lahat, malaki man ito o maliit…. Sila ay hindi dapat mang-api o apihin man. Kung sinuman ang humingi ng kanyang karapatan mula sa kanila, ang hustisya ang mananaig.  Hindi ka maaapi o hahayaang mang-api ng iba.

ANG ATING PROPETA (SAAS) AY MARAMING PAKIKIPAGKASUNDONG IGINAWAD SA MGA AHLUL KITAB

Ang maraming kasunduang nagawa sa panahong ng ating Propeta (nawa’y pagpalain siya ni Allah at igawad sa kanya ang kapayapaan)  ay nagbigay sa mga mga komunidad na Hudyo at Kristiyano ng malawak na mga pribilehiyo upang mapangalagaan ang kanilang mga karapatan at pamumuhay. Ang mga pribilehiyong ipinagkaloob sa mga monghe ng Monasteryong Sta. Katarina at Bundok Sinai ay mga halimbawa nito. Ang mga dokumentong ito ay naggarantiya sa mga karapatang legal, panrelihiyon at panlipunan ng mga Hudyo at Kristiyano na napasailalim sa pamamahala ng mga Muslim o yaong mga sumunod sa pamumuno ng Islam. Ang mga suliranin ay madaling nalutas dahilan sa pagbabatay na ginawa sa mga nasabing dokumento ito. Halimbawa na dito ang nasulat sa mga librong pangkasaysayan na nagbabanggit sa pagpapakita ng mga Kristiyano sa mga dokumentong naglalahad ng kanilang mga pribilehiyo kay Kalifa Umar nang sila ay naharap sa isang suliranin na siya nilang inihingi ng kalutasan sa kaniya.

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/39058/ang-mapagkalinga-mapangalaga-at-mapagmahalhttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/39058/ang-mapagkalinga-mapangalaga-at-mapagmahalWed, 23 Feb 2011 21:21:13 +0200
PAPAANO MARAPAT NA MANGARAL SA MGA ITINUTURING NA ''AHLUL KITAB'' (MAMAMAYAN NG AKLAT)? Ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay ang mga taong inilarawan ni Allah sa Banal na Qur’an bilang mga Ahlul Kitab o Mamamayan ng Aklat. Ilang bersikulo o ayat sa Banal naQur’an ang naglarawan din kung papaano ang marapat na pakikisalamuha sa mga itinuturing na Ahlul Kitab. At kung ating susuriing mabuti ang buhay ng ating Propeta (saas) makikita natin ang pinakamagagandang halimbawa kung papaanong ang mga ayat na ito ng Banal na Qur’an ay naisasakatuparan ng may katumpakan. Hinihingi sa mga Muslim na gampanan ang kanilang responsibilidad na magmalasakit sa mga Ahlul Kitab, ang sila’y mapangalagaan at mabantayan, at ang himukin silang tanggapin ang Islam sa paraang mapang-unawa at sa kalugod-lugod at mabuting pananalita.

Ang mga Muslim ay may responsibilidad na mangaral sa lahat

Isa sa mga ipinag-uutos ni Allah sa mga Muslim ay ang paggawa ng mabuti at ang itakwil ang kasamaan, ang tumawag sa mga tao upang hikayatin ang mga ito sa tunay na daan at ang pagsusumikap na mapalaganap sa mundo ang Islam kaakibat ang mga batayang pang-moralidad nito. 

At magpalitaw kayo, O kayo na mga mananampalataya, mula sa inyo ng isang grupo, na nag-aakay tungo sa kabutihan at nag-uutos sa paggawa ng mabuti – at ito ay ang pag-aakay tungo sa Islâm at sa Kanyang batas, at pagbabawal sa paggawa ng masama, na ito ay ang lahat ng labag sa katuruan ni Propeta Muhammad (r); samakatuwid, sila ay magtatagumpay ng mga Hardin sa ‘Al-Jannah.’(Surah Al ’Imran, 104)

At kabilang sa katangian nila na mga mananampalataya na pinangakuan ng Allâh (I) ng ‘Al-Jannah’ (Hardin) ay sila yaong mga nagsipagsisi na tinalikuran nila ang anumang kinamumuhian ng Allâh (I) tungo sa anumang gawain na Kanyang kinalulugdan, na mga yaong taimtim ang kanilang pagsamba sa Allâh (I) na Bukod-Tangi at sa kanilang pagsunod sa Kanya, yaong pumupuri sa Allâh (I) sa lahat ng pagkakataon na sinusubok sila mabuti man ito o masama, yaong mga nag-aayuno nang alang-alang sa Allâh (I), yaong mga yumuyuko sa kanilang pagsa-‘Salâh’ at mga nagpapatirapa; yaong mga nag-uutos sa mga tao na isagawa ang anumang ipinag-uutos ng Allâh (I) at Kanyang Sugo, at nagbabawal sa anumang ipinagbabawal ng Allâh (I) at ng Kanyang Sugo, na isinasagawa nila ang ipinag-uutos ng Allâh (I) at pinangangalagaan nila ang anumang batas, pag-uutos man o pagbabawal, sila ay patuloy sa pagsunod sa Allâh (I), na nananatili sa Kanyang batas. Ipamalita mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga mananampalataya na nagtatangan ng mga ganitong katangian, ang pagmamahal ng Allâh (I) at ng Kanyang ‘Al-Jannah’ (Hardin).(Surat at-Tawba, 112)

Ang lahat ng mga propeta, mga sugo at tunay na mananampalataya kay Allah ay buong tapat na sumunod sa ipinag-utos na ito ni Allah, at sila’y mga nangaral sa lahat ng mga sektor ng lipunan sa bawa’t partikular na panahon na kanilang pinamuhayan. Sa kanilang pangangaral hindi pumasok sa kanilang isipan ang mga alalahaning gaya ng mga ito: “na hindi dapat magsalita ng patungkol sa relihiyon sa iba,” “na hindi dapat mag-imbita ng ibang lahi o yaong mga taong iba ang pananaw ukol sa tamang daan,” o “ng hindi dapat makipag-usap sa mga tao na naiiba maging sa kanilang paraan ng pananamit.” Bagkus, lahat ay kanilang tinawag sa tunay na relihiyon ni Allah, ng walang halong diskriminasyon kahit na kaninuman.  Ang ating Propeta (saas) ay nangaral maging sa mga pagano ng Makkah, kay Abu Jahil, kay Abu Lahab, sa lahat ng mga bisita at mga tribo na dumayo sa mga itinayong mga kubol sa tuwing panahon ng hajj, at maging sa mga komunidad ng Hudyo at Kristiyano. Kanyang hinikayat ang lahat sa paniniwalang iisa lang ang Allah, hindi niya tiningnan kung anuman ang katayuan sa lipunan ng mga nakaharap, o maging ang pananaw ng mga ito ukol sa Islam, o ng kanilang paraan sa pamumuhay, batayang pang-moralidad at pananamit, walang kapaguran niyang ginawa ang pangangaral at maging ang paggamit ng iba’t ibang pamamaraan at matalinong estilo sa pamamahayag upang maiparating ang mensahe ng Islam sa tao. Hindi siya nagkaroon na ugaling mamili kung sino lamang ang pangangaralan, bagkus lahat ay kanyang nilapitan.

Matatag na inilarawan ng Propeta Abraham (saw) kay Nemrud, ang pagkakaroon at ng pagiging nag-iisa ni Allah. Si Nemrud na yata ang pinakasukdulan, pinakamalupit at walang awang tao sa kanyang panahon. Ang Propeta Moises (as) ay matapang na tumungo sa Fir’awn na siyang nagpapatay sa maraming batang lalaking anak ng mga mamamayan ng Israel, ang mga Muslim ng panahon iyon, at siyang naging malupit sa pagpaparusa sa mga ito, kanyang hinikayat ito na tumalima sa relihiyon ni Allah. At sa pagsasakatuparan nito, inutusan ni Allah si Propeta Moises na gumamit lamang ng mabuting pananalita:”

“Magtungo ka, O Mousâ, ikaw at ang iyong kapatid na si Hâroun, na dala-dala ang Aking mga palatandaan na nagpapatunay sa Aking pagiging ‘Ilâh’ (o Diyos) na sinasamba at sa Aking ganap na kapangyarihan na nagpapatotoo ng iyong mensahe, na kung kaya, huwag kayong manghina sa pagpapatuloy ng pagpapaalaala para sa Akin, tumungo kayong dalawa kay Fir`âwn; dahil walang pag-aalinlangan, siya ay lumampas na ng hangganan sa pagtanggi at paghimagsik, at magsalita kayo sa kanya nang malumanay na salita; baka sakaling siya ay tumanggap ng paalaala o matakot sa kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha.Sinabi ng Allâh (I) kay Mousâ at saka kay Hâroun: “Huwag kayong matakot kay Fir`âwn; dahil katiyakan, Ako ay kasama ninyo sa pamamagitan ng Aking pandinig at paningin, naririnig Ko ang inyong sinasabi at nakikita Ko ang inyong ginagawa…”(Surah Ta Ha: 42-46)

At gaya ng ating nalaman, ipinadala ni Allah ang Propeta Moises (as) at Propeta Harun (as) upang mangaral sa pinaka-imoral, pinakabuktot at pinakamasamang tao sa kanilang kapanahunan, ang pinakamasidhing kalaban ng Islam. Ang Propeta Moises (as) at Propeta Harun (as) ay nagtungo sa palasyo ng Fir’awn, ang lugar na walang dinidiyos maliban sa kanyang sarili at siyang lugar na puno ng imoralidad sa kanilang panahon, doon sila ay nangaral sa Fir’awn. At sa kabila ng lahat, sila ay inatasan pa rin ni Allah na gumamit ng mabuting pananalita at maghayag sa malumanay na kaparaanan maging doon sa itinuturing na kaaway ng pananampalataya gaya ng Fir’awn .

Maliwanag na sa istorya na inilahad na ito ni Allah sa Banal na Qur’an, katungkulan ng mga Muslim na mangaral sa lahat ng tao, anumang antas o katayuan nito sa buhay. At sa pagpapalaganap ng mensahe ay iniutos sa kanilang gawin ito ng may paggalang, malugod at kaaya-aya, may pagmamalasakit at mapang-unawang paraan ng pananalita. Walang lugar dito para sa mapangahas, mahigpit at saradong lengguwahe sa Islam. Anupaman ang mga kondisyon, maging sino pa man ang ating kaharap, ang isang Muslim ay inuutusang magpaliwanag ng pananampalataya ng may magandang kalooban, pagmamalasakit at pag-ibig. Ang nararapat na sundin ng isang Muslim sa pagpapaliwanag niya ng pananampalataya ay yaong batay sa inihayag ni Allah sa Banal na Qur’an, ang ipakita sa tao ang katotohanan na hindi na kailangan pang gumamit ng panggigipit o maging ng pamimilit, sa paniniwalang si Allah lamang ang magdadala sa tao patungo sa tunay na kaligayahan. Ang komunidad na kung kanino may tungkuling ipakita ang katotohanan at ang mahikayat sa Islam, ang namumukod-tanging tunay na pananampalataya sa mata ni Allah, ay ang mga Ahlul Kitab. Habang ang mga Muslim ay may  katungkulan na mawagan at iparating ang mensahe ni Allah doon sa mga wala o mahina na ang batayang moral sa kanilang mga buhay at pag-uugali, kabilang dito ang mga walang itinuturing na relihiyon, mga materyalisto at mga ateista, mayroon pa rin silang natatanging responsibilidad na mangaral sa mga Ahlul Kitab, yaong mga naniniwala sa pagiging iisa ng Allah, sa mga inihayag ng mga propeta at doon sa mga sugo na namuhay ayon sa mga aklat na nilagda ni Allah, ang mahikayat sila patungo sa tunay na daan. At malinaw din na kailangang makapamuhay tayo ng may magandang relasyon o pakikitungong panlipunan sa mga Ahlul Kitab, ito ay kung nais nating ang iniaatang na responsibilidad ni Allah gaya na ng nahayag  sa Banal na Qur’an ay maisakatuparang ganap.  

May mga tapat na mananampalataya sa hanay ng mga Ahlul Kitab

Ang ilang taong patuloy na tumatanggi sa maliwanag na probisyong nalalahad sa Banal na Qur’an, na nagtatatuwa sa buhay ng ating Propeta (saas) at may mga baluktot na sariling opinyon at matitigas na mga puso at sadyang sinusunod na lang ang mga walang-saysay na pangangatuwiran imbes na sundin ang mga ayat at hadith, sila ay may naliligaw na paniniwalang tuluyan na ngang isinumpa ng Allah ang mga Hudyo at Kristiyano. Sila ang mga naghahangad na magtanim ng punla ng galit sa pagitan ng mga Muslim at mga Ahlul Kitab sa pamamagitan ng pagpapalaganap nitong baluktot nilang paniniwala at ang mang-engganyo pa ng hindi pagkakaunawaan at kaguluhan, ng paglalabanan, ng digmaan at ng pagdanak ng dugo. Subali’t ang katotohanan, walang basehan ang paniniwalang ito na walang awa si Allah sa pagsusumpa sa lahat ng mga Hudyo, sa mga tao ng Israel at maging mga Kristiyano, taliwas ito sa nasasaad sa Banal na Qur’an.

Totoo na nasusulat sa Banal na Qur’an na inihayag ni Allah na maraming kamalian sa paniniwala, panuntunan at pag-uugali ang mga Kristiyano at ang mga Hudyo. Inihayag din ng Allah na Kanyang kinokondena, tinututulan at hindi kinalulugdan ang mga masasamang asal at pagkakamali. Subali’t hindi ito nangangahulugan na lahat na o bawa’t Hudyo o bawa’t Kristiyano ay masama na. Ang pagkokondena, pagbibigay-babala at pagpapaalala ay nakadirekta doon sa mga gumagawa ng patuloy na imoralidad. Ang Allah ay nagbabala sa mga Hudyo na nagpahirap sa kanilang mga kapwa Hudyo, maging nagtakwil at nagpahirap sa buhay ng Propeta Moises (as),doon sa mga Hudyo na patuloy lang sa paggawa ng masama sa gitna na maraming babala sa kanila, yaong mga Hudyo na sumama kay Shamir at sumamba sa mga palsong idolo at yaong mga Hudyo na tumalikod sa Propeta Moises (as) sa kanyang pakikibaka, sinabi lahat ni Allah ang mga imoralidad na ito na nahayag sa Banal na Qur’an. At sa kaparehong kalagayan, sinabi rin Niya na ang mga Kristiyano na nagtuturing sa Propeta Hesus (as) bilang isang diyos, (nawa’y huwag itulot ni Allah) na nagsasabi na ang Allah ay hindi Iisa at ang lalo’t higit ay ang nagsasabi na ang Allah ay may anak, sila ay mga tunay na naliligaw at nasasadlak sa maling paniniwala.

Subali’t nahahayag rin sa Banal na Qur’an na hindi lahat ng mga Ahlul Kitab ay kapareho ng mga nauna, mayroon pa rin namang mga tapat na naniniwala sa Allah sa kanila, yaong naglalaan ng  pinakamataas na pagtatangi at paggalang kay Allah lamang.

Ang mga ‘Ahlul Kitâb’ ay hindi magkakaparehas, mayroon sa kanila ang grupo na nanatili sa kagustuhan (batas) ng Allâh (I), naniwala sa Kanyang Sugo na si Muhammad (r) at sila ay gumigising sa gabi sa kanilang pagsa-‘Salâh, binibigkas ang mga talata ng Banal na Qur’ân, humaharap at nakikipag-ugnayan sa Allâh (I) sa kanilang pagsa-‘Salâh.’ Naniniwala sila sa Allâh (I) at sa Kabilang-Buhay, nag-uutos sila ng lahat ng kabutihan at nagbabawal sila ng lahat ng kasamaan, at minamadali nila ang pagsasagawa ng mga kabutihan, at sila ay kabilang sa mga mabubuting alipin ng Allâh (I). At ang anumang gawa mula sa mga mabubuting gawa, marami man ito o kakaunti, na ginagawa ng grupo ng mga mananampalataya; kailanman ay hindi ito babalewalain ng Allâh (I), bagkus sila ay pasasalamatan at gagantimpalaan para rito. At ang Allâh (I) ay ‘`Aleem’ – Ganap na Nakaaalam sa mga natatakot sa Kanya at gumagawa ng mga kabutihan, at lumalayo sa mga ipinagbabawal sa paghahangad ng Kanyang pagmamahal at ng Kanyang gantimpala.(Surah Al ‘Imran, 113-115)

At katiyakan, mayroon sa mga ‘Ahlul Kitâb’ (mga Hudyo at mga Kristiyano) ang nakatitiyak sa kanyang paniniwala, na ang Allâh (I) ay Siyang Bukod-Tanging ‘Rabb’ na Tagapaglikha at Siya lamang ang sinasamba nila, at sa kung anuman na ipinahayag sa inyo na Banal na Qur’ân, at ganoon din sa ipinahayag sa kanila na ‘Tawrah’ at saka ‘Injeel;’ na nagpapakumbaba sila sa Allâh (I), nagpapasailalim sa Kanyang kagustuhan, at hindi ipinagpalit ang mga talata ng Allâh (I) sa maliit na halaga ng makamundong bagay; at hindi nila inilihim ang ipinahayag ng Allâh (I), at hindi nila ito binago na tulad ng ibang ‘Ahlul Kitâb.’ Ang para sa kanila ay dakilang gantimpala sa Araw na makatatagpo nila ang Allâh (I) at ito ay matatamo nila nang walang kabawasan. Katiyakan, ang Allâh (I) ay ‘Saree`ul Hisâb’ – Ganap at Napakabilis Niyang Tumuos at walang kahirap-hirap para sa Kanya na tuusin ang kanilang mga gawain at ayon dito sila ay pagbabayarin.(Surah Al ‘Imran, 199)

Ang mga yaong pinagkalooban Namin ng Kasulatan na nauna sa Banal na Qur’ân– na sila ay ang mga Hudyo at mga Kristiyano na hindi nila pinalitan ang Aklat ay naniwala rin sila sa Banal na Qur’ân at kay Muhammad (r). At kapag binigkas ang Banal na Qur’ân sa mga yaong pinagkalooban ng naunang Kasulatan, kanilang sasabihin: “Naniwala kami at sinusunod namin ang anuman na niloloob nito, walang pag-aalinlangan, ito ay katotohanan na mula sa Allâh (I) na aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha. Katotohanan, kahit na noon pa man bago ang pagkakapahayag nitong Qur’ân ay sumusuko na kami nang ganap sa kagustuhan ng Allâh (I) at pinaniniwalaan na namin ang Kanyang Kaisahan bilang Muslim dahil ang ‘Deen’ ng Allâh (I) ay bukod-tangi na walang iba kundi ang Islâm.”(Surat al-Qasas, 52-53)

At mayroon sa mga ‘Ahlul Kitâb’ na mga Hudyo, na kapag pinagkatiwalaan mo ng maraming kayamanan, ito ay kanilang ibabalik sa iyo nang walang pandaraya.At mayroon naman sa kanila na kapag pinagkatiwalaan mo ng isang ‘dinar’ (ginto) ay halos ayaw na niya itong ibalik pa sa iyo. Maliban na lamang, kung magsisikap ka ng lahat ng paraan na bawiin ito sa kanya.  Ang dahilan nito ay mayroon silang maling paniniwala na nagtutulak sa kanila na gumawa nito, na sila (raw) ay mayroong karapatan na ipagkanulo at kunin ang mga kayamanan ng Arabo na wala silang karapatan at sinasabi nila na: “Wala tayong kasalanan kung kinain o pinakialaman natin ang kayamanan nila, dahil ang Allâh (I), ipinahintulot Niya ito para sa atin,” gayong sa katotohanan, ito ay pagsisinungaling laban sa Allâh (I), ito ay binibigkas ng kanilang mga dila kahit alam nila na sila ay nagsisinungaling.(Surah Al ’Imran, 75)

Gaya ng ating napatunayan, ang maling paniniwala ng ibang mga tao na “Ang mga Hudyo ay naisumpa na ni Allah, maging ang lahat ng mga Kristiyano, lahat ng mga ito ay kaaway na” ay hindi naaayon sa nasusulat sa Banal na Qur’an. Ang Allah ay Patas sa Hustisya, Kanyang pinamumunuan ang Kanyang mga alipin ng ayon sa Katotohanan lamang.  Hindi magpaparusa si Allah ng tao ng ayon sa mga bagay na hindi siya ang may gawa, maging sa imoralidad na hindi siya ang pinagmulan, hindi batayan ng Kanyang pagpaparusa ang pinanggalingang lahi ng isang tao, maging naging masama man ang mga ninuno nito sa nakaraang panahon. Ito ay hindi naaayon sa Kaluwalhatian ni Allah, sa Kanyang Hustisya at Walang Kapantay na mga Katangian. Ang sinasabing pagpaparusa sa sangkatauhan sa pangmalawalakan (en masse) ay hango lamang sa mga paniniwalang mitiko o alamat, at hindi ito makikita sa Banal na Qur’an. Sa ganitong mga kadahilanan,ang mga Muslim ay marapat na magbase lamang sa mga ayat sa Banal na Qur’an ukol sa pakikitungo nila sa mga Ahlul Kitab, kasama dito ang mga pamamaraan ng ating Propeta (saas), at hindi dapat magbatay sa pamahiin o mga paniniwalang gawa-gawa lamang ng tao.

Unang imbitasyon sa mga Ahlul Kitab ay ang mapagpahayag sila ng, “Iisa lamang si Allah”

Kung nasasaad sa Banal na Qur’an kung ano ang marapat na pag-uugali ng isang Muslim sa kanyang pakikitungo sa mga Ahlul Kitab, sinabi rin ni Allah kung papaano tayo dapat mangaral sa kanila. Batay sa ipinag-uutos  ni Allah, sa pag-iimbita ng isang Muslim sa mga Ahlul Kitab,marapat na maipabigkas sa kanila ang mga katagang “Iisa lamang si Allah,” na sa maikling salita ay nangangahulagang sasamba lamang sila sa iisang Diyos (monotheism).

Sabihin mo, O Muhammad (r) sa mga ‘Ahlul Kitâb’ – mga Hudyo at mga Kristiyano: “Halina sa makatarungan at makatotohanang salita, at tayong lahat ay sumunod at manatili rito (sa makatarungan at makatotohanang salita na ito): ito ay ang pagturing natin sa pagiging bukod-tangi ng Allâh (I) sa pagsamba sa Kanya, na hindi tayo gagawa ng anumang pagtatambal sa Kanya, na tulad ng mga imahen, rebulto o di kaya ay krusipiho o anumang uri ng sinasamba bukod sa Kanya; at hindi tayo susunod sa ibang batas o kagustuhan ng sinuman sa atin maliban sa kautusan ng Allâh (I).”At kapag sila ay tumanggi sa mabuting paghihikayat na ito. Sabihin ninyo – O kayong mga mananampalataya – sa kanila: “Tumestigo kayo sa amin na kami ay mga Muslim na sumusuko sa aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha bilang alipin at taimtim na pagsamba namin sa Kanya.” At ang paghihikayat na ito tungo sa pagkakaisa, na ang ganitong pamamaraan ng paghihikayat ay hindi lamang para sa mga Hudyo at mga Kristiyano, kundi pati na rin sa ibang relihiyon na nasa labas ng Islâm.(Surah Al ’Imran, 64)

Isa sa mga mahalagang piraso ng karunungan patungkol sa sinabi ng Allah sa Banal na Qur’an na marapat na maghayag ang mga Ahlul Kitab ng “Iisa lamang ang Allah” ay ang sa dahilang kalugod-lugod sa Allah ang pagsasabi ng "LailahaillaAllah." Kapag namutawi sa bibig ng mga Ahlul Kitab ang "LailahaillaAllah," ito ay katumbas ng pagpapahayag na  sila ay naniniwala sa iisang Allah at ang sila ay mag-aalay sa Kanya lamang ng lubos na pag-ibig at pagtatangi, at ito ang pinakamahalaga at importanteng sangkap. At upang maging ganap ang pagmamahal ng Allah at ang Siya ay kanilang maging Wali, ang mga Ahlul Kitab na nagsasabi ng pagmamahal at pakikipagkaibigan sa Kanya sa pagbabanggit ng "LailahaillaAllah," esensyal din na banggitin nila ang "Muhammadan Rasulullah" kaakibat ang pagsunod sa Banal na Qur’an. Sa pagiging instrumento upang ang mga Ahlul Kitab ay makapagwika ng  “Iisa lamang ang Allah,”  ang mga Muslim ay may responsibilidad pa rin na imbitahan sila na tanggapin ang Propeta Muhammad (saas) bilang pinakahuling propeta at ang Banal na Qur’an bilang pinakahuling aklat, at ang sila ay mamuhay batay na sa Banal na Qur’an. Nahahayag din sa Banal na Qur’an kung papaano magagampanan ang pagtawag at panghihikayat na ito.

“Ang pinakamabubuting pananalita” ang naaangkop na gamitin sa pangangaral sa mga Ahlul Kitab

Walang anumang napapaloob sa mga ayat sa Banal na Qur’an na nagtuturo ng mapaghamong pag-uugali patungkol sa mga Ahlul Kitab o ng anumang walang habas na pagkamuhi laban sa kanila. Ang ganitong pag-iisip ay hindi tumutugma sa Banal na Qur’an at mga Sunnah. Ang Muslim ay dapat lamang makadama ng angkop na disgusto doon sa mga nagdedeklara ng pakikidigma laban kay Allah at sa Kanyang relihiyon, at hindi dahil lamang sa pagiging Hudyo o Kristiyano, ito ay saan mang lahi magmumula. Subali’t alalahanin na ang disgustong ito ay hindi marapat na magbunsod sa isang Muslim upang gumamit ng paraang wala sa katarungan, o kawalan ng pag-unawa at ng mapanggipit na pag-uugali sa mga ito. Tunay na sinasabi ng Allah sa Banal na Qur’an ang ganito, "O kayong mga naniwala sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugong si Muhammad (r)! Maging matatag kayo sa pagpapatupad ng katotohanan bilang paghahangad ninyo sa Mukha ng Allâh (I), sa pamamagitan ng pagtestigo nang makatarungan at huwag hayaang ang galit at poot ng mga tao ang siyang magiging sanhi para kayo ay hindi maging makatarungan.Na kung kaya, maging makatarungan kayo sa pagitan ng inyong mga mahal sa buhay at sa mga kalaban, na kayo ay maging patas sa paghahatol; dahil ang pagiging makatarungan o patas sa paghahatol ay mas malapit sa pagkatakot sa Allâh (I). At ingatan ninyo na kayo ay makagawa ng pang-aapi. Katiyakan, ang Allâh (I) ay ‘Khabeer’ – ganap ang Kanyang Kagalingan na Nababatid Niya ang lahat ng inyong mga ginagawa at kayo ay Kanyang tutumbasan."(Surat al-Ma’ida, 8).

Karagdagan na dito ang katungkulan ng mga Muslim na protektahan at mabantayan ang sinumang dumudulog sa kanilang pangangalaga, kahit na sila pa ay hindi mga mananampalataya.

At kapag ang isa sa mga ‘Mushrikîn’ na ipinahintulot sa inyo ang kanilang buhay at kayamanan (na ito ay patungkol sa inyong kalaban) ay humingi ng proteksiyon sa iyo, O Muhammad (r), ay tanggapin (pangalagaan) ninyo ang kanyang kahilingan hanggang marinig niya ang turo at gabay ng Banal na Qur’ân, pagkatapos ay ibalik ninyo siya sa kanyang pinanggalingan… (Suratat-Tawba, 6)

Sa pakikitungo sa mga Ahlul Kitab, yaong mga naniniwala sa pagkakaroon ng Allah at siyang may takot dito at yaong mga nagmamahal sa mga propetang Kanya nang naipadala, lalo’t higit doon sa mga matapat na nagsasambit ng "LailahaillaAllah," tinatawag na ang isang Muslim ay magpakita ng mapagkalingang pag-uugali at yaong balot ng pagmamahal. Tunay na nais ng Allah na tratuhin natin ang mga mamamayang ito sa pinakamabuting kaparaanan:

At huwag kayong makipagtalo, O kayong mga naniwala, sa mga Hudyo at mga Kristiyano maliban na lamang sa pinakamagandang kaparaanan at mabuting pananalita, at ang pag-anyaya tungo sa katotohanan ay sa pinakamadaling pamamaraan upang ito ay kaagad na makarating sa kanila at maunawaan; maliban sa mga masasama na naghahamon sa katotohanan na mga nagmatigas, nagmataas at naghayag ng pakikipaglaban sa inyo, na kung kaya, makipagdigma kayo sa kanila hanggang sa sila ay maniwala, o di kaya ay makapagbigay ng ‘Jizyah’ na ibibigay nila ito sa inyo bilang kanilang pagpapasailalim, at sabihin ninyo: “Naniwala kami sa Qur’ân, na ito ay ipinahayag sa amin, at naniwala kami sa ‘Tawrah’ at sa ‘Injeel’ na ito ay mga ipinahayag sa inyo, ang aming ‘Ilâh’ (Diyos na sinasamba) at ang inyong ‘Ilâh’ ay nag-iisa na bukod-tanging walang katambal sa pagsamba sa Kanya, gayundin sa Kanyang pagiging ‘Rabb’ na Tagapaglikha, Tagapangasiwa, Tagapagtustos at Tagapangalaga, gayundin sa Kanyang mga Pangalan at Katangian, na kami ay ganap na sumusuko at nagpapasailalim sa Kanyang kagustuhan sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya sa anumang Kanyang ipinag-uutos sa amin at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal bilang mga Muslim.”(Surat al-Ankabut, 46)

Ang ating Propeta (saas) ay nangaralsa mga Ahlul Kitab ng may pag-ibig at pagmamalasakit prached to the People of the Book with love and affection

Natutunan natin mula sa ating Propeta (saas) kung papaano isakatuparan ang mga nasasaad na probisyon ni Allah sa Banal na Qur’an. Ang esensyal na bagay dito para sa mga Muslim ay ang mga ayat ng Allah at ang mga interpretasyon ng ating Propeta (saas) sa mga ito at siyang paggamit sa kanila. Kung susuriin natin ang magandang relasyon ng ating Propeta (saas) sa mga Ahlul Kitab, makikita natin na tinrato niya ng may pagmamalasakit, pag-unawa at pagtangkilik sa mga ito, kanya silang pinrotektahan at binantayan, hinayaan at binigyan ng probisyon upang makapamuhay ng naaayon sa kanilang paniniwala ng may kalayaan. Ang Tratado ng Medina, na personal na  binalangkas ng ating Propeta (saas), ang mga pakikipagkasundo sa mga Kristiyanong Najran at ang mga pribilehiyong iginawad ng ating Propeta (saas) sa maraming tribung Kristiyano at Hudyo ay mahuhusay na halimbawa ng ugaling mapagkalinga, mapangalanga at pagiging patas ng ating Propeta (saas) sa mga Ahlul Kitab. Mayroon ding mga patunay sa pag-uugaling ito na nasulat sa ilang mapagkakatiwalaang koleksyon ng hadith na nagsasaad na ang ating Propeta ay bumabangon pa sa kanyang kinalulugaran kapag may dumaraang prusisyon ng libing para sa isang Hudyo, kanya ring pinahintulutan ang pagsamba ng mga Kristiyano sa Masjid-i Nabawi, na  kanyang inilalatag ang sariling kapa para maupuan ng mga sa bumibisitang Kristiyano, gayundin ang pagpapadala niya ng mga unang Muslim sa Kristiyanong Najashi sa Hegira upang mangalaga sa mga ito.  Kung gayon, ang lahat ng mga Muslim ay tinatawag na kumilos base sa mga pahayag na ito, ang tratuhin ng buong kabaitan ang mga Ahlul Kitab, sa paraang ayon sa Sunnah ng ating Propeta (saas), ang tawagin sila patungo sa Islam ng may pag-ibig, pagkalinga at kaluguran. (Mababasa ang mahuhusay na mga halimbawang ito mula sa buhay ng ating Propeta (saas) dito.)

Upang maging tunay na Kristiyano o Hudyo, ang mga Ahlul Kitab ay dapat na maging Muslim at sumunod sa Banal na Qur’an

Gaya ng ating  mga nabasa na, mula sa Banal na Qur’an at sa mga ebidensiya mula sa buhay ng ating Propeta (saas), marapat na tratuhin nating mga Muslim ang mga Ahlul Kitab ng may pagmamahal at ang hikayatin sila sa pagtanggap sa paniniwalang may isang Diyos lamang at sa Islam sa isang kalugod-lugod na kaparaanan.

Walang pagdududa na pinakamagandang bagay na para sa mga itinuturing na Ahlul Kitab ang pagtanggap sa paniniwalang iisa lamang ang Allah, ang bigkasin ang mga salitang "LailahaillaAllah." Subali’t ang Islam ay ang tunay na pananampalataya sa mga mata ni Allah. Kung nais ng mga Ahlul Kitab ng pagmamahal ni Allah at ang maging kalugod-lugod sa Kanya, marapat na matanggap din nila na si Muhammad (saas) ay ang pinakahuling propeta kasama nito ang pagtalima nial sa Banal na Qur’an. Ito lamang ang tunay na relihiyon na inihayag kay Propeta Moises (as) at Propeta Hesus (as) na sinira sa pagdaan ng panahon at kasama na ang paglalagay dito ng mga gawa-gawang ideya at konsepto na hindi ipinangaral ng Propeta Moises (as) o ng Propeta Hesus (as), mga gawa-gawang konseptong idinagdag na hindi katanggap-tanggap, at kasama maging ang pagtatanggal ng mga tunay na konseptong napapaloob sa relihiyon.

Sa mga kadahilang ito, kung ang mga itinuturing na Ahlul Kitab ay tatalima sa tunay na pananampalataya na siyang itinuro sa mga banal na propeta sa kaanyuang kalugod-lugod sa paningin ni Allah,  kung nais nilang maging tunay na tapat na Hudyo gaya ng sa panahon ni Propeta Moises (as) o maging sinserong Kristiyano gaya ng sa panahon ng Propeta Hesus (as), kagya’t dapat silang maging mga Muslim at tanggapin ang Banal na Qur’an.  Iniuutos sa Banal na Qur’an na tayo ay manalig sa mga propeta, ng walang pagtatangi. Gaya ito ng sa isang Muslim na maituturing na tumalikod sa pananampalataya dahil sa kahit na sinasabi niyang siya ay nananalig sa Propeta Muhammad (saas) subali’t nagtatakwil naman sa Propeta Ibrahim (as), kung kaya ang mga Kristiyano at mga Hudyo ay dapat tanggapin din si Muhammad sa pagiging propeta niya ni Alllah at ang ganap na siya ay mahalin. Hindi ito mangangahulugan na tatalikuran o hindi na nila dapat mahalin ang Propeta Moises (as) at Propeta Hesus. Bagkus, ito pa nga ang magiging instrumento ng kanilang pagmamahal sa mga propetang nabanggit sa paraang nais at kalugod-lugod kay Allah. Magiging daan pa ito ng ibayo nilang pagkamalapit sa Propeta Moises(as) at PropetaHesus (as), ang higit silang maunawaan at mas mahalin pa.

At kung sa kabila ng mga napahayag na ito, ang ilang mga itinuturing na Ahlul Kitab ay pipiliing manatili sa dati at nakasanayang ideya at paniniwala, ang mga Muslim ay hindi dapat mamilit pa para mapatanggap sa kanila ang Islam o gumamit ng kahit anong porma ng panggigipit. Ang marapat na sabihin ng mga Muslim ay ang ito, gaya ng inihayag ni Allah sa Banal na Qur’an, para sa lahat kabilang na ang mga Ahlul Kitab, “Na kung kaya, sa inyo na lamang ang inyong ‘deen’ (o relihiyon) na inyong pinagpipilitan na sundin, at sa akin na lamang din ang aking ‘Deen’ (o Relihiyon), na hindi na ako maghahangad ng iba pa.”(Surat al-Kafirun, 6)

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/38971/papaano-marapat-na-mangaral-sahttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/38971/papaano-marapat-na-mangaral-saTue, 22 Feb 2011 10:02:00 +0200
Bakit ang mga Darwinista ay nananahimik sa matagal na panahon na? Wala tayong anumang nadidinig sa matagal ng panahon mula sa mga Darwinista o maging sa mga mamamahayag na maka-Darwinismo, ang mga ito na sa loob ng ilang dekada ay walang humpay sa paglalabas ng mga mali at kathang-isip na bagay patungkol sa ebolusyon, ng mga walang katapusang gawa-gawa lamang na fossils at pati na ang pagbabandera na ang “missing link” daw ay natagpuan na at ilan pang mga hindi na mabilang na teorya pa na ang isinusulong naman ay ang selula (cell) daw ay umusbong na lang bigla o sa sarili nitong paraan, at alam naman nating lahat kung gaano ang galing nila sa pagkukuwento na animo’y totoo ngang naganap ang mga ipinahahayag nila. Ang mga balita ukol sa “missing link” ay natigil na rin, ang mga pagkahahabang pahayag ukol sa ebolusyon na kanilang ipinamamahagi sa mga pahayagan ay nahinto na rin at ang mga Darwinista na dati’y madalas makita linggo-linggo sa iba’t ibang programa sa telebisyon ay mga nagkawala na. Ano kaya ang dahilan sa likod ng malaking pagbabagong ito?

Simple lang ang dahilan – ANG MALAKING PAGKATALO NA NAIPATAW NATIN SA MGA DARWINISTA.

Sa loob ng nakalipas na 150 taon, ang mga Darwinista ay matagal nang gumagamit ng sistematikong hipnotismo sa pangmalawakang kaparaanan (“mass hypnosis”), ito ay isinakatuparan magmula pa sa panahon ng pagsibol ni Darwin. Nagawa nilang mapatahimik ang sinumang kumilos taliwas sa kanilang mga kagustuhan. Nagawa rin nilang mapasok o impluwensiyahan ang mga eskuwelahan at mga unibersidad. Ang malaking bahagi ng mga mamamahayag ay nasa ilalim ng kanilang pangongontrol. Ang mga mamamahayag na ito ay laging nahanda sa tuwing kinakailangan ang propagandang maka-Darwinismo, at dito isinilang na nga ang kathang-isip nilang “missing link” (nawawalang ugnay sa ebolusyon). Ang sistemang kanilang pinalaganap ay tunay na naging buo at matagumpay. At ang panghihipnotismo sa mga masa ay nagpatuloy ng ayon sa kanilang mga plano. Ang ante-Kristo (antichrist) ay matagal nang nagtatrabaho sa loob ng 150 taon na. Ang ante-Kristo ay nagtuloy-tuloy lang sa kanyang malalim na panghihipnotismo hanggang sa maraming mga tao nga ay nagawa niyang maging mga maka-Darwinismo, materyalisto at maging magtakwil sa relihiyon. Naipataw niyang  tunay ang isang malawakang mahika sa mga tao sa pagsasabing sa kanila na “Kayo ay pawang mga Darwinista, at kayo ay mga isinilang sa mundo dahilan sa tsansa o pagkakataon lamang.”  At sa ilalim ng mahika na ito ng ante-Kristo, ang mga tao ay napapaniwala nila sa loob ng napakaraming taon na ang tao nga ay naririto dahilan sa tsansa o pagkakataon lamang, at sila na nga’y mga naging bulag na tagasunod sa pag-aakalang ang Darwinismo ay totoo.

Subali’t ang pagkakabunyag ng “mass hypnosis” ay isang bagay na hindi inaasahan o napaghandaan man lang ng mga Darwinista.

 

Ang Atlas of Creation (Atlas ng Paglikha) sa Pagpupulong ng mga Mamamahayag sa Consejo ng Europa – Oktubre 4, 2007

 
Ang Atlas of Creation (Ang Atlas ng Paglikha) ay Nangahulugan ng Pinakamalalang Pagkaguho’t Pagkabigo para sa mga Darwinista  

AngAtlas of Creation (Atlas ng Paglikha) ay isang malaking dagok sa mga Darwinista. Dahilan sa hindi nila inaasahan ang maharap sa napakalaking dagok na ito sa kanila, ang mga Darwinista ay naging lito sa kung ano ang kanilang gagawin matapos na mailabas ang Atlas of Creation. Kitang-kita nila na ang mahika na humawak sa kaisipan ng mga tao sa loob ng maraming taon ay napipinto na ang katapusan. Sila’y mga nagulumihanan ng matindi sa pagkakaroon at pagkakalabas ng mga fossils na mahigit pa sa 300 milyong taon. Ang mga katibayang ito ng Paglikha ay maingat nilang ipinakatago-tago sa matagal na panahon na siyang maliwanag at hayagang nakita na nga ng buong mundo. Ang mga tao ay namangha ng malamang ni isang transitional fossil (nag-uunay sa ebolusyon) ay wala. At higit pa rito, ang rebelasyon na ang buhay ay hindi maaaring maganap sa pamamagitan ng tsansa o pagkakataon lamang, gaya ng ipinalalagay ng mga Darwinista, na ni isang protina ay hindi kayang mabuo sa kanyang sarili lamang na kaparaanan, at ito na nga ang nagbukas ng daan sa pinakamalaking pagbagsak para sa mga Darwinista.

Ang mga Darwinista, na kilala sa kakanyahan nilang makagawa ng determinado at walang kahihiyang panloloko sa loob ng mga nakalipas na maraming taon, ng mga walang pakialaman at walang habas na paglalabas ng mga palsong pahayag at ng mga ulat na puno ng kasinungalingan, ang mga ito’y ginawa nila kahit saanman sila naroroon, kahit kailanman nila gustuhin, at ang mga ito ay sapilitang pang ipinataw sa buong madla, ay nahaharap ngayon sa malaking pagdurusa sa kahihiyan at pagbabatikos dahilan sa pagkakabulgar sa kanila bilang mga sinungaling o mga manlilinlang. Dati-rati sila ay lubos layang nakakagalaw sa pag-aakala na ang kanilang palsong emperyo ay hindi kailanman mabubulgar, subali’t sila ngayon ay mga nahihintakutan dahil sa alam na ng tao sa kanilang pagiging mga manlilinlang kahit saanman sila mapadako ngayon. Batid na nila na ang anumang mga malisyosong pahayag na punong-puno ng mga kasinungalingan na nalahatla sa mga pahayagan at magasin ay mahaharap sa maraming tanong at pagbatikos, kagaya ng sa mapanlinlang na ulat nina Ida at Ardi, mapipilitan silang bawiin ang lahat ng kanilang mga naunang ipinahayag at ang maglabas pa ng isang sulat paghingi ng dispensa dahil sa kanilang mga kamalian at kasinungalingan.  Batid rin nila na anumang ulat pa patungkol sa ebolusyon na dating mabiling-mabili sa pagpapalaganap nila ng mahika ukol sa ebolusyon, ay magdadala na lang ng matindi at panibagong kahihiyan sa kanila, at para maging tampulan pa sila ng katatawanan.

Ito ang dahilan kung kaya ang mga Darwinista ay bigla na lang mga natahimik. Hindi na nila kakayanin pang magsinungaling. Ang mga paraang gamit nila para sa propaganda ng Darwinismo ay wala ng silbi pa. Ang ante-Kristo na nagpalaganap ng Darwinismo sa madla ay nakatanggap na ng pinakamalakas at pinakamatinding dagok sa lahat. Ang mga Darwinista ay bigo na ngayon upang magamit pa ang ilang mga mamamahayag, wala na ang mga dati-rati nilang makapangyarihang sandata sa pagpapalaganap ng mga ulat ng kasinungalingan. Maliwanag na ang pagpipilit pa nila sa kasinungalingan ay wala ng paroroonan pa.

Sadyang hindi inakala ng mga Darwinista na darating ang araw na ito ng kanilang pagkabigo.  Subali’t sa mga Muslim ito ay batid na nila, na ang mga ito ay resulta lang ng kanilang mga aksyon at matagal na nilang pinakahihintay na maganap sa mga Darwinista.  At dahil ito ay isang dakilang pangako ng ating Panginoon na nasulat sa Banal na Qur’an. Gaya ng inihayag ni Allah sa ayat na ito, “Hindi paglilibang ang Aming nais, kundi bagkus, ipinadala Namin ang katotohanan at ipinaliwanag Namin ito nang ganap upang mangibabaw sa kamalian, at ang kamalian ay katiyakang maglalaho,” (Surat al-Anbiya’, 18), Kanyang ipapataw ang pinakamabigat na pagkabigo sa lahat ng may baluktot na pananaw at sa mga relihiyong itinatag upang kumalaban sa tunay na pananampalataya, at ng magkagayon, lahat ng maling nakaugaliang paniniwala (superstitions) ay maglaho na ng lubusan. Makikita ng mga Darwinista na ang tagumpay at kalakasan ay pagmamay-ari lamang ni Allah at ng lahat ng sumasampalataya sa Kanya. Si Allah, ang Panginoon ng buong mundo, ay Tunay na Walang Katapusan at Hindi Nagbabago, ang Pinakakadakilang Kagandahan,  ang Walang Hangganan.

Narito ang sinabi ng ating Panginoon sa isang ayat:

Sabihin mo, O Muhammad (r), sa pagharap mo sa iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha upang manalangin: “O Allâh (I) na nagtataglay ng lahat ng Kaharian, Ikaw ang tanging nagkakaloob ng kaharian, yaman at pamamahala sa ibabaw ng kalupaan sa sinuman na Iyong nais mula sa Iyong nilikha; at kinukuha Mo ang kaharian sa sinuman na Iyong nais, at pinagkakalooban Mo ng kapangyarihan dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay ang sinuman na Iyong nais, at hinahamak Mo ang sinuman na Iyong nais. Nasa Iyong Kamay ang kabutihan. Katiyakan, Ikaw ay ‘Qadeer’ – Walang-Hanggan at Ganap na Makapangyarihan na may kakayahang gawin ang lahat ng bagay at walang sinuman ang makapipigil sa Iyo.” Ang talatang ito ay patunay na ang Allâh (I) ay mayroong Kamay na angkop sa Kanyang Kamaharlikaan.(Surat al-Imr’an, 26)

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/37148/bakit-ang-mga-darwinista-ayhttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/37148/bakit-ang-mga-darwinista-aySat, 15 Jan 2011 11:27:21 +0200
Dapat na malaman ng ating mga kapatid na Kristiyano ang kahalagahan ng may lalim na pag-unawa sa mga salita… [Our Christian brothers and sisters should also see the importance of the inward meaning]

Ang mga salita ni Allah ay bukas, maliwanag, siksik at liglig sa karunungan. Subali’t minsan ay itinatago ng ating Panginoong Makapangyarihan sa lahat sa likod ng Kanyang mga salita ang mga kapaliwanagan at mga kahulugan, at bukas ang mga ito sa interpretasyon. Upang ang mga ito ay ating maunawaan ng lubos, kinakailangan itong tingnan gamit ang liwanag ng pananampalataya sa paghahanap ng kahulugan at sikreto sa likod ng mga salitang ito ng karunungan.

Kadalasan inilalahad ng ating Makapangyarihang Panginoon ang higit na malalalim na kahulugan ng mga ito sa pamamagitan ng mga pagtutulad (similes) at talinhaga (metaphors). Halimbawa sa isang ayat sa Banal na Qur’an, Kanyang inihayag ang At hawakanninyo nang mahigpit ang lubid (Aklat) na mula sa inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha (Allâh I), at ang patnubay ng inyong Propeta, at huwag kayong gumawa ng anumang bagay na magiging dahilan ng inyong pagkakahiwa-hiwalay....” (Surah Al ‘Imran, 103), at sa isa pang ayat, Katiyakan, ang mga walang pananampalataya, na hindi pinaniwalaan ang Aming mga katibayan at mga palatandaan na nagpapatunay hinggil sa Aking Kaisahan, at hindi nila sinunod ang Aming batas bilang pagmamataas, ay hindi bubuksan ang mga pintuan ng kalangitan, para sa kanilang mga mabubuting gawa na ginawa rito sa daigdig; at ganoon din, hindi rin bubuksan ang mga pintuan ng kalangitan para sa kanilang mga kaluluwa kapag sila ay namatay na, at kailanman, ang mga walang pananampalataya ay hindi maaaring makapasok ng ‘Al-Jannah’ (Hardin) sa Araw na kapag sila ay binuhay nang mag-uli, maliban na lamang kung makapapasok ang kamelyo sa butas ng karayom at ito ay di-maaari.…” (Surat al-A‘raf, 40). Ang mga ayat na ito ay maaaring tingnan at pakahulugan ng ilan sa literal na kaparaanan. Subali’t sa katunayan ang parehong ayat na ito na matalinhaga ay paglalahad na puno ng karunungan, at maraming natatago pang kahulugan na kung susuriing maigi ng ating kaisipan ay mapupulutan natin ng kaban-yaman ng karunungan. Ang ating Panginoon, sa paggamit ng “lubid (Aklat) ni Allah” ay maliwanag na nagsasabi sa ating mga tao na kumapit ng mahigpit sa Kanya at sa Kanyang landas, at ang tayo’y magpursigi dito. Muli, ang ating Panginoon sa paggamit ng “hanggang ang kamelyo ay makapasok sa butas ng karayom” ay naglalahad na ang mga nabanggit sa naturang ayat ay hindi papapasukin sa Kalangitan – maliban na lamang sa kapahintulutan ni Allah. Sadya itong napakalalim at napakagandang paraan ng pagpapahayag.  Subali’t upang atin itong higit na tamang maunawaan, kinakailangang dito ang pagninilay sa tunay na malalim nitong kahulugan.

Ang ganitong situwasyon gaya ng sa Banal na Qur’an, ay marapat na gamitin din sa Torah at sa Ebanghelyo. Isang halimbawa ng berso mula sa Ebanghelyo na kung saan kinakailangan ang malalim na interpretasyon sa isang paglalahad ng ating Panginoon ay ang sumusunod:

Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinhaga sapagkat tumitingin sila nguni’t hindi nakakakita, at nakikinig nguni’t hindi naman nakakarinig ni nakakaunawa man. Natutupad nga sa kanila ang propesiya ni Isaias na nagsasabi, 'Makinig man kayo nang makinig subali’t hindi ninyo mauunawaan kailanman, at tumingin man kayo nang tumingin subali’t hindi rin kayo makakakita kailanman. Sapagkat naging mapurol na ang isip ng mga taong ito; mahirap makarinig ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata, kung hindi gayon, sana'y nakakita ang kanilang mga mata, nakarinig ang kanilang mga tainga, nakaunawa ang kanilang mga isip,  at nagbalik-loob sila sa akin, at pinagaling ko sila.(Mateo 13:13-15)

Narito rin ang ilang posibleng ehemplo mula sa Torah: 

Sinabi ni Yahweh, "Kayong mga bingi, ngayon ay makinig!
At kayong mga bulag naman ay magmasid! …. Israel, napakarami mo nang nakita nguni’t walang halaga sa iyo.
Mayroon kang tainga nguni’t ano ang iyong napakinggan?
(Isaiah 42:18, 20)

Sinabi sa akin ni Yahweh, "Ezekiel, anak ng tao, nasa gitna ka ng isang mapaghimagsik na bayan. May mga mata sila nguni’t hindi nakakakita; may mga tainga ngunit hindi naman nakakarinig(Ezekiel, 12:1-2)

Ang mga matatalinhagang salitang ito sa Ebanghelyo at Torah ay hindi nagpapatungkol sa pisikal na kapansanan gaya ng pagkabulag o pagkabingi. Ang binibigyang diin dito ay ang ispirituwal na pagkabulag at ispirituwal na pagkabingi ng isang tao. Kahit na pa ang pisikal na ebidensya ng pagkakaroon ng Diyos, si Allah na Maylikha ang lahat, ay nasa sa harapan na nila’t nakikita ng kanilang mga mata, ang mga taong nabanggit  sa mga talinhagang ito ay sadyang hindi makakaunawa at makakatanggap ng katotohanan. Kinokondena ni Allah ang mga ganitong klase ng tao na bulag at bingi sa ispirituwal na kalalagayan. 

Kung magiging literal na lamang ang pagpapakahulugan sa nabanggit na pagkabulag o pagkabingi, ito ay magbubukas  sa mga maling interpretasyon. At upang maiwasan na lang ang pagkakaroon ng kaguluhan dahil sa mga ganitong maling interpretasyon, napakahalaga na magnilay-nilay sa mga tunay at malalalim na kahulugan nito. Dahil si Allah, sa likod ng mga matatalinhagang kahulugang ito, ay nagnanais na magparating sa tao ng mga dakila at importantanteng mensahe, mga natatagong sikreto na siyang susi ng tao patungo sa tama at matuwid na daan.
 


 

Ang mas malalim na pag-unawa sa kahulugan ng paggamit ng salitang “anak” sa Ebanghelyo ay marapat na pagnilayan.

Una at higit sa lahat, dapat na maipabatid na ang kakulangan ng pag-unawa sa tunay na kahulugan sa likod ng mga matatalinhagang salita ay naeenkwentro hindi lamang sa Islam kundi maging sa Judaismo at Kristiyanismo. Kung kaya’t hindi dapat na ikonsidera na ito ay isang pangyayari na limitado lamang sa mga Kristiyano. Datapuwa’t ang paksa natin ngayon ay patungkol lamang sa aspetong Kristiyano gaya ng naisasalarawan.

Ang kakanyahang makaunawa sa tunay na kahulugan sa likod ng mga salitang ito ng ating Panginoon ay tunay na napakahalaga, lalo na kung ang pag-uusapan natin ay ang mga malulubhang kamalian na nakasadlakan ng ating mga kapatid na Kristiyano, mapababae man o mapalalaki. Namumukod dito ang matagal na nilang paniniwala at lubhang lumaganap na sa loob ng napakaraming taon na ang Propeta Hesus (as) ay anak ni Alllah (Buong katiyakang si Allah ay higit pa riyan), ito ay sadyang napakamapanganib na maling interpretasyon na nangyari at namamayani dahil na nga sa kakulangan ng tamang pagkakaunawa. Ang ekspresyong “anak ng Diyos (Allah)” sa Ebanghelyo ay nalagyan ng literal na pakahulugan ng wala man lang tunay na malalim na pag-iisip at pagsusuri patungkol sa paghahanap ng kahulugan nito.

Ang katotohanan dito, ang paggamit ng salitang “anak” ay ekspresyon lamang ng ispirituwal na pagiging malapit kay Allah, ng pagmamahal, ng natatanging paghirang, at ng pagkakaibigan. Ito ay sadyang malalim na ekspresyon na ginamit ni Allah sa Kanyang mga alipin na Kanyang pinakamamahal at namumukod-tanging pinili mula sa ating lahat na mga nilalang.

Ang espesyal na ekspresyong ito ay siya ring paraan ng paglalarawan na ginamit sa Torah (Salmo 2: 7-12). Dahil sa ang ilang mga Kristiyano ay nagpapakahulugan ng literal sa salitang “anak” ayon na rin daw sa Torah, ito rin ang kanilang binabanggit na basehan (reference) sa maling paniniwala na ang Propeta Hesus (as) ay “anak ni Allah” (Buong katiyakang si Allah ay higit pa riyan). Subali’t dapat nating mabatid na maging ang mga Hudyo ay nakakaalam sa tunay at mas malalim na kahulugan ng mga ekspresyong ito sa Torah. Binigyan nila ang mga ekspresyong ito ng interpretasyon at nagnilay sa mas malalim na kahulugan ng mga ito, at nakaunawa na si Allah ay nagbigay-diin lamang dito ng Kanyang natatanging pagmamahal, pangangalaga at pagiging malapit sa Kanyang mga piling alipin. Kung kaya, ang mga Hudyo ay tumutuligsa sa komentaryo mula sa ilang Kristiyano patungkol sa mga salita sa Torah na nagamitan ng literal na paglalagay ng kahulugan at lubhang lumayo na sa tunay na dapat na kahulugan ng mga ito.

Ang ating mga kapatid na Kristiyano ay marapat na maunawaan na ang nakasanayang katawagan na “anak ni Allah” ay hindi dapat tingnan sa  isang pisikal na pakahulugan lamang (Buong katiyakang si Allah ay higit pa riyan), bagkus ang dapat nilang malaman ay ang ito ay pagbibigay-diin lamang sa pagkakaroon ng ispirituwal na pagiging malapit kay Allah. Sa ganitong mas malalim na pananaw sa ekspresyong ito, kanilang higit na matatanto o mararating ang isang kakaiba at mas may-lalim na pagkakaunawa sa ganitong paraan ng katawagan.
 

Ang kredo ng Trinidad ay ang pinakamalaking at malubhang panganib na naipataw sa Kristiyanismo at ito rin ang pinakamalaking paninira na naibato sa Propeta Hesus (as).

Hango sa isang Panayam kay G. Adnan Oktar sa TV Kayseri at Kanal 35 (Enero 10, 2010)

 

Ang paniniwala na ang pagbabalik ng Propeta Hesus (as) sa Wakas ng Panahon ay magaganap sa himpapawid o sa gitna ng kaulapan na siyang masasaksihan saanman ay nagmula sa kakulangan ng sapat na pagkakaunawa sa higit na malalim na kahulugan nito.


Ang Propeta Hesus (as), sa kapahintulutan ni Allah, ay muling babalik sa Wakas ng Panahon at dala niya ang kapayapaan at kaligtasan para sa lahat ng mga bansa sa mundo. Ito ay isang napakagandang balita na nalalahad din sa Banal na Qur’an. Subali’t ang Propeta Hesus (as) ay pababalikin muli sa daigdig sa Wakas ng Panahon  hindi bilang resulta ng mga ekstraordinaryong pangyayari na masasaksihan daw ng mga tao gaya ng ipinapalagay ng maraming Kristiyano at maging ng ilang mga Muslim. Ang Propeta Hesus (as) ay pabababain muli sa mundo mula sa Presensiya ni Allah, at maging siya mismo ay hindi makakaalam kung sino siya.  Sa simula, ang isang maliit na grupo ng mga Kristiyano ay mananalig sa kanya at siyang magpoprotekta sa kanya. Sa simula ay palihim niyang isasagawa ang kanyang mga aktibidades at na kalaunan, ito ay mapupuna na rin ng buong sandaigdigan. Ang pananalig ng mga tao sa kanya at ang pagbabalik sa pananampalataya kay Allah ay tiyak na magaganap sa loob ng ilang panahon lamang.

Ang muling pagbabalik ni Propeta Hesus (as) sa Wakas ng Panahon ay isang napakagandang balita na binabanggit din sa Ebanghelyo at siyang inaasam ng mga Kristiyano. Subali’t ang mga kapatid nating mga Kristiyano, mapalalaki man o mapababae, bunsod ng mga mali at literal na interpretasyon sa mga nalalahad sa Ebanghelyo, ay nahuhulog sa mga pawang maling inaasahan na mangyayari. Halimbawa, ang maraming Kristiyano ay naniniwala na ang pagbabalik ng Propeta Hesus (as) ay magaganap sa gitna ng alapaap, makikita daw natin siya sa mga kaulapan, at ito ay masasaksihan ng lahat ng tao bilang resulta daw ng mga ekstraordinaryong mga pangyayari. Ang ganitong paniniwala ay ibinase lamang nila sa ilang pahina mula sa Ebanghelyo:

“Tingnan ninyo, dumarating siyang nasa mga alapaap at makikita siya ng lahat….” (Pahayag 1:7)

Pagkatapos, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nakasakay sa alapaap, may dakilang kapangyarihan at karangalan. (Mateo 24:30; Marcos 13:26)

Sumagot si Jesus, "Kayo na ang nagsabi. At sinasabi ko pa sa inyo, di na magtatagal at makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos at dumarating na nasa alapaap!(Mateo 26:64; Marcos 14:62)

Sa panahong iyon, makikita nila ang Anak ng Taong dumarating na nasa alapaap, at may kapangyarihan at dakilang karangalan.”(Lucas 21:27)

Sapagkat darating ang Anak ng Tao na parang kidlat na gumuguhit mula sa silangan hanggang sa kanluran.” (Mateo 24:27)

Sapagkat pagsapit ng takdang araw, ang Anak ng Tao ay darating na parang kidlat na nagliliwanag sa buong kalangitan sa isang iglap.” (Lucas 17:24)

Ang dahilan kung bakit idinaan sa paggamit ng mga talinhaga ang patungkol sa muling pagbabalik ni Propeta Hesus (as) ay upang mabigyan ng higit na tamang atensiyon kung gaano magiging kadakila ang nalalapit na pangyayaring ito.  Dagdag pa rito, ang kanyang pagdating na sinasabing masasaksihan ng lahat na kagaya ng ”parang kidlat na gumuguhit mula sa silangan hanggang sa kanluran,” ay maaaring ring mangahulugan na ito ay isang senyales na siya ay makikita sa telebisyon. Ang maamo at magandang mukha ng ating Propeta Hesus (as) na siyang makikita ng lahat ng tao ay maaaring pagsasalarawan din sa talinhagang ito.

Gayundin naman, kung ang mga katagang ito ay kukunin natin sa literal na kahulugan nito, lahat tayo ay magiging puspos na ng kaalaman ukol sa Propeta Hesus (as), na siyang darating mula sa kaulapan, at sa ganitong kalaking milagro, lahat ng tao ay walang dudang magkakaroon at manunumbalik sa pananampalataya, at hindi na kakailanganin pa ang mga pagsusubok. Subali’t gaya ng nasulat sa Ebanghelyo, isinalarawan doon ang pagkakaroon ng panahon ng pagpupunyagi (struggles) sa pagitan ni Propeta Hesus (as) at ng tinaguriang antichrist. Kung sabihin nating tunay nga na magaganap ang pagbaba ni Propeta Hesus (as) mula sa alapaap na siyang masasaksihan naman ng lahat at siya ring magiging hudyat sa panunumbalik ng lahat sa pananampalataya, maliwanag na walang magiging situwasyon o kondisyon na nangangailangan pa ng pagpupunyagi ng Propeta Hesus (as). Maliwanag na upang maganap ang pagpupunyagi ng Propeta Hesus (as) laban sa antichrist, dapat lamang na hindi muna siya makilala ninuman sa kanyang pagbabalik. Dapat din nating bigyan-diin na ang mga pagsusubok sa ating mundo ay patuloy na nagaganap, at walang pangyayari na nagaganap ng walang kadahilanan, dito makikita na ang tao ay may layang mamuhay ng ayon sa kanyang sariling pag-iisip (freewill), kung wala ang mga ganitong kondisyones wala rin ang kalayaan ng tao. At ito ay taliwas sa hustisya ni Allah at maging sa Kanyang batas sa paglalang sa mundo at tao. Kagaya ng walang anumang pangyayari na nag-alis sa malayang pag-iisip ng tao sa panahon ng lahat ng mga nakalipas na propeta, gayun din naman ang magaganap sa panahon ng pagbabalik ni Propeta Hesus (as). Kagya’t ang sinasabing pagkakaroon ng isang malaki at ekstraordinaryong kaganapan na siyang mamamalas ng lahat sa isang iglap ay lubhang labas sa limitasyon ng ating isipan at hindi posible kung rason ang pagbabatayan. Dito, sa katotohanan lang, kinakailangang mabuti ang malalim na pagsusuri ng mga nahayag na salita.

At sa mga salitang ito, tayo ay pinapaalalahanan ni Allah na ang pagbabalik sa mundo ni Propeta Hesus (as) ay isang dakila at puspos ng biyayang kaganapan, malalaman din ng lahat ang kanyang pagdating, at sa kanyang pagdating na ito ang mga tao ay magkakaroon ng kaliwanagan at tutungo sa pagiging matuwid. Ang kaalaman na ang presensiya niya sa mundo ay buhay at namamayani ay magdudulot ng kaliwanagan at pagdiriwang. Sa ganitong kadahilanan kaya ikinumpara ni Allah ang pagbabalik ni Propeta Hesus (as) sa isang kidlat.

Pagtatapos

Tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng may mas higit na lalim na pag-unawa sa mga matatalinhagang salita ni Allah, dahil dito agad nating mararating ang tunay at busilak na kahulugan at karunugan sa likod ng Kanyang mga mensahe. Ang pagkabigo na magawa ito ay makapagdadala lamang sa tao sa sadyang malala at mapanganib na mga maling paniniwala.  Narito ang isinaad ni Allah sa Banal na Qur’an, “O kayong mga naniwala sa Allâh (I) at sumunod sa Kanyang Sugo, kung kayo ay natatakot sa Allâh (I) sa pamamagitan ng pagsagawa ng Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang ipinagbabawal…”(Surat al-Anfal, 29), nagsasaad lamang ito ng kakanyahan ng tao mamili sa pagitan ng tama at mali. Kagya’t ang sinumang tumatalima sa pagsunod kay Allah at mayroon takot sa Kanya na siyang marapat ay mayroong biyaya na makakita sa katotohanan, at ang makatagpo sa malalim na kahulugan sa likod ng mga salita ni Allah, at ang makapamuhay ng naaayon sa kanilang konsensiya. Ang ating mga matapat na mga kapatid na Kristiyano ay marapat na pagnilayan ang mga salitang ito ng karungan mula sa Ebanghelyo, kaparehong mga salitang na may pagkakasundo sa nasusulat sa Banal na Qur’an. Kung kanilang gagamitan ng konsensiya, buong katiyakan nilang makikita ang tunay at malalim na mga kahulugan ng mga ito doon, InshaAllah…

 


 

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/35965/dapat-na-malaman-ng-atinghttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/35965/dapat-na-malaman-ng-atingSat, 18 Dec 2010 15:57:40 +0200
ANG MGA TUNAY NA MAY PANINIWALA AY WALANG ANUMANG ALINLANGAN SA KANILANG PANANAMPALATAYA. Katiyakan, ang mga mananampalataya lamang ang tunay na naniwala sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugo at sumunod sa Kanyang batas, pagkatapos ay wala sila ni anumang pag-aalinlangan sa kanilang mga paniniwala, at ginasta nila ang mga mahahalaga nilang kayamanan at nagpunyagi ang kanilang mga sarili sa Daan ng Allâh (I), pagsunod sa Kanya at sa Kanyang pagmamahal. Ang mga ganito, sila ang mga yaong matatapat sa kanilang paniniwala.(Surat al-Hujurat, 15) 

At ang tanda ng kanilang pagmamahal sa mga mananam-palataya ay noong mayroong isang grupo mula sa kanila na taga-Abyssinia na narinig ang Banal na Qur’ân, ay umapaw ang kanilang mga luha sa kanilang mga mata; na tiniyak nila na ang kapahayagang yaon ay katotohanang nagmula sa Allâh (I). At sila ay naniwala, sumuko sa Allâh (I) at sumunod sa Kanyang Sugo; at hiniling nila ang karangalan sa pamamagitan ng pagtestigo na kasama ang sambayanan ni Propeta Muhammad (r) sa mga sambayanan sa Araw ng Muling pagkabuhay.(Surat al-Ma’ida, 83) 

Sa talatang ito, pinahahalagahan ang hinggil sa Araw ng Muling Pagkabuhay sapagka’t ang paniniwala rito ay kabilang sa mga dakilang bagay na nagtutulak sa mga tao para sundin ang mga ipinag-uutos at iwasan ang mga ipinagbabawal; at maglimi-limi sa sarili, na palagi itong pinapanagot at palaging may pagmamatyag sa sarili.(Surat al-Baqara, 4) 

ANG MGA TUNAY NA NANINIWALA AY MAY MALAWAK AT MALALIM NA PANANALIG KAY ALLAH.

At ito ay liwanag na ginagabayan ang sinumang matatakutin na kinakatakutan nila ang parusa ng kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha, at kinatatakutan din nila ang Araw ng Paghuhukom sa Araw ng Muling Pagkabuhay.(Surat al-Anbiya’, 49)

Na sila na mga mapagkumbaba at matatakutin ay isa sa mga katangian nila ay kapag binanggit at pinuri ang Kaisahan ng Allâh (I) ay natatakot sila sa Kanyang parusa at umiiwas sila sa paglabag sa Kanya, at kapag nangyari sa kanila ang kagipitan ay nagtitiis sila na naghahangad sila ng gantimpala mula sa Allâh (I) na Dakila at Kataas-Taasan, at isinasagawa nila ang pagsa-‘Salâh’ nang ganap, at kalakip noon, sila ay gumagasta mula sa anumang kabuhayan na ipinagkaloob ng Allâh (I) sa kanila na ito ay bilang tungkulin, na nagbibigay ng obligadong kawanggawa (‘Zakâh’) o ang anumang kanilang tungkulin sa kanilang mga pamilya na obligasyon nilang tustusan, at sa Daan ng Allâh (I), at sa anuman na kanilang tinutustusan na kaaya-aya sa paningin ng Allâh (I).(Surat al-Hajj, 35) 

… at walang sinuman sa kanila ang maaaring mamagitan maliban sa sinumang pahintulutan ng Allâh (I) na mamagitan. At dahil sa takot nila sa Allâh (I) ay nag-iingat sila at hindi nila tinitiyak na walang mangyayari sa kanila na hindi kanais-nais.(Surat al-Anbiya’, 28)

… dahil sila ang mga yaong mabilis magsigawa ng kabutihan, na sila ay nananalangin sa Amin sa paghahangad ng anuman na nagmumula sa Amin, na natatakot sa Aming parusa, at sila ay mga mapagkumbaba na sumusunod sa Aming kagustuhan.(Surat al-Anbiya’, 90)

At katiyakan, mayroon sa mga ‘Ahlul Kitâb’ (mga Hudyo at mga Kristiyano) ang nakatitiyak sa kanyang paniniwala, na ang Allâh (I) ay Siyang Bukod-Tanging ‘Rabb’ na Tagapaglikha at Siya lamang ang sinasamba nila, at sa kung anuman na ipinahayag sa inyo na Banal na Qur’ân, at ganoon din sa ipinahayag sa kanila na ‘Tawrah’ at saka ‘Injeel;’ na nagpapakumbaba sila sa Allâh (I), nagpapasailalim sa Kanyang kagustuhan, at hindi ipinagpalit ang mga talata ng Allâh (I) sa maliit na halaga ng makamundong bagay; at hindi nila inilihim ang ipinahayag ng Allâh (I), at hindi nila ito binago na tulad ng ibang ‘Ahlul Kitâb.’ Ang para sa kanila ay dakilang gantimpala sa Araw na makatatagpo nila ang Allâh (I) at ito ay matatamo nila nang walang kabawasan. Katiyakan, ang Allâh (I) ay ‘Saree`ul Hisâb’ – Ganap at Napakabilis Niyang Tumuos at walang kahirap-hirap para sa Kanya na tuusin ang kanilang mga gawain at ayon dito sila ay pagbabayarin.(Surah Al’ Imran, 199)


ANG MGA TUNAY NA NANINIWALA AY MAY TAKOT KAY ALLAH.

Ang mga yaong ipinarating ang mensahe ng Allâh (I) sa sangkatauhan at natakot sila sa Allâh (I) na Bukod-Tangi, na wala silang kinakatakutan na sinuman bukod sa Kanya. At sapat na ang Allâh (I) bilang Tagapaghukom sa Kanyang mga alipin sa lahat ng kanilang mga gawain at Tagapagmasid sa kanila(Surat al-Ahzab, 39) 

… at ang mga yaong naniwala sa Araw ng Paghuhukom para sa Pagbabayad kaya ito ay pinaghandaan nila sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga mabubuting gawa, at ang mga yaong natatakot sa kaparusahan ng Allâh (I).(Surat al-Ma‘arij, 27)

Katiyakan, ang mga yaong natatakot sa Allâh (I) na kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha at Siya ay sinasamba nila, at hindi nila nilalabag ang kagustuhan ng Allâh (I) habang sila ay malayo sa paningin ng tao, at kinatatakutan nila ang parusa sa Kabilang-Buhay gayong hindi pa nila ito nakikita, ang para sa kanila ay kapatawaran mula sa Allâh (I) sa kanilang mga kasalanan at dakilang gantimpala na ito ay ‘Al-Jannah’ (o Hardin).(Surat al-Mulk, 12) 

Katiyakan, ang tunay lamang na mananampalataya sa Allâh (I) ay ang mga yaong kapag binanggit ang patungkol sa Allâh (I) ay nakadarama ng takot sa kanilang mga puso, at kapag binigkas sa kanila ang mga talata ng Banal na Qur’ân ay nadaragdagan ang kanilang paniniwala, at sa Allâh (I) lamang nila ipinauubaya ang kanilang mga sarili, na kung kaya, hindi sila naghahangad ng anuman at wala silang kinakatakutan na iba.(Surat al-Anfal, 2)

... Dahil minsan ang bato ay nabibiyak at bumubukal mula rito ang tubig at nagiging mga ilog na umaagos. Mayroon din sa mga batong ito na nabibiyak at lumalabas mula rito ang maraming bukal. Ang iba naman ay naglalaglagan mula sa mga tuktok ng bundok dahil sa pagkatakot sa Allâh (I) at pagdakila sa Kanya. Hindi kailanman nakaliligtaan ng Allâh (I) kung ano ang inyong mga ginagawa.(Surat al-Baqara, 74)


ANG MGA TUNAY NA NANINIWALA AY MALUGOD NA TUMATALIMA SA PAGSUNOD KAY ALLAH

Sila ang mga matiisin sa pamamagitan ng kanilang pagsunod, pag-iwas sa mga kasalanan, at sa mahihirap na pagsubok na itinakda ng Allâh (I) para sa kanila; at mga matatapat sa kanilang mga pananalita, mga gawa at ganap na pagsunod. At ganoon din sa kanilang paggasta nang palihim at lantaran sa Daan ng Allâh (I); at sa kanilang paghingi ng kapatawaran sa mga huling oras ng gabi, dahil (sa mga oras na) yaon ang malaking pagkakataon ng pagtanggap sa mga panalangin.(Surah Al’ Imran, 17) 

Katiyakan, ang mga yaong naniwala sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugo, at gumawa ng mga mabubuting gawa, at nagpakumbaba sa anumang pag-uutos at anumang pagbabawal, sila ang mga maninirahan sa ‘Al-Jannah’ (Hardin), na hindi sila mamamatay pa roon at sila ay mananatili roon magpasawalang-hanggan. (Surah Hud, 23) 


ANG MGA TUNAY NA MUSLIM AY NAGTATAAS SA NGALAN NI ALLAH NG HIGIT SA ANUPAMANG BAGAY.

Mga kalalakihan na hindi naabala ng negosyo at pagbebenta mula sa pag-alaala nila sa Allâh (I), at pagsagawa ng ‘Salâh,’ pagbibigay ng ‘Zakâh’ o Obligadong kawanggawa sa mga may karapatan, natatakot sila sa Araw ng Muling Pagkabuhay na kung saan doon ay babaling ang mga puso sa pagitan ng pag-asa na maligtas at pagkatakot na mapahamak, ganoon din ang kanilang mga paningin na nakaabang tungo sa kung saan sila patutungo? (Surat an-Nur, 37)

At sinabi ng mga yaong pinagkalooban ng kaalaman hinggil sa Allâh (I) at sa Kanyang batas, at batid nila ang katotohanan hinggil sa mga bagay-bagay na sinabi ng mga yaong mapaghangad ng kinang na makamundo na sana ay nagkaroon din kami ng katulad ng ipinagkaloob kay Qâroun: “Kapighatian sa inyo, matakot kayo sa Allâh (I) at sundin ninyo Siya! Ang gantimpala ng Allâh (I) para sa sinumang naniwala sa Kanya at sa Kanyang mga Sugo at gumawa ng mga mabubuting gawa ay higit na mabuti kaysa sa ipinagkaloob kay Qâroun, at walang sinuman ang tatanggap ng ganitong pagpapayo at magagabayan tungo rito at magpatupad nito maliban sa sinumang pinangangalagaan at pinipigilan niya ang kanyang sarili at nagtitiis siya habang siya ay sumusunod sa kagustuhan ng Allâh (I) at umiiwas sa mga paglabag sa Kanya.”(Surat al-Qassas, 80)

At sila ay yaong sinabihan ng ilan sa mga pagano: “Katiyakan, si Abu Sufyan at ang kanyang mga kasamahan ay nagkaisa na babalikan kayo upang lupigin, na kung kaya ay maging maingat kayo at katakutan ninyo ang pakikipagsagupa sa kanila, dahil wala pa kayong lakas para lumaban sa kanila,” subali’t ang mga ganoong pananakot ay higit pang nagpapanatag at nagpatibay sa kanilang paniniwala sa pangako ng Allâh (I) sa kanila at hindi (man lamang) nagpahina ng kanilang katatagan; kung kaya, nagpatuloy sila sa kung ano ang ipinag-utos ng Allâh (I) at sinabi nila: “Ipinaubaya namin ang aming mga sarili sa Allâh (I) na Siyang ‘Al-Wakeel’ – ang Ganap na Tagapagkupkop, Tagapangalaga, nasa Kanya ang lahat ng Pangangasiwa sa Kanyang mga alipin.” (Surah Al’ Imran, 173) 

At kung batid lamang ng mga taong ito, na dinadaya lamang nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng paglalagay nila ng katambal sa pagsamba sa Allâh (I), habang sila ay naririto at nabubuhay sa daigdig. Kung makikita lamang nila, sa oras na ihaharap na sa kanila ang kaparusahan sa Kabilang-Buhay, mapatutunayan nila, na ang Allâh (I) lamang ang Bukod-Tanging Makapangyarihan sa …(Surat al-Baqara, 165) 

O kayong mga naniwala sa Allâh (I) at sumunod sa Kanyang Sugo! Sinuman sa inyo ang tatalikod sa kanyang ‘Deen’ (na ‘Al-Islâm’) at ito ay papalitan niya ng Judaismo o di kaya ay Kristiyanismo o di kaya ay iba pa. Kailanman ay hindi nila makakanti ang Allâh (I) at walang pag-aalinlangan, ang Allâh (I) ay lilikha ng panibagong mga tao na higit pa kaysa sa kanila, na sila ay mamahalin ng Allâh (I) at mamahalin (din) nila ang Allâh (I), at sila ay maawain at mapagkumbaba sa mga mananampalataya, at mga matatag laban sa mga walang pananampalataya, at makikipaglaban sa mga kalaban ng Allâh (I) at wala silang katatakutan na sinuman bukod sa Allâh (I). Ganito ang pagbibiyaya ng Allâh (I) mula sa Kanyang kagandahang-loob, na ito ay ipinagkakaloob Niya sa sinuman na Kanyang nais; at ang Allâh (I) ay ‘Wâsee`’ – Ganap at Napakalawak ang Kanyang kagandahang-loob sa mga pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, at ‘`Aleem’ – Ganap na Nakaaalam kung sinuman ang karapat-dapat sa mga ito mula sa Kanyang mga alipin.(Surat al-Ma’ida, 54)

ANG MGA TUNAY NA NANINIWALA AY NAG-AALAY NG KANILANG BUONG BUHAY PARA KAY ALLAH LAMANG.

Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Katiyakan ang aking ‘Salâh;’ ang aking pagsasakripisyo na katulad ng pagkatay ng hayop sa Pangalan ng Allâh (I) na Nag-iisa at hindi para sa mga rebulto at hindi rin para sa mga patay at hindi rin para sa mga ‘Jinn,’ at hindi rin para sa iba pa na mga katulad nito na inyong pinag-aalayan na iba bukod sa Allâh (I), at hindi rin sa pangalan ng iba na katulad ng inyong mga ginagawa; ang aking buhay, ang aking kamatayan ay Pagmamay-ari lamang ng Allâh (I) na ‘Rabb’ ng ‘Al-`Âlamin’ (lahat ng mga nilikha).”(Surat al-An'am, 162) 

Mayroon namang mga taong nagsasakripisyo ng kanilang mga sarili sa paghahangad nila ng pagmamahal ng Allâh (I), sa pamamagitan ng ‘Jihâd’ sa Daan ng Allâh (I) at pagiging masunurin sa Kanya. At ang Allâh (I) ay ‘Raouf’ – Punung-Puno ng Kabutihan para sa Kanyang mga alipin at Napakalawak ang Kanyang Awa sa mga sumasampalataya sa Kanya, rito sa daigdig; at sa Kabilang-Buhay ay gagantimpalaan sila ng kabutihan.  (Surat al-Baqara, 207) 

… at nagbibigay sila ng mga pagkain kahit na ito ay gustung-gusto pa nila sa kanilang mga sarili at kailangang-kailangan nila, sa mga mahihirap na hindi na nila kaya pang magtrabaho upang kumita, na wala silang anumang pagmamay-ari na kabuhayan; at sa sanggol na namatayan ng kanyang ama na wala siyang anumang yaman, at sa bihag na nabihag sa labanan ng mga walang pananampalataya at iba pa, at sinasabi nila sa kanilang mga sarili: “Katiyakan, nagmamagandang-loob kami sa inyo na ang hangarin namin ay pagmamahal ng Allâh (I) at makamtan ang Kanyang gantimpala, na wala kaming anumang hinahangad na kapalit at hindi ninais na purihin at igalang ninyo.“Katiyakan, kami ay natatakot mula sa Allâh (I) na aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha, sa Araw na magiging malungkot at gimbal na gimbal ang mga mukha ng mga tao mula sa pagkatakot dahil sa matinding pangyayari rito.(Surat al-Insan, 8-10)

… bagkus ang hangarin niya ay makaharap ang Mukha ng kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha na Kataas-taasan at makamit ang Kanyang Kaluguran, at walang pag-aalinlangang ipagkakaloob ng Allâh (I) sa kanya sa ‘Al-Jannah’ (Hardin) at ang anumang ikalulugod niya. (Surat al-Layl, 20-21) 

… Kung ano man ang inyong ginasta mula sa inyong salapi, darating sa inyo ang gantimpala nito mula sa Allâh (I), at ang mga mananampalataya ay hindi gumagasta o nagkakawanggawa kundi sa pag-aasam na makita ang Mukha ng Allâh (I) sa Kabilang-Buhay at paghahangad sa kaluguran ng Allâh (I). At walang anuman na inyong ginagasta nang taimtim mula sa inyong kayamanan kundi ipagkakaloob sa inyo ang gantimpala nito nang buung-buo at walang labis …(Surat al-Baqara, 272)

 
ANG MGA TUNAY NA MUSLIM AY NAGSISIKHAY NG BUONG SIGLA’T LAKAS PATUNGO SA DAAN NI ALLAH.

Kung hindi man sumama sa pakikipaglaban ang mga ‘Munâfiqun,’ ay katotohanang nakipaglaban ang Sugo ng Allâh (r) at kasama ang mga manampalataya sa pama-magitan ng kanilang kayamanan at kanilang mga sarili, at sila ay magkakamit ng tulong at mga mabubuting bagay dito sa daigdig, at Hardin at karangalan naman sa Kabilang-Buhay, at sila ang magkakamit ng tunay na tagumpay. (Surat at-Tawba, 88) 

Katiyakan, ang mga mananampalataya lamangang tunay na naniwala sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugo at sumunod sa Kanyang batas, pagkatapos ay wala sila ni anumang pag-aalinlangan sa kanilang mga paniniwala, at ginasta nila ang mga mahahalaga nilang kayamanan at nagpunyagi ang kanilang mga sarili sa Daan ng Allâh (I), pagsunod sa Kanya at sa Kanyang pagmamahal. Ang mga ganito, sila ang mga yaong matatapat sa kanilang paniniwala.(Surat al-Hujurat, 15)

 
HINDI NILA ALINTANA ANG ANUMANG PAGHIHIRAP SA KANILANG PAGTAHAK SA LANDAS PATUNGO KAY ALLAH.

Marami sa mga naunang mga Propeta ang nakipaglaban kasama ang kanilang maraming mga grupo na mga tagasunod, at hindi sila humina sa anumang pagsubok na nangyari sa kanila, na pagkasugat at pagkamatay, dahil sa ito ay alang-alang sa kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha. At hindi sila nanghina at hindi sila sumuko sa kanilang mga kalaban; bagkus ay tiniis nila kung anuman ang mga tinamo nila na mga pagsubok. At ang Allâh (I) ay nagmamahal sa mga matiisin. (Surah Al’Imran, 146) 

Ang mga yaong tumugon sa panawagan ng Allâh (I) at sa Kanyang Sugo, at sila ay nagsipagtungo sa mga ‘Mushrikûn’ na nasa ‘Hamra Al-Asad’ pagkatapos nilang matalo sa Labanan sa ‘`Uhud,’ at kahit na sila ay nagdurusa at sugatan ay ginawa nila ito sa abot ng kanilang makakaya at nagpasailalim sila sa patnubay ng kanilang Propeta (r), ang para sa mga mabubuti at matatakutin sa Allâh (I) mula sa kanila, ay dakilang gantimpala. At sila ay yaong sinabihan ng ilan sa mga pagano: “Katiyakan, si Abu Sufyan at ang kanyang mga kasamahan ay nagkaisa na babalikan kayo upang lupigin, na kung kaya ay maging maingat kayo at katakutan ninyo ang pakikipagsagupa sa kanila, dahil wala pa kayong lakas para lumaban sa kanila,” subali’t ang mga ganoong pananakot ay higit pang nagpapanatag at nagpatibay sa kanilang paniniwala sa pangako ng Allâh (I) sa kanila at hindi (man lamang) nagpahina ng kanilang katatagan; kung kaya, nagpatuloy sila sa kung ano ang ipinag-utos ng Allâh (I) at sinabi nila: “Ipinaubaya namin ang aming mga sarili sa Allâh (I) na Siyang ‘Al-Wakeel’ – ang Ganap na Tagapagkupkop, Tagapangalaga, nasa Kanya ang lahat ng Pangangasiwa sa Kanyang mga alipin.” (Surah Al’Imran, 172-173)

Kabilang sa mga katangian ng mga yaong matiisin, ay kapag dumating sa kanila ang mga bagay na hindi nila nagugustuhan, sinasabi nila: “Kami ay mga aliping pagmamay-ari ng Allâh (I), Siya ang Namamahala sa lahat ng bagay para sa amin, ginagawa Niya ang anumang Kanyang nais, at katiyakang babalik kami sa Kanya kapag kami ay namatay na, at pagkatapos nito ay bubuhayin kaming mag-uli sa Araw ng Muling Pagkabuhay para sa paghuhukom at pagbabayad.”(Surat al-Baqara, 156)

 
ANG MGA TUNAY NA NANINIWALA AY MGA DAKILA AT MATATAG, AT WALANG TAKOT PARA SA HINAHARAP.

Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (r), na mga walang pananampalataya sa Allâh (I): “Ang bawa’t isa sa atin ay nag-aabang sa pag-ikot ng panahon, kung sino ang magtatagumpay at mananalo; na kung kaya, maghintay kayo, dahil walang pag-aalinlangang mababatid ninyo kung sino ang nasa Matuwid na Landas at kung sino ang ginabayan sa katotohanan, ang sa amin ba o ang sa inyo?” (Surah Ta Ha, 135) 

Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (r): “Naghihintay ba kayo sa amin ng anumang maliban sa isa sa dalawa, kami ay mamatay nang alang-alang sa Allâh (I) o di kaya ay magwagi kami laban sa inyo? Samantalang nag-aabang kami na puksain kayo ng Allâh (I) nang daglian na parusa mula sa Kanya o di kaya ay sa pamamagitan ng pagpatay namin sa inyo, na kung kaya, mag-abang kayo, dahil kami rin ay nag-aabang kasama ninyo, kung ano ang gagawin ng Allâh (I) sa amin o sa inyo.”(Surat at-Tawba, 52) 

Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga nagtatambal na sumasamba ng mga diyus-diyosan: “Tawagin ninyo ang inyong mga sinasamba na itinuturing ninyong katambal sa pagsamba sa Allâh (I), pagkatapos ay magsama-sama kayong lahat upang ako ay inyong ipahamak, at huwag ninyo itong ipagpaliban pa at madaliin ninyo, dahil ako ay walang pakialam sa inyong mga diyus-diyosan; dahil ako ay ganap na nagtitiwala sa bukod-tanging Pangangalaga ng Allâh (I).”(Surat al-A'raf, 195) 

Sinabi ni Fir`âwn sa mga salamangkero bilang pagtataka sa kanilang ginawa: “Naniwala kayo kaagad kay Mousâ (u) nang hindi ko kayo pinahintulutan,” at kanyang sinabi bilang pagpapahiwatig pa rin na ang ginawa ni Mousâ (u) ay salamangka: “Katiyakan, siya pala ang pinuno ninyo na nagturo sa inyo ng salamangka, kung gayon, walang pag-aalinlangan, mababatid ninyo ang anumang parusa na ipapataw ko sa inyo: walang pag-aalinlangan, puputulin ko ang inyong mga kamay at ang mga paa nang magkabila, na puputulin ang kanang kamay at ang kaliwang paa o ang kabaligtaran nito, at akin kayong ibibitin lahat sa puno.” Sinabi ng mga salamangkero kay Fir`âwn: “Wala nang halaga sa amin kung anuman ang iyong gagawing parusa sa amin dito sa daigdig, dahil walang pag-aalinlangan, kami ay magbabalik sa aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na pagkakalooban kami ng kasiyahan na walang-hanggan.”…(Surat ash-Shu‘ara’, 49-50)

Na kung kaya, sinuman ang makikipagtalo sa iyo, O Muhammad (r) hinggil kay `Îsã Al-Masih (u) na anak ni Maryam, pagkatapos dumating sa iyo ang kaalaman hinggil kay `Îsã (u), sabihin mo sa kanila: “Halina kayo at isama natin ang aming mga anak at inyong mga anak, ang aming mga kababaihan at ang inyong mga kababaihan, ang aming mga sarili at ang inyong mga sarili. Pagkatapos, manalangin tayo sa Allâh (I) nang taimtim na ibaba Niya ang Kanyang parusa at sumpa sa mga hindi nagsasabi ng katotohanan at nananatili sa kanilang pagtanggi.”(Surah Al ’Imran, 61) 

At sabihin mo, O Muhammad (r), sa mga walang pananampalataya na hindi naniniwala sa Kaisahan ng Allâh (I): “Gawin na ninyo ang lahat ng kakayahan na kaya ninyo ayon sa inyong kalagayan at kaparaanan na pagharang sa ‘Da`wah’ (o sa pagpaparating ng mensahe ng Katotohanan) at sa paninira at pamiminsala sa Sugo at sa mga sumunod sa kanya, dahil kami naman sa katotohanan ay gagawin din namin ang anumang makakayanan naming gawin batay sa aming kaparaanan upang maging matatag kami sa aming ‘Deen’ at sa pagpapatupad sa Kautusan ng Allâh (I).”(Surah Hud, 121) 

At sinabi pa ni Shu`ayb (u) sa kanyang sambayanan: “Kung gayon, walang pag-aalinlangan, ay nag-imbento kami ng kasinungalingan laban sa Allâh (I) kung kami ay bumalik sa inyong relihiyon pagkatapos kaming iligtas ng Allâh (I) mula rito. At hindi kami maaaring lumipat sa ibang relihiyon bukod sa Relihiyon ng aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha, maliban na lamang kung ito ay nanaisin ng Allâh (I) na aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha. At katiyakan, saklaw ng kaalaman ng Allâh (I) ang lahat ng bagay, na kung kaya, alam Niya kung ano ang makabubuti sa Kanyang mga alipin, samakatuwid, sa Allâh (I) lamang namin inilalalagay ang aming pagtitiwala na Siya ay Bukod-Tangi sa Kanyang gabay at tulong …(Surat al-A’raf, 89) 

Isalaysay mo, O Muhammad (r), sa mga walang pananam-palataya sa Makkah ang kuwento hinggil kay Nûh (u) kasama ang kanyang sambayanan noong siya ay nagsabi sa kanila: “Kung ang aking pananatili sa inyo para kayo ay paalalahanan sa mga katibayan at mga palatandaan ng Allâh (I) ay mabigat para sa inyo ay ipinauubaya ko na lamang ang aking sarili sa Allâh (I), at sa Kanya ko ipinagkakatiwala. Samakatuwid, ihanda ninyo ang inyong mga pakana, at tawagin ninyo ang inyong mga itinatambal o sinasamba na iba, pagkatapos ay huwag na ninyong ilihim ang inyong mga ginagawa bagkus ay ilantad na ninyo, pagkatapos ay magpasiya na kayo na ako ay inyong parusahan at saktan kung ito ay kaya ninyo, at huwag na ninyo akong pagbigyan pa ng kahit na isang oras man lamang na bahagi ng isang araw.(Surah Yunus, 71)

HINDI NILA HAHAYAAN NA ANG MGA TAONG TAGLAY ANG IPOKRITONG KARAKTER AY MANATILI SA KANILANG MGA HANAY.

At kapag sinanhi ng Allâh (I) na ikaw ay makabalik, O Muhammad (r), mula sa iyong pakikipaglaban, tungo sa mga mapagkunwari na nanatili sa kanilang pagiging ipokrito, at sila ay hihingi ng pahintulot na sumama sa iyo sa iba pang labanan pagkatapos ng Labanan sa Tabuk ay sabihin mo sa kanila: “Kailanman ay hindi na kayo sasama pa sa akin sa anumang labanan ni makipaglaban sa sinumang kaaway na kasama ako; dahil katotohanang higit na ginusto ninyo ang magpaiwan sa unang pagkakataon, na kung kaya, manatili na kayo, kasama ng mga yaong nagpaiwan na hindi sumama sa pakikipaglaban na kasama ang Sugo ng Allâh (r).”(Surat at-Tawba, 83) 

Walang pag-aalinlangan, sasabihin ng mga nagpaiwan, kapag ikaw ay tumungo, O Muhammad, at ang iyong mga kasamahan sa mga ‘Ghanâim’ sa Khaybar na ipinangako ng Allâh (I) sa inyo: “Hayaan ninyo kaming sumama sa inyo na magtungo sa Khaybar.” At hangad nila sa pamamagitan nito na baguhin ang pangako ng Allâh (I) sa inyo. Sabihin mo sa kanila: “Hindi kayo makasasama sa amin tungo sa Khaybar; dahil sinabi na ito ng Allâh (I) sa amin bago pa kami bumalik sa Madinah: ‘Na katotohanan, ang mga ‘Ghanâim’ ng Khaybar ay para lamang sa sinumang kasama namin na pumunta sa Hudhaybiyyah,’” walang pag-aalinlangan, sasabihin nila: “Ang pangyayari ay hindi ang mga yaong inyong sinasabi, dahil katiyakang ang Allâh (I), ay hindi ganoon ang iniutos sa inyo, at katiyakang pinipigilan ninyo kami na sumama sa inyo dahil sa inyong panibugho; upang wala kaming makamtan na anumang ‘Ghanimah’ na kasama sa inyo.” Subali’t ang pangyayari ay hindi ang yaong kanilang inaangkin, kundi hindi nila naiintindihan ang anuman na mula sa Allâh (I) na para sa kanila at kung anuman ang tungkulin nila hinggil sa alintuntunin ng ‘Deen,’ bagkus ay kakaunti lamang ang kanilang naiintindihan mula rito.(Surat al-Fath, 15)

 
TANGING SI ALLAH LAMANG AT ANG IBA PANG TUNAY NA MANANAMPALATAYA ANG KANILANG ITINUTURING NA MGA KAIBIGAN.

Hindi ka makatatagpo, O Muhammad, ng mga tao na naniniwala sa Allâh (I) at sa Kabilang-Buhay at ipinatutupad nila ang batas ng Allâh (I) sa kanila, na pakamamahalin nila ang sinuman na kumakalaban sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugo, na lumabag sa kagustuhan ng Allâh (I) at Kanyang Sugo, kahit na sila pa ay kanilang magulang o di kaya ay kanilang mga anak o di kaya ay kanilang mga kapatid o di kaya ay kanilang mga kamag-anak.
Sila ang mga nagmamahal sa Allâh (I) at kumakalaban sa kalaban ng Allâh (I), na itinanim ng Allâh (I) ang kanilang Pananampalataya sa kanilang mga puso, at pinatatag sila sa pamamagitan ng tulong mula sa Kanya at pagtataguyod laban sa kanilang mga kalaban dito sa daigdig, at sa Kabilang-Buhay ay papapasukin sila sa mga Hardin na umaagos ang mga ilog sa ilalim ng mga puno nito, at sila ay mananatili roon magpasawalang-hanggan … (Surat al-Mujadala, 22)

 
KAY ALLAH LAMANG SILA NANANALIG, AT HINDI SA ANUPAMANG LAKAS O KAPANGYARIHAN.

… Subali’t yaong naniniwala sa Allâh (I) at nakatitiyak na makahaharap nila ang Allâh (I) ay sumagot at pinaalalahanan nila ang kanilang mga kapatid hinggil sa Allâh (I) at sa Kanyang kapangyarihan, at kanilang sinabi: “Kadalasang ang maliliit na grupong naniniwala sa Allâh (I) at nagtitiis ay nagagapi nila ang malalaking grupong mga masasamang walang pananampalataya, sa kapahintulutan ng Allâh (I) at sa Kanyang kagustuhan. At ang Allâh (I) ay nasa panig ng mga matiisin sa pamamagitan ng Kanyang gabay, tulong at mabuting gantimpala.”(Surat al-Baqara, 249)

 
ANG MGA TUNAY NA NANINIWALA AY HINDI MAG-AATUBILING MAMUHAY NANG NAAAYON SA RELIHIYON. [GENUINE BELIEVERS ARE NEVER HESITANT IN LIVING BY THE RELIGION ]

Subali`t ang mga yaong naniwala sa Allâh (I) ng tunay na paniniwala sa pamamagitan ng salita at sa gawa, at sumunod sa Kanyang batas, walang pag-aalinlangan, ipagkakaloob ng Allâh (I) sa kanila ang gantimpala sa kanilang mga gawain at sila ay pagkakalooban pa ng karagdagan mula sa Kanyang kagandahang-loob. Subali’t ang mga yaong tumanggi sa pagsunod sa Allâh (I) at nagmataas, walang pag-aalinlangan, sila ay parurusahan nang matinding pagpaparusa; at wala silang matatagpuang tagapangalaga na magliligtas sa kanila mula sa kaparusahan, at bukod sa Allâh (I) ay hindi na sila makatatagpo ng sinumang makatutulong sa kanila.(Surat an-Nisa, 173)

PINANGANGALAGAAN NI ALLAH ANG MGA TUNAY NIYANG TAGASUNOD.

Katiyakan, ang aking ‘Walee’ (Tagapangalaga) ay ang Allâh (I), na Siya ang nangangalaga at tumutulong sa akin, na Siya rin ang nagpahayag sa akin ng Banal na Qur’ân bilang katotohanan, at Siya ay Tagapangalaga ng mga mabubuting tao mula sa Kanyang mga alipin at tinutulungan laban sa kanilang mga kalaban at hindi Niya sila binibigo.(Surat al-A’raf, 196)

At sinuman ang gumawa ng mga mabubuting gawain samantalang siya ay isang mananampalataya sa Allâh (I), samakatuwid ay wala siyang dapat pangambahan na siya ay aapihin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kamalian o kasalanan sa kanya, o di kaya ay mababawasan ang kanyang mga mabubuting gawa.(Surah Ta Ha, 112)

Katiyakan, ang mga naniwala mula sa sambayanan na ito: na sila ay yaong naniwala sa Allâh (I), sa Kanyang mga Sugo, at sinunod nila ang Kanyang batas; at saka sa mga yaong naniwala bago ipinadala si Propeta Muhammad (r) --- mula sa mga naunang nasyon ng mga Hudyo, mga Kristiyano; at mga ‘Sâbi-în’ --- na sila ang mga yaong nanatili sa kanilang ‘Fitrah’ na wala silang nata-tanging relihiyon na sinusunod. Kung silang lahat ay naniwala sa Allâh (I) --- tunay at taimtim na paniniwala, at naniwala (rin) sila sa Araw ng Muling Pagkabuhay at Araw ng Paghuhukom, at gumawa sila ng mga mabubuting gawa na kalugud-lugod sa paningin ng Allâh (I). Samakatuwid, nanatiling naka-tala ang kanilang gantimpala mula sa kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha at wala silang dapat ipangamba hinggil sa kanilang kahihinatnan at hindi nila pagsisisihan ang kanilang nakaraan …(Surat al-Baqara, 62)


ANG TUNAY NA PANANAMPALATAYA AT KAGANDAHANG-ASAL AY MGA BAGAY NA KATANGGAP-TANGGAP SA PANINGIN NI ALLAH.

Ang mga kayamanan at ang mga anak ay palamuti at kapangyarihan dito sa buhay sa daigdig na may katapusan, subali’t ang mga mabubuting gawa – lalung-lalo na ang pagluluwalhati, pagpupuri, pagdadakila at pagsasaksi sa Kaisahan ng Allâh (I) – ang pinakamabuting gantimpala mula sa iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha kaysa kayamanan at mga anak na kalalakihan, at ang mabubuting gawa na ito ay higit na hinahangad ng tao (mananampalataya) ang gantimpala nito sa kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha upang makamtan niya sa Kabilang-Buhay ang anuman na kanyang inasam sa daigdig.(Surat al-Kahf, 46)

 
MAHAL KAY ALLAH ANG MGA TUNAY NA ALIPIN.

Katiyakan, ang mga yaong naniwala sa Allâh (I) at sumunod sa mga Sugo at gumawa ng mga kabutihan ayon sa Kanyang batas, walang pag-aalinlangang sila ay pagkakalooban ng Allâh (I) ng pagmamahal na sila ay mamahalin ng Kanyang mga alipin.(Surah Maryam, 96)

 
IGINAGAWAD NI ALLAH ANG MAGANDANG BUHAY PARA SA MGA TUNAY NIYANG MGA ALIPIN.

Sinuman ang gumawa ng mabubuting gawa, lalaki man o babae, na siya ay tunay na naniwala sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugo; ay pagkakalooban Namin siya rito sa daigdig ng mabuti at mapayapang pamumuhay kahit siya ay hindi mayaman, at walang pag-aalinlangan na ipagkakaloob Namin sa kanila ang gantimpala sa Kabilang-Buhay nang higit pa kaysa kabutihan na kanilang nagawa rito sa daigdig.(Surat an-Nahl, 97)

PANGAKO NI ALLAH SA MGA TUNAY NIYANG MGA ALIPIN, ANG DOMINYON NILA SA LAHAT NG NILIKHA

Katiyakan, itinala Namin sa mga Aklat na ipinahayag pagkatapos ng Aming pagkakatala sa ‘Al-Lawh Al-Mahfoudh;’ na katiyakan, ang kalupaan ay mamanahin ng Aming mga alipin na mabubuti na tinupad nila ang Aming mga ipinag-uutos at iniwasan ang Aming mga ipinagbabawal na sila ay ang ‘Ummah’ ni Muhammad (r). Katiyakan, sa binabasang Aklat na ito ay may malinaw na Mensahe bilang aral at kapakinabangan para sa mga tao na sumasamba sa Allâh (I) ayon sa kung ano ang Kanyang ipinag-uutos at ito ay katanggap-tanggap mula sa kanila.(Surat al-Anbiya’, 105-106)

Ipinangako ng Allâh (I) na magtatagumpay ang mga yaong naniwala mula sa inyo at gumawa ng mga mabubuting gawa, na kung saan, ipapamana sa kanila ang kalupaan ng mga walang pananampalataya, at gagawin silang mga kahalili, na katulad ng nangyari sa mga nauna sa kanila na mga mananampalataya na naniwala sa Allâh (I) at sa Kanyang mga Sugo, at ipagkakaloob sa kanila ang kapangyarihan na pangingibabawin ang ‘Deen’ (Relihiyon) na pinili ng Allâh (I) para sa kanila na ito ay Islâm, at katiyakan na papalitan Namin ang kanilang pangamba ng kapanatagan, na sasambahin nila ang Allâh (I) nang bukod-tangi, at magpanatili sila sa pagsunod sa Kanya, na hindi na sila sasamba ng anuman bukod sa Kanya, at sinuman hindi maniniwala pagkatapos ipagkaloob sa kanila ang paghahalili, kapanatagan, katatagan at pangingibabaw, at tanggihan ang mga Biyaya ng Allâh (I), sila ay ituturing na lumabag sa kagustuhan ng Allâh (I).(Surat an-Nur, 55)

 
ANG MGA TUNAY NA MUSLIM AY MGA PINAGPALA’T NATATANGI SA LAHAT NG NILALANG.

Katiyakan, ang mga yaong naniwala sa Allâh (I) at sumunod sa Kanyang Sugo at gumawa ng mga kabutihan ay sila ang pinakamabuti sa mga nilikha.(Surat al-Bayyina, 7)

 
ANG MGA TUNAY NA MUSLIM AY WALANG PATID SA PAG-ALALA KAY ALLAH, AT ANG KANILANG MGA PUSO AY NAGAGALAK AT MAY TAKOT SA PAG-ALALA KAY ALLAH.

Katiyakan, ang tunay lamang na mananampalataya sa Allâh (I) ay ang mga yaong kapag binanggit ang patungkol sa Allâh (I) ay nakadarama ng takot sa kanilang mga puso, at kapag binigkas sa kanila ang mga talata ng Banal na Qur’ân ay nadaragdagan ang kanilang paniniwala, at sa Allâh (I) lamang nila ipinauubaya ang kanilang mga sarili, na kung kaya, hindi sila naghahangad ng anuman at wala silang kinakatakutan na iba.(Surat al-Anfal, 2) 

Yaong mga palaging inaalaala ang Allâh (I) sa lahat ng pagkakataon habang sila ay nakatayo, nakaupo, nakahiga at iniisip nila nang lubusan ang hinggil sa pagkakalikha ng mga kalangitan at kalupaan, na sinasabi nila: “O Allâh na aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Luwalhati sa Iyo, hindi Mo ito nilikha nang walang anumang kadahilanan, dahil ligtas Ka sa mga ganoong bagay. Ilayo Mo kami sa kaparusahan ng Impiyernong-Apoy.”(Surah Al ’Imran, 191) 

At ginagabayan Niya ang mga yaong panatag ang kanilang kalooban sa kanilang bukod-tanging pagsamba sa Allâh (I) at pagpuri sa Kanya. Na kung kaya, dapat mong mabatid na ang pagsunod sa Allâh (I) at ang pag-aalaala sa Kanya at ang Kanyang gantimpala, na ang mga ito ang sanhi ng pagkakapanatag ng mga kalooban.(Surat ar-Ra'd, 28) 

Mga kalalakihan na hindi naabala ng negosyo at pagbebenta mula sa pag-alaala nila sa Allâh (I), at pagsagawa ng ‘Salâh,’ pagbibigay ng ‘Zakâh’ o Obligadong kawanggawa sa mga may karapatan, natatakot sila sa Araw ng Muling Pagkabuhay na kung saan doon ay babaling ang mga puso sa pagitan ng pag-asa na maligtas at pagkatakot na mapahamak, ganoon din ang kanilang mga paningin na nakaabang tungo sa kung saan sila patutungo?(Surat an-Nur, 37) 

Na sila na mga mapagkumbaba at matatakutin ay isa sa mga katangian nila ay kapag binanggit at pinuri ang Kaisahan ng Allâh (I) ay natatakot sila sa Kanyang parusa at umiiwas sila sa paglabag sa Kanya, at kapag nangyari sa kanila ang kagipitan ay nagtitiis sila na naghahangad sila ng gantimpala mula sa Allâh (I) na Dakila at Kataas-Taasan, at isinasagawa nila ang pagsa-‘Salâh’ nang ganap, at kalakip noon, sila ay gumagasta mula sa anumang kabuhayan na ipinagkaloob ng Allâh (I) sa kanila na ito ay bilang tungkulin, na nagbibigay ng obligadong kawanggawa (‘Zakâh’) o ang anumang kanilang tungkulin sa kanilang mga pamilya na obligasyon nilang tustusan, at sa Daan ng Allâh (I), at sa anuman na kanilang tinutustusan na kaaya-aya sa paningin ng Allâh (I).(Surat al-Hajj, 35)

 
ANG MGA TUNAY NA NANINIWALA AY NAKABABATID NA SILA AY MABABA AT WALANG LAKAS SA HARAP NI ALLAH.

At sinabi nina Âdam at Hawwa`: “O Aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Hinamak namin ang Aming mga sarili sa pamamagitan ng pagkain mula sa punong yaon, at kung hindi Mo kami patatawarin at kaaawaan ay mapapabilang kami sa mga talunan, dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay.” [At ito ang mga salita na natagpuan ni Âdam mula sa kanyang ‘Rabb’ at kanyang ipinanalangin upang mapatawad sila ng Allâh (I)].(Surat al-A'raf, 23) 

… “O aming ‘Rabb!’ Huwag Mo kaming parusahan sa anumang aming nakalimutan mula sa mga ipinag-utos Mo sa amin o sa mga pagkakamaling nagawa namin sa anumang Iyong ipinagbawal. O aming ‘Rabb!’ Huwag Mong ipapasan sa amin ang anumang mahirap na gawain, na tulad ng ipinapasan Mo sa mga masasamang tao na nauna sa amin bilang kaparusahan sa kanila. O aming ‘Rabb!’ Huwag Mong ipapasan sa amin ang anumang bagay na hindi namin kaya mula sa Iyong mga ipinag-utos at (huwag Mo ring ipapasan sa amin ang anumang) pagsubok (na hindi namin kaya). Burahin Mo ang aming mga kasalanan at ilihim Mo ang aming mga pagkakamali. Ipagkaloob Mo sa amin ang Iyong kabutihan bilang Iyong awa at habag, dahil Ikaw ang Nagmamay-ari, Nagtatangan at Nangangasiwa sa amin. Tulungan Mo kami sa pakikipaglaban sa sinumang hindi naniwala sa iyong ‘Deen’ at tumanggi sa Iyong Kaisahan at hindi naniwala sa pagiging Propeta ni Propeta Muhammad (r) at ipagkaloob Mo sa amin ang tagumpay dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay.” (Surat al-Baqara, 286) 

 “Katiyakan, kailanman ay hindi ako maililigtas ng sinuman mula sa parusa ng Allâh (I) kung Siya ay aking nilabag, at hindi ako makatatagpo bukod sa Kanya ng sinuman upang tunguhan kung ako ay tatakas mula sa Kanyang parusa.(Surat al-Jinn, 22) 

“Hindi ako nagtataglay ng kapangyarihan na magdudulot ng kabutihan sa aking sarili o ilayo ang kapahamakan na mangyayari maliban na lamang sa kagustuhan ng Allâh (I), at kung ako ay may kaalaman sa lihim na bagay ay gagawin ko ang lahat ng kaparaanan na alam ko upang ito ay makapagdulot ng maraming kabutihan at kapakinabangan sa akin, at maiiwasan ko ang anumang kapahamakan bago ito mangyari sa akin, na kung kaya, ako ay Sugo lamang ng Allâh (I) na ipinadala sa inyo, binabalaan ko kayo mula sa Kanyang kaparusahan, at ibinabalita ko ang gantimpala sa mga taong naniniwala na ako ay Sugo ng Allâh (I) at sumunod sa Kanyang batas.”(Surat al-A'raf, 188)

SILA AY HINDI MGA MAPAGMATAAS.

Ang naniniwala lamang sa mga talata ng Banal na Qur’ân at ito ay isinasapamuhay ay ang mga yaong kapag pinaalalahanan hinggil dito at binigkas ito sa kanila, ay nagpapatirapa sila sa kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha bilang mga may takot at sumusunod sa Kanya, na kung kaya, purihin ninyo ang Allâh (I) sa inyong pagpapatirapa, at sila ay hindi nagmamataas sa pagpapatirapa at pagpuri, ganoon din sa pagsamba nang bukod-tangi sa Allâh (I) na walang katambal.(Surat al-Sajda, 15) 

Ang mga alipin ng Pinakamahabaging Allâh (I) na mga mabubuti ay naglalakad sila sa kalupaan nang malumanay at mga nagpapakumbaba, at kapag nakipag-usap sa kanila ang mga mangmang bilang pangungutya ay tutugunan nila sila ng mabuting salita, at makikipag-usap sila sa kanila ng pakikipag-usap na ligtas sila sa anumang kasalanan, at sa pagtugon ng kamangmangan ng isa pang kamangmangan.(Surat al-Furqan, 63)

 
SILA AY HINDI NAGPAPATULOY SA KANILANG MGA KAMALIAN.

At ang mga yaong mananam-palataya, kapag sila ay nakagawa ng malaking kasalanan o nadaya nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsagawa ng maliit na kasalanan, ay naalaala nila ang pangako at babala ng Allâh (I); na kung kaya, nanunumbalik sila sa kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha (Allâh I) na nagsisisi, na hinihiling nila ang kapatawaran para sa kanilang pagkakasala, at sila ay nakatitiyak na walang maaaring magpatawad ng mga kasalanan kundi ang Allâh (I) lamang. Na kung kaya, hindi sila nananatili sa kanilang pagkakasala at batid nila na kapag sila ay nagsisi ay patatawarin sila ng Allâh (I).(Surah Al ’Imran, 135) 

Kailanman ay huwag kang titindig, O Muhammad (r), upang magsagawa ng ‘Salâh’ sa Masjid na yaon, dahil walang pag-aalinlangang ang Masjid na itinayo batay sa pagkatakot sa Allâh (I) sa una pa lamang pagkakataon ay ang Masjid Qubâ`, na rito mo nararapat isagawa ang iyong pagsa-‘Salâh,’ dahil nasa Masjid na yaon ang mga kalalakihan na nais nilang maglinis sa pamamagitan ng tubig mula sa anumang karumihan, na tulad din ng kanilang paglilinis mula sa pagkatakot sa Allâh (I) at paghingi ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan at kasamaan. At ang Allâh (I) ay nagmamahal sa mga taong malilinis. At kung ang Masjid Qubâ` ay itinayo batay sa pagkatakot sa Allâh (I) sa unang araw pa lamang na ito’y itinayo, gayon din o higit pa ang Masjid ng Sugo ng Allâh (r). (Surat at-Tawba, 108)

 
ANG MGA TUNAY NA MUSLIM AY NAGTITIWALA AT NAKASANDIG KAY ALLAH LAMANG.

At sila ay yaong sinabihan ng ilan sa mga pagano: “Katiyakan, si Abu Sufyan at ang kanyang mga kasamahan ay nagkaisa na babalikan kayo upang lupigin, na kung kaya ay maging maingat kayo at katakutan ninyo ang pakikipagsagupa sa kanila, dahil wala pa kayong lakas para lumaban sa kanila,” subali’t ang mga ganoong pananakot ay higit pang nagpapanatag at nagpatibay sa kanilang paniniwala sa pangako ng Allâh (I) sa kanila at hindi (man lamang) nagpahina ng kanilang katatagan; kung kaya, nagpatuloy sila sa kung ano ang ipinag-utos ng Allâh (I) at sinabi nila: “Ipinaubaya namin ang aming mga sarili sa Allâh (I) na Siyang ‘Al-Wakeel’ – ang Ganap na Tagapagkupkop, Tagapangalaga, nasa Kanya ang lahat ng Pangangasiwa sa Kanyang mga alipin.” (Surah Al ’Imran, 173) 

At paano namin hindi ipauubaya ang aming mga sarili sa Allâh (I), samantalang Siya ang naggabay sa amin tungo sa kaligtasan mula sa Kanyang kaparusahan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin ng Kanyang ‘Deen?’ At walang pag-aalinlangang titiisin namin ang anumang pang-aapi ninyo sa amin sa pamamagitan ng inyong mga masasamang salita, at sa Allâh (I) na Bukod-Tangi nararapat na ipagkatiwala ng mga mananampalataya ang kanilang mga sarili sa Kanyang tulong sa kanila at pagkapanalo nila laban sa kanilang mga kalaban.(Surah Ibrahim, 12) 

At kapag tumalikod ang mga ‘Mushrikun’ at ang mga ‘Munâfiqun’ sa paniniwala sa iyo, O Muhammad (r), sabihin mo sa kanila: “Sapat na sa akin ang Allâh (I) at sapat na sa akin ang Kanyang pangangalaga sa anumang aking mga suliranin, ‘Lâ ilâha illa Huwa’ – walang sinuman ang may karapatan at karapat-dapat na sambahin kundi Siya, sa Kanya ako nagtitiwala at sa Kanya ko ipinauubaya ang lahat hinggil sa akin; dahil Siya sa katotohanan ang aking Tagapangalaga at Siya ay ‘Rabbul `Arshil Adzeem’ – ‘Rabb’ na Nagmamay-ari ng Dakilang ‘`Arsh’ (Trono), na ito ang pinakadakila sa lahat ng Kanyang mga nilikha. (Surat at-Tawba, 129)

 
NABABATID NILA NA ANG TULONG AY WALANG PANGGAGGALINGAN KUNDI KAY ALLAH LAMANG.

Ngalan ng Allâh (I), saklaw ng Kanyang habag ang lahat ng Kanyang mga nilikha. Labis-Labis ang Kanyang awa at pagmamahal nang ganap sa mga mananampalataya. ang lahat ng papuri ay nararapat lamang sa Allâh (I) na “Rabb” na Tagapaglikha ng lahat ng mga nilalang. Siya (Luwalhati sa Kanya) lamang ang Bukod-Tanging Nagmamay-ari at Mangangasiwa sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at ito ang Araw ng pagbibigay ng kabayaran sa lahat ng mga gawain. At ang Kanyang pagiging bukod-tangi sa Pagmamay-ari at Pangangasiwa sa Araw ng Paghuhukom, dahil walang sinuman ang mag-aangkin nito sa Araw na yaon, at walang sinuman ang magsasalita, maliban sa kung ito ay Kanyang pahihintulutan. (Surat al-Fatiha, 1-4) 

At dala-dala nila ang kamiseta ni Yûsuf na punung-puno ng dugo subali’t ito sa katotohanan ay hindi talagang dugo ni Yûsuf; na nais nilang patunayan sa pamamagitan nito na totoo ang kanilang sinasabi, magkagayunpaman, ito pa ay naging patunay ng kanilang kasinungalingan; dahil ang kamiseta ay hindi napunit. Na kung kaya, sinabi sa kanila ng kanilang ama na si Ya`qub: “Ang tunay na pangyayari ay hindi ang yaong inyong sinasabi, kundi nag-imbento lamang kayo sa inyong mga sarili na nag-utos sa inyo na gumawa ng masama bilang pagpapahamak kay Yûsuf, na ito ang nakikita ninyong nakabubuti kaya ginawa ninyo, na kung kaya, mas makabubuti para sa akin ang pagtitiis na hindi na ako magrereklamo pa sa kaninumang tao, at ipauubaya ko na lamang ang aking sarili sa Allâh (I) na ako ay tulungan Niya para makayanan ko ang mga sinasabi ninyong kasinungalingan, na hindi ko na gagamitin pa ang aking lakas at kapangyarihan hinggil dito.”(Surah Yusuf, 18)

 

ANG MGA TUNAY NA MUSLIM AY TUMATALIMA SA PAGSUNOD SA BANAL NA QUR’AN

Yaong mga pinagkalooban Namin ng Aklat na mga Hudyo at mga Kristiyano, at kanilang binabasa yaon sa tamang pamamaraan, at sinusunod nila nang tamang pagsunod, at pinaniniwalaan nila ang anuman na isinasaad sa Aklat na yaon …(Surat al-Baqara, 121)

At yaong mga pinanghahawakan ang Aklat at ipinatutupad ang niloloob nito na mga paniniwala at batas, at pinangangalagaan ang pagsasagawa ng ‘Salâh’ sa tamang kaparaanan nito at hindi nila pinababayaan na isagawa sa takdang oras nito, katiyakang ang Allâh (I) ay gagantimpalaan sila sa kanilang mga mabubuting gawa at hindi ito babalewalain sa kanila.(Surat al-A'raf, 170)

 
ANG MGA AYAT SA BANAL NA QUR’AN AY HIGIT PANG NAKAPAGPAPAYABONG SA KANILANG PANANAMPALATAYA AT TAKOT KAY ALLAH.

Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga tumanggi: “Maniwala man kayo sa Qur’ân o hindi kayo maniwala; kailanman ay hindi makadaragdag ang inyong paniniwala sa kaganapan ng Qur’ân, ni ang inyong pagtanggi ay hindi rin makakabawas dito. Katiyakan, yaong mga paham na pinagkalooban ng mga kasulatan na nauna kaysa rito at nabatid nila ang katotohanan hinggil sa Rebelasyon o kapahayagan, kapag binigkas sa kanila ang Banal na Qur’ân ay natatakot sila sa Allâh (I), na kung kaya, sila ay nagpapatirapa na inilalapat nila ang kanilang mga noo sa lupa nang alang-alang sa Allâh (I) na Maluwalhati at Kataas-taasan.” At sinasabi ng mga yaong pinagkalooban ng mga kaalaman sa oras ng pagkarinig nila ng Banal na Qur’ân: “Luwalhati sa aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha na Ganap at malayo sa anumang ibinibintang na kasinungalingan ng mga nagtatambal sa pagsamba sa Kanya! Katotohanan, ang anumang ipinangako ng Allâh (I) na gantimpala at kaparusahan ay walang pag-aalinlangan na ito ay katiyakang magaganap.” At ipinatirapa nila ang kanilang mga mukha na lumuluha dahil sa pagpapayo ng Banal na Qur’ân, at nadaragdagan ang kanilang pagpapakumbaba at pagpapasailalim sa kagustuhan ng Allâh (I) at sa Kanyang dakilang kapangyarihan sa pagkakarinig nila ng Banal na Qur’ân at mga payo nito.(Surat al-Isra’, 107-109)

At yaong kapag pinagpayuhan sa mga talata ng Banal na Qur’ân at sa mga palatandaan ng Kaisahan ng Allâh (I) ay hindi nila binabalewala na katulad ng nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan … (Surat al-Furqan, 73)

Katiyakan, ang tunay lamang na mananampalataya sa Allâh (I) ay ang mga yaong kapag binanggit ang patungkol sa Allâh (I) ay nakadarama ng takot sa kanilang mga puso, at kapag binigkas sa kanila ang mga talata ng Banal na Qur’ân ay nadaragdagan ang kanilang paniniwala, at sa Allâh (I) lamang nila ipinauubaya ang kanilang mga sarili, na kung kaya, hindi sila naghahangad ng anuman at wala silang kinakatakutan na iba.(Surat al-Anfal, 2)

 
NABABATID NILA NA ANG ANUMANG KATANGIANG MAYROON SILA AY GALING LAHAT KAY ALLAH.

Pagkatapos ay nanalangin si Yûsuf sa kanyang ‘Rabb’ na kanyang sinabi: “O aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Walang pag-aalinlangang ipinagkaloob Mo sa akin ang pamumuno sa kaharian ng Ehipto, at itinuro Mo sa akin ang pagbibigay ng kahulugan sa panaginip at iba pang kaalaman – ‘Fâteeras Samâwâti wal Ardh’ – ang Tanging Tagapaglikha ng mga kalangitan at kalupaan sa pinakamagandang kaayusan! Ikaw ay aking ‘Walee’ – Ganap na Tagapangalaga sa lahat ng aking pangangailangan dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay. Na kung kaya, sanhiin Mo na mamatay ako bilang isang Muslim at ibilang Mo ako sa Iyong mga mabubuting alipin, mga Propeta, mga matutuwid at mga pinili Mo na mga dalisay at malilinis.”(Surah Yusuf, 101) 

At bilang paglalahad sa katangian ni Âdam, itinuro sa kanya ng Allâh (I) ang lahat ng pangalan ng mga bagay-bagay, at pagkatapos ay ipinakita Niya sa mga anghel (ang mga bagay na yaon) at Kanyang sinabi sa kanila: “Sabihin ninyo (nga) sa Akin kung ano ang mga pangalan ng mga bagay-bagay na ito, kung totoong kayo ang may karapatang mamahala sa kalupaan? ” Sinabi ng mga anghel: “Luwalhati sa Iyo, O aming ‘Rabb! ’ Wala kaming kaalaman maliban sa ipinagkaloob Mo sa amin. Ikaw lamang ang tanging Nakaaalam ng kalagayan ng Iyong mga nilikha at Nangangasiwa sa kanila nang buong karunungan.”(Surat al-Baqara, 31-32) 

Sinabi niya sa dalawa: “Walang pagkaing darating sa inyo bilang inyong kabuhayan, kundi maipaliliwanag ko muna sa inyo ang kahulugan ng inyong panaginip bago ito dumating sa inyo, at ang anumang maipaliwanag ko sa inyo na kahulugan ng panaginip ay nagmula sa katuruan ng aking ‘Rabb;’ dahil katiyakang naniniwala ako sa Kanya at taos-puso akong sumasamba sa Kanya at inilayo ko ang aking sarili sa anumang relihiyon ng mga taong hindi naniniwala sa Allâh (I) at hindi naniniwala sa Pagkabuhay na Mag-uli at Paghuhukom.”(Surah Yusuf, 37)

 
SA TUNAY NA PANINIWALA, WALANG IBANG DIYOS NA SASAMBAHIN

Ipinangako ng Allâh (I) na magtatagumpay ang mga yaong naniwala mula sa inyo at gumawa ng mga mabubuting gawa, na kung saan, ipapamana sa kanila ang kalupaan ng mga walang pananampalataya, at gagawin silang mga kahalili, na katulad ng nangyari sa mga nauna sa kanila na mga mananampalataya na naniwala sa Allâh (I) at sa Kanyang mga Sugo, at ipagkakaloob sa kanila ang kapangyarihan na pangingibabawin ang ‘Deen’ (Relihiyon) na pinili ng Allâh (I) para sa kanila na ito ay Islâm, at katiyakan na papalitan Namin ang kanilang pangamba ng kapanatagan, na sasambahin nila ang Allâh (I) nang bukod-tangi, at magpanatili sila sa pagsunod sa Kanya, na hindi na sila sasamba ng anuman bukod sa Kanya … (Surat an-Nur, 55)

Maliban sa mga yaong nanumbalik sa Allâh (I) at nagsisi, at itinuwid nila ang kanilang mga sarili (sa panlabas at sa panloob) sa pamamagitan ng pagsunod sa Allâh (I) at ganap na pagtitiwala sa Kanyang mga aliping mananampalataya; at pagsunod sa ‘Deen’ ng Allâh (I) nang taos-puso na ito ay para lamang sa Kanya, kung gayon, sila ay mapapabilang sa mga mananampalataya, dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay. At walang pag-aalinlangan, ipagkakaloob ng Allâh (I) sa mga mananampalataya ang dakilang gantimpala.(Surat an-Nisa’, 146) 

Sabihin mo, O Muhammad (r): “O kayong mga tao! Kung kayo ay nag-aalinlangan hinggil sa katotohanan ng aking Relihiyon (‘Deen’), na rito ay hinihikayat ko kayo, na ito ay ang Islâm, at hinggil sa aking pagiging matatag dito, na naghahangad kayo na ito ay aking talikuran! Samakatuwid, dapat ninyong mabatid na katiyakang hindi ko sasambahin sa anumang pagkakataon ang sinuman mula sa mga sinasamba ninyo na mga diyus-diyosan at mga rebulto, bagkus ang sasambahin ko ay ang Allâh (I) na Bukod-Tangi na Siyang nagsasanhi ng inyong kamatayan at kumukuha ng inyong mga kaluluwa, at ako ay inutusan na maging kabilang sa mga mananampalataya na naniniwala sa Kanya.”(Surah Yunus, 104)

 

ANG MGA TUNAY NA NANINIWALA AY BUO ANG PANANALIG SA DESTINASYON NG TAO.

Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na hindi sumama sa pakikipaglaban sa mga kumakalaban sa Allâh (I) bilang pagbabalewalang-halaga sa kanila at pagpapahiya: “Kailanman ay walang maaaring mangyari sa amin maliban na lamang sa kung ano ang itinakda ng Allâh (I) sa amin at itinala Niya sa ‘Al-Lawh Al-Mahfoudh,’ na Siya ang tutulong sa amin laban sa aming mga kalaban, at sa Kanya lamang na bukod-tangi, ipinauubaya ng mga mananmapalataya ang kanilang mga sarili.”(Surat at-Tawba, 51)

 
NAGSUSUMIKAP SILANG MAPALAPIT KAY ALLAH.

At yaong nananalangin sa Allâh (I) na kanilang sinasabi: “O aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Pagkalooban Mo kami ng kapanatagan sa aming mga asawa at mga pamilya, na kapanatagan ng aming mga mata at kasiyahan, at gawin Mo kami na mga halimbawa na tinutularan tungo sa kabutihan.”(Surat al-Furqan, 74)

Sila na nagsusumikap sa pagsunod, na naging kaugalian nila ang mabilisang patungo sa pagsagawa ng anumang kabutihan at sila ay nag-uunahan sa pagsagawa ng mga kabutihan.(Surat al-Mu'minun, 61)

 
ITINATAGUYOD NILA ANG KABUTIHAN AT ITINATATWA ANG KASAMAAN.

Ang mga yaong pinangakuan Namin ng Aming tulong ay sila ang mga yaong pinatatag Namin sa kalupaan, at ipinamahala Namin sa kanila ito sa pamamagitan ng pagkakagapi nila sa kanilang mga kalaban, na kung kaya, isinagawa nila ang kanilang ‘Salâh’ ayon sa itinakdang oras nito, at ibinigay nila ang obligadong kawanggawa (‘Zakâh’) mula sa kanilang mga yaman sa sinumang karapat-dapat na pagbigyan nito, at ipinag-utos nila ang lahat ng ipinag-utos ng Allâh (I) na anuman na Kanyang karapatan at karapatan ng Kanyang mga alipin, at ipinagbawal nila ang lahat ng ipinagbawal ng Allâh (I). Sa Allâh (I) lamang na Bukod-Tangi ang patutunguhan ng lahat ng bagay, at mabuting hantungan sa mga natatakot sa Kanya.(Surat al-Hajj, 41) 

Kayo, O sambayanan ni Muhammad (r), ang pinakamabuti sa lahat ng mga sambayanan, at higit na kapaki-pakinabang sa mga tao dahil sa ipinag-uutos ninyo ang kabutihan --- ang lahat ng ipinag-utos ng Allâh (I) at ng Kanyang Sugo. At nagbabawal ng masama – ang lahat ng ipinagbawal ng Allâh (I) at ng Kanyang Sugo. At naniniwala kayo sa Allâh (I) ng tunay na paniniwala na pinatu-tunayan ng inyong mga gawa.  Na samakatuwid, kung naniwala (lamang) ang mga ‘Ahlul Kitâb’ – ang mga Hudyo at mga Kristiyano kay Muhammad (r) at sa kanyang dala-dalang katuruan mula sa Allâh (I) na katulad ng inyong ginawang paniniwala, ito ay higit na makabubuti para sa kanila rito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay. Subali’t mayroon sa kanila ang naniwala sa mensahe ni Muhammad (r) at sumunod (sa mensaheng) ito nguni’t sila ay kakaunti (lamang). At ang nakararami sa kanila ay lumabag sa ‘Deen’ ng Allâh (I) at hindi sumunod sa Kanya.(Surah Al’Imran, 110) 

Naniniwala sila sa Allâh (I) at sa Kabilang-Buhay, nag-uutos sila ng lahat ng kabutihan at nagbabawal sila ng lahat ng kasamaan, at minamadali nila ang pagsasagawa ng mga kabutihan, at sila ay kabilang sa mga mabubuting alipin ng Allâh (I).(Surah Al’Imran, 114) 

 
LAGI SILANG MAAYOS SA KANILANG KILOS AT GALAW.

Na kung kaya, ipamalita mo, O Muhammad, ang magandang balita sa Aking mga alipin na nakikinig ng salita at sinusunod ang anumang pinakamabuti mula rito. Ang pinakamabuting salita at pinakamatuwid ay ang salita ng Allâh (I), pagkatapos ay kasunod nito ay ang salita ng Kanyang Sugo. Sila ang mga yaong ginabayan ng Allâh (I) sa patnubay at gabay, pinatnubayan sila sa pinakamabuting pag-uugali at gawain, at sila ang mga yaong nagtatangan ng mga matutuwid na pag-iisip.(Surat az-Zumar, 18)

dahil sila ang mga yaong mabilis magsigawa ng kabutihan, na sila ay nananalangin sa Amin sa paghahangad ng anuman na nagmumula sa Amin, na natatakot sa Aming parusa, at sila ay mga mapagkumbaba na sumusunod sa Aming kagustuhan.(Surat al-Anbiya, 90) 

At kabilang sa katangian nila na mga mananampalataya na pinangakuan ng Allâh (I) ng ‘Al-Jannah’ (Hardin) ay sila yaong mga nagsipagsisi na tinalikuran nila ang anumang kinamumuhian ng Allâh (I) tungo sa anumang gawain na Kanyang kinalulugdan, na mga yaong taimtim ang kanilang pagsamba sa Allâh (I) na Bukod-Tangi at sa kanilang pagsunod sa Kanya, yaong pumupuri sa Allâh (I) sa lahat ng pagkakataon na sinusubok sila mabuti man ito o masama, yaong mga nag-aayuno nang alang-alang sa Allâh (I), yaong mga yumuyuko sa kanilang pagsa-‘Salâh’ at mga nagpapatirapa; yaong mga nag-uutos sa mga tao na isagawa ang anumang ipinag-uutos ng Allâh (I) at Kanyang Sugo, at nagbabawal sa anumang ipinagbabawal ng Allâh (I) at ng Kanyang Sugo, na isinasagawa nila ang ipinag-uutos ng Allâh (I) at pinangangalagaan nila ang anumang batas, pag-uutos man o pagbabawal, sila ay patuloy sa pagsunod sa Allâh (I), na nananatili sa Kanyang batas. Ipamalita mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga mananampalataya na nagtatangan ng mga ganitong katangian, ang pagmamahal ng Allâh (I) at ng Kanyang ‘Al-Jannah’ (Hardin).(Surat at-Tawba, 112)

HINDI SILA KUMIKILOS NG BATAY LAMANG SA MAKAMUNDONG HANGARIN.

Sinabi ng asawa ni `Aziz: “At hindi ko pinupuri ang aking sarili at pinawawalan ng sala. Katiyakan, ang pagkatao ng tao ay madalas na nag-uutos na gumawa ng pagkakasala upang sundin ang sariling pagnanasa, maliban sa sinumang pinag-kalooban ng Allâh (I) ng awa at pinangalagaan. Katiyakan, ang Allâh (I) ay ‘Ghafour’ – Ganap na Mapagpatawad sa sinumang nagsisisi mula sa Kanyang mga alipin, na ‘Raheem’ – Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal sa kanila.”(Surah Yusuf, 53)

 
HINDI SILA NAKALILIMOT NA MAGPASALAMAT KAY ALLAH.

Sinabi naman ng isang tao na maalam sa Kasulatan: “Dadalhin ko sa iyo ang trono bago kumurap ang mga talukap ng iyong mga mata, kapag ito ay gumalaw para tumingin sa anumang bagay.” At pinahintulutan siya ni Sulaymân (u) at siya naman (na maalam sa Kasulatan) ay nanalangin sa Allâh (I), na kung kaya, dumating ang trono. At nang makita ni Sulaymân na nasa sa kanya nang harapan na nakatayo ang trono ay kanyang sinabi: “Ito ay mula sa Kagandahang-Loob ng Aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha na lumikha sa akin at lumikha sa lahat ng bagay; upang subukin ako: kung ako ba ay magpapasalamat bilang pag-amin sa pagkakaloob Niya ng biyaya sa akin o tatanggi at di magpapasalamat? At sinuman ang tatanaw ng utang na loob sa Allâh (I) sa Kanyang mga biyaya ay magiging kapaki-pakinabang ito para sa kanya, at sino naman ang tatanggi at babalewalain ang biyaya at hindi magpapasalamat, walang pag-aalinlangan, ang aking ‘Rabb’ ay ‘Ghanee’ – Napakayaman na Ganap na Malaya mula sa lahat ng pangangailagan, na ganap na hindi nangangailangan ng pagpapasalamat ng kahit sinuman, na Siya ay ‘Kareem’ – Pinakamabait at masaganang Tagapagkaloob na saklaw ng Kanyang kabutihan dito sa daigdig ang nagpapasalamat at di-marunong magpasalamat, pagkatapos sila ay huhukuman at gagantihan sa Kabilang-Buhay.”(Surat an-Naml, 40)

 
INAASAM NILA ANG KABILANG BUHAY.

Katiyakan, binukod-tangi Namin sila ng dakilang pagtatangi, dahil inilagay Namin sa kanilang mga puso ang pag-alaala sa Kabilang-Buhay, na kung kaya, sumunod sila sa Allâh (I), at inaanyayahan nila ang mga tao tungo rito, at pinaalalahanan nila ang mga tao hinggil dito.(Surat as-Sad, 46) 

Katiyakan, ang Allâh (I) ay binili Niya sa mga mananampalataya ang kanilang mga sarili na ang kapalit nito ay ang Hardin (‘Al-Jannah’) at anumang inihanda ng Allâh (I) sa kanila na kaligayahan dahil sa pagsakripisyo nila ng kanilang mga sarili at kanilang mga kayamanan sa pakikipaglaban sa kalaban ng Allâh (I) upang mangibabaw ang Kanyang batas (salita) at mangibabaw ang Kanyang ‘Deen,’ nakapapatay sila o sila ay namamatay, ito ay katotohanan na ipinangako ng Allâh (I) sa kanila ayon sa ‘Tawrah’ na ipinahayag kay Mousâ (u) at ‘Injeel’ na ipinahayag kay `Îsã (Hesus u), at sa Banal na Qur’ân na ipinahayag kay Muhammad (r). At walang sinuman ang hihigit pa sa Allâh (I) sa pagpapatupad Niya ng Kanyang pangako sa sinumang tinupad nito ang pangako niya sa Allâh (I), na kung kaya, magpakasaya kayo, O kayong mga mananampalataya, dahil sa inyong kasunduan sa Allâh (I) na inyong tinupad, at sa anumang ipinangako Niya sa inyo na Hardin at pagmamahal, at ito ang dakilang tagumpay.… (Surat at-Tawba, 111) 

Atsasabihin din ninyo: “At katiyakang kami ay patutungo sa Allâh (I) na aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha pagkatapos ng aming kamatayan at walang pag-aalinlangang kami ay babalik sa Kanya.” (Surat az-Zukhruf, 14)

 
ANG MGA HINDI TAPAT AY MAGSISISI SA KABILANG BUHAY.

Walang pag-aalinlangan, ang sumasamba ng iba bukod sa Allâh (I) na siya ay nanatili sa kanyang pagtatambal hanggang dumating sa kanya ang pag-aagaw buhay at makikita na niya ang anumang inihanda sa kanya na kaparusahan, kanyang sasabihin: “O aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Ibalik mo ako sa daigdig.” “Upang mapagpunan ko ang anumang aking sinayang na paniniwala at pagsunod.” Subali’t ito ay hindi mangyayari sa kanya! Dahil ito ay salita lamang na kanyang sinasabing kasinungalingan, at sa pagitan niya at ng daigdig ay may harang na nagpipigil sa kanyang pagbabalik tungo sa daigdig hanggang sa araw na pagkabuhay na mag-uli.(Surat al-Muminun, 99-100) 

At kung makikita mo lamang ang mga masasama na di-naniwala sa Muling Pagkabuhay na katiyakang iyuyuko nila ang kanilang mga ulo roon sa harapan ng kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha na hiyang-hiya, nagmamakaawa, at hamak na hamak, na kanilang sasabihin: “O aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Nakita na namin ang aming kasamaan ngayon at narinig namin mula sa Iyo ang pagpapatunay sa ipinag-utos sa amin ng Iyong mga Sugo sa daigdig, katiyakan, nagsisisi na kami at nagbabalik-loob sa Iyo, na kung kaya, ibalik mo kami sa daigdig upang magawa namin ang pagsunod sa Iyo, dahil katiyakang naseguro na namin ngayon ang anumang hindi namin pinaniwalaan sa daigdig hinggil sa Iyong Kaisahan, at katiyakan, Ikaw ay bubuhayin Mo na mag-uli ang mga nasa libingan.” At kung makikita mo lamang ang lahat ng ito ay walang pag-aalinlangang masasaksihan mo ang matinding pangyayari.(Surat al-Sajda, 12) 

At gumasta kayo, O kayong mga naniwala sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugo, mula sa ilang bahagi ng anumang ipinagkaloob Namin sa inyo sa Daan ng Mabuti, bago dumating sa isa sa inyo ang kamatayan, at kanyang sasabihin bilang pagsisisi kapag nakita na niya ang mga palatandaan nito: “O Allâh (I) na aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Maaari Mo ba akong pagkalooban ng maikli pang panahon, at iantala Mo ang aking kamatayan ng kahit maiksing oras, upang makapagbigay ako ng kawanggawa mula sa aking kayamanan, at nang ako ay maging kabilang sa mga mabubuti na may takot sa Iyo?”(Surat al-Munafiqun, 10)

 
IPINAHAHAYAG NI ALLAH SA KANYANG MGA TUNAY NA ALIPIN ANG LIGAYA PARA SA KANILA SA MUNDONG ITO, AT LALO’T IYONG NAGHIHINTAY PA SA KANILA SA KABILANG BUHAY.

Ang mga yaong naniwala sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugo, at gumawa ng mga mabubuting gawa, ang para sa kanila ay kasiyahan at kapanatagan, at magandang kalalagyan, at mabuting patutunguhan na ito ay ‘Al-Jannah’ (Hardin) ng Allâh (I) at Kanyang pagmamahal.(Surat ar-Rad, 29) 

At yaong mga pinanghahawakan ang Aklat at ipinatutupad ang niloloob nito na mga paniniwala at batas, at pinangangalagaan ang pagsasagawa ng ‘Salâh’ sa tamang kaparaanan nito at hindi nila pinababayaan na isagawa sa takdang oras nito, katiyakang ang Allâh (I) ay gagantimpalaan sila sa kanilang mga mabubuting gawa at hindi ito babalewalain sa kanila.(Surat al-A’raf, 170) 

At ipamalita mo, O Muhammad (r) sa mga naniwala at gumagawa ng kabutihan, ang magandang balita na magpapasaya sa kanilang kalooban, na ang nakalaan sa kanila sa Kabilang-Buhay ay magagandang Hardin at mga ilog na umaagos sa ilalim ng mga nagtataasang palasyo at ng mga punong may mga lilim.
Sa tuwing bibigyan o pagka-kalooban sila ng Allâh (I) ng isang uri ng prutas na napakasarap, sasabihin nila: ‘Ganito rin ang ibinigay ng Allâh (I) sa amin noon,’ subali’t kapag ito ay natikman nila, matutuklasan nila na ito pala ay kaiba sa lasa at sarap, gayong ito ay magkatulad sa kulay, anyo at pangalan. At ang para pa rin sa kanila sa ‘Al-Jannât’ (mga Hardin), ay mga dalisay na asawa na malilinis mula sa lahat ng uri ng pisikal na karumihan (na tulad ng ihi at regla); at malilinis din sa espirituwal na karumihan, na katulad ng pagsisinungaling at masasamang pag-uugali. At sila sa ‘Al-Jannah’ at sa kasiyahan na buhay doon ay mananatiling walang hanggan, na hindi na sila mamamatay pa roon at hindi na sila lalabas pa roon magpakailanman.(Surat al-Baqara, 25) 

At ang sinumang naniwala sa Allâh (I), sa lahat ng mga Sugo at gumawa ng mabubuting gawa; ipagkakaloob sa kanila ng Allâh (I) ang gantimpala sa kanilang mga gawain, ganap at walang pagkukulang. At ang Allâh (I) ay hindi nagmamahal sa mga gumagawa ng masama, gumagawa ng pagtatambal o pagsamba ng iba bukod sa Allâh (‘shirk’) at ‘kufr’ (pagtanggi).(Surah Al’Imran, 57) 

At sinuman ang gagawa ng mga mabubuting gawa, lalaki man o babae, na siya ay naniniwala sa Allâh (I) at sa anumang ipinahayag na katotohanan, sila ay papapasukin ng Allâh (I) sa ‘Al-Jannah’ na tahanan ng walang hanggang kaligayahan; at hindi sila dadayain at hindi mababawasan ang gantimpala ng kanilang mga gawain nang kahit na kasing liit ng ‘Naqîr’ – isang marka o tuldok sa buto ng prutas ng datiles.(Surat an-Nisa, 124)

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/35287/ang-mga-tunay-na-mayhttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/35287/ang-mga-tunay-na-maySun, 05 Dec 2010 22:48:41 +0200
YAONG MGA NAGHAHANGAD NG PAGKAKAISA SA ISLAM NG WALANG TINATAWAG NA ISANG TUNAY NA LIDER AY NARARAPAT NA MULING ALALAHANIN NA 'ANG ISANG KATAWAN NA WALANG ULO AY HINDI MAAARING MABUHAY.' Ang pagkakaisa ay siyang ipinag-uutos ni Allah sa mga Muslim at ito ay isang obligasyon para sa ating lahat. Dito sa mga katagang binigkas ni Bediuzzaman Said Nursi ay makikita kung gaano napakahalaga ng pagkakaisa, “Ang Pagkakaisa sa Islam ay ang pinakatampok na obligasyon sa panahong ito.” Ang estado ng mundo ng Islamiko sa ngayon, ang mga insidenteng nangyayari sa Afghanistan, Iraq, Palestina, Silangang Turkestan at iba pang mga bansa ay napapakita sa atin ng masasamang resulta na dala ng pagkakawatak-watak. Sa harap ng lahat ng ito, upang ang mga kalupitang ito ay mawakasan na at para sa kapakanan at seguridad hindi lamang ng mga Muslim kundi ng buong sangkatauhan, maliwanag ang pangangailangan para sa pagkakaisa ng lahat ng mga Muslim. Gayundin naman, obligasyon para sa bawa’t Muslim ang magsumikap para sa pagkakabuklod ng mundo ng Islamiko.

Subali’t habang ito ay pinagsisikhayan, gaya ng sa bawa’t pagkakataon sa ating mga buhay, ang landas na marapat nating tahakin para sa unyon ng Islam ay yaong landas na ipinakita ni Allah at ng Kanyang Sugo, ang ating Propeta (saas). Yaong namang mga tumatahak sa landas liban sa ipinakita ni Allah at yaong mga pumiling tahakin ang ibang daan base na rin sa kanilang sariling pangangatwiran, interpretasyon at – ayon sa sarili nilang pag-iisip – base sa ating mga nasasaksihan ng nangyayari sa panahong ito ay dapat magising sa katotohanang hindi magtatagumpay ang landas na kanilang pinipili. Ang tulong ni Allah ay makakamit ng taong sumusunod sa Kanyang landas na siyang landasing tinahak ng ating Propeta(saas).

Sa buong kasaysayan ng mundo, nilikha ni Allah ang bawa’t tribo ng may sadyang isang lider, isang pangunahing tao upang mamuno dito. Ito ay nasasaad na pangangailangan sa batas ni Allah. Sa mga lumipas na mga panahon nina Propeta Nuh (as), Propeta Abraham (as), Propeta Moises (as), Propeta Yusuf (as), Propeta Hesus (as) at ng ating Propeta (saas), ang mga banal na sugo o mensahero ni Allah ang siyang mga gumabay sa mga komunidad Islamikong ito bilang mga pinuno ng mga mananampalataya. Maging sa panahon man nina Saul at Dhu’l-Qarnayn, ang mga Muslim ay laging may pinakalider.  Mula naman sa panahon pagkatapos ng ating Propeta (saas) hanggang sa malalapit na kasaysayan, ang mga Muslim ay hindi nagtatagal na walang tinatawag na pinakalider. Ang kawalan ng isang ispirituwal na lider para sa mga Muslim sa ating kapanahunan ay isang senyales lamang para sa nakaambang pagdating ng Hazrat Mahdi (as) na siyang naitalaga (predestined) na ni Allah bago pa man. At sa loob ng destinasyong ito, ibibigay ni Allah ang isang katangi-tanging kagandahan para sa buong komunidad Islamiko, matapos ang panahon ng kawalan ng isang ispirituwal na lider, ibinibigay Niya ang mabuting balita ukol sa isang nilalang na may buong pagmamamalasakit at pag-ibig, na may perpektong moralidad, na lubhang mangangalinga sa ating mga Muslim at may ubod lakas na proteksyon ng Islam. Ang nilalang na ito ay ang Hazrat Mahdi (as). Gaya ng nasasaad na preordinasyon ni Allah, ang mundo ng Islamiko ay nanatili na walang isang lider sa loob ng isa’t kalahating siglo, subali’t sa siglong ito masasaksihan ang pagbuo sa atin sa ilalim ng liderato ng Hazrat Mahdi (as).

Gayunpaman, bilang utos na rin ni Allah, yaong mga naghahangad ng Pagkakaisa ng Islam ay marapat na malaman na ito ay maitatatag lamang sa ilalim ng Hazrat Mahdi (as). Ang mundo ng Islamiko ay magkakaisa ng may kapanatagan, ligaya at sigla sa ilalim ng pinakaapo na ng ating Propeta (saas), ang kanyang banal na anak.  At dahil sa ito na mismo ang matuwid na daan na ipinaalam ng ating Propeta (saas) sa ating mga Muslim sa pamamagitan ng mga rebelasyon ni Allah.

Ang pamamaraang ipinamamalas ng mga nagsasabi ng “Ang mundo ng Islamiko ay dapat magkaisa” subali’t hindi man lang naaalala o nababanggit ang pangalan ng Hazrat Mahdi (as), o ang subukin man lang na pag-usapan ang sistema ng Mahdi ay masasabi nating walang tunay na sinseridad. Higit pa riyan, ang pamamaraang ito ay labag sa Banal na Qur’an, sa mga Sunnah, sa karunungan at sa katuwiran. Batay sa ganitong pag-uugali, walang linaw sa kung papaanong kaanyuan at kung kaninong liderato dapat magkaisa ang mga Muslim sa kawalan ng isang pinuno.  Ang mga sukatan o pamantayan kung papaano ang unyon ay maitatatag ay hindi napapabatid, kung ang mga taong ito ay muling titingin sa Banal na Qur’an at sa mga Sunnah bilang pamantayan, maliwanag na ang mundo ng Islamiko ay nangangailangan ng isang lider. Subali’t kung ang mga taong ito ay nagsasabi na ang mundo ng Islamiko ay dapat na magsama-sama sa kabila ng kawalan ng isang lider, maliwanag na makikita ang tunay na hangarin sa likod ng mga pahayag ng mga taong ito, hindi sila tunay na pabor sa pagkakaroon ng Pagkakaisa sa Islam. Ayon sa mga taong ito, normal para sa kahit na maliliit na grupo ng mga tao ang magkabuklod-buklod at magkaroon ng isang lider. Habang sa paningin nila ay normal para sa mga Katoliko ang magkaroon ng Papa, Patriyarko para sa mga Kristiyanong Orthodox, isang pinuno para sa mga Hudyo at maging sa mga mason na magkaroon ng isang Master, hindi naman normal sa kanila na ang mga Muslim na may 1.5 bilyong populasyon ay magkaroon ng isang lider na tinatawag. Sa ganitong klase ng pangangatuwiran ay mapagtatanto-tanto natin ang tunay na pagnanasa sa kanilang kalooban, kabaligtaran ng sinasabi nila at ito ay ang manatiling nasa pagkakawatak-watak ang mundo ng Islamiko. Maaring binabanggit nila ang mga katagang “ Napakaganda sana kung ang mga Muslim ay magkakaisa na” habang ang sistema naman na kanilang isinusulong na mamayani o maipairal ay nang-eengganyo naman ng hindi pagkakaisa at ng para sa pagkakawatak-watak sa mundo ng Islamiko.

Subali’t sa kaso ng pagkakaroon ng Pagkakaisa sa Islam, dito lubos ang pangangailangan sa pagkakaroon ng Hazrat Mahdi (as). Kung ang Hazrat Mahdi (as) ay magpapakilala na, ang mundo ng Islamiko ay buong katiyakang magkakaisa na. Ito, gaya ng nabanggit sa una, ay isang kondisyon sa batas ni Allah. Sa pamamagitan ng ating Propeta (saas), ipinahayag ni Allah sa ating mga Muslim na sa Panahon ng Pagwawakas ang ating magiging pinuno ay ang Hazrat Mahdi (as). Ang Hazrat Mahdi (as)  ay hindi isang tao na magiging pinuno sa pamamagitan ng eleksyon o botohan, bagkus siya ay isang nilalang, na naaayon sa kondisyon ng kanyang destinasyong na naitalaga na ni Allah, ay magiging kasangkapan para sa pagliligtas at pagkakaisa ng mundo ng Islamiko. Sinabi ng Propeta Hesus (as), “Sa Katapusan ng Panahon, ang isang nilalang mula sa aking lahi ay darating, magtatanggal ng kalupitan at kawalan ng hustisya sa mundong ibabaw, ang siyang makapagkakaisa sa mga Muslim at magliligtas mula sa kanilang pagkakalugmok.” Ito ang rebelasyon ni Allah sa Kanyang Sugo at siyang Solusyong ipapakita Niya sa mga Muslim na namumuhay sa Panahon ng Pagwawakas. Kung ang mga Muslim ay hindi tatalima sa daang ito na ipinahahayag ni Allah, at ang balewalain ang Hazrat Mahdi (as), na ang pagdating ay si Allah mismo ang naghayag, at bagkus ay mga kumikilos pa ng hango sa mga makasariling pangangatwiran, ang naghihintay na kabayaran sa ganitong estado nila sa Paningin ni Allah ay lalong malubha at malaking pagsisisi para sa kanila.

Sa isang kalagayang may buong lugod na pag-aalay at pagtalima sa landas patungo kay Allah, ang mga tunay na mananampalataya ay makadarama ng mga ibayong pagpapala, kagandahan at ligaya sa pamumuhay sa Panahon ng Pagwawakas, at sadyang mangangarap sila na makita na sa madaling panahon ang Hazrat Mahdi (as)  at ang maghangad sa pagkakaisa ng lahat ng mga Muslim sa ilalim ng kanyang pamumuno. Dapat pa rin nating mabatid na kahit na hindi gustuhin ng ilang tao o maging ang magsikilos upang labanan ito, Insha'Allah, ang pangako ni Allah ay buong katiyakang magaganap at ang Pagkakaisa sa Islam ay maitatatag sa pamunuan ng Hazrat Mahdi (as). Sa siglong ito, masasaksihan ang panahon na ang Hazrat Mahdi (as) ay magiging instrumento sa paglaganap nag moralidad batay sa Islam, ang pamamayagpag at pamamayani nito sa buong mundo, at ang pagsilay sa ilaw ni Allah na siyang magbibigay kaliwanagan sa buong sangkatauhan.

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/34880/yaong-mga-naghahangad-ng-pagkakaisahttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/34880/yaong-mga-naghahangad-ng-pagkakaisaTue, 30 Nov 2010 14:46:44 +0200
ANG MGA ASHAB AL-SUFFA NA GINUGOL ANG KANILANG YAMAN AT INILAAN ANG MGA SARILI SA PAGSISILBI TANGING PARA KAY ALLAH LAMANG AY TUNAY NA KAHANGA-HANGA’T DAPAT TULARAN NG MGA MUSLIM. Ang mga naging kasa-kasama ng ating Propeta (saas) ay mga kahanga-hangang tao dahilan sa taglay nilang mataas na antas ng moralidad at kakanyahan sa pagsasakripisyo ng mga sarili. Ang mga nabilang sa grupo na ito na tinawag na Ashab al-Suffa ay sadyang nagtakda na ng mga sarili para sa 24 oras na pagsisilbi sa bawa’t araw ng buong buhay nila para kay Allah lamang, hindi na sila nag-asawa pa, hindi na rin naghangad pa na makamit ang ilang bagay gaya ng magkapamilya, ng magkaroon ng mga anak, ng magmay-ari ng maraming materyal na bagay o ng makaabot sa anupamang mataas na posisyon o katungkulan, bagkus sila ay nanatili sa tabi ng ating Propeta (saas), sa lahat ng oras, kung kaya sila ay nabiyayaan na maturuan mismo ng ating Propeta (saas).

 


 

Ang mga kasa-kasama ng ating Propeta (saas) na napatigil sa antechamber na napadugsong kinalaunan sa hilagang bahagi ng Masjid al-Nabawi [ang Mosque ng ating Propeta (saas)] ay mga tinaguring mga Ashad al-Suffa. Sila ay mga bukod tanging pinagpala na hindi na nagsipag-asawa, wala ng mga kaanak o ni kaugnayan sa anumang tribo. Hindi rin nila iniugnay ang mga sarili sa negosyo o pagkita ng salapi, bagkus, ang tanging pinaglaanan ng panahon ay ang kitain ang kaginhawahan at kalinga mula kay Allah at kasama na ang makamit ang karunungan mula sa ating Propeta (saas). Malayo sa kanilang mga pamilya, isinara nila ang mga sarili sa anumang gawaing makamundo at patuloy na pinag-aralan ang Banal na Qur’an at ang nakinig sa mga katuruan ng ating Propeta (saas), at sila rin ang siyang napadala sa mga tribong Muslim upang iparating sa mga ito ang Banal na Qur’an at mga Sunnah. Sila ay nasa 400 hanggang 500 katao, at tinagurian ding mga Kawal ng Karunungan.

Ang ating Propeta (saas) ay masidhi ang hangad na mapalawak ang edukasyon ng mga ito.

At sa kaibuturan naman ng kanilang puso’t kaluluwa, ang mga natatanging nilalang na ito ay naglaan ng kanilang buong buhay tunay na para kaya Allah lamang, sa bawa’t pagtuturo ng ating Propeta (saas), sila ay wala palya o ni kapaguran para mapakinggan ang lahat ng ito. Sila’y laging nakahanda, kinabisa ng tapat at buo ang mga katuruan, na siya naman nilang ibinahagi sa iba pang mga kasa-kasama. Sinasabi na ang susunod na ayat ay patungkol sa mga Ashab al-Suffa (M.Hamdi Yazir, Hak Dini Kur'an Dili, The Language of the Qur’an, the Righteous Religion, 2/940)

“Ipagkaloob ninyo ang inyong mga kawanggawa sa mga mahihirap na mga Muslim na hindi kayang maglakbay para maghanap-buhay dahil sa pagiging abala nila sa ‘Jihâd’ o pagpupunyagi sa Daan ng Allâh (I). Iniisip ng sinumang hindi nakakikilala sa kanila, na sila ay hindi nangangailangan ng ‘Sadaqah’ (kawanggawa) dahil sila ay hindi namamalimos. Subali’t mababakas mo sa kanila ang kahirapan, gayong hindi sila nanghihingi sa mga tao kailanman. At kung sakaling sila ay gipit na gipit na, ay saka pa lamang sila manghihingi at kapag sila ay nanghingi, hindi sila nagpupumilit.At anuman ang inyong ginugol mula sa inyong yaman sa Daan ng Allâh, ay hindi maililihim sa Allâh (I) ang kahit na anuman mula rito. At walang pag-aalinlangan, gagantihan Niya kayo nang ganap na gantimpala at ito ay makakamit ninyo nang buung-buo sa Araw ng Muling Pagkabuhay.” (Surat al-Baqara, 273)
 


 

Halintulad nito, ang mga tagasunod ng Hazrat Mahdi (as) ay nakahanda ring maglaan ng bawa’t segundo ng kanilang buhay para kay Allah lamang, Insha’Allah, hindi nila kailanman iiwanan ang Hazrat Mahdi (as) at ni hindi matatakot sa anumang banta ng panggigipit o paghihirap man. At siyang tunay, Insha’Allah, ang mga magiging kasa-kasama ng Hazrat Mahdi (as) ay magsisipagsikhay na mabuti upang ang moralidad na napapaloob sa Banal na Qur’an ay ang siyang maka-domina sa ating buong sandaigdigan.

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/34309/ang-mga-ashab-al-suffahttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/34309/ang-mga-ashab-al-suffaSun, 21 Nov 2010 01:09:30 +0200
SADYANG BULAG ANG ATING PISIKAL NA MGA MATA, DOON SA ATING MGA UTAK NANANAHAN ANG TUNAY AT SIYANG MATA NG ATING KALULUWA (Hango sa isang live interview kay G. Adnan Oktar noong ika-16 ng Marso, 2010)

ADNAN OKTAR: "Siya ang Lumikha sa akin sa pinakamagandang anyo,kaya Siya rin ang naggagabay sa akin tungo sa anumang aking ikabubuti rito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay,at Siya rin ang nagbibigay sa akin ng biyaya na pagkain at inumin." (Surah Ash-Shuara, 78-79) Sa maikling salita, ag sinabi niya ay “Hindi ako makakakain at makakainom sa kung sa sariling pamamaraan ko lamang.” Ayon na rin sa kanya, Si Allah ang Siyang nagsasakatuparan upang ako ay makakain at makainom. Halimbawa, kukuha siya ng kutsara  at magsisimulang kumain. Ang Allah ang Siyang nagpapatupad ng kilos at pagkakaroon ng imahe ng pagkain, kumpleto lahat, upang maganap. Masasabi natin na ang isang tao ay hindi makapagsasabi ng “Ako ay nakakain na.” Si Allah ang nagpaganap na makakain siya, "Siya ang nagbibigay sa akin ng inumin." (Surah Ash-Shuara, 78-79) Sinabi ko lang noong isang araw: na ako ay umiinom ng linden tea. Si Allah ang Siyang nagtataas ng kopa pataas, ilalapit ito sa akin at hahayaan ako na makainom. Ginagamit Niya ang aking kamay bilang Kanyang instrumento. Ipinapakita ni Allah na animo’y naririyan ang aking kamay. Na ang katotohanan ay Si Allah ang Siyang maylikha ng kamay sa aking isipan. Ang aking kamay ay nakikita sa pisikal na anyo, subali’t ito ay transparent o lagpasan dahil sa istrukturang atomiko nito. Naipaliwanag ko na ito dati. Subali’t wala lang akong direktahang karanasan sa transparent na kamay na iyon. Ang aking naranasan ay iyong imahe lamang sa aking utak. Si Allah ang maygawa ng akto ng pag-inom sa loob ng aking utak. Kung kaya, masdan kapag ito’y aking itinaas, Si Allah ang Siyang nagdadala nito mula doon patungo dito at hahayaan maisalin sa aking bibig ang laman nito. Si Allah ang Siyang nagsasagawa ng akto ng pagsasalin. At ang Pinakamakapangyarihang Allah ang magbabalik din nito sa dating lugar. Kita ninyo? Ginagamit Niya ang aking kamay bilang Kanyang instrumento at ako ang pumapalit lamang dito. Subali’t hindi na ito mauunawaan pa ni Pelin. Ako ay inyong pinanonood na dito. Subali’t ako’y isang imahe lamang sa inyong mga utak. Hindi ba tama ito?

PRESENTER: Totoo yan.

ADNAN OKTAR: Tumpak. Kahit ang aking boses ay nasa iyong isipan lamang nabubuo. Nadidinig mo ba ang aking boses sa iyong utak?

PRESENTER: Oo.

ADNAN OKTAR: Tumpak muli.

PRESENTER: Ako ay nakakadinig sa pamamagitan ng aking utak.

ADNAN OKTAR: Ang mga sound waves na galing sa aking boses ay tumutungo papunta sa iyo. Aabot ang mga ito sa iyong tainga. Subali’t hindi ang tainga ang siyang nakakadinig dito. Ang tainga ang siya lamang taga-transmit ng mga ito sa utak, kaya ikaw ay nakakadinig sa loob lamang ng iyong utak. Madidinig mo ang electric current na umaabot sa utak, sa loob ng iyong utak. Halimbawa, ang kopa ba na siyang iniinuman mo ng tsaa ay nasa iyong utak lamang o nasa pisikal na anyo.

PRESENTER: Muli sa iyong utak?

ADNAN OKTAR: Muli ito ay nabubuo sa iyong utak, siyempre. Wala kang direktahang karanasan bilang kopa sa pisikal na anyo. Ito ay nakikita nga sa labas o pisikal na anyo, subali’t ito ay transparent.

PRESENTER: Subali’t nariyan ang kopa.

ADNAN OKTAR: Ang kopa ay nasa labas nga o pisikal na anyo. Subali’t ang kopa na siyang mayroong kang direktahang karanasan ay iyong nasa sa iyong utak lamang, hindi ba?

PRESENTER: Sila ang magkaparehong kopa.

ADNAN OKTAR: Subali’t ang kopa na mayroon kang direktahang karanasan, na iyong nararanasan at pinatutungkulang kopa, ay iyong nasa sa iyong utak. Wala kang direktahang karanasan doon sa isa na nasa sa labas. Iyon ay iba. Iyon ay hiwalay pang bagay. Ang mundo na iyong pinamumuhayan at nararanasan ay ang siyang importante. Ang tinatawag mong kopa ay ang imahe sa iyong isipan. Ang lasa na nagmumula sa kopa ay nabubuo rin sa iyong utak. Ang sense of touch ay nabubuo rin sa utak. Kaya, dahil Si Allah ay ang Siyang maylikha ng lahat ng ito, Si Allah rin ang Siyang gumagawa upang ikaw ay makainom mula sa kopa at pati na ang makakain. Si Allah ang maylikha ng lahat ng ito. Sinabi ni Allah,"Aking nilikha" ang mga panlabas na bagay. Subali’t muli ang mga iyon ay kawangis na anino lamang. Sa maikling salita, ang atomo ay walang istruktura na ating ipinalalagay. Ang atomo ay siyang nabuong lagay ng enerhiya, ito ay nabuong enerhiya. Kung kaya, tayo ay nakakakita sa atomo sa pamamagitan ng objective eye, na ang katotohanan wala tayong nakikita kundi madilim lamang. Kahit na tanggalin pa natin ang dilim na ito, makikita pa rin nating ang mga bagay ay transparent. Dahil sa ang mga bumubuo sa atomo, ang mga neutrons, mga protons at mga electrons, ay mga magkakahiwalay sa isa’t isa. Kung kaya sila ay may ganitong baku-bako na istruktura at makikita silang transparent dahil nga sa mga distansiyang ito. Gayundin, walang ni isang kulay sa labas at tanging ang utak lamang ang siyang nakakakilala ng mga kulay. Ito ay ang interpretasyon ng utak. Walang anumang pula o luntian sa labas. Walang anumang kulay o liwanag sa labas. Mayroong waves, tanging mga waves lamang. Subali’t ang utak ang nagsasabi na ang mga waves na ito ay siyang liwanag. Halimbawa, kapag ating titingnan ang Araw, ang Araw sa totoo lang ay sobra napakadilim, pagkadilim-dilim. Ang Araw ay naglalabas ng mga photons, light rays. Subali’t dumarating sa atin ang mga light rays sa pamamagitan ng mga waves, ang utak ang nagsasabing liwanag ang mga waves na iyon. At ito ay hindi sa dahilang ganito nga sila sa labas o pisikal na anyo. Nalalaman mo ba ito?

PRESENTER: Hindi, sa inyo ko lamang napag-alaman ito.

ADNAN OKTAR: Ito ay isang katotohanang pinatutunayan ng modernong agham. Lahat ng mga siyentipiko ay nagkakasundo sa paksa na ito. Sa kung papaano natin ito inilarawan. Halimbawa, ako ay nangungusap sa iyong harapan ngayon. Ako ay nagsasalita sa loob ng iyong utak. Tama di ba?

PRESENTER: Oo, ganito nga, kung pagbabatayan ko ang inyong sinasabi.

ADNAN OKTAR: Siyempre.At habang nagsasalita ako sa iyo, ako ay nagsasalita rin sa loob ng iyong utak. Kapag sinabi ko [ang iyong pangalan] 'Pelin' halimbawa, isang maayos na imahe ang nabubuo sa aking utak. At ako ay may direktahang karanasan nito. Ang aking kamay at iyong kamay ay nasa parehong lugar. Ang aking mukha at ang iyo ay nasa parehong lugar, mismo sa loob ng aking utak.

PRESENTER: Interesante.

ADNAN OKTAR: Siyang tunay. Ito ay isang siyentipikong katotohanan, Ako ay nagsasalita na animo’y ako ay nasa iyong harapan, mga isang metro ang layo. Subali’t hindi ito ang katotohanan. Ako ay nabubuo sa loob mo mismo. Tayo ay nag-uusap na ang isa ay nasa sa loob ng isa. Ang iyong boses at ang sa akin ay nabuo sa iisang lugar. Ito ay isang siyentipikong katotohanan na hindi mapapasinungalingan ninuman. Ito ay isang katotohanang na kahit mananampalataya o hindi man ay hindi kakayaning pasinungalingan.  

ALTUG BERKER: Parang sa isang panaginip.

ADNAN OKTAR: Oo, gaya ng sa panaginip. Hindi ba ganito tayo mag-usap, sa isa’t-isa, sa ating mga panaginip?

PRESENTER: Oo nga.

ADNAN OKTAR: Subali’t tayo ay nasa parehong lugar, hindi ba? Subali’t kung wawariin ay parang magkalayo tayo sa isa’t isa, hindi nga ba? Ang mundo na ito ay halintulad sa isang panaginip. Ang isang nilalang ay nagpapalipat-lipat mula sa isang panaginip patungo sa isa pang panaginip, pero ito ay sa isang mas klaro na panaginip. Patutungo pa tayo sa mas maliwanag na panaginip sa pagsapit ng ating kamatayan. Subali’t muli, ito ay kahalintulad pa rin ng sa panaginip. Ito ang sistema na nilikha ni Allah. Ito ay inihayag ng Pinakamakapangyarihang Allah ng sinabi Niya ang "Siya rin ang nagbibigay sa akin ng biyaya na pagkain at inumin." "At kapag may dumapo sa aking sakit ay Siya rin ang nagpapagaling sa akin mula sa sakit na ito." (Surah Ash-Shuara, 80) Halimbawa, siya ay pumunta sa isang doktor, at ang doktor ay nabubuo sa loob ng kanyang utak. Dadampot siya ng ilang mga gamot, maliliit na gaya nito. Siya ay pakikitaan ng isang maliit na puting bagay, na ang tawag ay pildoras, sa loob ng kanyang utak. Ating tandaan na ito ay isang imahe pa lang sa ating utak. Siya ay pinapakitaan na nilulunok niya ito at mag-i-imagine na siya ay pinagagaling nito. Subali’t hindi and gamot ang siyang nakapagpapagaling sa kanya. Ginagawa lamang ni Allah na instrumento ang gamot, ang katotohanan ay Si Allah ang Siyang direktahang gumagawa ng paggaling, ng mabuting kalusugan. Subali’t ang sadyang alam ng lahat ng publiko ay gumaling sila dahil sa pag-inom ng Aspirin o Gripin. Bagay na imposible.

PRESENTER: Kung ang isang tao ay gagaling din naman pala, kung sa nabanggit ninyong pangyayari. Kakailanganin pa rin ba na uminom pa ng kung anong gamot?

ADNAN OKTAR: Mali, kailangan pa rin nating tanggapin ang mga bagay-bagay nang naaayon sa natural na kadahilanan o kaparaanan. Ang mga ito ay nilalang. Halimbawa, kinakailangang magkaroon ako ng intensyon na abutin ang kopa ng tsaang linden. At ako nga ay nabibigyan ng pakiramdam na umaabot ang aking kamay. Ang kopa ay napapunta patungo sa akin. Ako ay may intensyon na gawin ito. Pero ang sistema sa Paraiso ay hindi katulad nito. Kapag ako ay may pakiramdam sa kopa, sa pag-inom, ang kopa ay dinadala patungo sa akin. Hindi na kakailanganing umabot pa ang kamay. Ito ay direktang tutungo malapit sa akin, sa kanyang sarili na lang.

PRESENTER:Kagaya ito ng paggamit ng isipan.

ADNAN OKTAR: Oo. Ito ay lalapit na lang na akala mo inabot lang ito ng aking kamay. Ngayon ang aking kamay ay naririto lang at nakababa, at ito ay isang bagay na gawa sa laman at dugo, hindi ba? Pero kung wawariin hindi normal na isipan ang laman at dugo ay may kakanyahang makinig. Halimbawa, kapag sinabi natin sa isang piraso ng karne na kinuha natin sa isang butcher, “Karne dumito ka ngayon na,” hindi ito makagagalaw o makagagawa ng kahit na ano. Mayroong kaluluwa na siyang mag-uutos sa laman ng kanyang gagawin. Ito ang Espiritu ni Allah. Ito ang kaluluwa na inihinga sa atin ni Allah. Sasabihan natin ang ating laman ng “Itaas mo ang kamay,” at itataas nga ng laman ang kamay sa hangin. Sasabihan nating damputin niya ang kopa, at ito ay tatalima. Subali’t lahat ng ito ay ipinakikita sa atin sa ganoong paraan, sa loob ng ating mga utak.

PRESENTER: Subali’t Si Allah ang Tanging gumagamot at nakapagpapagaling sa maysakit. Ang isang tao ay maaring gagaling o hindi, kahit pa inumin niya ang gamot o hindi.

ADNAN OKTAR:  Mali, hindi ito tama.

PRESENTER: Subali’t kung siya ay hindi gagaling kahit na pa inumin niya ang gamot, walang magagawa ang kahit anong dami pa nito ang inumin niya. Kaya, kung siya ay sadyang gagaling, kailangan pa ba na inumin pa niya ang gamot? Ito ang tanong na nabuo sa akin.

ADNAN OKTAR: Ang natural o likas na kaparaanan ay napakahalaga. Ang lahat ay nararapat na sumunod sa mga likas na kadahilanan. Halimbawa, ang pagkakasakit sa gitna ng matinding lamig. Kinakailangang niya magsuot ng tamang damit na panlamig. Ang isang tao ay sadyang magkakasakit o maging mamatay kung hindi siya talaga kakain. Kakailanganin niyang tiyak ang pagkain. Hinihingi ni Allah na tayo ay sumunod sa kalikasan ng mga bagay-bagay. Nilikha ni Allah ang isang perpektong pagkakaayon ng lahat sa kalikasan. Nilikha Niya ang magkakadugtong na mga kalikasan at lahat ng mga ito ay sadyang kakailanganin ng tao.  Ang buhok mo ay magmimistulang madumi kung hindi mo ito susuklayin. Halimbawa, nilikha ni Allah ang lahat ng uri ng pananamit. Sinabi ni Allah, "At gumawa rin Siya para sa inyo ng mgakasuotan mula sa mga bulak at lana…"(Surah An-Nahl, 81). Tama ito, hindi nga ba? Sinabi ni Allah na "….Siya rin ang nagbibigay sa akin ng biyaya na pagkain at inumin." Nilikha ni Allah ang lahat ng uri ng pananamit. Sinabi Niya, "….gumawa rin Siya para sa inyo ng mgakasuotan...." Sa ayat na ito inihahayag ni Allah na Tanging Siya Lamang, ang Siyang dahilan kung papaano tayo nakakapanamit.  Hahayaan ni Allah ang impresyon sa atin na ang mga damit ay ay gawa mula sa mga tahian ng readymade garment. Subali’t ang mga damit ay nabubuo sa loob ng ating mga utak. Lahat ng tao ay nakasuot ng damit sa kanyang utak. Hindi niya kayang suotin ang damit sa labas. Hindi niya kayang magmaneho ng kotse sa labas, Halimbawa, kapag pumasok ka sa kotse, ibibigay sa iyo ni Allah ang imahe na ikaw ay magmamaneho nga. Ang isip mo ay nakamaneho ka na nga. Ito ang perception na ibinibigay ng utak sa iyo. Halimbawa, kung inyong bibigyang atensyon, makikita ninyo na may oval screen sa ating harapan. Mayroong kotse nga sa labas, subali’t hindi tayo hinahayaan ni Allah na magkaroon ng direktang karanasan dito. Lagi lang nating naiisip ito at nakakaniig lang ang imahe nito. Walang sinuman ang magkakaroon ng direktahang karanasan sa bagay sa labas, Ito ay imposible. Ito ay para lang tayong patuloy na nanonood sa monitor o television screen sa ating utak. At alam mo ba na ang sukat ng television screen na iyan? Ito ay sinlaki lamang [gaya ng dulo ng isang ballpen].

PRESENTER: Ito ba ‘yung blind spot?

ADNAN OKTAR:  Hindi, ang sentro ng conscious perceptionay nasa utak. Ganito lang kalaki, isang maliit na piraso ng laman. Isang maliit na piraso ng laman na dinadaluyan ng dugo. Ang buong sansinukob, ang buong daigdig ang ang buhay mismo ay nabubuo doon. Halimbawa, ang taong nakatingin sa Araw o sa Buwan ay magsasabing “Napakaperpektong tingnan ng Buwan, ito ay masisilayan na naka-full moon.” Nakatingin siya sa Buwan subali’t nakikita ba talaga niya ang Buwan sa kanyang utak o ang Buwan sa panlabas?  

PRESENTER:Nakikita niya ang Buwan sa utak lang niya.

ADNAN OKTAR: Tumpak, iyong nasa kanyang utak lamang. Sa maikling salita, wala talagang nakakakita ng Buwan sa panlabas. Hindi nakikita ninuman ang Buwan sa panlabas. Hindi maaaring makita ang tunay na Buwan. May tunay na Buwan, subali’t ito ay hindi natin nakikita.

PRESENTER: Ito ba ay transparent?

ADNAN OKTAR: Siempre, lahat ng mga bagay sa labas ay transparent. Ito ay kailangan magkaganoon dahil na rin sa istruktura nito. It ay magmula sa mga neutrons, protons at electrons na sadyang hiwa-hiwalay sa isa’t-isa. At walang liwanag sa panlabas. Ang liwanag ay nabubuo lamang direkta sa ating mga utak. Ang sa panlabas ay madilim na madilim, buong kadiliman. Wala ni pinakamahinang tunog sa panlabas. Ang tunog ay interpretasyon din ng utak. Dapat mong malaman na ang utak nagko-convert sa sound waves na maging electrical impulses. At tinatanggap ng utak ang mga electric current bilang tunog. Iyan ang paraan ng pagkilala ng utak sa elektrisidad. Ang mga imahe ay pumapasok din sa utak bilang electrical impulses. Kinikilala ng utak ang mga electrical impulses bilang mga imahe. Lahat ng tainga ay bingi. Ang tainga ng tao ay sadyang hindi nakakadinig. Ang tainga sa ating utak ang siyang nakakadinig. Ito ang tainga ng ating kaluluwa. At walang matang nakakakita talaga. Lahat ng mata ay bulag, lahat. Ang magkaparehong mata ng tao ay bulag. Ang mata sa utak ang siyang nakakakita, at ito ang mata ng kaluluwa. Ang mata ng tao ay hindi nakakakita. At papaano naman ito makakakita?  Ang dalawang mata ay parang kamera, kamera lamang na binubuo ng laman. Ang mga kamerang ito ang nagko-convert sa imahe na maging electric energy; iyon lang. Wala silang iba pang specialty maliban sa pag-transmit ng mga ito sa utak. At sa wakas ay mararating nila ang sentro ng conscious perception at lahat ay kanyang makikita sa center of consciousness.

PRESENTER: Kaya maari ba nating maging konklusyon batay sa iyong mga nailahad ukol sa sentro ngconsciousness, na itong maliit na piraso ng laman na ito na tinawag ninyong center of consciousness ay lugar kung saan ang katawan at kaluluwa ay nagko-communicate? Na ito ang punto na kung saan mahahawakan nila ang isa’t-isa? Maari ba natin itong masabi?

ADNAN OKTAR: Nilikha ni Allah na ang consciousness ay maging likas na kadahilanan. Isipin mo, ang mga kadahilanan ay lubhang mahalaga. Si Allah ay may causal artistry. Kapag sinabi mo na kung saan sila ay nagtatagpo, ang address ay duon sa consciousness mismo. At nangyari lamang na ito ay iyong maliit na piraso ng laman. Sinabi ni Allah na sila ay nagtatagpo duon, at ipinapakita Niya sa atin ang lugar na iyon. Naglilikha Siya ng likas na kadahilanan, ito’y sa maikling pananalita.

PRESENTER: At iyan ay likas na kadahilanan din.

ADNAN OKTAR: Likas na kadahilanan lamang. Una sa lahat, ang Allah ay lumikha ng napakagagandang likas na kadahilanan na magkakadugtong. Halimbawa, iniabot ko sa iyo ang Banal na Qur’an. Sa totoo lang, Si Allah ang nag-aabot nito sa iyo. Pero sa tingin ay ako ang gumagawa nito. O dili kaya’y buksan ko sa isang pahina ang Banal na Qur’an at ihayag sa iyo ang sinasabi ng pahina. Sa totoo, Si Allah ang nagbukas sa pahinang iyon. Nagsimula akong magbasa at magsalita, subali’t Si Allah ang Siyang tunay na nangungusap. Si Allah ang gumawa sa aking boses. Tayo ay mga kaluluwa na sumusunod kay Allah sa loob ng ating mga utak.  Kung hindi, wala tayong anumang masasabing katangian. Ang ating mga katawan ay tunay na makikita sa panlabas bilang mga bagay, subali’t ito ay nasa sa lubhang kadiliman. Walang sinumang siyentipiko sa mundo ang tumutuligsa laban dito. Lahat sila ay nagsisipagsang-ayon dito maging sila man ay hindi mananampalataya o mananampalataya. Ito ay isang hayag na katotohanan.

PRESENTER: Nauunawaan ko.

ADNAN OKTAR:  Pero tanging isa lang sa bawa’t milyon sa ating lipunan ang nakakaalam sa katotohanang ito. Kokonting tao lamang ang nakakabatid nito. Halimbawa, napaaway ang isang tao. Subali’t siya ay may away sa taong iyon sa loob lamang ng kanyang utak. Hindi niya magagawang makipag-away sa taong iyon sa panlabas. Si Allah ang maylikha ng away na iyon. Halimbawa siya ay sisigaw at lalakas pa ang sigaw at lalo pa ito magiging galit, anas ang “Lahat ng aking pera ay nawala” o kaya’y “Ang aking bahay ay nasunog.” Subali’t ang pera lamang sa kanyang utak ang nawala, o ang bahay lamang sa kanyang utak ang nasunog. Ang isang nagbibilang ng kanyang dolyares ay nagbibilang lamang nito sa kanyang utak. Hindi siya magkakaroon ng direktahang karanasan sa mga dolyares sa panlabas. Ang mga electric impulses na tinanggap ng kanyang mga mata ang nag-transmit ng imahe ng dolyares sa kanyang utak. Ang mga electric impulses na ito ang siyang nagiging dolyares sa kanyang utak. Ito ay nagiging perceivable image at ang kaluluwa ang nakakakita dito. At ang tao ay nakakaranas ng ilusyon ng dolyares lamang sa kanyang utak. Wala siyang kakanyahang makaranas doon sa tunay.

PRESENTER:Kaya kapag ang lalaki na iyon ay nag-uumiyak sa pagkasunog ng kanyang bahay, siya ay umiiyak para sa bahay sa kanyang utak lamang. Subali’t ang bahay sa panlabas ay nasusunog din ka kasabay nito. Hindi ba?

ADNAN OKTAR: Siyempre mayroong bahay sa panlabas. Ito ay makikita sa labas subali’t….

PRESENTER: Ito [ang bahay sa panlabas] ay nasusunog din.

ADNAN OKTAR: [Pero] hindi sa paraang kanyang iniisip. Kung nakita niyang ang pagkasunog sa panlabas, halimbawa kapag ang isang bagay ay nasusunog ito ay nagbibigay ng malakas na liwanag,  pero ang pagkasunog sa panlabas ay hindi nagaganap sa ganoong paraan.

PRESENTER: Papaano nangyayari iyon? Alam ba natin kung paano?

ADNAN OKTAR: Sa labas ay sobrang kadiliman. Kaya sa ensensiya ang pagkasunog ay hindi nagbibigay ng liwanag. Ang matter ay transparent, dahil sa ang istruktura nito ay transparent. Halimbawa, walang mga tunog sirena sa panlabas. Ang tunog ng sirena ay nabubuo sa utak. Kapag dumating ang mga sasakyang pamatay sunog, kaalinsabay nito ang  pagsindi ng mga pulang ilaw. Subali’t walang pulang kulay sa panlabas. Ang utak lang ang kumikilala dito bilang pula. Ito ay kamanghaan ng mga nilikha ni Allah. Sa maikling salita, ito ay hindi matter na ayon sa pamilyar na pagkakaalam natin. Ito ay nilikha rin na parang wangis na anino ng nasa sa panlabas. Si Allah ang Pinakamataas sa lahat at ang mga nakikita natin ay hindi mga bagay-bagay sa paraang ating nalalaman, sila ay binuo bilang mga wangis anino. Si Allah lamang ang Pinakamataas sa lahat. Si Allah ay hindi nasasakop ng oras at ng espasyo, sa ibang salita, Siya ay lagpas pa sa oras at espasyo. Subali’t tayo ang siyang nasasakupan ng oras at espasyo.  

PRESENTER: Kaya hindi natin ito nalalaman.

ADNAN OKTAR: Tama. Ang mga tao ay hindi nakakabatid sa katotohanang ito. Halimbawa, ako’y magsasalita ukol sa Darwinismo, subali’t kung alam na ng tao ang paksa na ito, magiging imposible na sa kanila ang maging maka-Darwinismo, dahil sa ito ay isang bagay na hindi pa tapos at higit na mataas pa sa Darwinismo. Ang Darwinismo ay matutunaw dito, at maglalaho na lang. Walang sinuman ang maeengganyo pa sa Darwinismo dahil sa ang realidad na ito mismo ang siyang makakagawa na ang Darwinismo at ang iba pang mga pilosopiyang heretiko ay matunaw patungo sa kawalan.

ALTUG BERKER: Kung kaya’t ang Kabilang Buhay ay lubos na mauunawaan na.

ADNAN OKTAR: At doon lamang mauunawaan ang Kabilang Buhay, ang kamatayan, ang lahat-lahat ng mga bagay. Mauunawaan ng lubos ng tao ang Kapangyarihan ni Allah, ang Paraiso at Impiyerno ang lahat ng iba pa. Subali’t ang mga ito ay lubos na kinatatakutan ng tao, kaya sila ay atubili na pag-isipan ang mga ito. Hindi ito naaayon sa gusto ng ilang tao, habang ang iba naman ay takot na magmuni-muni ukol dito. At may iba pang sadyang hindi makakaunawa.

PRESENTER:Maari nga. Ang kakanyahan ng tao para makaunawa ay magkakaiba, kaya maaring hindi nila maunawaan nga.

ADNAN OKTAR: Subali’t ang tao na may kaluluwa ay makakaunawa dito, sa maikling salita kailangan dito ang pagkakaroon ng kaluluwa. Imposible sa isa na magkaroon ng kaluluwa at hindi makaunawa sa katotohanang ito. Kung siya ay espesyal na nilikha, ang ibig kong sabihin ay kung Si Allah ay hindi na naghinga ng espiritu sa kanya, hindi nga niya ito mauunawaan. Hindi mauunawaan ito ng isang patay na. Gaya ng alam natin, hindi lahat ng tao ay buhay. Maraming tao ang patay na, sila ay naglipana sa labas. Ito ay inihayag ng Allah sa Banal na Qur’an….

PRESENTER: Hindi ko alam iyan.

ADNAN OKTAR: Oo nga. Sinabi ni Allah ang ganitoc"(Lahat ng mga ito ay mga bagay na) walang buhay, at hindi nakakaramdam" (Surah An-Nahl, 21), at sinasabi na hindi nila alam.

ALTUG BERKER: Mayroon silang “mga mata subali’t hindi nila ginagamit sa pagmamasid." (Surah Al-Araf, 179)

ADNAN OKTAR: Mayroon silang mga mata subali’t hindi nila ginagamit sa pagmamasid, sinabi Niya ito. At ang kanilang mga mata ay hindi nakakakita. Mayroon silang mga tainga subali’t hindi nila ginagamit ang mga ito sa pakikinig, sinabi rin Nıya ito. (Surah Al-Araf, 195)

PRESENTER: Kung kaya ang mga taong katulad nito ang hindi mga makakaunawa.

ADNAN OKTAR:Tama, hindi nila mauunawaan. Kapag sinabi ko na hindi nila mauunawan, ito ay hindi sa kakulangan ng pag-unawa, subali’t ito’y sa dahilang sila ay mistulang mga robot na. Ang mga taong ito ay nabubuo ng laman at buto, hanggang doon na lang. Sila ay nagsasalita at kumikilos sa dikta ng pangatlong katauhan sa loob ng utak nila. Kaya aakalain mo na sila ay may malay. Minsan ang mga tao ay nagigising at nakapagsasalita sa kanilang panaginip, nakakita ka na ba ng ganito? Sila ay nagsasalita at nakapagbibigay pa ng normal, rasyonal na mga tugon. Halimbawa, kung magtatanong ka ng “Kumusta ka?’ ang taong nananaginip ay magsasabi ng “mabuti naman, salamat.” Subali’t siya ay nananaginip lamang at walang ideya sa kung ano ang nasabi niya. Ang isang tao ay natutulog sa ilalim ng hipnotismo, sa katunayan, literal na masasabing namamatay ang taong nasa ilalim ng hipnotismo, dahilan sa ang kanyang kaluluwa ay wala dito. Ang isang taong napailalim sa hipnotismo ay patay. Subali’t kaya niyang tumayo, ang mga mata niya ay nakadilat. “Nakikita mo ba ako?,” itanong mo ito. “Kitang-kita,” kanyang isasagot. “Sino ako?,” itanong mo naman. “Ikaw ay isang kaibigan,” kanyang sagot.  Pagkatapos sasabihin naman ng tao kanyang harap, “Ako ay isang tigre.” Makikita talaga niya ang tao na ito bilang isang tigre nga, hindi ba? “Nakikita mo na ako ngayon ay isang tigre, oo ako ay isang nagsasalitang tigre,” sasabihin nito. At siya ay tutugon ng, “Oo.” Sa totoo, maliwanag na makikita niya ang tao iyon bilang isang nagsasalitang tigre nga. Siya ay nakasigurado kahit na walang ganoon doon. Sa pagkakataong iyon, siya ay isang patay na bagay na lamang. Si Allah ang nagpapakita sa kanya, sa ganoong kaanyuan.  Pero sa kanyang paggising, siya ay papasok sa ganap na kakaibang mundo. Alam ito lahat ng mga hipnotiko. Ito ay laganap at maraming nakakabatid. Napag-isipan mo na ba ito dati, Pelin? Itong aspeto na ito ng matter?

PRESENTER: Hindi.

ADNAN OKTAR: Hindi ninyo pa nagagawa, tama ba?

PRESENTER: Hindi pa.

ADNAN OKTAR: Halimbawa, kung gugustuhin ng tao kaya niyang makapasok sa kanyang utak, sa maikling salita kaya ng tao na makapasok sa consciousness o kamulatan. Kapag napasok na niya ang kamulatang ito, ang mga laman at buto ay mapupunta sa ibang kalalagayan. Ang taong ito ay maaaring maging ganap na iba.

PRESENTER: Papaano?

ADNAN OKTAR: Sa literal na pag-unawa, mararamdaman niyang siya ay isang kaluluwa. Mararamdaman niyang siya ay isa ngang kaluluwa. Dama niya kaluluwa siyang nabubuo ng imahe, ito’y sa dahilang siya ay mayroong direktahang karanasan na pakikiniig sa imahe sa utak niya. Walang sinuman ang nagkaroon ng pakikiniig sa mga bagay sa panlabas, wala ninuman mula noong pang panahon ni Propeta Adan (pbuh). Ito ay imposible. Si Allah lamang ang tunay na nakakaalam ng orihinal na bagay-bagay sa panlabas. Hindi ito kayang maarok ng mga tao. Subali’t ang realidad na ito ay maliwanag na ipinaliliwanag sa mga tao, ito ay sa aking pananaw, at ito ay magiging higit pang maliwanag sa mga darating na mga taon, mas higt na maraming tao pa ang makakakuha nito at marami pa ang makakaunawa sa nasabing realidad.

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/34064/sadyang-bulag-ang-ating-pisikalhttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/34064/sadyang-bulag-ang-ating-pisikalSun, 14 Nov 2010 23:23:49 +0200
HINDI MAUUNAWAAN NG MGA MAPAGKUNWARI ( HIPOKRITO ) ANG PAGMAMAHAL NG ATING PROPETA (SAAS) PARA SA MGA KABABAIHAN. HINDI NILA LALONG MAAAROK ANG KANYANG PAGPAPAKASAL KAY HAZRAT ZAINAB (RA) Hango mula sa isang Panayam kay G. Adnan Oktar ng Kocaeli TV (Ika-3 Setyembre, 2010)

OKTAR BABUNA:Kailan lang ay iyong ipinaliwanag na ang mga mapagkunwari o mga hipokrito ay kaanib ni satanas at sila ay mga kaibigan ni satanas. Ako ay nagbabasa ngayon ng isang ayat na nababagay rito; Ako ay nagkukubli sa ilalim ng pangangalaga ni Allah laban kay satanas; “….at grupo na karapat-dapat maligaw mula sa matuwid na landas dahil sa pagturing nila sa mga ‘Shaytân’ bilang ‘awliyâ`’ (tagapagtaguyod) bukod sa Allâh (I), at sila ang sinunod nila bilang kamangmangan at pag-aakalang sila ay sumunod sa daan ng patnubay.” [Al-Qur’an 7:30]

ADNAN OKTAR:Hindi ito gaanong nakakakuha ng atensyon; at ang ilan sa ating mga Muslim ay umiiwas o hindi hinaharap ang mga paninirang ibinabato laban sa ating Propeta (saas). Nananatili lang silang tahimik. Aking gustong bigyang diin ang isyung ito. Bukas, akin itong higit pang malalim na tatalakayin, akin itong  nais pag-usapan sa mga darating pang mga araw. Ang mga taong ito ay laging makatuon lamang ang kanilang mga sarili sa naging pagmamahal ng ating Propeta (saas) para sa ilang kababaihan. Kahit ano pa ngang bisitahin nating Internet site na siyang pag-aari ng mga ateista (mga walang dinidiyos) ay ito ang paksa na tinatalakay. Ang ating inang si Zainab ay nakita ang Propeta (saas), nakita niya ang moralidad nito, ang kanyang taglay na kagandahan. Sa puso niya naroroon na ang pag-ibig para sa dito. Ginusto niya na mapakasal dito. Nagustuhan rin naman siya ng ating Propeta (saas), Nagustuhan niya ang moralidad nito, ang  kanyang personalidad at kagandahan. Ninais din niya na ito ay mapakasalan. Sinabi ni Allah na nasa sa puso na nga niya ito. Subali’t ang ating Propeta (saas) ay kumilos ng may buong pag-iingat upang mapigilan na agad ang anumang masamang maaaring idulot ng mga mapagkunwari’t hipokrito at mga hindi nananalig.  Kaya’t hindi niya isinaliwalat ang tunay niyang opinyon ukol dito. Dito ang sabi ni Allah na siya (Propeta (saas)) ay nagtitimpi lamang, na siya ay nakakaramdam ng pagkahiya. Subali’t ang sabi nga ni Allah, siya ang maghahayag nito sa lahat. Humingi siya (Zainab) ng diborsyo. Ang ating Propeta (saas) naman ay patuloy na nagsabi sa kanila na ituloy pa rin ang kanilang pagiging kasal, at huwag magdiborsyo. Subali’t muli sinabi ni Allah na tunay na nais niya ito sa kanyang puso. Kaya’t kumuha siya (Zainab) ng diborsyo at nagpakasal sa ating Propeta (saas). Siya ay isang tunay na matalinong babae. Ang isang Propeta ay darating minsan lamang, at kung nais ng isang babae na makapiling ito sa buong buhay niya, bakit niya ipagkakait ang karapatang ito sa sarili? Bakit kailangan siya maging obligado [na manatili kasama ang dating asawa]?  At si Allah mismo ang nagtakda sa ating Propeta para sa kanya. Napakaganda nito. Ako ay lubos na nagagalak sa ikinilos ng ating ina. Akin siyang binabati. Nawa’y gawaran ito ni Allah ng Kanyang pagpapala. Subali’t sa ilang mapagkunwaring Muslim, nakikita nila ito bilang hindi maganda sa paningin. Subali’t ako naman ay nagagalak para dito, sa kagandahang ito na ipinamalas ng ating ninunong ama. Ito ay isang napakamagandang kilos. Aking bukas-palad na tinatanggap ang pag-ibig at pagmamalasakit na kanyang ipinadama para sa mga kababaihang ito. Akin itong tinatanggap ng malugod.  

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/34063/hindi-mauunawaan-ng-mga-mapagkunwarihttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/34063/hindi-mauunawaan-ng-mga-mapagkunwariSun, 14 Nov 2010 23:13:07 +0200
HINDI NAIS NI ALLAH ANG KAWALAN NG HUSTISYA PARA SA TAO, KABUTIHAN ANG TANGING NAIS NIYA PARA SA MGA ITO KAYA'T ANG MAHDI AY HINDI PARA PADANAKIN ANG DUGO. ADNAN OKTAR: Sige Oktar, ipagpatuloy mo.

OKTAR BABUNA: Astagfirullah, Aking Guro.

ADNAN OKTAR: Ito ay magnifico - “Kami ay magpipilit na bumisita sa Azerbaijan dala lamang ang aming mga ID cards.” Lahat ay dapat itong ipagpilitan; sinasabi ko ito sa lahat ng nagmamahal sa akin, sa lahat ng ating mga kapatid, at para sa lahat; atin ito mabilisang bigyang kalutasan. Ano nga ba ang kahulugan ng ‘pagpasok dala ang pasaporte papasok ng Azerbaijan?’ Ako ay papasok ng Azerbaijan at magpapakita ng pasaporte sa gate. Hindi ito kapani-paniwala. Nagpapakita ba ako ng pasaporte kapag ako ay bumibiyahe sa Konya? Ang ating relihiyon ay iisa, ang ating lengguwahe ay iisa, at magkakapareho tayo sa lahat ng bagay. Papaano mo kami pagagamitin ng pasaporte? Papaano ito magiging katanggap-tanggap? Dapat alisin ito agad-agad. Lahat ay dapat ipilit ito, ipipilit naming lahat ito  insha’Allah.
 “Ikaw ang siyang  mamumuno sa mundo ng Islam;” ang pangalawa sa hanay ng Al Qaida na si Al Zawahiri “ay tumukoy sa bansang Tukey bilang siya nang lider ng mundong Islamiko.” Kita ninyo na, kahit na sila ay nauunawaan na ang Hazrat Mahdi (as) ay dumating na. Tama?
Subali’t, sadyang iba lang ang kanilang pamamaraan. Ang Hazrat Mahdi (as) ay hindi para padanakin ang dugo. Winika ng ating Propeta (saas) ang mga ito, “Hindi siya magpapadanak ng ni isang patak na dugo” at ng “ni isang ilong ay hindi paduduguin;” sinabi niya na ang Mahdi ay “hindi para manggising sa nahihimbing.” Pagmamalasakit, lambing ng pagmamahal, awa, pag-ibig at katwiran ay ang mga katangian ng Mahdi. Kailan lamang, napakinggan ko ang pananalita ng isang muhong na sarado ang pag-iisip, nagpatungkol siya sa paglalarawang ito ng Mahdi at nagsabi na “papaano magkakaroon ng ganitong mga katangian ang Mahdi?” Ikaw na baluktot ang pananaw, ito ay karakter ni Allah. Ikaw na taong makitid ang isipan, ito ang siyang nais ni Allah. Hindi gusto ni Allah ang pagpapahirap. Ayaw ni Allah na dumanak ang dugo. Hangad ni Allah ay kabutihan para sa lahat.  May isang ayat sa Banal na Qur’an, sinabi ni Allah, “Ano ang paggagamitan ni Allah sa iyong ginagawang pagpapahirap?” Sinabi Niya na bakit ka dudulutan ng pasakit ni Allah. Mayroong ayat na nasa kontekstong ito. Tama? Ang muhong na iyong ay sadyang nais ang dugo kagya’t nagpipilit ng pagkakaroon ng pagdank nito.  Ang sabi ng ating Propeta ay ito, “Hindi siya magpapadanak ni isang patak na dugo.” At ang isang ito ay nagsasabi na, “hindi, gusto ko ng dugo!” Ang ating Propeta (saas) ay nagsabi na “hindi siya magpapadanak ng ni isang patak na dugo”.. ni isang “patak”.. pakinggan maigi nagbigay pa siya ng detalye sa pagsasabi ng “patak.” Sinabi niya na “Aalisin niya ang lahat ng sandata.” Walang gagamiting sandata o dugo man sa panahon ng Hazrat Madi (as). Naghanda sila ng digmaaang nukleyar laban sa Iran subali’t sa kagustuhan na rin ni Allah, ito ay ating napigilan.

OKTAR BABUNA: Opo, Aking Guro, kayo po ay naging instrumento upang mapigilan nga ito.

ADNAN OKTAR: Aming itong napigilan sa pamamagitan ng aming mga pagpupulong, lihim man o hayag. Nagkaroon din kami ng mga pribadong pagpupulong, nakipag-usap kami sa mga Israeli, sa mga rabbi ng Sanhendrin. Kami ay mga nakapag-usap at nakumbinsi namin sila. Nakipag-usap rin kami sa mga Amerikanong Ebangheliko, ipinaliwanag namin sa kanila ang tunay na anti-Christ – ang Darwinismo at materyalismo. Binigyan namin sila ng babala na tutungo lamang sila sa maling direksiyon at sila’y aming napahinuhod. Nakumbinsi rin namin si Obama. Kundi’y nakaalis sila mula sa Turkey na puno na ng dugo ang kanilang mga kamay. Gagawin nila ito sa mundo at sa Iran lalo na. Nag-isip na sila na magpadala’t magpasabog na ng mga bombang nukleyar sa Teheran, ito ay aming napigilan sa kagustuahan na rin ni Allah inshaAllah. Kundi’y, napalungi rin nila si Ahmedinejad na dati’y wika ang “aming lilipulin ang Israel.” Dating niyang sinasabi ang mga katagang “aming tatanggalin sa mapa ang Israel” bunga ng panlilinlang sa kanya ng mga nagpaplano na mga Anti-Christ. Amin siyang binigyang babala at sinabihan ng “ano ang iyong ginagawa?” Sinabi namin sa kanya na ang Mahdi (as) ay hindi para magpadanak ng dugo, ni hindi gigising sa taong nahihimbing; sinabi namin na “nagkakamali ka, itama mo ang iyong mga pananalita.” At sa harap ng pangmundong press, nagbigay siya ng pahayag at nagsabi na: “Ang aking mga nasabi ay hindi lubos na naunawaan; hindi kami nagpaplano ng anuman laban sa Israel. Ang hinihintay na Mahdi (as) ay hindi para magpadanak ng dugo, ni isang ilong ay hindi paduduguin, siya ay magdadala ng kapayapaan, pag-ibig at kapatiran sa daigdig.” Mayroon video record dito, atin ito i-play. Binago na niya ang lahat ng paraan ng kanyang pananalita. Kahit na ang mga rabbi ay nagtanong ng “mapapaniwalaan ba naming siya, posible kaya na pakana lang ito at isa lang niyang panlilinlang?” At sinagot namin sila ng: “hindi, hindi siya nanlilinlang, ito ang ating destinasyon.” Sinabi ko sa kanila na ito ang ating destinasyon at ito ang ipinag-uutos ni Allah; na ito ang gagawin ng Hazrat Mahdi (as). At akin silang nakumbinsi, inshaAllah.

OKTAR BABUNA: Higit pa riyan naghayag kayo ng panibago sa kanya at na kanya namang inulit kada salita. Sinabi ninyo dati na ang bombang atomiko ay mahigpit na ipinagbabawal ng Islam at walang Muslim ang gagawa ng bagay na ito; inulit niya ang eksaktong mga pananalita ninyo at sinabing “Ang bombang atomiko ay mahigpit na ipinagbabawal sa Islam.”

ADNAN OKTAR: Sinabihan ko siya na ulitin ito ng maraming beses at kanya namang inulit ito na maraming beses nga. Siyempre, may mga rabbi na Sanhendrin dito; tinanong nila ako kung mapagkakatiwalaan nga ba ang mga salitang ito mula sa kanya. Sinabi ko sa kanila na mapagkakatiwalaan nila ako kung hindi nila kayang pagtiwalaan ito. At sila ay sumang-ayon, nagwika na “ikaw ay aming pinagkakatiwalaan” at sinabi ko sa kanila na “kung gayon wala ng dapat pang ipag-alala” inshaAllah.

OKTAR BABUNA: Gayundin, ang mga politikong Israeli ay dumating din kasama ang mga representante ng mga relihiyon at mga rabbi ng Sanhendrin; at ito ay sinabi ninyo sa pagpupulong.

ADNAN OKTAR:  Hindi namin hahayaan ang sinuman na guluhin ang Israel gaya ng hindi rin naman naming hahayaan ang sinuman na guluhin ang Iran o Iraq. Hindi namin hahayaan ang pagdanak ng dugo sa mundo inshaAllah. Kami ang mga matibay na bantay ng Hazrat Mahdi (as), ako ay disipulo ng Hazrat Mahdi (as), ako ay alipin tunay ng Hazrat Mahdi (as). Wala akong ibang naisin man. Ito ang sadyang kalalagayan inshaAllah, ito ay maliwanag na nakikita, ang ibig kong sabihin ay, ang aming mga kilos ay patungo sa ganoong direksyon inshaAllah.

OKTAR BABUNA: Masha'Allah Aking Guro. Nawa’y mapasainyo ang pagpapala ni Allah.


 

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/34062/hindi-nais-ni-allah-anghttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/34062/hindi-nais-ni-allah-angSun, 14 Nov 2010 23:08:16 +0200
PAANO MAKIKILALA ANG HAZRAT MAHDI (AS)? PANAYAM (LIVE INTERVIEW) KAY ADNAN OKTAR SA KACKAR TV

(Ika-8 ng Enero, 2009)

ADNAN OKTAR: Sa una, ang Hazrat Mahdi (as) ay makikilala lamang sa liwanag na dala ng kanyang pananampalataya. Sa madaling salita, hindi tayo makatitiyak. Tayo ay mapag-iisip kung ito na nga ba ang nilalang na iyon.  Sa simula ay magkakaroon tayo ng napakalaking pagdududa, Subali’t ang tunay na pagkakakilanlan ay magaganap sa pananalangin niyang kasa-kasama ang Propeta Hesus (as). Mula sa likuran, itutulak siya ng Propeta Hesus (as) upang gumanap sa papel ng imam. Matapos na italaga siya ng Dakilang Propeta sa papel na imam, sasabihin na nating ito na nga ang siyang tunay na Hazrat Mahdi (as), insha’Allah.                        

PANAYAM KAY ADNAN OKTAR SA KANAL 35 (IZMIR)

(Ika-18 ng Enero, 2009)

ADNAN OKTAR:  “Ang matatapat at malalapit na tagasunod, mga pinakamalapit sa kanya, ay makakakilala sa kanya mula sa taglay na liwanag ng kanyang pananampalataya. Sa kabilang banda, walang makakakilala sa kanyang ng agaran at ng may katiyakan.” Winika ito ni Said Nursi sa pahina 60 ng kanyang Mga Sulat. (Said Nursi, Letters, p. 60) Sinabi niya na ang mundo ay lugar para sa karanasan at kung ito man ay bukas sa isipan ay hindi maaaring lumagpas sa kanyang hangganan, ang ibig sabihin ay ang kalayaan ng tao sa isipan at pagkilos (freewill) ay hindi maiaalis sa kanila, at walang maaaring maganap para pilitin ang tao sa pagkakaroon ng pananampalataya. Kung kaya karamihan sa malaking mayorya ng mga tao, at maaaring ang taong iyon mismo, ay hindi nakakabatid sa kanyang tunay na pagkakakilanlan, at ang taong ito ay maaaring makilala lamang sa katingkaran ng liwanag ng kanyang pananampalataya sa Katapusan ng Panahon, ang Hazrat Mahdi  (as) ay maaaring makilala sa ganitong kaparaanan.

PANAYAM KAY ADNAN OKTAR SA KON TV

(Ika-8  ng Pebrero, 2009)

ADNAN OKTAR: Ang espada ng ating Propeta (saas) ay may magsusukbit na sa unang pagkakataon, walang sinuman ang nakapagsuot ng espada ng ating Propeta (saas). Siya mismo ang magsusukbit sa sarili ng espada.  Wala pang nakapagsuot ng damit ng ating Propeta (saas), siya ay magsusuot nito. Itataas niya ang bandera ng ating Propeta (saas). Ang mga tao ay matatangay ng pagkakataong iyon na kung saan ang lahat ay magtitibay ng pakikiisa at pagtalima. Ito ay isang pangako na pagpapakita ng pagmamahal sa kanya, at ito ay malapit nang maganap.

PANAYAM KAY ADNAN OKTAR SA TEMPO TV

(Ika-13 ng Enero, 2009)

ADNAN OKTAR: Ang pinaka-kakaiba at hindi maikakailang katangian ng Hazrat Mahdi (as) ay ang kanyang panananalangin kasama ang Propeta Hesus (as). Ang Propeta Hesus ang siyang maglalagay sa kanya mula sa likuran at sasabihing siya na ang mamuno sa salat. Subali’t hahawak ito sa magkabilang balikat ng Propeta upang ito ang paganapin. Ang Propeta Hesus (as) ay tatanggi at magsasabing “ikaw na ang imam, dapat mong pamunuan ang pagdarasal.” At siya na nga ang mamumuno sa salat, dito na mabibigyan ng buong diin ang liderato ng Hazrat Mahdi (as).

PANAYAM KAY ADNAN OKTAR SA KANAL 35 (IZMIR)

(Ika-18 Enero, 2009)

ADNAN OKTAR: Kung saan man naroroon ang mga Sagradong Relikya, naroroon dito mismo ang Hazrat Mahdi (as) insha’Allah. Sa gawa ni Allah, ang mga Sagradong Relikya ay na-preserba at napangalagaan sa Istanbul, kahit pa man ito ay nasakop minsan ng mga kalaban, maaaring hinayaan na lang ni Allah na may mangyari sa mga ito, subali’t hindi ito ang nakatakda (destiny). Halimbawa, walang anumang nangyari sa espada ng ating Propeta (saas), ito ay na-preserba hanggang sa kasalukuyan. At wala ring anumang nangyari sa kanyang bandera, at ito ay na-preserba rin. Mayroon pa ngang pangalawang bandera, at ang Hazrat Mahdi (as) ang magbubukas nito, ayon na rin sa ating Propeta (saas). Ito ay natitiklop sa balat ng antelope at ito ay hindi pa rin nabubuksan, at ito ay nasa sa Topkapi Palace.

ADNAN OKTAR:  Ang bandera, insha’Allah. Siya ay magpapakita suot at dala ang mga Sagradong Relikya, at ito ay magdadala na masidhing kagalakan sa mga Muslim, insha’Allah. Insha’Allah, tayo ay mabubuhay upang masaksihan ang mga araw na iyon. 

PANAYAM KAY ADNAN OKTAR SA KANAL 35 TV (IZMIR)

(Ika-25 ng Enero, 2009)

ADNAN OKTAR:  Ayon sa salaysay ni Naim mula sa sinabi ni Salman Ibn Isa: “Aking narinig na ang Ark of the Covenant ay mahuhukay mula sa Lawa ng Tiberias at mapapasakamay ng Hazrat Mahdi (as).” Ang banal na arko mula pa sa panahon ni Moises (as) ay matatagpuan sa Lawa ng Tiberias at ilalagak sa kanyang harapan sa Herusalem. At kapag ito ay nasaksihan ng mga Hudyo, malaking mayorya sa kanila ay magiging mga Muslim, wika niya.

PANAYAM KAY ADNAN OKTAR SA EKINTURK TV

(Ika-27 Abril, 2009)

ADNAN OKTAR:  May pinaniniwalaan na kapag nagpakita na ang Hazrat Mahdi (as), sa isang iglap ay ilalagay niya sa estado ng kalituhan ang lahat ng bagay. Ang mga tao rin ay magbibigay ng matinding kalupitan sa Hazrat Mahdi (as). Ilalagak siya ng mga tao sa bilangguan, sisirain ang kanyang pangalan, magpaplano ng kasamaan laban sa kanya. Ito ay mangyayari ng maraming beses, paulit-ulit, ito ay hindi magiging isang kaso lamang. Ang akala ng mga tao ay ang Hazrat Mahdi (as) ay mabibilanggo sa kulungan minsan lang, sisirain ang pangalan minsan lang. Subali’t hindi ito ang magiging kaso. Ito ay magaganap ng paulit-ulit. Ito ay magpapatuloy. Kundi ito ang magiging situwasyon, parang tinanggalan na rin natin siya ng kapangyarihan bilang Mahdi. Upang ang kanyang pagpupunyagi, kapangyarihan at  sakop ng pananampalataya ay lubos na maunawaan, ang mga insidenteng ito ay kinakailangan.  Kung hindi ito ang mga situwasyon, lahat ay naglalakad patungo na sa tuwid an daan. Kinakailangang magkaroon ng mga butas o hukay sa daan, ng mga balakid, ng mga matitinik na harang upang ang mga balakid na ito ay suungin ng bawa’t isa sa buong abot-kaya niya. Kundi, ang pagtakbo sa isang makinis na na daan ay napakadali; lahat ay makagagawa nito. Tawagin mo at pagsama-samahin ang mga kabataan, at sabihin sa kanilang takbuhin ito, makikita mong tatakbuhin nilang lahat ito. Subali’t kapag nilagyan mo ng bigat na 50 kilo sa kanilang mga paa, at sabihin sa kanilang tumakbo, marami ang hindi makakakaya nito. Kung lalagyan mo ng higit pang timbang o bigat, hindi nila lalong kakayanin pa. Subali’t 100 kilo ang ilalagay nila sa kanya [Hazrat Mahdi (as)], pero makatatakbo pa rin ito na gaya ng mga leon. Maglalagay ng mga balakid ang tao sa daraanan niya, tatakbo’t tatakbo pa rin siya. Kahit, ito ay nababanggit sa mga hadith, na ang mga tao ay maghaharang ng mga ga-bundok na balakid sa daraanan niya, siya [ ang Hazrat Mahdi (as)] ay makakakita pa rin ng lagusan upang makatuloy. Isipin mong maigi, ito ay ga-bundok na balakid na! Ang mga tao ay magbibigay sa kanya ng mabibigat, matitinding pagpapahirap sa kanya, sila ay magbabalak ng matitinding kasamaan. Mga sinungaling na saksi, mga sinungaling na manggagamit o manlalaro, mga impostor…Lahat ng mga bagay at paraan na naaari sa panahong iyon ay gagamitin nila  laban sa Hazrat Mahdi (as). Subali’t makikita ninyo, walang makapipigil sa kanya. Siya ay magtutuloy-tuloy lang patungo sa kanyang layunin habang sinusugpo niya silang lahat ng buong puwersa, buong lakas. Sa ganitong kadahilanan, marapat na hanapin mo ang Hazrat Mahdi (as) kung saan ang mga insidenteng ito ay nagaganap.  Kung saan maraming atakeng nagaganap laban sa kapwa-tao, matinding paniniil sa tao, sa kanyang pagkatao, na kung saan ang lahat ng tao, may matitinding kalaswaan (perversion), si satanas ay [nagbibigay ng matinding pananakit] sa tao, ang mga maka-ateismo o ang mga walang kinikilalang Diyos,  ang mga komunista, ang mga darwinista, mga patapon sa lipunan (outcasts), mga nagbebenta ng laman, mga buktot o masasamang elemento…kung saan mayroon ng mga ito, kung silang lahat ay magsama-sama upang atakihin ang isang nilalang kung saan man, doon dapat hanapin natin ang Hazrat Mahdi (as), kung ang ating mga kapatid ay nais talagang makita siya; batid nating nagtatanong sila kung papapano matatagpuan ang Hazrat Mahdi (as);  buweno, ito na nga ang siyang daan upang siya ay matagpuan. Halimbawa, nais nating matagpuan ang Propeta Moises (as) at tayo ay namumuhay sa panahon ng Parao. Tayo ay nasa Ehipto at magtatanong ukol sa Parao. Tayo ay maaaring tumungo sa Parao, o dili kaya’y ipagsabi sa mga tao na hanap natin si Moises (as). Ituturo tayo ng mga tao sa Parao bilang siyang tunay na nakakaalam [ang siayang tiyak na makapagtuturo]. Sasabihin nilang doon tayo sa Parao pumunta.  Maituturo niya kung sino nga si Moises (as) sa mga paraan ng pag-atake [ng Parao] na ginagawa laban dito. Halimbawa, kung ikaw ay makapunta kay Namrud, madali nating mauunawaan kung sino si Propeta Abraham (as). Mauunawaan natin ito sa pamamagitan ng mga ginawa niyang pag-atake laban kay Abraham (as). Dahil si Namrud ay ang nagbalak na sumunog sa iisang natatanging tao lamang, si Abraham (as). Hindi ba? Bakit hindi niya tinangkang gawin ito sa iba rin kundi kay Abraham (as) lamang. Dahil nakita niyang siya lamang [Abraham (as)] ang pinakamatinding balakid sa kanya. Bakit? Dahil sa Si Allah mismo ang nagturo sa kanya kung sino ang kanyang matinding balakid. Sa ganitong  kadahilanan, ang mga maka-dajjalismo, ang mga maka-paraoismo, ang mga namrud ng panahon, ang mga Ergenekon, ang grupo ng mga mason (freemasonry), mga patapon (outcasts), mga darwinista, mga maka-materialismo ng panahon ay makakatagpo niya. Sasabihin nila, “Hayun siya! Kailangang tapusin na natin siya.” Habang ang mga Muslim ay hindi makapupuna dito. Ang mga nabanggit [iyong mga unang nabanggit natin] ay mabilis na makakikilala sa kanya. Sa ganitong kadahilanan, kung bigo ang mga Muslim na makapuna dito, mabilis naman na makapupuna dito ang mga kampon ng dajjalismo. Halimbawa kung tatanungin mo ang Baron, malalaman niya ito. Kung tatanungin mo siya kung sino ang pinakamatinding balakid, agad niya maituturo ang nilalang na iyon. Pero siyempre,hindi niya masasabi na “Siya ang Mahdi.” Maibibigay lamang niya ang kasagutang ito kung ang taong mo ay kung sino ang pinakamatinding balakid [sa kanyang sistema]. Ito ay sa dahilang hindi niya matatanggap ang Hazrat Mahdi (as), una ay hindi nga siya naniniwala kay Allah, kaya papaano niya makakayang tanggapin ang Hazrat Mahdi (as)? Kung tatanungin mo sino kung sino ang pinakamatinding kalaban niya, sa istruktura na kanyang binuo at mga pinaglalalayon, dito siya ay magasasabi lamang niya ang “Hayun siya!” Kaya doon sa lahat nang nais na makaalam ay dapat magtanong sa kanya.  Subali’t ang karamihan sa mga Muslim ay hindi makakilala sa Hazrat Mahdi (as). Maging ang mga disipulo ni Said Nursi ay hindi batid ito, ayon na rin ito kay Said Nursi. Sinabi ni Said Nursi na sa Katapusan  ng Panahon, ang Hazrat Mahdi (as) at kanyang mga disipulo, ang mga tunay na nagmamay-ari ng koleksiyon ng Risale-i Nur, ay darating.  Ang Hazrat Mahdi (as) ay magdaraan sa matinding pagpapahirap, at ang mga tao naman ay magiging higit na sensitibo upang siya ay maprotektahan at magsasabing “Tama na ito!” At maging ang kanyang mga tagasunod ay magdaraan din sa matinding at kakaibang pagpapahirap. Oo, ang Hazrat Mahdi (as) ay daraanan nga ang mga pagpapahirap na ito, subali’t ito ay kasama sa kanyang katangian, sa pagiging Hazrat Mahdi. Nasusulat na habang siya ay higit pang pinagpapapalo ng mga tao sa kanyang likod, ang bunga nito ay higit pa ngang lumalaki o lumalapad ang kanyang likod. Ito na nga, ang gawa ng dajjal na pagpaparusa sa Hazrat Mahdi (as), sila ay magbabalak ng kasamaan, magbibigay-pahirap sa lahat ng anumang paraang mayroon sa panahon iyon. Lahat ng kaparaanan na naaari sa panahong iyon ay gagamitin nila sa buong lakas nito. Subali’t sa kabila ng mga ito ang Hazrat Mahdi (as) ay magpapatuloy  pa na maragdagan ang kanyang lakas, at gaya na nga ng nabanggit ni Said Nursi, ang mga tao ay aabot na sa sukdulang galit at isisigaw ang mga katagang “Tama na ito!” at itataas nila ang Hazrat Mahdi (as) bilang kanilang likas na lider ispirituwal. At bilang tugon dito, ang Hazrat Mahdi (as) ay magbubukas naman sa daan ng katotohanan. Na ang lahat ay walang ibang pagmumulan kundi ang katotohanan.

]]>
http://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/34061/paano-makikilala-ang-hazrat-mahdihttp://tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/34061/paano-makikilala-ang-hazrat-mahdiSun, 14 Nov 2010 23:00:19 +0200